Chereads / My Two First Kiss / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Wala pa rin ako sa sarili habang nagtatrabaho.

Ano bang nangyari kagabi?

Nananaginip lang siguro ako?

Tama! Panaginip lang yun!

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko. Kasalanan 'tong lahat ng Impaktong Xi na yun.

...

"Hoy Xi, friends tayo pero kakasuhan talaga kita ng harrassment pag may ginawa sa akin," banta ko sa kanya.

"I'm just taking back a kiss you have stolen." He smiled innocently.

Bigla na lamang niya nilapit ang mukha niya sa akin.

Puno ng kaba ang dibdib ko sa ginagawa niya. Pero ang pinagtataka ko ay di ko magawang kumilos, di ko makuhang sipain siya.

Ano bang nangyayari sa akin?

Napapikit na lamang ako nang lalo niya inilapit ang mukha niya sa akin na tila ba hahalikan ako.

Narinig ko ang shutter ng isang Camera.

"So this is how you look like while waiting for a kiss."

Minulat kong muli ang mata ko.

Langya! Pinicturan niya ako!

Tumayo siya at tinititigan ang picture ko sa cellphone niya.

Impakto ka talaga!

Di na ako nag-atubili at bumangon ako at tumayo.

"Burahin mo yan Xi!" sigaw ko sa kanya.

"No, you look so cute." Nakakalokong ngiti niya.

Bwisit! Lakas ng trip.

"Akin na yan." Abot ko sa cellphone niya ngunit agad niya iyong naiiwas.

"No, its my phone," sabi niya sabay taas ng kamay niya.

Langya! Height matters talaga madalas.

Pilit akong tumatalon para abutin ang cellphone niya, kaso parang pinapagod ko lang ang sarili ko. Nakangiti siya habang pinipilit kong tumalon para maabot ang cellphone niya.

Pagod na ako! Langya!

Hingal akong umupo na lang sa dulo ng kama ko.

"You finally got tired." Nakangising sabi niya.

Lumapit siya sa akin at bahagyang yumuko sa harap ko nakahawak ang kamay sa tuhod niya.

Nakayuko siya sa akin nakatingala naman ako sa kanya.

Ano namang trip nito?

"You still owe me a kiss remember?" nakakalokong ngiti niya.

Nanlaki ang mata ko nang hinalikan niya ang tungko ng ilong ko.

Agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa bintana saka lumabas.

Naiwan akong nakatulala, sa ilong lang 'yun pero bakit ganito ang epekto sa akin.

"Silang!" Sigaw niya at muli siyang sumilip mula sa bintana.

Napatingin ako sa direksyon niya.

"This isn't a dream, hope you get a good sleep." Sabay kindat niya sa akin.

Ano bang nangyayari sa earth!

...

Napapakamot ako sa buhok ko dahil sa alien feeling na nararamdaman ko. This all new to me, bakit ganito?

Nung una si Nick ngayon naman si Xi?

May epidemya na bang kumakalat sa Pilipinas?

"What's going on Silang?"

Napatingin ako sa kung sino man ang nagsasalita.

Langya naman ehh! Di pa ako ready na makita siya.

Nag-iwas ako ng tingin kay Xi, at inayos ang buhok ko.

"Bakit ba? bawal ba magkamot ng ulo?" tanong ko sa kanya.

Wala akong balak na tignan siya.

"Want to have some breakfast with me?" aya niya sa akin.

Ha? bakit?

Muntik na akong mapalingon sa kanya, pero napigilan ko ang sarili ko.

"Hindi na, malaki ka na kaya mo na mag-isa 'yun."

"Don't you want to eat with me?" sa tono ng boses niya ay para siyang nagpapa-awa.

Paano ba ako lulusot dito?

Ang hirap mag-isip ahh kakain pa lang dapat ako kaso dumating agad siya.

"Gabbydear!" Dinig kong tawag ni Nick.

Tumayo ako agad at sinalubong si Nick.

"Kasi may kasama na akong magbi-breakfast." Pagkasabi ko nun ay hinila ko ulit si Nick palabas.

Nang makalayo kami ay binitawan ko kaagad si Nick.

"Saan tayo kakain?" tanong niya.

"Kahit saan ikaw bahala."

"Bakit ako? Ikaw dapat ang bahala ikaw nanghila sa akin,"sagot ni Nick.

Haay sige na nga!

Tutal napakinabangan ko naman siya para makaiwas kay Xi.

Nang makapasok kami sa kainan ay nagpunta agad kami sa counter.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw ang gusto ko," Nakangising sagot niya.

Heto na naman siya sa mga pick-up lines niya.

"Sapak gusto mo?" inis na sabi ko sa kanya.

"Ano bang masarap dito?" tanong niya.

