Halos mabitiwan ni Chi-chi ang hawak na kahon nang makita ang laman niyon. Pictures. Pictures of Nick and a very beautiful girl. This must be Mama Bear. Nakaramdam siya ng paninikip sa dibdib.
Tama si Shan, kung mas maaga niyang nakita ang larawang iyon ni Mama Bear ay baka hindi man lang sumagi sa isip niya ang sabihing bulag at walang taste sa babae si Nick. Why, the woman's face was epic. Ka-level nito ang kagandahan ng mga dyosa.
Bakit nga ba siya nasasaktan? Eh ano kung masaya sila ni Nick sa larawan? Eh ano kung bagay na bagay ang dalawa? At ano nga ba ang paki-alam niya kung kitang-kita sa larawan ang nag-uumapaw na pagmamahal ni Nick para sa asawa?
Malungkot siyang napa-upo. Muling pinagmasdan ang larawan ni Nick. He was so different in those pictures. Napakasaya nito. Laging nakangiti.
Ibang-iba sa Nick na nakilala niya ngayon. Sa Nick na hindi marunong ngumiti ng kagaya sa lalaki sa larawan. Si Nick na suplado at hindi man lang makikitaan ng kalambutan. He was laughing at her at times, yes, pero hindi maikukumpara ang ngiti sa mga labi't mga mata nito ang nakikita niya ngayon sa larawan.
He must have loved her so much.
Malungkot siyang napangiti nang makita ang larawan nina Nick at Mama Bear kasama ang mga bata. They looked perfect together. A happy family everyone must have been wishing for to have. Hindi niya napigilan ang sariling mainggit.
Napadako ang tingin niya sa particular na larawang iyon.
It was Nick and his wife...kissing each other.
Napahikbi siya. Bakit ngayon pa niya narealize na mahal na niya ang mokong na si Nick? She even thought she hated him. Pero ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ang nagpatunay na mahal na niya ang lalaki.
Napalinga siya sa paligid. The room was full of his wife's picture. Sharon. Nakaukit ang pangalang iyon sa isang malaking portrait sa gitna ng kwartong iyon. "Sharon." ulit niya. So, that was his wife's name.
Inayos niya ang kahon. Maingat na ibinalik ang mga larawang laman niyon bago tinahak ang daan patungo sa matarik na hagdan. Patungo sa madilim na bahaging iyon...patungo sa piling ni Nick. Mapait siyang napangiti.
Hustong nakabalik siya sa mahiwang pinto ng biglang bumukas iyon.
"Thank God they're finally gone." nakangiting sabi ni Nick. Inalalayan siya nitong makalabas ng maliit na pinto. His smile was different. Still different from those pictures. Marahil ay nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ni Sharon?
Diretsong tinungo niya ang pinto ng kwarto. Palabas na siya nang hustong mahawakan siya ni Nick sa braso.
"Hey, where are you going?"
"Back to the living room." malamig niyang sagot.
"Err... y-you can stay here for the night if you want to."
"I have to go."
"What's happened? Galit ka ba dahil pinilit kitang pumasok sa maliit na pinto ng cabinet? I'm sorry okay? I just had no choice." paliwanag nito.
"I'm tired."
Nagtatakang tinitigan siya nito.
"Please Nick, let me go." Alinlangang tumabi ito upang pagbuksan siya ng pinto.
Hindi niya alam, pero mas tamang isipin niyang she's letting him go. She knew, that from that moment on, sisimulan na niyang layuan si Nick. For Sharon...and for her. She sighed. She can't be Sharon, she's still the same old Chi-chi that everybody hates. She can't be loved, not by anyone, especially not by Nick. Not even by her own selfish self.
***
"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" tigas ang tanggi ni Shan na kumain ng hapong iyon. Natigilan siya. Kahit ako, ayokong kumain! Ipinilig niya ang ulo. This is no time for her to join the brat's tantrums. Kahit pa naiinis siya kay Nick!
"Come on, magugutom ka. Just try this." Pilit ni Chi-chi. Kinuha niya ang kutsara at naglagay ng afritada't kanin doon. Sinubukan niyang isubo iyon kay Shan.
