Chereads / My Two First Kiss / Chapter 41 - Chapter 40

Chapter 41 - Chapter 40

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Hoy Gabriela! Magtigil ka!

Nakatingin pa rin ako sa natutulog na si Xi. Ayoko siyang gisingin kahit lumipas na ang 30 minutes. Ewan ko ba sa sarili ko, natutuwa lang akong titigan siya. Mukha siyang mabait pag tulog.

Langya! Bakit feeling ko ako yung naka-inom?

Mukha akong timang habang nakatitig lang sa kanya.

Nag-desisyon na lamang akong magtungo sa sala. Mahirap na, baka maisipan ko pang tabihan siya. Baka magamit pa ang proteksyong binigay ng kuya ko.

Ano bang naiisip ko!

Kasya naman ako sa sofa, minsan useful din ang pagkaitan ng height. Kinuha ko ang throw pillow at humiga sa sofa. Di naman uso ang lamok sa amin kaya di ako natatakot sa dengue.Mas nakakatakot pa rin mamatay ng dahil sa pagkain ko ng chocolate.

...

Dinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko, kinapa ko iyon mula sa side table. Nang mapindot ko ang off ay saka ko lamang napagtantong nasa kama ko na ako. Napabalikwas ako sa pagkakahiga, at agad bumangon sa pagaakalang baka ginapang ko na pala si Xi sa kama.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag nang makita kong wala na si Xi sa kama.

Asan siya? Paano ako napunta dito?

Tatawagan ko sana siya kaso ng mapatingin ako sa cellphone ko ay napansin ko ang oras.

Langya! malilate na ako!

Dali-dali akong naligo at nagbihis para makapasok na sa office.

...

Nagulat ako nang makita kong may isang paperbag sa ibabaw ng desk ko.

Inilapag ko ang bag ko sa likurang bahagi ng swivel chair ko saka ako naupo roon. Kinuha ko ang paper bag at binuksan. May laman iyong isang cup ng caramel macchiato, dalawang honey glazed donut at isang card. 

Anong pakana na naman to ni Xi?

Sigurado akong siya ang nagbigay into wala naman si Nick dito saka nauna nauna rin siyang nakarating sa akin.

Imbis na lantakan ang mga pagkain ay inuna kong basahin ang card na nakita nasa loob into.

...

Goodmorning Gabe,

I know you love coffee, I'm giving you a cup hoping you will love me more.

2 honey glazed donuts, nothing  special about  it. Haha. just eat it, it's not chocolate.

P.S. Have lunch with me, that's an order!

The one you love the most, 

Xi                               

...

Anong trip ng impaktong yun? Gabe? 

The one I love the most?

Gabe? Did he just gave me a new nickname? Gab plus babe ba iyon?

Napatingin ako sa direksyon ng office niya saka binalik ang tingin sa card.

Napangiti na lang ako, kahit anong pilit kong itanggi I find letters as the sweetest thing a man could give a woman.

***

We were having our lunch nang naisipan kong tanungin siya tungkol sa biglang pagkawala niya sa bahay.

"Anong oras ka nagising kaninang umaga?" tanong ko.

"I woke up earlier than you," sagot niya.

Malamang! Kaya nga pag gising ko wala na siya  diba? Impaktong to!

Pabalang pa rin siya kung sumagot sa akin, kahit may namamagitan na sa amin. Inismiran ko na lang siya.

"Ikaw ba bumuhat sa akin pabalik sa kama?" tanong ko ulit.

"Yes, I told you to wake me after thirty minutes. Why didn't you do it?" tanong niya naman sa akin.

"Ayoko, masyado kang cute matulog para gisingin ko," pang-aasar ko. Pero totoo naman na cute siya matulog.

"Now I'm cute?" nakangising sabi niya.

"Yes, you are," pag-amin ko.

Sobrang sinungaling ko na kung itatanggi ko pa iyon. Bahala na kung lumaki ang ulo niya sa sinabi ko.

"By the way, I have something to ask," sabi niya in a serious tone. Napatingin lang ako sa kanya para makinig.

Anong problema niya? Lumabas na naman split personality niya?

"Why do you have something inappropriate in your room?" tila nag-aalangang tanong niya.

"Anong inappropriate?" takang tanong ko.

"Uhhmmm..." Di niya maipag patuloy ang sinasabi niya.

Inappropriate?

Pilit kong inaalala kung anong meron kagabi sa kawarto ko. Tila nagets ko ang ibig niyang sabihin, baka nakita niya yung binigay sa akin ni kuya kagabi! Di ko maalala kung saan ko nailagay yun.

"Langya! Hindi akin yun! pinagtripan ako ni kuya kagabi. He found out you were sleeping in my room, baka akala niya pagsasamantalahan kita," paliwanag ko.

