Donna
"Ewan ko ba anong nangyayari sa akin alam mo yung di ka naman ganun sa kanya dati, tapos isang iglap nagbago lahat." frustrated na sabi ni Gabriela.
"Nagdadalaga ka na Besh!" pang-aasar ko.
"Geh, mang-asar ka pa Donna!" inis na sigaw niya sa akin.
I knew this day would come kung kelan maiinlove ang kaibigan ko at kelangan niya ng fairy god beshy tulad ko.
"Di sabihin mo, Papa Xavier gusto ko ng kiss! Ganern!" suhestiyon ko sa kanya.
"Gusto mo sapak Donna?" nagbabantang sabi niya sa akin.
Di ko na alam kung Maria Clara ba o Katipunera ang kaibigan kong 'to.
I'm happy for her, ang tagal din bago narealize na gusto niya si Xavier in a romantic way. Ang slow din kasi minsan ang old fashioned pa, may mga panininiwala siya na siya na lang ata ang naniniwala.
"Ewan ko sa'yo Gabriela," sabi ko na lang.
"Bagay ba kami sa isa't-isa? Di ba masyado siyang gwapo para sa isang tulad ko?" nag-aalalang tanong niya.
Ang laki ng problema niya, ang baba ng kumpyansa sa sarili at ang bonggacious ng level of comparison niya.
"Alam mo di kayo bagay." Nagulat siya sa sinabi ko at nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin.
"Yan, ang sasabihin ng mga taong di kayo kilala at ng mga taong fashionista besh," dugtong ko bago pa siya mag-isip ng kung ano.
"Masyado mong iniisip ang sasabihin ng iba, kalerkey ka besh." Irap ko sa kanya.
"Eh hindi naman talaga kami bagay ni Xi," sabi niya gamit ang medyo malungkot na boses.
Ang Katipunera nag-drama.
"Tingin mo ba may pakielam si Xavier kung bagay kayo o hindi? Sabunutan kaya kita," banta ko sa kanya.
"Gusto ko lang naman na at lease pumantay sa kanya," pag amin nito.
I need to be honest with her.
"Hmmm, kung mapilit ka, start with your fashion sense besh. Mukha ka talagang di secretary. Pero you should change for yourself not for anyone else," paalala ko sa kanya.
Tinanguan niya lamang ako.
She's insecure, akalain mo yun? Pwede rin pala maiinsecure ang baklitang ito. Kunwari walang pakeelam pero di naman talaga.
"Besh i-make over mo nga ako," biglang sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso na talaga siya, for her to ask for my help. Bigla akong na-excite.
"Besh, your in good hands." I assured her.
"Ano ka, metrobank?" basag niya sa akin.
...
Gabriela
"Bakit nandito tayo?" takang tanong ko kay Donna.
"Malamang bibili ng damit mo?"nanunuyang sabi niya.
Alam kong nasa department store kami ng isang mall, malamang bibili kami ng damit, pero bakit dito?
"Dito ka namimili ng damit mo?"tanong ko na lang sa kanya.
"Siyempre," pagyayabang niya.
"Langya! baka manobre na lang ako sa jeep 'pag dito tayo bumili ng damit," reklamo ko sa kanya.
Totoo yun, kaloka di ko kaya mamili dito. Isa lamang akong dukha at palamunin ng kuya ko.
"Sabunutan kaya kita? May sampung anak ka teh?" sarkastikong sabi nya sa akin.
"Di ba pwedeng sa ukay tayo bumili?" Suhestyon ko sa kanya. Sa isang damit na mabibili ko dito siguro naka-sampung damit na ako sa ukay-ukay.
"Besh, alam ko madaming good finds sa UK pero sa taste mo talaga ako walang tiwala," sabi niya sabay marahang tapik sa balikat ko.
Langya! Wala man lang bwelo. Direct to the point talaga?
"Grabe ang harsh,"'yon na lamang ang nasabi ko.
Nagkamali ata ako hiningan ng tulong. Puro pang-ookray lang matatanggap ko sa baklang ito.
"Saka may nagvolunteer tumulong sa atin," sabi niya.
"Ha?" takang tanong ko.
Sino naman kaya ang recruit ng baklang to? Kafederasyon niya?
"Andiyan na siya," tila kinikilig na sabi niya habang nakatingin sa isang direksyon.
Sinundan ko kung saan siya nakatingin, at nakita kong papalapit si Nick sa amin.
"Hi Donna," bati niya kay Donna.
"Hi Gabby," nakangiting bati rin niya sa akin.
Anong ginagawa ni Nick dito?
Hindi naman sa ayaw ko siyang makita, nagtataka lang.
Bawal ba 'yun?
"Ikaw ba ang recruit ni Donna? H'wag mo sabihing magkalahi na kayo ni Donna? real quick."