"I said no! Hindi ako kakain hangga't hindi dumarating si daddy!" tuluyan na itong umiyak. Sa unang pagkakataon ay nahabag siya rito. She had always hated Shan. Sa bahay na iyon ay si Shan ang ultimate kontrabida pagdating sa kanya. It's not that Nick and Shin weren't kontrabida's.
Lagi lang kasi itong gumagawa ng paraan para inisin siya. Naroon nang minsang naglagay ito ng ipis sa unan niya. Nilagyan ng langgam ang damit niya. Takutin siya tuwing gabi. At kung anu-ano pang nakakakilabot na pangloloko't pang-aapi.
Minsan ay mabait si Shin sa kanya. Lagi raw itong tinatamad na asarin siya. She doubted that. Alam niyang nagugustuhan nito ang mga recipe niya. At si Nick? Argh! Naiinis pa rin sya rito.
She hates him more than she hates ipis! At least, that's what she's been trying to tell her rigid mind. Halos dalawang araw na rin niyang iniiwasan ang binata sa pamamagitan ng pagsusungit rito.
"Mayamaya lang ay darating na rin siya." Sabi na lang niya.
"Dapat kasi nakauwi na siya ngayon eh. It's getting late!"
She sighed. Maging siya ay nag-aalala na kay Nick. Dumidilim na ngunit wala pa rin ito. Ito ang unang pagkakataong umalis ng bahay si Nick ng ganoong katagal. She hoped that nothing bad happened. Bigla niyang nakalimutan ang galit.
"Okay, after eating, sasamahan kitang umupo malapit sa door. Hihintayin natin ang daddy mo." Kahit siya ay napangiwi sa ideya niyang iyon. What a lame idea.
Humalukipkip lamang si Shan. Samantalang si Shin ay tahimik na kumakain. Ngunit di tulad ng dati ay konti lang ang laman ng plato nito.
"Okay, alam ko na! Why don't we go to the living room? Manood tayo ng movie. Diba maraming kayong DVD's doon? Detective Conan? Hindi ba favorite niyo si Shinichi?"
Walang sumagot. Walang reaksiyon.
"Errr... kakantahan ko kayo?"
Sabay na napatingin ang dalawang bata sa kanya.
"Si Papa Bear ay malakas, si Mama Bear ay maganda, si Baby bear ay napakaliksi, tignan niyo, tignan niyo, ang saya nila!" halos matumba na siya sa kaka-ikot. Limang beses na niyang kinakanta iyon. Kung hindi lang magaan sa pakiramdam ang makitang tumatawa at masaya ang kambal ay nungka niyang gagawin ang bagay na iyon.
"Isa pa! Isa pa!!" rekwes ni Shan.
"Oh come on, five times ko ng kinakanta yun." reklamo niya.
"Then, change your steps again. Gusto ko mag-ocho ocho ka naman." ani Shin na tawang-tawa rin sa kanta niya. Ah, oo nga pala. Sing ang dance ang talent niya ngayon. Napailing siya.
"Game!" aniya. Natatawang sinabayan pa siya ng kambal sa pagkanta. Lumapit siya sa mga ito at inabot ang mga kamay nila. Game ding ginaya ng dalawa ang nakakatawang dance steps niya.
Napuno ng matitinis na tili ang bahay na iyon ng biglang naisipan ni Chi-chi na kilitiin ang kambal. Mayamaya pa'y iyong throw pillow naman ang napagdiskitahan nila. Nagkaroon ng pillow fight—isang masaya at nakakatuwang laro na namiss niyang gawin kasama si Mani—ang yaya niya. Pinalis niya ang lungkot sa isiping iyon. Isang hampas sa mukha ang muling nagpabalik sa sigla niya.
Halos mabitiwan ni Nick ang mga dalang shopping bags dahil sa naabutang eksena. His twins were happily playing pillow fight with Chi-chi! Sabay-sabay pang kumakanta ang mga ito—ng kantang noon lang niya narinig. Puro bears lang ang naintindihan niya sa lyrics.
Bears. Napangiti siya. Iyon ang tingin ni Chi-chi sa kanila. Pamilya oso daw sila. Mababangis na oso sa kagubatang iyon. Napatingin siya sa dalaga. She's getting along with his kids now. Hindi na niya halos naririnig ang pagtatalo ng mga ito. Chi-chi's childishness somehow was useful and cute.