Putek! Ano bang sinasabi ko? Ako pa talaga manananamantala sa kahinaan niya.

Kuya kasalanan mo to!

"Does that mean it's fine if something happens between us? Like couples usually do?" tanong niya.

Langya!

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya, siya naman ay nakangiti ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo Xi! Tusukin kita ng tinidor diyan ehh!"banta ko sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko. I felt my cheeks turn red.

Langya ulit! Bakit ba ako napunta sa awkward situation na ito?

"Can't we do that?" nakakalokong tanong pa niya.

Putek! Ano bang tinatanong ng impaktong ito?

"Hoy Impakto ka! Bakit ang landi mo? nagsisimula ka ng maging si Nick." Irap ko sa kanya.

Mas malala siya kay Nick, him saying things like this in public is unbelievable. Kahit pa wala masyadong tao sa kinainan namin. I don't think he's serious though, I mean he can't be serious,right? Nagsimula na naman siyang matawa.

Nababaliw na siya!

Pinagtatawanan ba ako ng impaktong to?

Sinimangutan ko na lang siya. Di ko naman alam kung anong tumatakbo sa utak niya.

"Sorry, I'm just kidding Gabe, I know it's against your principles," sabi niya.

"But I'm willing just in case you change your mind," sabi niya pagkatapos ay tumawang muli.

Pinanlisikan ko siya ng mata, kaya pinigil niya ang pagtawa niya.

Boys will be boys, ata talaga? No exception.

"I know that's quite old fashioned but it's okay. We should get married first, right?"biglang niyang tanong.

"Niyaya mo ba akong mag-pakasal?"paglilinaw ko.

"If I give you a ring right now and ask for your hand right at this moment would you say yes?" he sound serious and wearing a sincere look on his face.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa tanong niya, napatingin na lang ako sa mata niya, di ko magawang magsalita.

Does he really want to get married with me?

Is this real?

I was about to give him my answer nang bigla siyang magsalita ulit.

"Don't answer it, I'll ask you again when I already have a ring with me," sabi niya while smiling at me.

He's really dead serious.

Xavier Villafranco the guy everyone wants to have, wants to marry me, a nobody?

Ano bang mabuting nagawa ko sa past life ko? Did I just save the world from an impending catastrophe? Help an old man who happened to be a Genie?

Am I just overthinking?

Am I ready to settle down just incase he have a ring with him?

...

I think morning messages and letters became a habit of Xi.

'Good morning, have a beautiful day like you.'

Minsan natatawa na ako sa kakornihan niya, it's still sweet know. San land di siya magsawa.

'Goodmorning! Start your day with a beautiful smile curving on your face. Have a nice day ahead.'

Gumaganda ba talaga ako pag naka-ngiti? Parang di naman, pero dahil si Xi ang nagsabi maniniwala ako.

Good morning. I'd rather wake up with your voice in the morning than hearing those roosters outside our yard.

Langya! sabungero ba ang impaktong ito?

Hey, love. I woke up thinking about your face. It's still midnight but you already brighten up my day. Good morning!

Xi and his morning notes and messages makes me happy all day long. I'll never get tired of reading this.

"Yo! Gabby!" sambulat na bati ni Nick sa akin nang makapasok siya sa pinto.

"Oh? Akala ko absent ka?" tanong ko sa kanya habang papa-upo siya sa h

"Na-miss kita kaya pumasok na ako," sabi niya sabay kindat.

Mukhang hindi na magbabago si Nick binago lang niya ang tawag sa akin.

"Anong meron at ginugulo mo ako?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Ginugulo agad? grabe siya," kunwari'y nagtatampong sabi niya.

"Oo kaya," pang-aasar ko sa kanya.

"Paano mo nasabe?" biglang sabi niya.

Natawa ako, it's the latest meme na kumakalat ngayon sa facebook.

"Nagpunta ka lang ba dito para barahin ako?" natatawa pa ding tanong ko.

"Kind of, sige alis na ako. Baka di na ako sikatan ng araw, kung makatitig yang si Xi parang gusto na akong i-chop-chop, possesive ang loko," pabulong na sabi niya.

Napabaling ako sa office ni Xi saka ko napansin na nakatayo na pala sa sa pinto nito, nakasandal sa pintuan. Naka halukipkip siya habang nakakunot noong naktingin sa akin.Di ko na napansing kanina pa nakalayas si Nick.

Anong kasalanan ko sa Impaktong 'to? Bakit ganito siya makatingin?

Di ako nagpatinag tinaasan ko din siya ng kilay. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, tumayo naman ako at sinunod siya. Boss ko pa rin siya 'pag nasa trabaho kami. Bago pa ako makalapit ay pumasok na siya sa loob ng office niya, saka ko sumunod sa kanya.

"Have a seat," utos niya sa akin.

