Agad akong sumalampak sa sofa pagdating ko sa bahay. Hindi ko na ininvite sa loob si Xi dahil kailangan niya na rin magpahinga. Tinignan ako ng kuya ko ng may tanong sa mukha.
"Pagod ako sa biyahe kuya kaya 'wag ka na magtaka."
"Hindi 'yun ang itatanong ko," sabi niya tsaka umupo sa tabi ko.
"Kamusta bakasyon niyo ni Xavier?" tanong may pataas-taas pa siya ng dalawang kilay na tila tinutukso pa ako.
Naalala ko tuloy na ka-kuntsaba nga pala siya nito.
"Ewan ko sayo kuya, di mo na ako mahal." Simangot ko sa kanya.
"Asus, ikaw pa talaga ang di ko mahal?" sabi niya sabay akbay sa akin.
Tinignan ko siya ng masama, di kumbinsido sa sinabi niya.
"Bakit ka nakipag-kuntsaba kay Xi?" tanong ko.
"Para surprise?" alangang sabi niya.
"Buti na lang labs kita, naisipan ko pa ring uwian ka ng pasalubong." pangongonsensya ko.
"So ano, nag-enjoy ka naman?" tanong niya.
Napa-isip naman ako, inalala ko ang bakasyon na iyon.
"Oo, libre lahat ehh," sabi ko.
"Kamusta kayo ni Xavier," tanong niya.
"Ako? Okay naman ako. Siya, di ko alam. Tawagan mo na lang siya kuya."
"Gab, I'm seriously asking you about your relationship with him," tanong niya in a serious tone.
Ayon na naman, pinairal ang pagiging kuya.
"Okay naman kami, we're good," tipid kong sagot.
"How about your relationship with Nick?" tanong niya ulit.
"We're good too," sagot ko naman.
"About him courting, the progress?" tanong niya.
"Lagi ko binabasted, alam mo naman ayaw ko pa mag-jowa kuya," sabi ko.
"But you agreed on dating on Xavier?"
Hala! Bwisit ka Xi!
"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ko.
"Nagpaalam siya, if pwede ka niyang i-date this weekend," sabi ng kuya ko.
"Blinack-mail niya ako kuya," paliwanag ko.
"Gab, I know you, di ka basta-basta pumapayag kahit pa i-blackmail ka pa," siguradong sabi niya.
Haay! He knows me too well.
Di na lang ako umimik.
"So Nick is out of the picture now? How do you plan on telling him about your feelings for Xavier."
"Feelings for Xavier?" tanong ko.
Nagconclude agad?
"Babatukan kita Gabriela, we both know you have feelings for him. H'wag mo subukang mag deny sa akin, palalayasin kita," pananakot niya sa akin.
Grabe! Layas agad? Aamin ako hindi?
"Kuya naman," pagmamaktol ko.
"Answer me."
K. Fine.
"Oo na, I like him but I don't know if I'm capable of loving him. Natatakot ako masaktan," sabi ko sa kanya.
"Aso nga kaya mong mahalin, si Xavier pa kaya," sabi ni kuya.
"Patawa ka kuya."
"You even have the guts to like him without expecting him to like you back and now that he loves you saka ka pa naduwag," sabi ng kuya ko.
Kita niyang kauuwi ko lang, di man lang ako pinagpahinga tapos biglang mag-i-interview.
Dinaig pa si Boy Abunda, kulang na lang tanungin ako ng 'Sex or Chocolates', kapag tinanong niya ako sex isasagot ko kasi allergic ako sa chocolate.
"Don't be scared of getting hurt in the process, love makes all the pain worth it."
***
Napasarap ako ng tulog tinanghali na ako ng nagising. Pauwi pa lang sila Donna ngayon galing sa Palawan. Nakaleave pa rin ako ngayon kaya hihilata ako buong araw, sarap buhay.
Nag-ring bigla ang cellphone ko, agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag.
'Ex-friend kong Impakto' di ko pa rin napapalitan ang pangalan niya sa contacts ko.
Wait bakit siya tumatawag?
Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang tawag niya.
"Hello," sabi ko.
"You're finally awake," sagot niya.
Bakit alam niya na kagigising ko lang?Nagpakabit ba siya ng CCTV sa kwarto ko.
"Bakit alam mong kagigising ko lang?" takang tanong ko.
"I've been calling you for hours."
"Bawal magpahinga? Bakit ka ba tumatawag?" inis na tanong ko.
"We stayed in the same room for couple of days and I kind of miss seeing you around when I wake up."
Hala siya, parang tanga! Never did I expect him to say that. Pero langya! natuwa ako sa narinig ko. Bwisit!
