Sobrang sakit ng ulo ko pag gising ko. Pakiramdam ko binabarena ang ulo ko.
Ano bang pinag-iinom ko kagabi?
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Mukhang sa ibang bahay na naman ako nakitulog gaya ng nangyari noong una akong malasing. Tinignan ko ang suot kong damit di na naman ito akin.
Sino ang nagbihis sa akin?
Nagmamadali akong tumayo paalis sa kama at pag lingon ko sa pinto ay tumambad sa harapan ko si Nick na pinupunasan ang buhok niya.
Napasigaw ako nang mapagtanto kong wala siyang suot na kahit ano.
"Ahhh!"
Mabilis kong tinakpan ang mata ko ng aking palad.
"Walanghiya ka Nick! Gago ka talaga!" sigaw ko sa kanya.
"Anong kasalanan ko sa'yo?" pagmamaang-maangan ka niya.
"Bwisit ka! Bwisit ka! Walanghiya ka! Ang bastos mo kahit kailan! Wala ka na bang maisuot na damit?" walang tigil na sigaw ko sa kanya.
"Madami akong damit in- fact you're wearing some of it," tila mayabang pang sabi niya.
"Bwisit ka! Bakit ba ang hilig mong lumabas ng CR ng hubad?" di nagpapatinag na sigaw ko sa kanya.
"Problema mo? It's my place my rules," sabi niya.
"Andito ako, di mo man lang naisip yun?" di makapaniwalang tanong ko.
"Nawala sa isip ko ehh, maganda naman katawan ko ahh tignan mo, oh" tila nananadyang sabi niya.
"Gago ka! Magbihis ka na nga!" utos ko sa kanya.
"Bakit naliitan ka ba sa nakita mo?"
The image of 'it' registered in my mind.
Ang Gago! ayaw tumigil!
"Walanghiya ka Nick! Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya.
Dinig ko ang boses niya habang pinagtatawanan ako.
"Okay lang sa akin kung gusto mo akong silipan Gabby," nang-aasar pa rin na sabi niya.
"Gago ka! Dalian mo magbihis!" sigaw ko sa kanya.
"Oo na," walang nagawang sabi niya.
Ramdam ko ang pag lapit niya.
"Hoy Nick! Bakit lumalapit ka?!"
"Malamang nasa likod mo ang cabinet ko," pagbibigay alam niya.
"Bwisit ka!" sigaw ko pa rin sa kanya.
Muli niya akong tinawanan.
Sira ulo talaga.
"Okay na ako may damit na ako Gabby,"
Pag ka sabi nun ay inalis ko ang pagkakatakip ng mata ko tsaka ko siya mabilis na binato ng unan.
"Walanghiya ka talaga!"sigaw ko sa kanya.
"Bakit ka na naman namamato?" tanong niya.
"Yung mata ko, makasalanan na!" Reklamo ko.
"You're blessed seeing me naked," he smirked.
"Kadiri ka Nick!"
"Di mo ba nagustuhan ang nakita mo?" tanong niya.
"Hindi!"
Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.
"Deny all you want Gabby, I know you think I have a beautiful body," mayabang na sabi niya.
Paano ko nga ba naging kaibigan ang lalaking ito?
Biglang pumasok sa isip si Xi,
' Deny all you want Gab, I know you're jealous.'
Winakli ko ang naalala seriously, bakit ba bigla na lang siyang pumapasok sa utak ko.
***
Nakakapagtaka na marunong pala mag saing at mag-luto ang lalaking ito. Nakatitig ako sa kanya habang inaayos niya ang hapag kainan.
"Tulala ka na naman, ano? bilib ka na ba?" mayabang na tanong niya.
"Akalain mo 'yun, marunong ka mag-luto," sabi ko with added sarcasm.
"If you become my wife I will be the one cooking for us," saad niya.
"Ano ka? househusband?" taas ang isang kilay na tanong ko.
"So are you considering me?" tanong niya pabalik.
"No, gagawin kitang yayo," pambabara ko sa kanya.
"Funny Gabby."
Did he just rolled his eyes?
Feeling defeated umupo na siya sa tapat kong upuan. I can't remember most of what happened habang lasing ako. I can't help but ask.
"May tanong ko," simula ko.
"Ano yun?"
"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.
"Ikaw kaya nagsabing dalhin kita dito,"
"Sinabi ko yun?" di naniniwalang tanong ko.
"Bakit di mo ko hinatid sa amin?"
"Knowing you baka tumalon ka sa kotse kapag hinatid kita sa inyo," paliwanag niya.
"Dapat tumanggi ka, pwede naman kina Donna mo ko ihatid," I suggested.
"I considered that kaso out of town sila, no one will take care of you there," sagot niya and continued eating.