"Anong problema mo sa lahi ko, Gabriela?"pag-alma ni Donna na nakataas na ang isang kilay at naka pamewang na nakatingin sa akin.
"Kelan ka pa naging sensitive Bakla?" natatawang sabi ko.
Abnormal din ehh.
"You're getting the wrong idea, I'm not gay. Saka I know you need my help," confident na sabi niya.
"Paano mo nasabe?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba na may discount ako in all items for one year dito?"
"Wow! talaga?" manghang sabi ko.
Yun na lang lumabas sa bibig ko.
Diba? napakaswerte ng lalaking ito?
Di ko na lang tinanong paanong nangyari yun.
"Tapos?"
Di ko naiwasan mag-tunog sarcastic, Abnormal din talaga ako. Di bale sanay na siya sa akin.
"Anong tapos? Willing siya gamitin ang privilege niya para sa'yo besh. Slow mo din noh?"singit ni Donna
"Bakit?" di ko naiwasang itanong iyon.
Siyempre bakit niya gagawin yun?
"Because I want to," singit ni Nick sa usapan.
"Thank you sa offer, pero di ko matatanggap," tanggi ko.
Langya!
Gusto ko talagang tanggapin pero ayaw ko lumabas na user.
"Is it because of Xavier?" tanong niya.
Hala! paano nadamay sa usapan si Xi?
"Do you think he'll get jealous?" tanong niya ulit sa akin.
"Wala siyang kinalaman dito," mariin kong paliwanag.
"I have my reasons," dugtong ko pa.
Di na sila nakapalag ni Donna sa akin.
"Kung gusto mo tumulong, help me find the cheapest clothes that will look good on me," sabi ko na lang.
Andito na lang din siya at gusto niyang tumulong. I'll let him in a way that is acceptable to me.
"Let me pay for one thing you'll buy at least," sabi niya.
Napa-isip ako. Okay lang siguro 'yun, isa lang naman eh.
"Oo na, basta isa lang," paninigurado ko sa kanya.
"Aye! aye! Captain!" saludo niya sa akin.
Di ko alam kung ilang beses ako nag sukat ng damit kung hindi ako namamahalan sa pinapasuot nila ay naaasiwa naman ako sa kulay at design.Hindi nila ako hinayaang mag-isa magbayad sa counter dahil baka bigla ko daw iwan ang pinamili namin. Grabe sila walang katiwa-tiwala sa akin. Nanlalata kaming tatlo dahil sa pagod kaya naisipan muna naming kumain sa isang cafe.
"My treat na," prisinta ni Nick.
" Gora!" sabay naming pag-sangayon ni Donna.
Wala na rin naman akong energy para magprutesta. On our way nakasalubong namin si Ericka, she is shopping with her friends. Napatingin siya sa akin, siyempre tinignan ko din siya. Hindi ko na siya nakikitang nagpupunta sa office ni Xi.
Alam niya na ba ang relasyon namin ni Xi? Nasabi na ba ni Xi kaya siya umiiwas?
I saw her smile at my direction, ngingitian ko rin sana siya pero tinanggal na niya ang tingin niya sa akin hanggang sa lampasan na namin ang isa't-isa.
She effing smiled at me, real na real! Lakas maka nesfruta.
"Sa dami ng makakasalubong siya pa," reklamo ni Donna.
Napatingin tuloy ako sa kaibigan ko.
"G na G ka diyan, sayo ba ang mall bakla?" saway ko kay Donna.
"Aba, besh is that you? Kelan pa kayo naging mag-Bff?" tanong niya pabalik sa akin.
"Stop arguing, dalian na natin at ginugutom na ako," awat sa amin ni Nick.
Nasa gitna kami ng pagmemeryenda ay nag-CR muna si Donna kaya naiwan kami ni Nick sa table tsaka naman biglang tumawag si Xi.
...
"Gabe, how are you?" tanong niya sa akin.
"I'm fine, thank you. How about you?" pabirong sagot ko sa kanya.
"I miss you."
Langya! I miss you lang ang sinabi niya pero kinilig ako agad. Ang babaw mo Gabriela!
"Don't you miss me?" tanong niya nang di ako makasagot agad.
"Ewan ko sa'yo Xi," pambabara ko sa kanya.
"Did I make your heart flutter?" tila nagets niya agad ang dahilan ng hindi ko pag sasalita agad.
"Sige mang-asar ka pa!" sigaw ko sa kanya.
Dinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Lakas man-trip ehh.
"What are you doing?"
"Naglalakwatsa," sagot ko.
"With Donna? Should I start getting jealous of him?" tanong niya.
Isa pa'tong abnormal ehh.
"Kasama rin namin si Nick," pagpapaalam ko sa kanya.
