Di ko mapigilan ang mapangiti habang naglalakad papasok ng office. The kiss Xi and I shared can't seem to find its way out of my mind. Good thing maaga akong pumapasok iwas puna ng mga officemates ko, mahirap na mapagkamalan pa nila akong baliw na nakangisi. Tila nahiya ako nang makita ko si Xi na naghihintay sa may table ko.
Like Duh?! how can I act as if nothing happened If we already shared a kiss.
Kahit nag aalangan ay lumapit ako sa kanha at naupo sa swivel chair ko.
"Goodmorning Gabe," bati niya sa akin flashing a sweet smile.
Ang gwapo talaga niyang impakto.
"Goodmorning Xi," I smiled back.
Ngayon ko lang napansin tila lumalim ang mga mata niya at tila pumayat pa.
Ganun ba siya ka-stress sa trabaho?
Oh imagination ko lang talaga na pumayat siya?
Kaka-isip niya siguro sa'kin.
Nababaliw na talaga ako.
"Xi, okay ka lang?" tanong ko.
"Yes, I'm fine as ever. Let's eat," Pag-aya niya sa akin.
Doon ko napansin na may dala pala siyang pagkain.
Ang impaktong ito iba rin kinacareer ang pagiging sweet.
Sino ba naman ako para tumanggi sa biyaya, lalo na kung mukhang anghel ang nagbigay.
Langya! Anong sinasabi ko.
Magkaharap kaming kumakain sa desk ko. I can't help myself but to look at him.
"Stop staring, do you want to eat me too?" tila nabigla siya sa tinanong niya.
"Sorry, forget what I said," mabilis niyang dugtong.
Ha?
Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin.
Sira ka Xi, bakit ka pa nagsorry? yan tuloy na gets ko pa.
We continued eating silently ang weird kasi, basta ang awkward.
I just tried to shrug it off by eating. Paminsan-minsan ay napapatingin pa rin ako sa kanya. Just wondering what's going on his mind. Naalala ko bigla yung kiss namin.
Langya! kinilig ako ulit.
Ang landi ko!
"Imagining things again?" tanong niya na tila napansin ang pag-iling iling ko.
"Mag imagine ka rin kung gusto mo," pagtataray ko sa kanya.
"Why do you keep on imagining me, when I'm already at your sight?"
Hala siya!
"Mindreader ka ba?" tanong ko sa kanya.
"So you're really imagining about me, would you like to turn your imagination to reality?" He said as if teasing me.
Sasakalin ko ang impakto na 'to.
Marupok na ako ngayon ehh.
"Tigilan mo ko Xi, sasapakin kita!" banta ko sa kanya.
"Would you really hurt me?" pang-aasar pa niya.
"Siyempre hindi," pag-amin ko.
"Kumain ka na lang diyan," sita ko sa kanya.
"But I'm full,"
"Full ka diyan, di mo pa nga nauubos yang french toast mo, akin na nga yan ako na uubos," Prisenta ko.
Inagaw ko sa kanya ito saka sinubo sa bibig ko. Di ko inasahan ang sunod niyang ginawa. He leaned forward and took a bite on the other end of the toast and look at me as if he was kissing me while chewing it. Mabilis kong isinubo ang buong toast sa bibig ko at nginuya pagkatapos. Mahirap na baka ulitin niya ang ginawa niya, himatayin pa ako.
"H'wag mo nga akong landiin!" sigaw ko ng malunok ko ang nginunguya ko.
"Am I?" kunwari'y inosenteng sabi niya.
I'm scared, scared of myself, baka molestyahin ko ang impaktong 'to ng wala sa oras.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
"Oo, stop teasing me Xi. Masasapak kita ng wala sa oras," banta ko sa kanya.
He just laughed at me.
Impaktong 'to, tuwang-tuwa pa, sapakin ko na kaya ito?
***
I feel glad everytime I'm with him, just eating together. I can't help but smile everytime I glance at him without him noticing. Feeling ko nga minsan nabubuwang na ako. Kaya siguro feeling niya patay na patay ako sa kanya.
He brings happiness to me, kahit na nakakapagod mag trabaho di namin iniinda dahil sa isa't -isa. Ang baduy ko na, kaka-cellphone ko to ehh.
Madalas niya akong hinahatid sa bahay pero hindi sa tapat mismo ng bahay niya ako hinahatid, he wanted us to walk home together.
"Bakit ba di mo na lang ako ihatid sa tapat ng bahay namin?" tanong ko sa kanya as we walk hand in hand.
"Because I wanted to hold your hand longer," sabi niya saka pinisil ang kamay ko.
Natameme na lang ako, kinilig ako. Ang babaw ko na ata?
