Sinenyasan ko si Xi na lumapit sa akin, ginawa niya naman iyon.
"Eto na ang parusa mo!" masigla kong sabi.
"Ano?" tanong niya.
"Piggy back ride buong bakasyon natin," bulalas ko.
"Ha? Bakit?" Kunot ang noo na tanong niya.
Sa totoo lang ay gumagawa lang ako ng dahilan para di ako maglakad, sobrang sakit na ng paa ko. Ikaw ba naman ang mag-akyat baba sa lighthouse nang may tama ang isa mong paa.
"'Wag ka na magreklamo."
"Sandali, bawat salita bang bibigkasin ko ay may karampatang parusa agad? O bawat talata ang kaakibat ay isang parusa? 'pag ginawa ko ang parusa maaari na bang muli akong magsalita ng Ingles at pinapatawad mo na ako sa pagdukot ko sa'yo?"
Di ko alam kung matatawa ako o dudugo ang ilong ko sa malalim na tagalog niya. Buwan ng wika ang ganap niya.
Bwisit! Dami niyang tanong.
"Oo na, pwede ka na mag-english at pinapatawad na kita. Basta piggy back-ride all the way!" medyo napipikon na sabi ko sa kanya.
Si kuya Jun naman tinatawanan lang kami.
Tumalikod siya sa akin si Xi, suot ang back-pack niya sa harap niya.
"Sakay na," sabi niya.
"Okay!" sabi ko saka ako sumampa sa likod niya.
Ang sarap sa pakiramdam na di na nasasaktan ang paa ko, salamat sa pagbuhat niya sa akin.
Binaling ko ang tingin ko kay kuya Jun na nakangiting nakatitig sa amin ni Xi.
"Anong problema kuya Jun? bakit nakangiti ka?" tanong ko sa kanya.
"Natutuwa lang ako sa inyong dalawa ni Sir, maam." Napakunot ako ng noo.
Huh? Bakit siya natutuwa?
"Para po kasi kayong magkasintahan na nagkatampuhan at nagkaayos na," sabi niya na tila nabasa niya ang tanong sa isip ko.
Magkasintahan talaga?
Tumikhim si Xi.
"Oh, may paubo-ubo ka pa diyan," sita ko sa kanya.
"Bigat mo kasi Silang," reklamo niya.
"Impakto ka!"
Di nga? bumigat ba ako?
"'Wag kang malikot kung ayaw mo mahulog," sabi niya sa akin.
"'Wag ka kasi mang-asar," inis na sabi ko.
"Anong sinasabi mo Silang di naman kita inaasar," pag mamaang-maangan niya.
"'Wag kang mag-alala ma'am di ka hahayaang mahulog ni Ser kung alam niyang may ibang gustong sumalo sa iyo," sabat ni kuya Jun.
Anong nangyayari? Pumi-pick up line ba si kuya?
Kung di ko lang talaga kailangan ang tulong ni Xi, kanina pa ako bumaba mula sa likod niya. Gaya ng plano ko ginawa ko talagang taga-buhat si Xi. Lalo na at halos puro burol ang pinuntahan namin. Di ko na kakayanin ang umakyat dun ayaw ko pang malumpo.
"Ginawa mo talaga akong taga-buhat Silang. You didn't even give me a chance to rest," reklamo ni Xi.
"'Wag ka na magreklamo last stop na natin 'to today," sabi ko na lang bilang pampalubag loob.
Pagdating namin sa tuktok ay bumaba ako sa likod niya. May konsensya din kasi ako. Inalis niya ang backpack na suot sa dibdib niya at minasahe ang mga balikat niya.
Sorry Xi, kelangan lang talaga.
We are standing at a top of hill, pinagmamasdan ang ang paglubog ng araw. This is heaven the orange colors of the sky kissing the ocean. Para akong nakatingin sa isang painting. Di ko maalis ang ngiti sa labi ko. Di ko pinalagpas na kunan ito ng litrato gamit ang cellphone ko.
"Silang! tingin dito," tawag sa akin ni Xi.
Nilingon ko naman siya agad, at paglingon ko ay kinuhaan na pala ako ng litrato.
Ano naman kaya ang itsura ko sa kuha niya. Malamang wacky, di maalis nakakalokong ngiti niya habang nakatingin sa kuha niyang shot.