"Why are you with him? Is he still making a move on you? Should I go there too?" walang hintong tanong niya.
"Thirdwheel ako sa date nila ni Donna," sagot ko sa kanya.
"Hoy Gabby anong kabal-balan pinag-sasasabi mo diyan kay Xavier?" sigaw ni Nick.
"Hoy Xavier! subukan mong maniwala diyan kay Gabby at sasapakin kita! Di kami talo ni Donna," banta ni Nick.
Natawa ako sa kalokohang ginawa ko.
"Ikaw anong pinagkakaabalahan mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"I'm busy thinking of you. Can I see you tonight?" bigla niyang tanong.
"Ha? Bakit?"
"Because I miss you so bad," sabi niya. Naiimagine ko tuloy ang nagpapaawang mukha niya habang sinasabi iyon.
"Adik! oo na sige na! Ba-bye na! Dinadaan mo na naman ako sa mga linya mo!" paalam ko sa kanya.
"See you later," paalam niya.
Pagbaba ko ng cellphone ay nakita ko si Donna at Nick na nakatingin sa akin. Di ko namalayang nakabalik na pala si Donna.
"Anong problema niyo?" takang tanong ko sa kanila.
"Ang obvious mo kiligin besh," sabi ni Donna pagkatapos ay sumipsip sa straw ng kanyang smoothie.
Si Nick naman ay pinipigilan ang pagtawa. Pagkatapos naming magmeryenda ay kanya-kanya na kaming uwi. Pagdating ko ng bahay ay andun naman si kuya na nanonood ng tv kasama si Goofy.
"Anong meron dami mo ata pinamili?" tanong niya sa akin.
"Hayaan mo kuya, dinekwat ko credit card mo para dito,"pabirong sabi ko sabay nagmadaling pumunta sa kwarto ko.
Sumampa ako sa kama at nahiga, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa naririnig kong kumakatok. Hindi iyon mula sa pinto kundi mula sa bintana.
Di na ako nagulat ng maaninag ko ang mukha ni Xi sa bintana. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang bitana para makapasok siya.
"'Yung totoo Xi wala bang pinto sa bahay niyo?" tanong ko na may halong panunuya.
"The fastest way to get to see you is thru your window," sabi niya habang papasok mula sa bintana.
"Pinagsasasabi mo Xi," natatawang sabi ko.
Muli akong sumampa sa kama ko at naupo roon.
"Gabi na, bakit nagpunta ka pa dito?" tanong ko sa kanya.
"I want to be with you. I told you I miss you," sabi niya tsaka naupo rin sa tabi ko tsaka sinandal ang ulo sa balikat ko.
Dear heart please behave.
Xi being this near made me tensed, kinakabahan na naman ako na parang ewan.
"May problema ba Xi?" tanong ko.
"I'm just pressured about work," sabi niya.
"Wow! bago yun ahh, si Xavier Villafranco napipressure?" pang-aasar ko sa kanya.
"I'm not always in my best Gabe," sabi niya.
"Kaya mo yan, ikaw pa ba."
"I also have my demons, but I hope you'll stay with me everytime."
"Gaano ba kabigat yan?" na-curious na tanong ko.
"Soon you will find out," sabi pa niya ayaw talaga sabihin.
"Ngayon mo na sabihin," pilit ko sa kanya.
"It's a surprise," sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Ewan ko sa'yo," simangot ko sa kanya.
"Why do you look cute when you're sulking?"
"Cute mo mukha mo," kunwari'y inis na sabi ko. Pero inis talaga ako.
"Wanna stroll outside? I will make up for keeping a surprise," sabi niya.
Kukulitin niya ako kapag tumanggi ako kaya sumama rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sa bintana kami dumaan palabas.
Ehh may pintuan naman?
Mabuti na lang at di ako napilayan sa ginawa namin alam ko na ang feeling ng akyat bahay pag paalis na sa ninakawang bahay.
"How was it, hanging out with Nick as a friend?" tanong niya habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.
"And with Donna," pag lilinaw ko.
"Okay lang, nag-lie low ang pambubully ko kay Nick," pag-amin ko.
"Ikaw wala ka bang time to hang out with friends?" tanong ko.
Wala nga ata siyang friends pero he acts friendly with clients.
"Why would I hang out with them, if I could hang out with you?"
Sabi ko nga, Shut up na ako.
Bigla na lang siyang natawa.
Hala! nabaliw na ang impakto.
"It's kinda weird walking and talking with you like this," Nakangiting sabi niya.
"Anong weird? ikaw lang ang weird," paglilinaw ko.
"Am I?"tanong niya.
"Alangan naman ako?"balik ko ng tanong.
"It felt weird but I'm happy," bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko.