"Magtigil ka Xi!" nauutal na sigaw ko sa kanya.
"By the way, I'll be there in fifteen minutes."
"Huh, bakit?" Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"I can't wait 'til the weekends for our date."
"Ano?"
Bigla na lamang niyang pinutol ang tawag.
Ano ba talagang trip ng lalaking yun?
Fifteen minutes? Langya!
Sinilip ko ang itsura ko sa salamin.
Ang gulo ng buhok ko, may muta at bakas pa ng laway sa pisngi ko. Di na ako nag dalawang at nagkumahog pumasok sa banyo.
After kong maligo at magbihis ay lumabas ako agad ng kwarto at nagpunta sa sala.
Kita ko ang namumutlang mukha ni Xi. Habang katabi niya sa sofa si Goofy.
Gusto kong matawa sa itsura niya at the same time naawa ako sa kanya.
Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Sobra talaga ang takot niya sa aso.
"Goofy! dun ka muna sa kusina," utos ko dito.
Sinunod naman ako agad ni Goofy. Nakita kong bumalik ang kulay sa mukha ni Xi.
Ako naman ang tumabi sa kanya.
"Thank you." Para siyang nabunutan ng tinik.
"Ganun ka ba talaga katakot sa aso? At iniwan ka talaga ni kuya mag isa kasama si Goofy."
"Yes, I was still a kid back then, when a huge dog ran after me while barking. Then, I tripped I thought it was the end of me but someone helped me," kwento niya.
"Di ka naman pala nakagat ehh,"sabi ko.
"So you want me to get bitten?" Taas ang isang kilay na tanong niya.
"Hindi sa ganun, hindi naman lahat ng aso ganun. Goofy is friendly, ayaw mong maging friend siya."
"We are civil."
Anong civil?
"Sana maging friends kayo soon," sabi ko. Di niya ako sinagot pero sana talaga maging close sila.
Nanatili siyang nakatingin at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
"Did I told you that we are having a date?" pag-iiba niya.
"Oo, bakit?"
"We are going on a date, and you're wearing that?"
Napatingin ako sa suot ko. Ano ba dapat suot ng nakikipag-date? I am wearing a t-shirt, a denim short and a pair of sneakers. Wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta. Napailing na lamang siya sa akin.
"Let's go," aya niya sa akin.
****
Dinala niya ako sa National Museum of Fine Arts. I never thought na dito niya ako dadalhin. Alam ko kasi pag date usually sa malls, sine, amusement park kakaiba ang trip niya, museum.
Natuwa naman ako dahil, never pa akong nakapasok sa museumahi, kahit nung bata pa ako. Curious talaga ako kung anong meron sa loob ng museum na ito.
"You okay?"
Tumango ako bilang tugon sa kanya. Di ko maalis ang mata ko sa bawat paintings na nakikita namin. Bakit ba ngayon lang ako nagpunta dito. Kung di pa dahil kay Xi di ako makakapunta dito. The paintings were amazing. Hindi ako mahilig sa paintings but they touch something inside me na di ko mapaliwanag. This is what I felt when we were in Batanes. This paintings brings rich history, feeling ko tuloy andun ako sa panahon na ginuhit ang mga 'yun.
Di ko magawang pansinin si Xi because I'm overwhelmed.
Wait, Asan na nga ba yun?
Napalinga ako sa paligid ko, I can't see him anywhere. Kinabahan ako kahit madaming tao at walang mangyayari sa akin. Pero di ako mapalagay kaya naglakad ako palabas ng kwartong iyon. Kasing haba na ata ng leeg ng giraffe ang leeg ko sa kaka tingala ko para lang mahanap siya.
Asan na ba ang lalaking 'yun?
Saka ko lamang naalala ang cellphone ko.
Engot Gabriela.
Di-nial ko na ang number niya para tawagan, pero di siya sumasagot.
Anong trip ng lokong Impakto na ito. May date bang nang-iiwan?
...
Me
Impakto ka, asan ka na?
...
Bahala ka diyan!
Naglakad ako at muling tumingin sa mga paintings. Ang galing ng kamay nila samantalang ako stick-man lang ang kaya kong i-drawing. Wala naman talaga akong talent kaya walang dapat ika-inggit. Ang mahalaga ay marunong akong mag-appreciate ng art.
Nagitala ako nang bigla na lamang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko agad 'yun at nakita si Xi na humahangos at naghahabol ng hininga.
Anyare sa kanya?
"Where have you been?" tanong niya habqng naka-yuko at hawak ang kanyang mga tuhod.
"Bakit ako? Ikaw kaya yung nawala," sabi ko sa kanya.
"Me? I told you to wait for me, I just went to the restroom."