Bwisit!
Napasimangot na lang ako at inirapan siya.
"Ma'am, Sir kuhaan ko po kayo ng picture," sabi ni Kuya Jun.
Sumang-ayon naman si Xi at inabot ang camera niya dito saka tumabi sa akin.
"1,2,3!" Pasigaw na bilang ni Kuya Jun.
Bigla ko na lamang naramdaman ang kamay ni Xi sa balikat ko at ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko.
Napakurap ako sa ginawa niya.
Ba-dump...Ba-dump...Ba-dump...
Ayun na naman ang malakas na tibok na puso ko.
Inalis ni Xi ang kamay sa balikat ko at pasimpleng umatras ng bahagya.
"Kuya Jun, nakunan mo ba yun?" tanong ni Xi.
Sumenyas naman si Kuya Jun ng 'Aprub'.
Langya! Magka-sabwat pa talaga sila.
"Hoy Impakto ka!" sigaw ko sabay suntok sa balikat niya.
"Ouch! Masakit yun ahh!" reklamo niya sa akin.
"Bakit mo ba ako pinagtri-tripan?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.
"Hindi kita pinag-titripan, I'm showing you my affection," nakangiting sabi niya.
"Hoy Xi, di mo ako madadala sa mga hirit mo," pagmamayabang ko.
"Are you sure you won't?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay sa akin.
"No, I won't," mariing sabi ko.
"I'm sure you will," pagpupmilit niya.
"Hindi nga!"kontra ko.
"You already are."
Wow!Sinapian na ba siya ni Nick?
"Pustahan tayo gusto mo?" hamon ko sa kanya.
"No need," sabi niya sabay lumapit ulit sa akin.
Wala akong magawa kundi ang tingalain siya dahil sa katangkaran niya.
"Are you scared of losing?" I mocked him.
"Yes."
Kumunot ulit ang noo ko habang nakatitig sa kanya, nagtataka.
Bahagya siyang yumuko at lalong nag lapit ang mukha namin. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nasisinigan iyon ng kulay kahel na paglubog ng araw.touched his face.
Bakit ang pogi niya ngayon?
Ano ba Gabriela!
"I'm scared of losing you, though you are not mine yet."
Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Ayun na ang mata niyang nangungusap filled with emotions. Konti na lang maniniwala na ako na mahal niya ako.
"Nice pose Ma'am at Ser parang pang pre-nup!" sigaw ni Kuya Jun na kinuhanan pala ulit kami ng litrato.
Nag-iwas ako ng tingin kay Xi at nanatili sa kinatatayuan ko.
"Silang halika na, uuwi na tayo," sabi ni Xi sabay upo patalikod sa harapan ko.
***
Pagkahatid sa amin ni kuya Jun sa tinutuluyan namin ay agad na kinuha ni Xi ang bag ko at dinala sa loob ng bahay.
"Hoy! 'wag mo ko iwan dito!" sigaw ko sa kanya.
Pero di niya ata ako narinig. Napatingin na lamang ako sa kanang paa ako.
Ano? Lilipad ba ako o gagapang para makapasok sa loob?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Silang? Are you planning to stay outside the whole night, baka sipunin ka."
Napatingin ako kay Xi na papalapit sa akin.
"Halika na sa loob," sabi niya sabay hila sa kamay ko.
"Aray!Teka lang!" palahaw ko.
Huminto si Xi at humarap naman sa akin.
"Are you okay? anong problema." Punong -puno ng paag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Wala," pagsisinungaling ko.
"You're not okay, can please try to walk," ma-otoridad na utos niya sa akin habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay. Napasimangot na lang ako at napatingin sa kanya.
"Ayoko, masakit ang paa ko," pag-amin ko.
"You hurt your foot?" tanong niya.
Tumango na lang ako bilang tugon, lalo siyang lumapit sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.
"Hoy Impakto ka, ibaba mo nga ako!" sawy ko sa kanya.
"No, di ka nga makalakad diyan, tapos you won't let me carry you? halos buong araw na kitang buhat ngayon ka pa tatangi," litanya niya.
Sige, Shut up na lang ako.
