Chereads / My Two First Kiss / Chapter 47 - Chapter 46

Chapter 47 - Chapter 46

Di na ako nagulat nang makita ko ang isang paperbag sa ibabaw ng desk ko. Sinilip ko iyon, kunwari wala akong idea sa laman niyon.

Nagulat ako nang imbis na french toast at kape ang laman nun ay chicken salad at ang laman noon. Tinawagan ko agad si Nick.

"Good Morning my Dear," bati niya sa kabilang linya.

"Good Morning, thanks sa breakfast," I started.

"As usual it's your favorite, french toast and you're welcome," sabi niya.

"Huh?" nagtaka ako sa naging sagot niya.

Baka nagkamali lang ng lagay sa paperbag na pagkain.

"Are you okay?" tanong niya sa kabilang linya.

"Yes, sige thank you ulit," pagpapasalamat kong muli.

" You're welcome my Dear," He said, saka ko pinutol ang tawag.

Kahit nagdadalawang isip ay kinain ko iyon, mukha na akong kambing dahil puro lettuce at kamatis pipino iyon. Galing iyon Kay Nick kaya dapat ubusin.

Habang nagbabasa ng paperworks at nagpipirma ay may kumatok sa office Ko.

"Come in," pahintulot Ko.

Bumukas ang pinto at naramdaman ko ang paglapit niya. Saka ko siya sinipat ng tingin. Napatingin akong muli sa taong iyon para siguraduhin na tama ako. Si Xavier nga ang nasa harapan ko.

I did my best not to show any emotion in my face as I look at him. Di ko alam kung palalayasin ko siya o babatiin ko siya at magpaka-civil. I choose the latter.

Hininto ko ang ginagawa ko. Tumayo ako at binati ko siya.

"Good Morning Sir, what brings you here sir?" tanong ko.

"Sit down," sabi niya, ginawa ko naman iyon.

He was smiling, it was a warm smile.

Ngingiti ngiti ka pa, di mo ako madadala sa ngiti mo. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"What do you need sir?" tanong ko habang pinipirmahan ang mga documents sa harap ko.

"I just need to see you," sabi niya.

Anong kalokohan na naman sinasabi nito?

"You've seen me sir, excuse me but if you got nothing more to do, you could take your leave," pagmamatigas ko.

"You're too see serious, you should smile more often," sambit niyang muli.

"There's no reason to smile especially if it's you I'm seeing," panunuya ko.

Harsh na kung harsh but I need to show this dude that I've changed.

"What's with the hostility Silang?"

He called me by that again, He didn't know how much I longed to hear him call me by that name again.

I could feel a stabbing pain in my heart but I shake it off.

"Don't give me names, I don't like it," impit kong sambit.

He gave me a smile, different from the warm smile he gave me a while a go. Pilit ang smile na iyon, as if he was hurt.

Kung nasasaktan man siya, dapat lang. Mas masakit pa rin ang ginawa niyang pag iwan Sa akin noon. May kumatok ulit sa pinto, at pumasok. 

"Hi Gabriela, is everything good?" tanong ni Ericka.

"Yah, everything is fine," pagsisinungaling ko.

"Have you heared? I'll be Xavier's personal secretary." Pagpapaalam niya.

"Really? Good for you. You kind of enjoying your job," sabi ko naman.

"You're once his secretary too and you even got together," pag ungkat ni Ericka.

"It was all in the past, I guess it's not even a serious relationship."

"That's nice to know, at least I made it clear that I still like Xavier."

"You can have him, his not even mine in the first place," sabi ko na lamang.

"How nice that is," sabi ko kunwari'y natutuwa pero pawang sarcasm iyon.

"Let's go Eri, see you around Ms. De Guzman," tila napahiyang paalam niya.

Hindi ko siya sinagot pinagpatuloy ko ang pagpirma ko sa mga papeles.

As soon as they left, I sighed out of relief. Hirap mag pigil ng galit. Gusto Ko siyang sigawan at sabihin lahat ng hinanakit ko but I still have my pride. Hindi pa nga siya humingi ng tawad sa pag-iwan niya sa akin.  Dagdag pa itong si Ericka ipa-ban ko sila sa office ko. How I wish pwede 'yun.

***

Alam kong madalas ko na siyang makikita sa office at maging sa compound namin makikita ko siya.

Pakiramdam Ko tuloy sumikip ang mundo. Ang hirap nang may iniiwasan.

Dahil CEO na si Xavier at malamang si Ericka na secretary niya ay madalas na magkasama. They seem very close, laging nagngingitian di ko na lang sila tinitignan. Nag resurface na naman na may relasyon sila. Wala na akong kinalaman dun pero nakaka bad vibes silang pagmasdan. Paano nakakayanan ng Xavier na ito ang tumwa ng wholeheartedly? Gusto ko matuto ng ganun. Hirap din magpanggap na okay ka na, kasi pag dating mo sa bahay pag tahimik at mag-isa ka lang maalala mo lahat. 