Kung noong una ay naiirita siya sa tuwing pinapatulan nito ang mga bata, ngayon ay natutuwa na siya. His kids, who never had playmates before found one in Chi-chi's human form. A mother-figure. Natigilan siya sa naisip. What the hell is he thinking?
Pero simula ng may muntik na mangyari sa kanila at pinilit niya itong itago sa cabinet ay nagbago itong bigla. She had been very aloof. Tila lagi itong galit sa kanya na hindi naman niya maintindihan kung bakit.
"Ang saya niyo yata?"
Natigil ang tangkang pagsasagupaan ng mga unan ng marinig nina Chi-chi ang sinabing iyon ni Nick.
Napalundag ang puso niya!
Pakiramdam niya ay sobrang namiss niya ang binata. Namiss? Yeah, she hates to admit it but it's true. Sa halos buong araw na wala ito ay napagtanto niyang namiss niya ang binata. What's wrong with her? Hindi ba't dapat na niya itong iwasan?
"Daddy!" tuwang-tuwang lumapit ang kambal sa kanilang ama at niyakap ito.
She felt sad. Sana ay may karapatan ding siyang yakapin ito, kagaya ng mga bata. To show her that she also missed him. She sighed. Hindi pwede. Because for Nick, she was just a girl friday and a nanny who should always do what he says. And she isn't Sharon. Ni hindi siya maaaring maikompara sa asawa nito.
"Para sa'yo."
Nagtatakang inabot niya ang paper bags na inabot sa kanya ni Nick. Mga damit ang laman niyon.
"Daddy, you should have told us that you went to go shopping. Nag-alala pa naman kami sa'yo. Kung alam ko lang e di sana kumain muna ako bago nakipaglaro kay tita Chi-chi." maktol ni Shan.
"I'm sorry, tulog pa kasi kayo nung umalis ako."
"Mabuti na lang po at maganda itong dress na nabili mo. Isusukat ko po lang sa kwarto." nakangising sabi ni Shan.
"Ako rin po." ani Shin. Nag-uunahang umakyat sa kwarto ang kambal.
"So, did you like it?" mayamaya'y binalingan siya ni Nick.
Binuksan niya ang bag. Nakita niya ang isang napakagandang dress sa loob niyon. Nakangiting inilabas niya iyon at binistahan. Pagkunwa'y mabilis rin siyang napasimangot.
"Okay lang."
"Okay lang?"
"Thanks." aniya. Kinuha niya ang damit at muli iyong ibinalik sa paper bag. Pagkunwa'y nilagpasan si Nick at nagtungo sa kusina.
"Teka, ano ba'ng problema mo? Bakit ba bigla ka na naman nagsusungit? Ako na nga itong nagpapakabait sa'yo ah!" sumunod si Nick sa kanya.
"Unang-una, hindi ko hiniling na magpakabait ka sakin. Pangalawa, hindi ako masungit at pangatlo, kumain ka na dahil kanina pa malamig iyong niluto ko."
Padabog itong naupo sa dining table.
"Ipaghain mo ako." utos nito.
Tahimik siyang sumunod. Ramdam na ramdam niya ang nagbabagang titig nito mula sa kanyang likuran. Tila sinusundan ang bawat galaw niya.
"San ka nagshopping? Tsaka bakit hindi na mag-aalala ang mga bata kung sakaling sinabi mo na magsho-shopping ka?" iniba niya ang usapan. Nagsandok siya ng kanin at inihain iyon sa harap nito. Isinunod niyang ipinaghain ito ng aftrida.
"Nagpunta ako sa bayan. Weekly akong umaalis ng bahay para mamili ng pagkain at para na rin sa mga pang-araw araw na pangangailan."
"Ah..." natahimik siya. He was staring.
Katahimikan.
"Ano'ng laman nitong isang paper bag?" she broke the silence. Hindi niya matagalan ang kakaibang titig nito. Napaka-weak mo talaga Chi-chi!
"Tignan mo." napangisi ito. Nagdududang binuksan niya ang bag at inilabas ang laman niyon.
Napa-oh siya ng makita ang laman ng bag.
UNDERWEARS!
Dagli niyang ibinalik sa bag ang hawak na bra.
"Oh bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" natatawang ani Nick.