Pagpasok namin sa loob ng lodging home ay inakyat niya agad ako sa kwarto at pina-upo sa kama Saka siya lumuhod sa harap ko.
"Anong paa ang sumasakit?" tanong niya sa akin habang nakatingala sa akin.
"Yung kanan," nakasimangot na sabi ko.
Hinubad niya ang sapatos at medyas ko, tumambad sa mata namin ang magang-maga kong sakong.
"Bakit di mo sinabing masakit ang paa mo?" Inis na sabi niya.
"Ayaw kong mag-worry kayo at i-cut ang itinerary natin dahil sa paa ko," sagot ko sa kanya.
"Look at your foot does it look fine to you?" Sa tono ng tanong niya alam kong naiinis talaga siya. Nanatili na lang akong tahimik at di siya sinagot, tumayo siya at lumabas ng kwarto.
Nag-walkout ba siya? Loko yun ahhh...
Inalis ko na lang din ang isa ko pang sapatos at medyas itinaas ko ang paa ko at pade-kwatrong umupo. Pinagmasadan ko ang namamaga kong paa. Ano ba kasing naisipan ko at nag-jumpshot pa ako. Muling bumukas ang pinto ng kwarto, pumasok si Xi at kasama na niya si Kuya Jun.
"Anong ginagawa mo dito kuya Jun? diba umuwi ka na?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
"I told him about your foot, buti na lang at marunong din si kuya Jun mang hilot."
Lumapit sila sa akin at agad na hinawakan ni Kuya Jun ang paa ko. Napangiwi na lang ako ng galawin ni kuya Jun ang paa ko.
Holy sheep! Ang sakit! Pwede ba akong umiyak?! Ayoko na!
"Hold my hand," sabi ni Xi sabay lahad ng kamay niya, hinawakan ko naman iyon. Sa bawat pag galaw ni Kuya Jun sa paa ko ay napapapikit ako at humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Xi. Tagaktak ang pawis ko nang matapos sa paghilot si kuya Jun sa paa ko.
" Are you okay?" tanong sa akin ni Xi.
"Sinong magiging okay matapos yun? Ikaw kaya pilayan ko," Asik ko kay Xi.
"Maam Ser mauna na po ako sa inyo," paalam ni Kuya Jun.
"Salamat sa tulong kuya Jun ingat po pauwi," paalam ko sa kanya.
"Ihatid ko na kayo sa labas," alok ni Xi at naiwan na naman akong mag-isa sa kwartong 'yun.
***
Pagbalik ni Xi ay may dala na siyang breakfast table na may lamang pagkain tsaka lumapit sa akin.
"Ano yan?" parang tangang tanong ko.
"Pagkain?" nagtatakang sagot niya.
"Alam ko, Ibig kong sabihin bakit may dala ka?"
"It's dinner time and you haven't eaten yet," kaswal na sabi niya.
"Pwede naman ako kumain sa baba," sabi ko sa kanya.
"Ano? para matuluyan ang paa mo? Kumain ka na lang kasi," sabi niya sabay patong ng breakfast table sa tabi ko.
Bakit ba ako sinesermonan ng impaktong ito?
"Ikaw,kumain ka na ba?"tanong ko sa kanya.
"I'm fine just watching you eat," sabi niya.
"Sapak gusto mo? Kumain ka din!" utos ko sa kanya.
"Para sa isang tao lang yan," dahilan niya.
Di pwedeng ako lang ang di matunawan noh.
"Hindi ako kakain kung di ka kakain," pananakot ko.
"Okay, kakain na." Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinabi ko.
Sumamapa siya sa kama ko at naupo sa tapat ko.
"Oh gamitin mo," abot ko sa kanya ng tinidor.
"No, I can eat with my hands," tanggi niya.
Nagsimula akong kumain nang mapansin kong tila hirap siyang mag-kamay. Kumuha ako ng kanin at ulam, gamit ang kutsara at tinidor.
"Oh!" sabi ko sabay tapat sa bibig niya ng kutsara.
Napatingin siya sa akin, sabay ko subo ko ng kutsara sa bibig niya. Nagulat siya sa ginawa ko, kaya ako natawa. Gusto niyang magsalita pero di niya magawa dahil puno ang bibig niya. Pagkalunok niya ay agad niyang kinunot ang noo niya.
