Chereads / My Two First Kiss / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Langya!! Bwisit!!

Namuti na ang mata ko, kakahintay ng text mula kay Xi pero wala akong natanggap mula sa kanya. Wala man lang paliwanag? Asan na yung 'let's talk after work' niya. Why am I acting like a bitter girlfriend?

Di kita papansinin ngayong araw. Humanda kang Impakto ka.

Pagdating ko sa office nagchichismisan na naman ang mga officemates ko.

What's new? almusal ata nila ang mag chismisan.

"Alam mo ba nakita ko si Sir Xavier at Ms. Ericka magkasama. Ang ganda nila tignan may something kaya sila."

May kasama palang maganda, kaya nakalimutan ako. Wala na Finish na.

Pumasok ako sa office namin ni Xi, wala pa rin siya. Umagang-umaga nakikipag-date na. Edi kayo na!

Ano bang iniisip ko? Abnormal ko talaga.

Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog ng kanta.

Saka nagsimulang mag-trabaho sabay kanta sa tugtog at may kasama pang padyak ng paa habang tutok ang mata ko sa monitor.

"Lie liar you'll pay for your sins..." kanta ko sa lyrics.

Biglang na lang may humila ng earphones ko.

"Silang, stop singing," dinig ko.

Di ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yun.

"Ano yun sir?" walang lingunang tanong ko.

"Make coffee for us."

Us? May kasama siya?

Nadako ang mata ko sa babaeng kasama niya. Tao pa ba to? mukha siyang dyosa sa mata ko. Nginitian niya ako.

"Goodmorning, I'm Ericka. What's your name again?" Nakangiting pakilala niya.

Langya! Ang ganda niya.

"Gabriela Silang," wala sa sariling sabi ko.

"Gabriela Silang?" takang tanong niya.

"I mean Gabriela," pagkaklaro ko.

Tumango-tango siya.

Engot Gabriela!!

"Let's go Eri." Yaya sa kanya ni Xi papasok sa office nito.

Napatingin lang ako sa kanila hanggang sa makapasok sila sa loob.

Eh di kayo na ang close.

Nagpunta na lang ako sa pantry at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. Dahil badtrip ako, naparami  ang kapeng nilagay ko sa tasa ni Xi.

May kasalanan ka pa sa akin Impakto ka!

Dinala ko iyon sa office ng boss ko at ipinatong sa mesa niya ang kape, saka ako lumabas.

Bumalik ako sa desk ko at narinig ko ang pag-ubo ni Xi. Napangiti ako ng malapad.

Mission Complete.

Dali-daling akong inutusan ni Ericka wearing a worried face.

"Gabriela we need water," sabi nito.

Ginawa ko naman ang inutos niya at dinala ko iyon sa office ni Xi. Umuubo pa rin si Xi.

Kinuha ni Ericka ang baso ng tubig at pinainom kay Xi.

Sumobra ata ako, ganun ba kapait ang kapeng tinimpla ko?

"Anong ginawa mo Gabriela? How dare you serve Xavier a coffee like that? it's too bitter!" sigaw sakin ni Ericka.

"Drink the whole cup, tignan natin kung kaya mong inumin yan," marahas na utos ni Ericka.

"Eri, I'm okay," sabi ni Xi

"No! I don't know what she's up to, you are her boss she should at least be nice to you!" ayaw paawat na sigaw ni Ericka.

Baka mag-lovers quarrel pa sila sa harap ko. Okay fine, inumin lang pala.

Kinuha ko ang kapeng tinimpla ko para kay Xi, Gaano nga ba karaming kape ang nilagay ko rito?

Sinimulan ko itong inumin. I see horror on her face when she saw me finish the cup not even leaving a drop.

Salamat sa araw-araw naming pagtambay ni Donna sa coffee shop I'm used to the bitterness of coffee.

Tinitigan ko si Ericka and smirked. Nagngangalit sa inis ang mga mata niya.

Asar talo pala siya.

Kinuha niya ang basong pinaginuman ni Xi na may laman pang tubig. At Tinapon ang laman nito sa mukha ko.

Alam ko na ang feeling ni Sharon ng tapunan siya ni Cherrie Gil ng wine sa mukha. Buti na lang tubig lang yung akin.

Instant hilamos ito para sa akin. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Xi.

"I'm sorry! Nabigla lang ako, sasamahan na kita sa CR." Lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko.

Sa kabila ng mga sinabi niya ay nakita ko ang pagsisinungaling niya.

Pa-good shot spotted.

"I can Manage myself." Wakli ko sa kamay niya.

"Gab," tawag ni Xi sa pangalan ko.

Di ko siya pinansin, lumabas na ako at baka mag-transform pa ako tapos magaya si Taguro na naka isang daang porsyento ang lakas at mabalibag ko silang dalawa.

Naglakad ako palabas sa office namin at naglakad patungo sa CR. All eyes on me, yung iba nagtataka bakit basang basa ako. 'Yung iba naman lihim na pinagtawanan ako. Naikuyom ko ang kamao ko.

I saw Nick walking towards me, tinitigan ko siya at umiling.

Sapat na iyong dahilan para h' wag siyang lumapit.

Nang makarating ako sa CR ay  napatingin ako sa salamin at pinunasan ng tissue ang damit ko.

Wala akong karapatan na mainis, kasalanan ko naman ang nangyari.

Pero bakit di ko maiwasan ang mabwisit.

'Yung doble karang Ericka na yun. Out of frustration di ko napigilang suntukin ang pader ng CR.