"Maghanap ka na nga lang ng mesa, ako na pipili para sayo," utos ko sa kanya.

Nang maka-order ako ay agad kong hinanap si Nick.

Asan na ba ang batang 'yun?

Nang makita ko na kung saan siya naka-pwesto ay lalapit na sana ako. Kaso lang napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko na may mga kasama siya.

"Gabbydear!" tawag sa akin ni Nick.

Langya! di ko na talaga mapagsasabihan ang lalaking 'to na tigilan ang pagtawag sa akin sa ganong pangalan.

I just rolled my eyes at lumapit sa kanya.

Nagsisi ako na lumapit sa kanya nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Ipinatong ko ang tray sa mesa at umupo ako sa tabi ni Nick katapat ko si Xi dahil dun na lang ang bakante.

"Hi Gabriela," nakangiting bati sa akin ni Ericka.

"Hi," bati ko pabalik.

Hindi na ako nag-abalang ngitian siya.

She's faking it, di naman talaga siya masayang makita ako.

"You two are close?" tanong ni Ericka kay Nick.

"She's my soon to be girlfriend," walang prenong sabi ni Nick

"Nick, manahimik ka. Ilang beses na kita binasted." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Bakit? You look good together, right Xavier?" tanong niya sa akin.

Mukha mo, di kayo na lang ni Nick.

"Huh?" Di nakikinig na tanong ni Xi.

"Lagi ka na lang ganyan Xavier," maarteng reklamo ni Ericka.

Bahala kayo diyan, basta ako kakain ako.

"Xavier and I also look good together,right?" tanong niya sa akin.

"You're both good looking," sabi ko na lang.

Wag mo ko dinadamay sa usapan niyo di tayo close.

Napansin kong bahagyang napangiti si Xi.

Lumaki agad ulo?

"Why don't we go on a double date?" suggestion niya.

"Ha? Busy ako," mabilis kong tanggi.

Ayoko lang talaga siya makasama.

"Gusto ko yan!" pag-sang ayon ni Nick.

"Why don't we go on a vacation instead?" tanong naman ni Xi.

Langya Xi! pati ba naman ikaw?

"Wala naman bagyo ngayon diba? Why don't we go to palawan?" sabi ni Nick.

"Di ako sasama," mariin kong sabi.

"You will." Full of authority na sabi ni Xi.

Pinanlisikan ko na lang siya ng mata.

"It's not work related," dahilan ko.

"We could promote our company and services there," sabi ni Nick.

Yung totoo? Gusto niyo lang mag swimming ehh, dami naman swimming pool dito. Gusto nyo Palawan pa talaga.

"Sasama lang ako, kapag kasama si Donna," mariin kong sabi.

Damay-damay na 'to Donna.

Di ako papayag na maiwan kasama si Nick habang nagpapakasaya sila.

"Okay," mabilis na pag-sangayon ni Nick at Xi.

"Paano kung di siya pumayag?" tanong ko.

"Why don't you ask him," sabi ni Xi.

'Yun naman ang ginawa ko. Nag-send ako ng message sa kanya.

...

Me

Bakla, as per may boss sasama ka sa amin mag palawan this weekend. File a leave 3 days 4nights.

Donna feeling Dyosa

OMG!!! Invited ako!! Sure!!! Sumama ka sa akin bumili pang OOTD.

....

Langya! Di man lang dalawang isip? wala na talaga akong takas.

"Anong sabi niya?" tanong ni Nick.

" Okay daw," walang ganang sagot ko.

Wala na, Finish na.

...

"Ito bakla bagay sayo 'to," sabay pakita sa akin ng black swimsuit na naka sabit sa hanger.

Nasa department store kami, hinila agad ako ni Donna dito nang sinabi kong magpupunta kami sa palawan para daw may pang OOTD kami.

"Ayaw! Rash-guard ang isusuot ko," mabilis kong tanggi.

"Ano ka ba bakla minsan lang to mangyari," excited na sabi niya.

"Ayoko, para na akong nakahubad kapag sinuot ko yan. Saka si Xi at Nick nandun makikita nila ako, No."

"Ano ngayon kung makita ka nila? papakabog ka sa Ericka na 'yun?"

"Bakit naman ako makikipag kompitensya sa kanya ehh alam naman natin na lamang siya," I said frankly.

"Bakla confidence lang ang wala sayo, mas maganda ka dun," pag-momotivate niya sa akin.

"Ikaw na lang mag-suot niyan kung gusto mo." Irap ko sa kanya.

"Why not, di mo naman ko itatakwil kapag sinuot ko to diba?"

Langya! anong trip ng baklang ito?

"Ano bang trip mo sa buhay?"

Minsan talaga di ko na maintindihan mga tao sa paligid ko.