Ang weirdo talaga ng impaktong 'to.

Sinunod ko siya at umupo ako sa upuan sa harap ng table niya.

"Anong meron sir?" alangang tanong ko.

Hindi niya agad sinagot ang tanong ko, sa halip ay tinitigan niya lang ako.

"Kung wala kang sasabihin sir, babalik na ako sa working area ko." Akmang tatayo na ako nang magsalita siya.

"Why do I get jealous everytime I see you laughing with Nick? Why can't I make you laugh that way? Why does it hurt? but I can't ask you to stop being friends with him." Kita ko ang lungkot sa mata niya.

"I thought I only have fear of dogs, but I think I gained more fears. I fear that you will fall for someone else. I fear that I might not make you happy. I'm afraid of losing you Gabe."

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya, but I'm happy to know that someone is afraid of losing me.

"Nasa akin ang pitong dragonballs, incase mawala ako madali mo ko mahahanap basta may dragonball radar ka," pagbibiro ko.

Nginitiian niya ako pero alam kong pilit lang 'yun.

"Ipagdasal natin ang namatay kong joke."

Hindi siya natawa sa joke ko, secret weapon unleashed!

Tumayo ako at naglakad patungo sa kanya.

"Tumayo ka," sabi ko sa kanya.

"Why?" tanong niya.

"Gawin mo na lang h'wag madaming tanong," reklamo ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa swivel chair niya gaya ng inutos ko.

Bahala na si Deadpool!

I hugged him and buried my face against his chest.

Nakakahiya 'tong ginagawa ko, pero hayaan na! 

Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik at tulad ng lagi niyang ginagawa hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko.

"Hindi ka na ba nagseselos?" tanong ko.

"I still am," dugtong niya.

"Bakit ka ba nagseselos? Eh ikaw nga 'yung gusto ko, you make me happy," sabi ko.

"Really?" paniniguro niya.

Bakit ba parang ayaw niyang maniwala?

"Your letters make me happy Xi. Knowing that you're scared of losing me makes me happy, at least someone sees me as a valuable thing," I said sincerely.

Sa dalas namin magkasama ay napapa-english na rin ako.

"You're not a thing though, you're a person, and being one makes you valuable enough but there is no person I value more than you."

Bakit ba lagi siyang ganito? Ako dapat yung naglalambing sa kanya pero parang ako 'yung lagi niyang nilalambing.

"I like you,"

"What did you say?"

Uulitin ko ba?

"I like you."

"Again," utos niya.

"I like you," ulit ko.

"Ang daya mo Xi," reklamo ko.

"Why?" tanong niya, not removing his hands on me.

"Ahh basta, ang daya mo!"

Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya saka ako tumingala, only to find him staring down at me. Nanatili kaming nakakatitig sa mata ng isa't-isa. His brown eyes are full of emotions, and I'm being sucked into it. I could feel my heart beating heavily.

I momentarily stared at his pinkish lips, I kissed him before but I didn't have this feelings then.

Why am I having the urge to kiss him?

Binalik ko ang tingin ko sa mga mata niyang nakatitig pa rin sa akin. Bigla niyang hinakan ang mag-kabilang pisngi ko at nagsimula siyang yumuko upang ilapit ang mukha niya sa akin. Alam ko na ang mangyayari, napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Dama ko ang pag galaw ng labi niya tila tinutudyo ako, nagpatianod na lamang ako at hinalikan siya pabalik.

I can't contain these feelings inside my chest. This thing is alien to me but I have to admit I like it.

So this is how it feels to kiss someone you love for the first time--

"Gab? are you okay?" tanong ni Xi habang nakatingin pa rin sa akin.

Para akong nagbalik sa kamalayan ko.

What? Did I just have a daydream, while staring at him? Nahihibang na ba talaga ako?

Di naman siguro niya ako nahalata?

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at bahagyang umatras palayo sa kanya.

Gabriela! You and your perverted thoughts!

"Are you okay?" nag-tatakang tanong ni Xi.

"O-o," nauutal na sagot ko, not looking at him.

"Sige, balik na ako sa table ko." Paalam ko sa kanya at di na hinintay ang pag sang-ayon niya.

Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko. At impit na napapikit while nibbling my inner lip. Okay na din siguro ang ganun, baka kung ano pang mangyari kung totoong mangyari yun. Baka himatayin pa ako. 

Jusko! Nakakahiya pa rin! Pero ano nga kaya ang pakiramdam? 

Langya, Gabriela! kakapanood mo ng K-drama yan kaya kung anu-anong naiimagine mo!

Normal naman siguro 'tong nangyayari sa akin noh? Ganito talaga ata?

Bago ang pakiramdam na ito sa akin, wala naman siguro akong sakit o ano.

I love him that's all that matters right now.