"Ikaw ang bumili nito? How'd you know my size?" nilangkapan niya ng galit ang boses upang itago ang pagkapahiya.
"Secret."
"Ikaw talaga!" inis na binato niya ito ng sandok. Kukunin niya pa sana ang isa pang sandok nang biglang may tumikhim mula sa pinto ng kusina.
"AHEM!" sabay na natigilan sina Nick at Chi-chi nang marinig ang malakas na pagtikhim ng kambal.
"Ikaw talaga!" maarteng inulit ni Shan ang sinabi niya. Pa-cute na ngumisi si Shin na ginaya naman ang ama. She blushed.
"Si Papa Bear ay nagpapa-cute, si Mama Bear ay kinikilig, ang mga Baby bears ay natatawa, tignan niyo, tignan niyo, ang sweet nila!" nang-aasar na pinalitan ni Shan ang lyrics ng kanta niya. Ang lakas ng tawa ni Shin. Mabilis ang ginawang pagtakbo ng kambal nang akmang susugurin sila ng ama. Namumulang iniwan niya ang nakangising si Nick sa kusina.
**************
"Ang ganda ng stars diba?" tanong ni Nick. Nasa labas sila bahay ng gabing iyon. They were silently watching the stars above. Inayos niya ang pag-upo sa maliit na bangko. They're having bon fire tonight. At ang mga bata ay nasa loob ng bahay upang kumuha ng snack nila.
"Yeah." aniyang ginaya si Nick at tumingala rin sa langit.
"Siguro naman hindi mo ako susungitan ngayon?"
Matalim ang matang nilingon niya ito. She sighed. Muli siyang napatingala sa langit.
"I wonder how your life outside this forest was. I mean, before you got stuck with us." nilingon siya ni Nick.
"Like what you always said, I am a witch." direktang sagot niya.
"Hey, I'm serious."
"I'm everybody's enemy." patuloy niya. Nick fell silent.
"You know what? Your kids are still lucky to have you. Maaga akong naulila. My mom and dad died when I was four, so I don't really have good memories with them. Then my Lola left me too. I had been a bad kid eversince. Please don't make them be like me." nagkalambong ang mga mata niya.
"Chi-chi..."
"My grandparents took care of me when my parents died. I thought I was happy then. Siyempre, hindi ko naman maalala ang parents ko noon. Until my grandamother died when I was twelve. Everything changed. My Lolo, who used to be very sweet and kind to me has suddenly changed. He was always drunk and keeps on playing mahjong. I blamed God for everything. I was bad, diba?" she tried to joke about it.
Naawang pinagmasdan siya ni Nick.
"I was envious of my friends and cousins, of everybody. Lahat sila may mommy at daddy. Ako lang ang wala. At dahil hindi na ako pinapansin ng Lolo ko, I did everything to despise him. I got rebellious. Galit na galit ako sa lahat ng masaya sa buhay. I'm a jealous witch that everybody hates."
"We don't hate you." Hinawakan ni Nick ang kamay niya.
I wish it were true. She tried to smile.
"It's true. I don't hate you...anymore." ulit ni Nick.
"Me too. I think I like you." Biglang sumingit si Shan sa kanila.
"A-huh! I like you as much as I loved your gazpacho!" ngumisi si Shin.
Hindi na napigilan pa ni Chi-chi ang mapaluha. For the first time in her life, may tumanggap sa kanya—bilang siya at hindi bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Legazpi. In three weeks time, magiging pormal na ang pagiging ganap niyang prinsesa.
According to her mother's will, she'll be receiving all the assets and businesses of her mother's family. Her lolo hated her mom for ruining her father's career when she married him. Kaya ba mas nanaisin pa nitong ipakasal siya kay Hajii para mapakinabangan siya kesa ang mas malaking perang maaari nitong makuha mula sa mana ng kanyang mama?
"Hey, nandito tayo para magrelax. Stop crying. Hindi bagay sa witch ang umiiyak." Natatawang saway ni Nick sa pagdradrama niya.
"Ang ganda ko namang witch!"
Nagkatawanan sila. Biglang yumakap sina Shin at Shan sa kanya na totoong ikinagulat niya. She was touched. Pinigilan niya ang muling mapaiyak. Ang saya ng pakiramdam niya. She saw Nick winked at him. She gave him a very sweet smile.