"Gising na." isang mahinang tapik sa mukha ang pumutol sa maikling tulog ni Chi-chi. Napaungol siya. She felt so tired.
"Argh...ano ba, natutulog pa 'yung tao eh!" pinalis niya ang kamay na tumampal sa makinis niyang mukha.
"Tanghali na." muli siyang tinampal sa mukha.
"Ano ba Yaya Mani, it's too early! Offices aren't open yet!" nagtalukbong siya ng kumot.
"But cooking for breakfast should be this early. And I am not your Yaya Mani."
She froze. Breakfast? Urgh! Then she remembered everything.
"Dammit Nick! Hindi ba masyado pang maaga para mambwisit ka ng kapwa mo?" asik niya.
"Kapag hindi ka pa tumayo diyan, bubuhatin kita't ako na mismo ang magpapaligo sa'yo sa banyo."
"Fine!! Tatayo na! I hate you!" napipilitang umahon siya mula sa pagkakahiga sa sofa. How she hated this man. Padabog niyang tinungo ang banyo. At mas lalong kumulo ang dugo niya ng marinig ang nang-aasar na tawa ng hudyo!
Napalabi si Chi-chi nang iniabot sa kanya ni Nick ang isang timbang may lamang tubig. Katatapos niya lang magluto at maghugas ng mga pinggan. Isusumbong kita sa Yaya Mani ko!
"Ano'ng gagawin ko rito?"
"Ano'ng klaseng tanong yan? Here..." binigay ni Nick ang hawak na pamunas sa kanya. "Linisin mo ang buong bahay. Lalong lalo na tong floor." anito.
"Ha?" gulat na napatitig si Chi-chi sa hawak na punas at sa isang timbang tubig na nasa harapan niya. She had no idea on what to do with those things. Mabilis niyang sinundan si Nick na nagtungo sa likod ng bahay upang magsibak ng kahoy.
Para lamang pala matigilan.
Nick was there. Walang damit pang-itaas, kagaya ng una niya itong makita. Ang ganda talaga ng katawan ng hudyo! Yummy! Ipinilig niya ang ulo. Kelan pa siya nagkaroon ng ganoong klaseng pagtingin para rito?
"Yang laway mo, malapit ng tumulo." nakangising sabi ni Nick.
"Pwede ba! Akala mo naman kung sino kang sexy kung makapag-top less ka diyan. Sus." angil niya rito. Humalukipkip siya. Damn! Hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ang nakakalokang bodylicious nito! Sana naging pawis na lang siya. Oh my golay Chi-chi, umayos ka!
"Eh bakit mo ako sinundan dito?" ibinaba nito ang hawak na palakol at hinarap siya.
"Eh kasi, hindi ko alam ang gagawin ko sa pamunas at timbang may tubig." napayuko siya. She can't look at him. Nakakahiya!
"Hindi mo alam?"
"Bingi ka? Ay hindi, alam ko. Alam ko kaya nga hindi ako sumunod sa'yo rito para magtanong eh."
"Eh bat ang taray mo? Ikaw na nga itong humihingi ng tulong."
"Para ka kasing ewan, paulit ulit!"
Tinitigan siya nito.
"Okay, halika, sumunod ka sakin."
Kinuha ni Nick ang pamunas hustong makabalik sila sa loob ng bahay. Nakamata lamang siya rito. Mababaliw na talaga siya. Lalo na't nahagip ng ilong niya ang nakaka-aning na amoy nito. Parang gusto niya tuloy dagukan ang sarili. Maghunus-dili ka Chi-chi!
"Alam mo naman na siguro ang gamit ng pamunas ano?" baling nito sa kanya.
"Ano'ng akala mo sa'kin, mangmang?" umirap siya.
Tinignan siya nito ng masama. Mukhang nauubusan na rin ito ng pasensya. Lihim siyang napangiti. He looked hotter when he's angry.
Isinawsaw nito ang punas sa timbang napag-alaman niyang may halong kung anong sabon 'yung tubig sa loob niyon. Pagkunwa'y ikinuskos nito ang pamunas sa hawakan ng hagdan.
"As simple as that, ipupunas mo lang ito sa mga bagay na lilinisan mo. Siguraduhin mong malinis. Paulit ulit ang pagpupunas dito. After mong mapunasan ng may sabon, kunin mo iyong punas na isa at punasan mo pa ulit para mas malinis. Kuha mo ba mahal na prinsesa?"
