Di ko maiwasan ang mapa-ngiti nang makita ko ang isang sulat na naka-ipit sa roll-in cabinet ko sa office. Kilala ko na kung kanino galingiyon kanino ba kundi sa Impaktong si Xi.
Bwisit! Anong mga pakulo na naman ang trip ng lalaking ito?
I hate to admit it, pero na-kyutan ako sa gesture niya. Hindi lahat ng babae nakakatanggap ng love letter mula sa isang tao ng wala namang okasyon. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon.
Di ko alam kung ano ba talaga ang sumapi sa akin at kung anu-ano ang sinabi. Ayoko kasing iniiwasan ako o may nagtatampo sa akin lalo na kung siya.
...
Akala ko di na niya ako papakawalan mula sa yakap niya. Ganito pala ang pakiramdam ng yakapin nang mahigpit.
Di ako makatingin sa kanya nang pakawalan niya ako.
Nakakahiya nagpi-PDA kami sa daan.
"Gab," tawag niya sa akin.
Bakit ganun? ang sarap pakinggan ng tawag niya sa pangalan ko.
Bwiset ka Gabriela! h'wag ka malandi!
"Bakit?" tanong ko nang hindi siya tinititigan.
"Thank you for giving me the privilege of exclusively dating you everyday."
"Privilege talaga?" tanong ko sa kanya, ngayon ay nakatingin na ako sa mukha niya.
"Of course, not everyone is given the chance to date you everyday," sabi niya sabay kindat sa akin.
Bwisit! May kindat pa siyang nalalaman. Ayoko ko na!
"Dukutin ko kaya mata mo noh?" nauutal na banta ko sa kanya.
"You're affected by this, aren't you." Kumindat ulit siya sa akin.
Nanadya ang impakto na to! Bwisit!
"Para kang may sakit," bara ko sa kanya, kunwari ay di ako apektado. Saka ako nagpatuloy sa paglalakad at nilampasan siya. Agad naman siyang sumunod at sumabay sa paglalakad ko.
We are walking side by side, and I think he's a gentle man enough kasi sa tabi siya mismo ng kalsada pumwesto. My hands are on my side kaya naman nagbubonggo ang mga kamay namin. Pakiramdam ko tuloy ay nakukuryente ako tuwing magdidikit ang kamay namin.
Bakit ang big deal nito sa akin?
Langya! Bilis mag-evolve ng kalandian ko.
I crossed my hand, para iwas bangga ng kamay at awkwardness. I saw him put his hands on his pockets.
"Gab, give your hand," basag niya sa katahimikan.
"Ha?"
Bago pa ako makasagot ay kinuha niya ang kamay ko and made our fingers intertwined.
Holy Sheep! Anong kabalbalan na naman to.
Continuation ba ng PDA namin ito kanina?
Nakakahiya! mamaya pasmado ang kamay ko kadiri.
Napakagat ako aking ibabang labi . Holding hands while walking lang iyon. Pero grabe na ang kaba ko. Gusto kong bawiin ang kamay ko, pero gusto ko rin ang pakiramdam ng pagkakahawak ni Xi dito.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay hinarap niya ako.
"I already miss you."
" Ha?" takang tanong ko.
Puro 'Ha' na lang ang isinasagot ko sa kanya.
"Why is it like this, just thinking that I need to go home makes me miss you so much."
Pilit kong pinigilan ang sarili kong mapangiti.
"Papasok na ako sa loob," paalam ko sa kanya.
"Goodnight," nakangiting paalam niya.
"Goodnight, ingat," tugon ko sa kanya.
Maglalakad na sana ako papunta sa pintuan pero di ko iyon magawa dahil hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Xi, papasok na ako sa loob," sabi ko sa kanya.
"Okay, can you please step a little closer?" sabi niya.
Di ko alam kung utos ba 'yun o pakiusap, pero ginawa ko pa rin ang sinabi niya.. Ngayon ay kaharap ko na siya.
"Ano na?" Tanong ko habang nakatingala sa kanya. Yumuko ko siya at hinalikan niya ako sa noo.
"I need to go now," sabi niya, saka niya binitawan ang kamay.
Naririnig ko ang pagtakbo niya, pero di ko na nagawang lingunin siya. Nagsisink-in pa lang ang ginawa niya sa utak ko kaya ganun na lang ang kabog sa dibdib ko.
Gabriela h'wag masyado masaya ha? Mapagkamalan ka pang baliw.
Nang marinig ko ang tahol ni Goofy ay saka lang ako natauhan.
...
Narinig kong bumukas ang pinto ng office, kaya naman mabilis kong binalik sa drawer ang sulat ng iyon. Nakita kong pumasok si Nick with a smile on his face.
"Gabbydear! I miss you!" sigaw niya habang patakbong lumapit sa akin. Hinarangan ko agad ng plastic folder ang mukha niya dahil akmang yayakapin niya ako. Huminto naman siya at lumabi.
Nagpapa-cute ang kabute.
"Gabbydear sabi ko I miss you!" ulit niya.
Narinig ko naman ang sinabi niya, alangan namang sabihin ko 'I miss you too'
"Okay," sagot ko.
"Di mo man lang ako na miss? Inindiyan mo na nga kami tapos ganyan pa isasalubong mo sa akin. Nakakatampo ka ahh," pagmamaktol niya na parang bata.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Oo partly nang-Indian ako, pero di ko solely kasalanan 'yun.