Hindi na rin siya ganun katakot kay Goofy. Madalas nga siyang sinasalubong nito tuwing pumupunta sa bahay para i-celebrate ang monthsary namin. We spend it by watching movies at home.
"'Yung totoo? ako ba ang dinadalaw mo o si Goofy?" kunwari'y nagtatampong tanong ko sa kanya habang nanonood kami ng Bird Box.
"Are you jealous?" parang tangang tanong niya.
"Kasi naman lagi kang may dalang dog treats para kay Goofy sa akin wala," nagtatampong sabi ko.
"You also like to have dog treats? that's weird."
"Loko! ginawa mo pa akong aso." Inis na ismid ko sa kanya.
"I'm just kidding, it's my way to have you only for myself. Goofy used to sit beside you everytime I visit you," dahilan niya.
"Ahh ganun? may hidden agenda ka pala, naku naku naku Xi. H'wag lang malaman ni Goofy 'yan kundi naku! tahol ang aabutin mo sa kanya," babala ko sa kanya.
"Don't you like it? just you and me having our own time with together? For me being with you is the best time of my life," sambit niya.
Bakit bigla na lang siyang bumabanat, ang nakakainis ay di niya ito alam.
"Langya ka Xi! bakit ka ganyan?" sigaw ko sa kanya.
"What did I do?" takang tanong niya.
"Ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya, pero sa loob loob ko ay kinikilig ako sa sinabi niya.
We are happy and in love with each other and that's all that matters to me right now. Everything is okay, at least that's what I think.
**
We were sitting on a bench at the park and I was wondering why we went there.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya.
"Because this is where you acknowledge your feelings for me," sagot niya.
"Na muntik mo nang ma misinterpret, kung di lang kita hinabol."
"What urge you to come after me?" bigla na lang niya ng tanong.
"To tell you honestly, I was scared of everything. I tried shrugging my feelings off but seeing you walk away with the sadness in your eyes, made my heart ache. I wouldn't be hurt seeing you turn your back at me if I don't have feelings for you," sagot ko sa kanya.
"You love me that much? for you to face your fears?" he asked as if making sure of it.
"Yes, because I know I'm going to face them with you," sagot ko sa kanya.
He suddenly grabbed my arm and pulled me towards him. He was hugging me so tight like he never want to let go. I just hugged him back, siguro stressed talaga siya that's why he's acting like this. He was caressing my back with both hands while kissing the top of my head.
We stayed like that until he let go of me.
Di ko alam kung anong trip niya and it kinda bothered me.
"It's getting late I'll walk you home," yaya niya sa akin.
He was holding my hand with our fingers intertwined, He was holding it tightly and I can see that his eyes are on me.
"Xi, 'pag ikaw natalisod sa kakatingin mo sa akin, ewan ko na lang,"paalala ko sa kanya na naglalakad kami.
"I just want to look at your face longer." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Ewan ko sayo, lakas man trip," pag iiba ko.
"I miss you," he said suddenly.
"Haay naku Xi, gusto mo ibulsa kita para di mo ko ma miss?" offer ko sa kanya.
"As if you can fit me inside your pocket," he smiled.
"Impakto ka talaga," sabi ko na lang.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay di niya ako agad binitawan. We stayed there facing each other.
"Can I kiss you? " tanong niya.
"Ha? sira ulo ka! ano to landian sa daan?"
"Just answer me," utos niya.
Impaktong to demanding.
Tumango na lang ako. Kagagahan na kung sasabihin kong ayaw ko.
He put his hands on my cheeks and landed a kiss on my forehead down to the tip of my nose. He removed his hand on my cheeks and hold my hands and landed a kiss on each of my knuckles. With eyes full of affection he reached for my lips. That kiss was short but sincere.
"Go in,"
"Hindi, mauna ka na," tanggi ko.
"I don't want you to see me turn my back at you," sabi niya.
"Haay naku! sige na nga, Ingat ka," paalam ko sa kanya.
Saka ako pumasok sa loob ng bahay.
...
Pinagtitinginan na naman ako ng mga kasamahan ko sa trabaho.
Mukha ba akong timang na nakangiti?
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina namin ni Xi at umupo sa swivel chair ko. Nakakapag-taka at wala pa rin sa office si Xi. I decided to call him, pero bago ko pa ma-dial ang number niya ay biglaan kaming pinatawag para magpunta lahat sa conference hall. Wala akong ideya bakit kami tinipon ngayon dito ng mga kapwa ko staff.
Wait may mass termination ba?
Mawawalan na ba ako ng trabaho?
OA na kung OA pero nakakakaba talaga ang ganito lalo na at biglaan. Bigla na lang umakyat sa stage si sir Claus.
"Goodmorning everyone, sorry for this sudden announcement. I know everyone is busy on their work. There will be some changes in the company." pauna niya.