"Teka, bakit naman—"
"Lahat dapat malinis, pati iyong hawakan sa hagdan, linisin mo." anito sabay labas ng pinto. Naiwan siyang nakatulala sa iniwan nitong trabaho para sa kanya. This isn't happening! Napasalampak siya sa sahig. Inis na nagsisisigaw siya!
Napalingon si Chi-chi sa orasan. Eleven thirty na. Halos halos apat na oras na siyang nagpupunas ng sahig. Isinusumpa niyang nakilala pa niya ang walanghiyang oso na yun! Magbabayad ka sakin Nick! Gigil na ikinuskus niya ang pamunas sa sahig.
Nagtatakang napatigil siya sa pagpupunas nang mapansing parang bigla na namang dumami ang dumi sa sahig. Natapos na niyang punasan ang bahaging iyon ah. Walang nagawang pinunasan niya na lang ulit iyon.
Akmang pupunasan niya ulit ang sahig nang bigla niyang mapansing nagkaroon na naman ng dumi ang bahaging kapupunas lang niya. Nagduda na siya. Dahan-dahan siyang napalingon sa likuran niya.
At kitang-kita niya ang akmang palalagay ni Shan ng buhangin sa pinupunasan niyang sahig! Kaya pala hindi na siya natapos tapos sa paglilinis doon!
"Ano ka ba! Nakikita mong naglilinis 'yung tao eh!" sita nita.
"Oh, I'm sorry. We were just having a good time." tila nakakaloko pang sagot nito. Nag-apiran pa ang kambal bago umalis. Kaya mas lalong uminit ang ulo niya.
"Hindi pa ba tapos yan? Late na oh, magluluto ka pa ng pananghalian." Kumukulo na ang dugo niya pero nagawa pang sumingit ng talipandas na si Nick! Mababaliw na siya!
***
Umiiyak na napatingin si Chi-chi sa kamay niyang puro sugat. Grabe namang parusa ito. Ganoon na ba kalaki ang kasalanang nagawa niya sa mundong ito?
Halos buong araw na siyang nagtra-trabaho sa bahay na iyon. Everything gets worse. Napahikbi siya. I hate this life!
Inihiga niya ang pagal na katawan sa maliit na sofa. Saktong kasya lamang siya roon. Hindi kagaya ng queen-sized bed niya sa kanilang mansion na kahit tatlong tao ay kasya. She sighed. Sana hindi na lang siya dumalo sa party ni Mayor Sandejoval. Sana hindi na lang niya pinansin si Hajii. E di sana nasa bahay pa siya ngayon at masaya sa buhay niya.
Muli siyang napaiyak.
Biglang natigil ang pag-eemote niya nang makarinig siya ng mahinang kaluskos. Napalinga siya sa paligid. Good thing she didn't switch off the lights. Napaupo siya. Pinapakiramdaman ang dahan-dahang paggalaw ng kung anumang bagay na iyon.
Kinakabahang kinuha niya ang unan sa tabi niya at niyakap iyon. What's happening? Oh God, what's happening? Natatarantang napalinga siya sa paligid. Should she call Nick?
Isang nakakabuhay ng diwang sigaw ang umalpas sa lalamunan ni Chi-chi nang makita kung ano iyong bagay na kumakaluskos na narinig niya kanina. Ipis!
Parang baliw na nagtatatalon siya sa ibabaw ng sofa. Diring-diri siya sa ipis. Di bale nang makakita siya ng multo kesa ipis. She hated insects. She had entomophobia—fear for insects. Argh! This house is hell!
"Ano bang kaguluhan ito? Bakit ka sumisigaw? Gabing-gabi na." Ani Nick na halatang bagong gising. Mabuti pa ito, bagong gising. Samantalang siya ay hindi pa nakakatulog.
Muli siyang nagpakawala ng isang malakas na sigaw bago napatakbo at napayakap kay Nick nang makitang gumalaw ang ipis sa sahig. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa binata.
"Oh my gosh! I'm going to die! I'm going to die!" nagsisisigaw siya.
"Come on, ipis lang yan." sabi ni Nick.
"I don't wanna see that ipis!" nanginginig na sabi niya.