Lahat-lahat, how I hated him, how we became close, how I fell, how he made me believe in forever and how he left.

***

"Anong meron at nagyaya ka? Mag-kwento ka," utos sa akin ni Donna.

Kasama ko si Donna na umiinom ngayon sa isang bar. Nagkakayayaan lang dahil kailangan ko rin ng kausap.

"Ano, pogi pa rin ba?" excited na tanong niya. Tinutukoy niya si Xavier.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Hindi ko alam kung bakit yun ang una niyang naitanong.

"Sinapak ko kaya lalo siyang pumanget," inis na sabi Ko.

"Gaga ka ba?" di makapaniwalang tanong niya.

"No, I'm perfectly in the right mind right now. Siya, gago siya," paglilinaw ko.

"Minahal mo ang gagong 'yun," pagpapaalala niya.

"Oo, Minahal ko siya, past tense. Ibig sabihin tapos na,"paglilinaw ko ulit.

"Asus, talaga ba besh?" di kumbinsidong tanong ni Donna sa akin.

"Bakit ka ganyan? Kaibigan ba talaga kita?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, friends are here para kontrahin ka para makapag isip-isip ka kung totoo ba ang nararamdaman mo o hindi."

"Ano ba nararamdaman ko ngayon?" tanong ko rin.

"Aba malay ko, di naman manghuhula," paglilinaw niya.

"Bakit ang dami mo kasing sinasabi," sita ko sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa pag-inom, nakaka stress Lang dahil lahat ng kinakanta ng live band pang senti.

Sarap nilang batuhin.

"Kaya mo pa Besh?" tanong sa akin ni Donna.

"Yaahh!" sigaw ko sa kanya.

"Talaga?" paniniguro niya.

"Oo, di na ako weak! " sigaradong lahad ko.

Pero sa totoo lang na hihilo na ako.

"Sige sino yung naka-upo dun table na 'yun." Nginuso niya ang table sa kabilang bahagi ng stage.

Naningkit ang mata ko para mas maaninag kung sino tinuturo niya. Matalim Ko siyang tinignan nang mapagtatanto kong si Xavier ang tinuro niya. Patay malisya Lang ang bakla at umiinom sa baso niya, at surprise! kasama niya si Ericka. 

BWISIT! ALL CAPS PARA DAMA!

"Wala bang ibang bar? Dito po nila napili umiinom," inis na sabi ko.

"Ang bitter mo besh," pang-aasar niya Sa akin.

"Tsss!" singhal ko.

Dahil sa bwisit ko napaorder pa ako ng isa pang bucket ng beer.

"Sigurado ka, iinumin mo lahat yan? Kailan ka pa naging lasenggera."

"Iinumin natin," sinadya kong I emphasize ang natin. Di ko kaya ubusin 'yun.

Patuloy lang kami sa pag inom at pag sabay sa kumakantang banda.

"Kung di rin tayo sa huli aawatin ang sarili na umibig pang muli," kanta ng banda.

Langya!

Kanina pa nanadya 'tong banda na 'to. Hindi ako broken ehh pero sa tinutugtog nila nadadala ako.

Di ko namalayan na nakikisabay nako sa pagkanta nila at winawagayway ko pa ang dalawa kong kamay.

"And for our last song for tonight, we don't know if you're familiar with the Band One Ok Rock, we really like this song 'Heartache'. Para sa mga di maka move on para sa inyo 'to!" sigaw ng vocalist.

SHIT!!!

I know this song nasa heartbreak playlist ko 'yun.

So they say that time

Takes away the pain

But I'm still the same, ah

Naghiyawan ang mga tao sa bar na halos mga kaedad Ko lang rin. Pinagpatuloy ko ang pag inom. Kunwari ay di ako nakaka relate ka kanta.

And they say that I will find another you, That can't be true, ah

Di naman talaga ako nag hanap kasi hinihintay ko talaga siya.

Why didn't I realize

Why did I tell lies

Yeah, I wish that I could do it again,

Turnin' back the time, back when you were mine, all mine

Napatingin na lang ako sa direksyon nila Xavier. I could see them laughing, bakit ako lang ang affected.

So this is heartache?

So this is heartache?

All this pain in the chest, my regrets

And things we never said, oh baby

So this is heartache?

So this is heartache?

What me meant, what we said that night 

Why did I let you go?

I miss you...

I felt it, I miss him.

Putek!

Di ko namalayan na umiyak na ako.

"Gabriela okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Donna sa akin.

"Di ako okay," pag - amin ko.

"Bakit ganun? Bakit parang ako lang  nahirapan mag move-on?" tanong Ko Sa kanya.  

"Gabriela okay ka Lang?" nagaalalang tanong ni Donna. 

Habang nilalagok ko ang bote ng beer.

"Di ako okay," pag-amin ko. Matapos Kong maubos ang laman ng bote.