Sinabi niya ba talaga yun? Hindi ko maalala. Baka dahil pre-occuppied ako? Kasalanan ko nga ba?
"Hindi ko narinig," pag-amin ko.
"It's fine at least I found you," sabi niya na tila naka hinga ng maluwag.
"Hinanap din naman kita kanina, halos maputol na leeg ko kakahanap sayo."
"Really?" paniniguro niya.
"Oo, anong tingin mo sa akin walang pake?"
"Why did you look for me? are you scared without me by your side," tanong niya.
Ewan ko ba, parang may gusto siyang iparating sa tanong niya.
"H'wag ka nga mag-imagine, siyempre di ba 'pag may nawawala hinahanap," paglilinaw ko.
"But you wouldn't look for something if it's not important right," sabi niya.
Andun na naman yung ngiti niyang pang commercial. Bahala na siya sa kung anong gusto niyang isipin.
"Thank you," biglang sabi niya.
"Thank you saan?" takang tanong ko.
"For looking for me." Andun pa din yung ngiti niya.
Parang tanga.
"Ewan ko sa'yo Xi." Tinalikuran ko siya at tumingin ulit sa mga paintings na nakasabit sa Dingding.
Habang tumatagal parang naapektuhan ako ng ngiti niya.
***
Lumabas na lang kami ng museum nang makaramdam kami ng gutom.
"Where do you like to eat?" tanong niya sa akin habang diretso sa kalsada.
"Kahit saan," sagot ko.
"Where is that?" tanong niya.
"Di ko alam? Wala namang ganun," sabi ko.
"Don't you have any place in mind?" tanong niya sa akin.
"Wala ako maisip ehh, ikaw na bahala. Ikaw naman magaling diyan," sabi ko.
"I've decided where we go, I guess it's okay if I ask you where you would like to eat. Since a relationship is between two persons who cares for each other's opinion."
"Ehh, ikaw na kasi mag-isip. Kakain naman ako kahit saan basta walang chocolate," sabi ko.
"If you insist, then I'll decide where we will eat."
Tumango ako sa kanya.
***
Sa eat all you can buffet restaurant niya ako dinala.
Wow! Nagmukha ata akong patay gutom.
"Bakit mo ko dito dinala?" tanong ko sa kanya.
"Sabi mo, I get to decide?" sagot niya.
" Oo na," sabi ko, wala ring patutunguhan kung makipagtalo pa ako.
"You eat like a pig," sabi niya habag kumakain kami.
Langya! Anong pinaparating niya?
Napatingin tuloy ako sa kanya, habang pinanlilisikan siya ng mata. Sana di ko na lang ginawa iyon, nahuli ko tuloy siyang pinapanood ako habang nak ngiti.
Magkaka-heartattack na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
"Kumain ka na, hindi ka mabubusog kakatitig sa akin," sabi ko sa kanya.
"I've never seen you eat like this, it's new to me," tila namamanghang sabi niya.
Paano ba naman sa fine dining kami madalas kumakain. Kakahiya naman magpakatakaw roon at ang mahal pa ng pagkain, at least dito sulit ang bayad at pare-pareho kaming patay gutom.
"Kumain ka na lang," sabi ko sa kanya.
***
Siguro mag-aalas singko na kami nang matapos akong kumain. Akala ko idederetso niya na ako sa bahay pagkatapos namin kumain. Pero hindi iyon ang nangyari, dinala niya ako sa playground malapit sa subdivision namin. Madami namang lamp post doon kaya di nakakatakot tumambay.
Naisipan naming sumakay sa seesaw. Di ko alam kung anong trip niya, usually sa swing sumasakay pag nagdi-date diba? kapag sa movie ganun diba?
"Bakit di mo pa ako hinatid sa bahay?" tanong ko sa kanya.
"I want to spend more time with you," sabi niya.
"Halos buong araw na nga tayo magkasama ahh," paalala ko sa kanya.
"I just want to spend more time with you, I want to spend everyday with you."
"Araw-araw naman tayong nagkikita, secretary mo kaya ako."
"That's not what I mean, what I'm saying is I want you to be the first thing I see in the morning when I wake up. And the last thing I see before I close my eyes."
"Edi gawin mong lockscreen ang mukha ko sa phone mo," biro ko sa kanya.
"Good idea." Napa-maang ako sa sinabi niya.
Seryoso ba ang impakto na ito?
"Hoy! h'wag, Joke lang yun!" sigaw ko sa kanya.
Bigla na lamang umangat ang kinauupuan ko mula sa lupa, at kagagawan iyon ni Xi. Dahil maliit ang biyas ko ay di ko na abot ang lupa.
Langya! Wala akong balak makipag laro sa kanya.