"Inalagaan mo ko? Wait lang, ikaw ba nagpalit ng damit ko?"
"I would loved to, but I didn't. You did it on your own." Parang nahihinayang na sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"You didn't take advantage of me?" tanong ko ulit.
"Kung may nanamantala sa ating dalawa ikaw yun. Ginawa mo kaya akong unan. You enjoyed hugging me dear," he said it in a matter of factly manner.
"Bwisit, bakit ba ako nagtanong,"
"Don't curse in front of food," tipid na sabi niya.
"Sorry na, pero wala talagang nangyari?" paniniguro ko.
"Bakit, gusto mo bang may mangyari? We could that after meal," panunukso niya.
Nabilaukan ako sa sinabi niya. Napa-ubo at napa suntok ako sa dibdib ko. He was kind enough to give me a glass of water pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ewan ko sa'yo Nick," sabi ko.
Nanahimik na ako at nagpatuloy sa pagkain.
"You shouldn't drink too much Gabby, paano kung di ako ang kasama mo? You don't know how many guys are eyeing on you last night," pag-aalala niya.
"Asus Nick, crush mo lang talaga ako at di ka pa nakaka move-on," pang-aasar ko.
"You're right, I still haven't moved on. I guess I never will, I still feel for you Gabby," sinabi niya iyon habang nakatingin sa mga mata ko.
Di ako makapag salita, di ko alam ang sasabihin ko.
"Thank you," 'yun ang tanging nasabi ko.
Nag-iba ang expression ng mukha niya.
"Anyare sayo?" tanong ko sa kanya.
"Gabby, I was really giving you the most sincere feelings I have, tapos thank you isasagot mo sa akin."
"Ehh anong gusto mo sabihin ko? "
"Pwede naman sabihin na gusto mo na rin ako," suhestiyon niya.
"Wow Nick ha,first of all inappreciate ko ang feelings mo, pangalawa I can't give you false hope. Pangatlo unstable ako," sabi ko sa kanya.
"I understand, at least you know I'm here. So when the time comes that you want to fall inlove again, just look my way, don't look anywhere else. Baka maligaw ka pa."
"Ewan ko sa'yo , kumain ka na lang."
This is what I like about Nick, he can make any serious conversation light. Why can't I just teach my heart to love this man instead of him.
Pagkatapos namin kumain ay may inabot siyang tablet sa akin.
"Ano to?"
"Gayuma para mainlove ka na sa akin," sabi niya.
"Siraulo, ano nga 'to?"
"May hang over ka pa diba? para mawala," sagot niya.
"Bakit hang-over lang mawawala di ba pwedeng pati feelings ko sa kanya mawala?"
"Dami mong sinasabi, inumin mo na nga lang yan," utos niya.
"Nagmamadali? May lakad ka?" tanong ko sa kanya.
"I have a date,"sabi niya.
Ayy matindi, naka move-on agad sino naman ang ka-date mo aber?" usisa ko.
"Malamang ikaw yun," imporma niya.
"Ako? Pumayag ba ako? Bakit di ko alam yan?"
Ako pala?
"Dalawa lang naman ang pwede mong isagot sa akin, Oo at Oo. In short wala kang choice."
"Iba rin," namamanghang sabi ko.
"Just shut up, take a bath and get ready."
"Yung totoo Nick, wala akong isusuot," sabi ko sa kanya.
"Madami akong damit na di na kasya sa akin and you look good in my shirt. Or you could wear the clothes na naiwan ng mga kalandian ko," sabi niya sa akin.
"Bwisit ka Nick! akin na ang t-shirt mo," singhal ko sa kanya.
Sa huli ay sinuot ko ang tshirt niya at ang pants ng dati niyang kalandian. I don't have a choice.
"Explain mo nga sa akin, bakit di kita girlfriend," tila nagtatakang sabi niya.
"Kasi malandi ka," walang kagatol-gatol na sa sabi ko.
"Nagbago na'ko Gabby," pag-tatama niya.
"Mamaya paasa ka rin Nick, please lang h'wag ako."
"Should I buy you a ring now? para patunayan na seryoso ako?" tanong niya sa akin.
"Siraulo," sabi ko para magtigil siya.
We rode his motorcycle, matagal na rin nang huli akong makasakay dito.
"Hug me tight Gabby, just like what you did last night."
"Ewan ko sayo Nick, magdrive ka na lang," utos ko sa kanya.
"Di ka man lang malandi," reklamo niya.
"Di talaga," sabi ko naman.
Nakapila ako sa bilihan ng ng movie ticket, siya naman ay nakapila sa bilihan ng Snacks. I have the upperhand. Gusto kong panoorin ang latest horror movie ngayon. Kaso duwag si Nick pero dahil sira ulo ako we ended up watching a horror film. Hiyaw ng hiyaw si Nick sa bawat jumpscare, ako naman ay tawang tawa sa kanya. Nakasimangot siyang parang bata at nakahalukipkip pa habang palabas kami ng sinehan.