"You're trembling." gulat na puna ni Nick. Pagkunwa'y binuhat siya nito at dinala sa kwarto. "There you go. Wala ng ipis."
Napaiyak siya. Pakiramdam niya ay aping-api siya sa bahay na iyon. Pati mga insekto ay kasama sa pang-aasar sa kanya. Grabe naman, hindi kaya kina-karma na ako?
"Tama na. Wala ng ipis oh." alo ni Nick sa dalaga. Lumapit ito at hinaplos sa likod si Chi-chi. Unti-unting nawala ang takot sa dibdib niya.
"Are you okay now?" masuyong tanong nito.
"Y-yeah." hinihingal na sagot niya.
"Don't tell me, my entomophobia ka?" amused na usisa nito.
"Pwede ba, walang nakakatawa sa pagkakaroon ng entomophobia!" asik niya.
"So, the witch was afraid of insects huh?"
"Shut up!"
"Ako ang knight in shining armor mo pero kung awayin mo ako ganon ganon na lang?"
"Malay ko ba kung baka pakana mo lang yung tungkol sa ipis na iyon?" nagdududang napatitig siya rito.
"Sus. Sa gwapo kong ito, hindi na kailangan ng mga desperadong hakbang na kagaya ng iniisip mo. At isa pa, hindi naman kita type. Kahit pa maghubad ka sa harap ko ay hindi ako magnanasa sa'yo."
"Aba! Hari ka talaga ng kayabangan ano?" galit na lumayo siya rito. Ang kapal!
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Napangisi ito. Why, Nick had never been this thrilled to see a woman's angry face like Chi-chi's. He loved how her moods change in an instant.
"Talaga? Kahit maghubad ako ngayon, hindi mo ako papatulan?" Chi-chi seductively winked at him. Kung hindi niya sana napansin ang pagsunod ng nag-aalab na tingin nito sa legs niya noon ay baka naniwala pa siya. Hindi pala papatulan ha!
Nakita niya nang biglang natigilan si Nick.
Dahan dahan siyang lumapit rito. Napaatras si Nick. She grinned. Mas lalong lumakas ang loob na lumapit sa lalaki. What is she doing? Talaga bang gusto lang niya itong asarin? O baka naman gusto niya lang talaga ito? She didn't want to know.
"W-wait."
"Why, are you afraid of this witch?" ngumisi siya.
"O-of course not."
Kitang kita niya ng napalunok ito. Ang lakas ng tawa niya. This guy's hilarious. One moment his powerful and another moment his like a high schooler. Natatawang naupo siya sa kama. She can't stop laughing! For the first time ay nagawa niya itong mapaglaruan. Hindi pa nakuntento ay parang baliw na nagpagulong-gulong siya sa kama habang malakas na tumatawa. She just can't believe it!
********************
Nick couldn't believe what had just happened. He got pwned by the witch! At ngayon ay pinagtatawanan siya nito! Napalunok siya. Damn! Hindi parin nawawala ang init na nadarama niya ng mga sandaling iyon. May nagfla-flag ceremony!
Alam ba ng babaeng ito ang pinasok niya?
"I'm giving you three seconds to leave this room, you little witch."
"Why? Ganon ka katakot sakin?" sa halip ay tanong nito.
He silently cursed himself for bringing the witch inside his room. Hindi niya maipapangakong makakapagpigil pa siya. This woman's driving him crazy!
"One."
"Sus. Countdown?" ang lakas pa rin ng tawa nito.
"Two."
She didn't stop.
"Three."
"So, what now?" pinagtaasan siya nito ng kilay.
"Don't ever tell me that I didn't warn you about this." At sa isang iglap ay nakakulong na sa mga bisig niya ang gulat na gulat na dalaga! He is not a saint!
***
The word shocked is an understatement. Parang nasabugan ng bomba sa ulo ang pakiramdam ni Chi-chi sa oras na dumikit ang labi ni Nick sa kanyang nanginginig na mga labi. Pakiramdam niya ay para siyang gumegewang na gusali na anumang sandali ay bigla na lamang babagsak. What's happening?
"I told you to go out and leave me alone but you didn't. This is a lesson you should learn lady, never play with fire if you don't wanna get burnt."
She was speechless.
"And now, I'm gonna give you a lesson you'll never forget."