"Are you trying to kill me?" tanong niya sa akin.
"I'm trying to feed you, thank you for helping me," sabi ko.
Napatingin siya sa akin at napangiti.
"Ano? gusto mo pa?" tanong ko.
"I just realized, we shared an indirect kiss right?" nakakalokong tanong niya.
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, di ko naisip 'yun.
"Ang malisyoso mo Xi! Ewan ko sayo!" sigaw ko sa kanya.
"Why are blushing?!" natatawang tanong niya.
"Ewan ko sa'yo! Manahimik ka," inis na sabi ko.
Di ko na ulit siya sinubuan bahala siya magutom. Pagkatapos namin kumain ay inilabas na niya ang pinagkainan namin. Paglabas niya ay dahan-dahan akong tumayo at naglakad papuntang CR. Palabas na ako ng CR nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto.
"Anong ginagawa mo?" nakakunot na naman ang noong tanong niya.
"Nag-CR? Naghihilamos? Nag-toothbrush?Nag-bihis?" nakangiwing sagot ko.
"Bakit di mo ako hinintay?" kunot pa rin ang noo niya.
"Bakit kita hihintayin? Sasabay ka?"
"Hindi ka pa dapat naglalakad, kahihilot lang ng paa mo," paalala niya.
"Kung may pakpak ako di sana lumipad na ako," bulong ko nang bigla siyang naglakad palapit sa akin.
"Are you trying to piss me off?"
Napatingala na naman ako sa kanya, mukha talaga siyang nainis. Magkaka-stiff neck na talaga ako kakatingala.
"Hindi ahh..." pa-inosenteng sagot ko.
"You are," seryosong sabi niya
"Hindi nga."
"Could you please avoid making me worry too much Gab?" butong hininga niya.
Para siyang nagmamakaawa at mukhang pagod na pagod na. He made me remember something I wanted to forget. Kaya ayoko nagpapa-kita ng pagiging weakling ko. Ayaw kong maging pabigat. I'm scared of seeing people getting tired of me.
"Gab why are you crying?" Nagbalik ako sa realidad.
"Ha?"wala sa sariling tanong ko.
Yumuko ako at pinunasan ko ang mata ko. Naramdaman ko ang butil ng luha sa ilalim ng kaliwang mata ko.
"Did I say something to make you upset?" tanong niya sa akin.
"Sorry if I sounded tired. Tinulungan ko kasi yung matandang may-ari ng lodging home kanina."
"I'm never getting tired of you Gab," sabi niya.
Tila ba nabasa niya ang iniisip ko kanina.
"Napuwing lang siguro ako," pagsisinungaling ko.
Engot ka Gabriela! Literal na pagod siya. Kung ano-anong iniisip mo.
Pinunasan kong muli ang mata ko.
"Let me kiss those tears away,"sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin Xi?" takang tanong ko.
Bigla niya na lamang hinawakan ang magkabilang pisngi ko napapikit ako nang hinalikan niya ang mata ko.
"Just remember what I said I'll never get tired of you."
"Hoy Xi! Nakakarami ka na ahh!" sigaw ko sa kanya, para makubli ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.
"But you still have a debt on me,"
"Oo na, lumayas ka na para makadaan na ako," pagtataboy ko sa kanya.
"No, I'll carry you to bed."
Bago pa ako makapag-protesta ay binuhat na niya ako papunta sa kama at inihiga doon. Nakatitig lang siya sa akin, parang alam ko na ang susunod na mangyayari.
No!
Sinipa ko siya gamit ang kaliwa kong paa. Napahawak naman siya sa tiyan niya na tinamaan ng sipa ko.
"Why did you do that?!" asik niya.
"Sinasapian ka na ng masamang Espiritu!" sigaw ko sa kanya.
"Akala ko makaka first base na ako," natatawang sabi niya.
Muli na namang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Gusto mo hamapsin kita ng baseball bat?" abnat ko sa kanya, kahit wala naman akong nakikitang baseball bat sa paligid. Nagtalukbong ako at tinalikuran siya.
"I'm just kidding, goodnight Silang."
Lord! Ilayo mo ako sa Tukso ng Impaktong to!
< End of Chapter 34>