"Bakit ganun? Bakit parang ako lang  nahirapan mag move-on?" tanong ko sa kanya, saka suminghot dahil sa pag-iyak ko.

"Bakit siya ang saya niya, samantalang ako madalas nagpapanggap lang na masaya."

Inabutan niya ako ng tissue na agad kong kinuha up ang punasan ang sipon ko.

"Bakit affected pa rin ako, three years siyang nawala. Bakit apektado pa rin tong letseng puso ko?" inis na sabi ko sa sarili ko.

"Ang tanga ko rin ehh, iniwan na ako lahat lahat di pa rin ako makapag move-on. Sabi ko naka move-on na ako pero di pa rin talaga. Pati sarili ko nagagawa ko nang lokohin," patuloy ko.

"Si Nick, ayokong saktan si Nick, siya kasama sa panahong miserable ako. Why can't I just give him my heart. He don't deserve this half heart feelings. He deserved better than this. He deserve the best and that's not me." Umiiyak pa rin na patuloy ko habang inaalo ako ni Donna.

"At least alam mo na talaga ang nararamdaman mo, alam mo ba kung bakit ka nagkaka ganyan? You wanted answers to your questions, at the same time ayaw mo rin alamin ang mga sagot. Once you find the answers you can finally move on but that will end the connection between you and Xavier. Yun yung kinatatakutan mo, because admit it or not you're still hanging in that thin thread that connects you to him."

"You wanted closure but you don't want it to end. Ang gulo Diba? Masakit pa din kasi mahal mo pa," patuloy ni Donna.

Ewan ko, but I think Donna is right.

"But you still have to choose, cut the thin line move on and be happy, or hang in there and hurt yourself," sabi niya.

Mas madali piliin ang una but I found myself choosing the latter.

***

Pasuray-suray kami akong naglakad palabas ng bar, alam ko pa ang ginagawa ko hilo lang ako.

"Sigurado ka bang kaya mo mag isa bakla?" tanong niya.

"Aba ako pa ba? 3 years na akong umiinom kaya ko na sarili ko. Umuwi ka na," sabi ko sa kanya.

"Message mo ko kapag nakauwi ka na," bilin niya.

"Oo layas na," pagtataboy ko sa kanya.

Kanina saktong dumating ang grab na binooked niya.

Kinawayan ko siya habang paalis, nang mawala siya sa paningin ko ay napaupo na lamang ako at napapikit yakap ang tuhod ko.

"Gab, are you okay?" Napatingala ako sa nagsalita.

"Okay ako, hayaan mo ako kaya ko ang sarili ko."

" I don't think you can go home by yourself." Sa tono niya ay tila nag-aalala siya.

"Di kita kailangan, iwan mo na ako. Dun ka naman magaling ehh."

" Hinihintay ka na ng girlfriend mo,"

Ang sakit pa rin nung word na girlfriend.

Naramdaman ko ang pag alis niya sa tabi ko. Di man lang nagprotesta. Di ko alam kung gaano ako katagal nag stay sa ganung position. Naramdaman kong may lumapit ulit sa tabi ko. 

"Kaya ko sarili ko, di Ko kailangan ng tulong," sabi ko.

"Really? You don't look like you can handle yourself Dear," sabi niya.

Napatingala akong muli, napakunot noo ako nang makita ko si Nick na nakayuko sa akin hawak ang tuhod niya.

Paano siya napunta dito? May usapan kami ni Donna na h'wag ako isumbong kay Nick. Di ko alam kung paano ko siya lulusutan. Kaya nginisian ko na lang siya at nag-peace sign. Pinasadahan ko ang paligid, looking for the culprit but he is nowhere to be found. 

Inilahad ni Nick ang kamay niya sa akin inabot ko iyon saka niya ako inalalayan tumayo.

"Kaya mong maglakad? I can always carry you on my back. Free of charge."

"Gusto ko yan," sabi ko.

Pinasan niya ako Sa likod niya at nag lakad papunta sa kung saan siya nag-park.

Ilang saglit pa lamang simula nang mapapikit ako habang pasan niya ay bigla na lang siya huminto sa paglalakad.

"Andito na  tayo agad?" tanong Ko.

"Ahh, oo."

Bumaba ako mula sa likod niya.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya para makapasok ako agad.

"Bakit?" tanong ko nang di niya paandarin agad ang kotse niya.

"May nagmimake-out," nakakalokong imporma niya.

"Sa parking space talaga? at nakuha mo pang nanood," ismid ko Sa kanya.

Pinaandar niya agad ang kotse niya. Nadako ang mata ko sa side mirror. 

Lumakas ang kabog ng dibdib ko.

I closed my eyes but the image of Ericka and Xavier sharing a steamy kiss consumed my thoughts.

So this is heartache.

"Okay ka lang, Dear?" tanong ni Nick sa akin.

"Naka inom lang."

I still manage to give Nick a smile.

I'm not okay. 

< End of Chapter forty-six >