Para akong malalagutan ng hininga sa ginagawa niya.
Ito nga ang tinatawag na kilig.
Di ko maiwasang hilingin na sana lagi kaming ganito. Masaya kahit sa mga simpleng bagay lang. Pag nagmamahal ka ata talaga konting kibot ng taong mahal mo naapektuhan ka. Kahit gaano ka cheesy ang sinasabi niya kikiligin ka. Kahit sobrang weird ng feeling, sumasaya ka.
Abnormal na nga ako.
Naglakad lakad pa kami hanggang sa madaan kami sa 7/11 tsaka ko naalala na di pa pala ako naghapunan.
"Xi, nagugutom ako kain tayo cup noodles. May pera ka ba diyan? pautang naman."
"My treat."
Hinihintay ko talagang sabihin niya yun. I just grinned at him.
Kumain ako ng noodle at hotdog sandwich siya naman ay kumakain ng chicken sotanghon. Galit-galit muna kami habang kumakain. Naramdaman ko na lang na kinukuhaan niya ako ng picture.
"Ano ba? Ang pangit ko," reklamo ko sa kanya.
"You look cute," sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.
Kakaubos ko lang ng kinakain ko nang may tatlong babaeng lumapit sa amin.
"Kuya pwede ba kunin ang number no?" tanong ng isa sa kanila.
Parang umusok ang ang ilong ko.
Ilang taon na ba ang mga to? College students? Langya! Isumbong ko kayo sa tatay nyo ehh.
Napabusangot akong nakatingin Kay Xi.
Sige! Subukan mong ibigay ang number mo, sapak ka sa akin.
"I'm sorry, but I only use my for working purposes,"sagot in Xi.
"Pangalan mo na lang po, i-follow ka namin sa social media."
Iba din!
"Nick Suarez," sagot niya.
"Sorry girls, we have to go," sabi niya sabay tayo.
Hila niya ako palabas ng Seven Eleven habang tumatawa akong naglalakad.
"What's funny?" tanong niya.
"Wala ang cute mo magsinungaling. Nick Suarez na pala ang pangalan mo."
"Do you wan't me to give them my real name?" tanong niya na tila nanghahamon.
"Ayoko," sagot ko pagtapos ay naglakad ng mabilis.
Naglakad na kami pauwi. Ewan ko ba? Muli kaming dumaan sa bintana para makabalik sa kwarto ko. We were sitting beside each other.
Kahit gustuhin kong di matapos ang mga sandaling ito, kelangan na niya umuwi at magpahinga.
"Okay ka na? nakalimutan mo ang pressure?"
Tumango siya.
"Thank you," he hugged me.
Hindi ko alam kung nararamdaman din niya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Tumingala ako para titigan siya. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pagtama ng labi ko sa labi niya. Maging siya ay nagulat sa nangyari. Napatalikod ako nang mapagtanto ko ang nangyari.
First kiss namin 'yun as a couple.
Langya!
Grabe ang kabog ng dibdib ko, kahit sobrang sudden ng nangyari. Ang awkward sa pakiramdam, ayaw kong magpakita ng mukha sa kanya dahil alam kong pulang-pula iyon.
"Gabriela," tawag niya sa pangalan ko.
Di ko alam kung anong nangyari sa hiyang nararamdaman ko at nagawa kong harapin siyang muli.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Can I kiss you?" bigla niyang tanong.
Gosh! Langya! OMG! Bakit niya ako tinatanong?
Is he asking for permission?
Should I let him or not? Kelangan bang tanungin pa ako?
Ganito ba talaga yun?
Anong sasabihin ko?
Bahala na si Deadpool!
Di ko nagawang magsalita, bagkus ay tumango na lamang ako. He cupped my cheeks with his hands, until I felt his lips brush on mine I automatically closed my eyes. Di ko alam kung paano nangyari iyon, I started answering his kiss. I could feel that his somewhat being careful since his kiss was gentle and sweet di ko alam kung paano ko i-eexplain ang nangyari. We just stopped and found ourselves sheepishly smiling at each other.
"I think I have to go now, I might lose myself control if I stay any longer," sabi niya.
Is that a threat?
"Ingat," 'yun lang ang nasabi ko.
Tumayo siya and planted a kiss on my forehead at gaya kanina sa bintana ulit siya dumaan. Nang tuluyan siyang makaalis ay tsaka ako nahiga sa kama at naglupasay sa kilig.
Nababaliw na talaga ako. Hindi na ako nagdi-daydream totoo na yun we shared our first kiss as a couple. Tinatakpan ko ang mukha ko ng unan at din mapigilan ang tili ko at nagpagulong-gulong sa kama at nagsisipa sa hangin.
Ang landi ko!
Pero kinikilig talaga ako.
I kissed Xavier Villafranco!