"Ang cute mo Nick," pang-aasar ko sa kanya.
"Shut up Gabby," inis na singhal niya sa akin.
"Bakit ka ba naiinis?" tanong ko kahit alam ko na ang dahilan.
"I was very uncool back there. Nakakababa ng pagkalalaki, tapos pinagtatawanan mo pa ako."
"Sorry na, ang cute mo lang," patuloy ko pa rin.
"Haay naku."
"'Wag ka na magtampo, ililibre kita sa Gong Cha." I tried to bribe him.
"Okay, ang tagal." Nagsimula siyang maglakad.
Saan ba ang Gong Cha dito? Sinundan ko na lang siya, mukhang alam niya kung saan ehh.
We were both drinking peach juice habang naglalakad lakad sa mall. Actually sinusundan ko lang siya. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako, checking on me maybe. Dinala niya ako sa isang shop ng silver jewelries.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
"Sabi ko bibilhan kita ng singsing," paalala niya.
"Uyy di ko 'yan tatanggapin," mabilis kong tanggi.
"Pangontra 'yan," kumbinsi niya.
"Saan? Sa aswang?" takang tanong ko.
"Masamang Espiritu," sabi niya.
"Ahh pangontra sa tulad mo," pang aasar ko.
"Anong katulad ko?" Takang tanong niya.
"Malalandi," natawa ako sa sinabi ko.
Samantalang siya ay nakasimangot.
"Miss I want this, for her." turo niya sa isang singsing.
Di na ako tumanggi baka lalo siyang mainis. He even chose the design for me.
I was staring at the ring on my ring finger. Hindi ito couple ring, magkaiba kami ng piniling design.
'If I give you a ring right now and ask for your hand right at this moment would you say yes?'
Heto na naman ang pagsulpot niya sa utak ko. I bit my lowerlip, trying to hold back my tears. How could I forget him, If he gave me too much to remember. I looked at Nick he is staring at the ring he is wearing and smiling.
"Kapag may lumapit sa'yong babae tapos di mo type pakita mo yan, kunwari you're a married man."
"You're secretly marking me Dear," bintang niya.
"Pangontra sa aswang 'yan, concern ako sayo baka magka STD ka sa kakalandi mo," pang-aasar ko.
"Just shut up Gabby," he was annoyed by me.
Talo pa rin siya sa akin.
***
Hinatid niya ako sa bahay, and guess what my brother is there looking like wants to murder someone as I was explaining bakit di ako umuwi kagabi.
"Don't tell me nothing romantic is going on between the two of you. The last time someone told me the sh*t my sister got her heart broken," sabi niya.
Kahit di ako nagkikwento my brother knew what happened between me and Xi.
"As much as I want to confirm things it's just one sided, but rest assured I'm going to steal Gabby's heart soon," he sounded so sure.
"Pinagsasasabi mo Nick, para kayong ewan dalawa. Kayo na lang kayang dalawa?" I suggested.
"Sabi sa'yo bayaw one sided lang ehh. Di ko na nga sana siya ibabalik dito. Kaso baka kasuhan ako ng kidnapping." Di ko na alam kung saan mapupunta ang usapan nila.
"Para kayong mga ewan." I just rolled my eyes on them. Trying to ignore what they just said.
"Mas mabuti na ang ganyan siya sa akin, kesa naman di niya ako pinapanasin," himutok ni Nick.
I know what I did in the first months. I tried to shut down anyone in my life.
Bigla ko na lang narealize na mali ang ginagawa ako, lalo along malulugmok sa kalungtan sa ginagawa ko. What I need are friends I can talk to.
***
I lay in bed as I was staring at the ceiling.
How long has it been since I last saw him. Di ko pa rin maimagine paano niya nagawang iwan ako sa isang iglap lang. He made me feel special and in just a snap he made me feel unimportant.
Bakit ba bigla na lang siyang sumusulpot sa utak ko? Bakit ba hirap pa rin akong kalimutan siya?
I'm trying to forget him but I always see him in almost anything. It took me a month to stop crying over him, maybe three months to stop myself from calling him. But I still dont know when will I stop missing him.
I used to cry at night over things that i can't control, and I sleep next to my phone waiting for message that never arrive and phone calls that didn't happen.
There's someone trying to erase his shadow but a piece of my heart still want to linger in the darkness he left. When will I learn to let go?
I want to think about him in a bad way possible. He made me believe in fairytale endings but it turned out he was not my prince charming.
Ano ba ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya ulit? Pero para saan pa? Him coming back will never change anything, as if he will come back.
< End of Chapter forty-four >
Don't forget to vote