Nagbubulong-bulungan naman ang mga kapwa ko staff.
"Don't worry there will be no mass termination or declaration of bankruptcy. There will be some changes in the management due to some unavoidable reasons. Thank you for your time you can now all go back to your work." Pag-katapos nun ay bumaba na siya sa stage at lumabas ng Hall.
Nagbubulong-bulungan pa rin ang mga tao. I feel weird about what's happening. Dumiretso pabalik sa office room at naupo sa pwesto ko. Muli kong tinawagan si Xi to ask things pero gaya kanina di ko pa rin siya nakausap.
Siguro busy siya at he said he felt pressured is this related to the announcement?
Buong araw kong di nasilayan si Xi. Wala akong idea kung kamusta na siya. Medyo nag-aalala ako,at miss ko na rin siya.
I decided to send him a message.
...
Gwapong Impakto
I Hope you're doing fine, I miss you.
...
Madami akong gustong sabihin pero tuwing na ta-type ko na iyon ay binubura ko rin agad. Hindi pa rin siya nagreply sa akin. Baka masyado na siyang maraming iniisip ayokong dumagdag pa sa iisipin niya.
****
Just like the past three days pagdating ko sa office ay wala pa rin si Xi. Di rin siya nagreply sa message ko at di ko rin siya ma-contact.
Sarap niyang hampasin, h'wag siya magpapakita sa akin! Nagtatampo na ako, Impakto na 'yun. Bakit kasi di ko inalam kung saan siya nakatira para masugod ko siya. Nagpakabusy na lamang ako sa station ko nang biglang magbukas ang pinto.
Yung feeling na umasa na naman ako na si Xi yun, sa halip ay si Nick ang dumating.
May kasama siya, someone familiar one of the higher ups if I'm not mistaken. Tumayo ako para batiin sila.
"Goodmorning, what can I do for you Sir?" tanong ko sa kasama niya.
Pilit kong pinasigla ang boses ko kahit ang totoo ay kinakahabahan ako.
"Good Morning Ms. De Guzman, I know that this is quite sudden. Mr Villafranco resigned from his duty and the management assigned Mr. Suarez to take over his job you will now work under him. Hope that you will have a nice team," Pahayag nito.
Nagimbal ang isip ko sa narinig.
"Resign sir? Bakit po? Anong nangyari?" Di ko naiwasang itanong.
"I'm sorry Ms. De Guzman, but I don't really know the reason. We are counting on you," sabi pa nito.
Tinanguan ko lang siya saka kami iniwan ni Nick.
Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I was worried, anong nangyari kay Xi?
Binaling ko ang tingin ko kay Nick.
"Nick? Alam mo ba 'to?" pangingwestiyon ko sa kanya.
"No, I have no idea about this, pinatawag lang nila ako to say the news," paliwanag niya.
"Do you know where he is? di niya sinasagot ang tawag ko. I need to talk to him," tanong ko kay Nick.
Kaya kong intindihin ang di niya pagpaparamdam ng ilang araw, pero itong leave niya diko papalampasin, kelangan kong malaman kung bakit. Umiling si Nick, meaning di niya rin alam kung nasaan ito. Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa nanghihina ang tuhod kong naupo sa swivel chair.
I can't think straight.
"Gabby, are you okay?" tanong niya sa akin.
Tinanguan ko lang siya, I can't even say a word. I will never be okay, unless malaman ko kung anong nangyayari kay Xi. Nakatulala akong nakatingin sa kisame habang nakahiga, nagiisip bakit walang paramdam ang impaktong si Xi.
I miss him so bad, maya't-maya akong napapatingin sa may bintana baka sakaling bigla na lang siyang pumasok mula roon gaya ng palagi niyang ginagawa. Ang dami kong gustong itanong, Bakit siya di nagpaparamdam? Bakit siya nagresign? Bakit parang pakiramdam ko bigla niya na lang akong iniwan.
Gusto nang pumikit ng mga mata ko pero ayaw pa matulog ng utak ko. I'm thinking about if the reason why he left as tears escaped my eyes.
My thoughts travelled back to the time I last saw him.
Nang pumasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto and I saw him standing in front of our house. Di pa rin pala siya umaalis.
Napansin ko ang pagtaas baba ng balikat niya naisip kong siguro kinikilig siya. It came to my thought that he was crying but that would be weird.
He knew what will happen, that's why he hugged me so tight held my hand and kissed me that night. Maybe he was really crying that night or maybe not? I'm just trying to convince myself that it hurt him too.
If only I knew it will end like this I never should've took the risk and followed the beat of my heart. I took a shot and believed he will never leave, I thought he would be there beside me while facing my fears. Sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala.
My heart just died.
Akala ko mahal niya ako, akala ko lang pa.
< End of Chapter 42 >