"Hoy! Impakto ka! Ibaba mo ako dito!" sigaw ko sa kanya mula sa itaas.
"Isn't it good up there?" pasigaw niyang tanong sa akin.
"Anong good sinasabi mo?" sigaw ko sa kanya.
"Malamang hindi! mamaya bigla ka na lang bumaba diyan. Di kawawa ang pwet ko niyan!" patuloy kong pagsigaw.
"I have something to ask you," sigaw niya.
"Ano? 'pag sinagot ko ba yan, makakababa na ba ako dito?" tanong ko.
Tumango siya.
"Okay! Ano yun?"
"Did you enjoy our date today?" tanong niya.
'Yun lang ang itatanong niya. Akala ko naman kung ano na.
Napa-isip ako, nag enjoy nga ba ako? I did enjoy seeing painting in the museum. I did enjoy Pigging out in an Eat all you can restaurant. I did enjoy his company kahit wala naman kami masyadong ginawa.
"Oo!" di na ako nag dalawang-isip na sabihin yun. Iyon naman ang totoo bakit pa ako magsisinungaling diba?
"Would you go out on a date with me again?" tanong niya.
"Ha?"
"I'm asking, if you would go out on a date with me again?" ulit niya. Napaisip ako sa tanong niya.
Would I go out on a date with him again?
Ang dali lang ng tanong niya, pero bakit kinakabahan ako sa isasagot ko sa kanya.
Yes or No lang naman 'yun. Huminga ako ng malalim.
"No!" sigaw ko.
Tila sumikip ang dibdib ko ng makita kong magbago ang expression ng mukha niya. Di man lang siya nag protesta? Hoy! Impakto ka! Kumontra ka!
Dahan-dahan siyang nag-pagaan hanggang sa sumayad muli ang paa ko sa lupa.
Seryoso siya? Di siya magproprotesta?
"Let's go, I'll walk you home," walang kabuhay-buhay na sabi niya tsaka siya umalis sa pag kakaupo sa kabilang dulo ng see-saw.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Abnormal naman kasi, Gusto ko makasama siya ulit. Akala ko magproprotesta siya may banat pa naman ako. Sana di na ako nag-inarte.
Engot ka Gabriela!
Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Ang bilis niya maglakad, bakit ba kasi di nalang kami nagkotse papuntang bahay. Looking at his back stepping away from me, made me sad.
Bakit ganito?
Feeling ko iiwan niya ako. Parang sinapian ako ng kung ano man at tumakbo ako palapit sa kanya. Nang maubutan ko siya ay wala sa sariling niyakap ko siya mula sa likod.
Puro ka-engotan ka talaga Gabriela!
"Gab?" akmang aalisin niya ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya.
Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Wala na akong pake kung maramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"What are you doing?" tanong niya, hawak niya ang kamay kong nakayakap sa kanya na tila ba humahanap ng tiempo para alisin iyon.
Sinandal ko ang ulo ko sa likod niya. Ayokong makita niya ang itsura kong mukhang naka-kain ng Samyang noodles dahil sa pagka-pula nito.
"Ano yung tanong mo kanina?" sabi ko sa kanya.
"I already told you, why would I repeat it if you've already given your answer?"
"Please," paki-usap ko. Napa-buntong hininga na lang siya.
"Okay, would you like to go out on a date with me again the next time?" ulit niya sa tanong niya kanina.
"No."
"Stop playing around Gab," ramdam ko ang inis sa boses niya.
"I don't want to go out with you again but I would love to date you everyday."
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bahala na si Goku! Nakakahiya! Tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.
Nilunok ko lahat ang sinabi ko noon! Bwisit kang Impakto ka! Kasalanan mo to!
Ang Cheesy mo Gabriela! What sorcery is this?!
Kinabahan ako lalo nang di siya kumibo. Feeling ko napahiya ako, inalis ko ang pagkakayakap sa kanya. Di ko alam kung mag-stay ba ako dun o mag-wo-walk out dahil sa kahihiyan.
Bigla siyang humarap sa akin.
"You mean, everyday?" andun na ang malapad na ngiti sa mukha niya.
Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina. Pero tumango na lang ako. Tila naubusan ako ng sasabihin.
"Are we a couple now?" tanong niya.
"Not yet, but you can say we're exclusively dating?"napangiwi ako sa sinabi ko.
Ano kami artista? Showbiz ang sagot ko sa kanya.
Bigla niya na lamang akong kinulong sa bisig niya at niyakap.
Holy Sheep! ayon na naman ang kabog sa dibdib ko. Kilig ba ang tawag dito?
It's official! Marunong na akong lumandi!
< End of Chapter 37>