Muling bumaba ang mga labi ni Nick sa kanya. "What's wrong with you Chi-chi? Don't let him do this to you!" nagpupumiglas ang isip niya sa ginagawa nito. But her body seemed to be too numb to move.
"I'm giving you one more chance, please tell me to stop now. If you won't, there'll be no stopping." Bulong nito. Tila hirap na hirap itong tumitig sa kanya.
She couldn't speak. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya at tila hindi niya magawang magpumiglas sa nananamantalang mga kamay at labi nito. There's a tiny voice inside her that tells her to stop. But something louder tells her not to.
She felt his lips capture hers once more. It was slow, penetrating. Hindi niya alam kung paano, pero nagawa niyang tumugon sa nag-aalab na halik nito. Mas lalong naging mapusok ang pananalasa ng mga labi nito.
As if giving him more access, she opened her mouth.
"You're driving me crazy you little witch!"
Hindi niya nagawang tumutol nang dahan-dahan siyang ihiga ni Nick sa kama. Kung ang lahat ng iyon ay panaginip lamang, hindi na niya nanaisin pang gumising.
Nick's lips went down to her neck. Nanalasa ito sa makinis niyang lalamunan at nagtagal sa dakong iyon. Umakyat iyon papunta sa kanyang tenga. He teasingly bit her left earlobe. Napaliyad siya.
"Oh Nick."
He was about to take off her clothes when somebody knocked on the door.
"Daddy? Daddy? Are you there?" sigaw ng matinis na boses na iyon ni Shan.
Kahit kailan talaga ay kontra-bida sa buhay niya ang Shan na iyon! She swear she's gonna kill her later!
Mabilis na tumayo si Nick at iniwan siyang gulat at bahagyang hinihingal sa kama. Napamura pa ito bago mabilis na inayos ang sarili. Pagkunwa'y binalingan siya nito at inutusang ayusin na rin ang sarili.
"Y-yes honey?" sabi nito. Bahagya itong lumapit malapit sa pinto.
"I think the witch had gone crazy, she's not in the living room. Have you seen her run out of the door?"
"H-ha? Err... no? I just heard a very irksome scream. Why?"
Irksome scream pala ha?! Inis na binato niya ng unan si Nick.
"Why don't you open the door daddy?" mayamaya'y tanong ni Shin.
Halos sabay pa silang pinanlakihan ng mata ni Nick. She told him not to open it. Dahan dahan siyang tumayo upang pigilan ito sa pagbubukas ng pinto.
"Come here, get inside this door and do not open it until I tell you to." He motioned her until they reached the cabinet.
"What??! You're planning to stuck me inside this cabinet?!" napaatras siya. Hindi siya kakasya sa cabinet na iyon, liban na lang kung hahatiin nito ang katawan niya. Kinilabutan siya na naisip.
"Dammit! Just do what I say." Mabilis nitong binuksan ang pinto ng cabinet at bigla siyang itinulak papasok roon.
Sa isang iglap ay naroon na siya sa isang madilim na lugar. Natutop niya ang bibig. The place was unbelievably huge! Patunay niyon ang matarik na hagdan pababa. Kahit natatakot ay pumanaog siya. The place seemed to look brighter and brighter as she walked closer to the bottom.
Napasinghap siya ng makita kung ano ang nasa dulo ng hagdang iyon. A laboratory? Painot-inot siyang lumapit sa mga kakaibang bagay na naroon. She found so many television screens and many other weird gadgets. Hi-tech!
Lumapit siya sa mesang nasa gitna niyon. There she saw that weird box. Kulay ginto iyon. She slowly carried the little box. Tahimik niyang nahiling na sana ay hindi iyon kagaya ng Pandora box. Napaka-imaginative niya talaga. Paano na namang nasingit ang Pandora box sa isip niya? Alangan namang nasa loob niyon ang kasamaan sa mundo? Ha! Nais niyang matawa.
Pero ang totoo, hindi niya maintindihan kung bakit tila may mumunting tinig ang nangsasabi sa kanyang huwag niyang bubuksan ang gintong kahon na iyon. But she couldn't careless. Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag hindi niya nakita ang laman niyon.
Dahan dahan...binuksan niya ang gintong kahon, upang makita lamang pala ang bagay na magdudulot sa kanya ng sobrang sakit.