Napabuntong hininga na lang ako. Saka ako lumabas. Hinintay pala ako ni Nick lumabas ng CR.

"Anong nangyari sayo, you're hand is bleeding."

Doon ko napansin dumudugo pala ang kamao ko.

Hahawakan sana ni Nick ang duguan kong kamay ngunit iniwas ko na ito.

"Malayo sa bituka, di ko ikamamatay to."

Pagkatapos kong sabihin yun ay iniwan ko na siya.

May makakita pa sa amin, magpakalat na naman ng fake news. Bumalik ako sa desk ko at tinalian ng panyo ang kamao ko.

Nag-text ako kay Donna

...

Me

Besh libre mo akong icecream,

Donna Feeling Dyosa

Bakit? May pinatago kang pera?

Me

Please...

Donna Feeling Dyosa

Oo na sige na.

Me

Labyuu Bakla!

Donna Feeling Dyosa

Yuck! Kadiri!

...

Napangiti ako dahil naimagine ko ang nandidiring mukha ni Donna.

Pagdating ng lunchbreak ay lumabas ako agad para puntahan si Donna.

***

"Anyare diyan sa kamay mo?" tanong ni Donna.

Sabay hawak sa kamay ko at tinanggal ang panyong nakatali dito.

"Anong ginawa mo?" nagwawalang tanong niya nang makita niya and nangyari dito

"Ehh paharang-harang kasi yung pader, nabwisit ako ayun sinuntok ko." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Pati ba naman pader Gabriela, pinapatulan mo." Binatukan niya ako.

"Tignan mo ginawa mo."

Puro pasa at sugat ang daliri at kamao ko. It hurts, but at least nawala ang frustrations ko.

Ginamot ni Donna ang kamay ko at nilagyan ng band aid ang bawat sugat sa daliri ko.

"Ulitin mo pa yan, ako na mismo babali sa kamay mo. Kababaeng tao warfreak," inis na sabi niya sa akin.

Kumain kami ng lunch saka siya bumili ng ice cream na cheesecake flavor para sa akin.

Habang kumakain ng icecream, ay naalala ko ang panglalait sa akin ng dalawang bruha sa CR ang pagtapon ng tubig sa mukha ko. Ang lihim na pagtawa ng ilan sa mga officemates ko.

Alam ko naman na hindi ako friendly pero minsan masakit sa pakiramdam na walang nagtatanggol sa'yo. I'm so thankful kasi may kaibigan pa rin ako sa katauhan ng baklang si Donna.

Di ko napigilan ang mapa-iyak at humikbi na parang bata.

"Hala! Bakla bakit crying lady ka diyan anong ganap?" Panic na tanong niya.

"Thank you Donna! kasi lagi mo akong sinasamahan, thank sa pagtitiis sa ugali ko. Sana wag ka mag-sawa," sabi ko sa kanya nanang patuloy sa pag -iyak.

"Anong magsasawa edi sana di kita nilibre ng ice cream, kalurky ka girl. Tama na yang drama mo nagmumukha kang Chararat."

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko saka ko siya niyakap.

"Hoy Gabriela! Wala akong balak maging tomboy. Kaya bitawan mo na ako jojombagan kita kapag di ka bumitaw," awat sa akin ni Donna.

"Gabbydear! pinagpalit mo na ako kay Donna." pagmamaktol ni Nick.

Hindi ko napansin andito pala siya. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Donna.

"Nick! You're my hero!" maarteng sabi ni Donna.

May kasalanan pa ako sa kanya.

"Sorry kanina, nagiinarte lang ako," kaswal na sabi ko.

"Ano ba kasi nangyari sa'yo at mukha kang basang sisiw kanina?"

"Nainitan ako, kaya naisipan kong maghilamos, naalala ko wala pala ako sa CR." Palusot kahit alam kong di naman nila paniniwalaan.

"May kinalaman ba si Ericka dito?" tanong niya sa akin.

"Ericka? yung fashonistang palaka?" tanong ni Donna.

"Anong palaka? Ang ganda kaya niya," kontra ko kay Donna.

"Maganda ang mukha, ugaling palaka."

"Close ba kayo? saka may bad bang palaka?" tanong ko sa kanya.

"Ahh basta 'yun na' yun, anong ginawa niya sa'yo? sasabunutan ko ang palakang yun!" gigil na sabi ni Donna.

"'Wag ka na ma-stress Donna, nagsorry naman siya. Pilit nga lang."

"And Xavier did nothing about it?" tanong ni Nick.

Ano ba dapat niyang gawin?

"Hayaan niyo na! Okay na ako dahil nakakain na ako ng icecream," pagpapahinahon ko sa kanila.

"Gabriela mag-clubbing tayo bukas pantanggal ng stress," biglang nag-aya si Donna.

Club? Natrauma na ata ako dun.

"Join ako sa inyo," imbita ni Nick sa sarili.

"Bakit bukas pa?" takang tanong ko.

"Paalam ka muna sa kuya mo, saka mag o-OT ako ngayon," paliwanag ni Donna.

"Oo na." Di na lang ako nakipag-talo.

"It's all set, balik na tayo sa office Gabbydear."

"Diyan ka lang, mauuna na ako. Mamaya machismis akong nilalandi kita." Pigil ko sa kanya.

"Ahh, kaya mo ko iniwasan kanina?" tanong niya.

"Tumpak! I already got to much attention today. Time out muna." Tumayo ako agad at iniwan sila.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Nick.