"Tapos di pa kita matawagan, mukhang blinock mo ulit ang number ko sa phone mo. Tapos di ka pa nag-online. Yung totoo ayaw mo talaga ako makasama?" seryosong tanong niya.
Kabute ka! H'wag ka nga mangonsensya.
"Hahampasin kita ulit ng folder diyan. H'wag ka mag-inarte sa harap ko," pagtataboy ko sa kanya.
"Ito naman di mabiro, heto pasalubong ko sayo." Pilit siyang ngumiti sa akin at iniabot ang isang malaking balot ng cashew nuts.
Hindi ko naman siya mabigyan ng pasalubong mula Batanes, baka malaman niyang nakasama ko si Xi ng ilang araw.
"Thank you, kamusta bakasyon?" tanong ko na lang.
"Ginawa akong referee ni Donna at Ericka" pagsusumbong niya.
Tinawanan ko lang siya.
Ang sama ko talaga...
"Dapat hinayaan mo na lang silang mag-rumble tapos nag-panggap kang di mo sila kilala," sabi ko sa kanya.
"I can't do that, baka magpatayan sila sa harap ko. Alam mo namang takot ako sa horror/thriller," paalala niya sa akin.
"Sayang talaga, sana nandun ka," sabi niya na tila nanghihinayang sa pagkakataon.
"Hindi meant to be na makapunta ako ng Palawan ehh," sabi ko na lamang.
"Pero sa na tayo meant to be," banat niya sa akin.
"Meant to be na bastedin kita," basag ko sa kanya.
"Haay naku Gabbydear, pasasaan ba't sasagutin mo din ako ng oo," sabi niya.
His too positive, at naguiguilty ako kasi di ko magawang magustuhan siya ng higit pa sa kaibigan.
"Pasasaan ba't marerealize mo rin na di talaga magiging tayo," bara ko ulit.
Masama na kung masama. I don't want to give him false hope. Ayoko mabansagang paasa, masyado na silang madami ayoko nang dumagdag sa kanila.
Bigla naman pumasok si Ericka sa loob ng opisina, pareho kaming napatingin ni Nick sa kanya pero sa akin siya nakatitig.
Ano na naman ginagawa niya dito?
Dumiretso siya sa office ni Xi, bigla na lang ako nakaramdam ng inis.
"Nick, balik ka na sa pwesto mo ayoko matsismis," sabi ko.
Wala na siyang nagawa kundi ang umalis.
Di ko napigilan itext si Xi.
...
Me
Anong ginagawa ni Ericka diyan?
Ex-friend kong Impakto
Why are you asking? are you jealous?
Me
Impakto ka! H'wag mo sagutin kung ayaw mo!
Ex-friend kong Impakto
She said she missed me.
Me
Edi sabihin mo, I miss you too!
Ex-friend kong Impakto
She's flirting with me, what should I do?
Me
Landiin mo din! Bwisit kayo!
...
Halos ibato ko ang phone ko dahil sa gigil. Alam kong iniinis lang ako ni Xi, pero di ko mapigilan mabwisit.
Langya! Kanina ang saya ko, ngayon stressed na ako. Nanadya pang mang-asar.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na din sa loob si Ericka. Tinitigan niya pa ako nang tumapat siya sa desk ko saka tuluyang naglakad palabas ng pinto
...
Ex-friend kong Impakto
Let's eat lunch together.
Me
HINDI TAYO BATI, SI ERICKA NA LANG YAYAIN MO!!!
( All Caps para intense )
Ex-friend kong Impakto
Okay.
...
Langya! Di man lang ako pinilit?
Nanlilisik ang mata kong nilingon ang office niya.
Bwisit kang Impakto ka!
***
"Gabbydear hinay-hanay lang," nag-aalalang sabi ni Nick habang kuma-kain kaming tatlo nina Donna.
Halos di ko na nguyain ang kinakain ko. Nanadya talaga ang Impaktong si Xavier na inisin ako. Dito din talaga sila kumain ni Ericka at pumwesto kung saan kitang-kita ko sila.
Mabilaukan sana kayong dalawa!
"Gabriela, may pinagdadaan ka na naman ba?" tanong ni Donna.
Hindi ako umimik at nagpatuloy sa pagkain. Nagkikiwento silang dalawa regarding sa papamasyal nila sa Palawan.
Pramis! sinubukan kong makinig pero masyado akong nilalamon ng pag-iisip kung ano ang pinag-uusapin ni Xi at Ericka.
Patawa-tawa pa sila, langya. Akala ko ba ayaw niya sa mahilig magpaganda at mang-landi at kung-tumitig sa kanya kulang na lang sakmalin siya.
Anong nangyari? Ericka is an exception? Sabagay maganda naman talaga si Mericka Llamas noon pa.
Bigla naman akong nakaramdam ng insecurity.
Langya naman ehh, kaya ayoko ng ganitong feelings ehh. Mas gusto ko yung walang pakeelam.
"Nick,"biglang tawag ko kay Nick.
"Ha? ako ba hinahanap mo Gabbydear?"
Langya! Bakit ko ba siya tinawag?
Tinanguan ko na lang siya.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong niya.
Isip ng dahilan Gabriela. Naalala kong di ko pala siya nababasted ng maayos. Saka may itatanong rin ako sa kanya.
"Samahan mo ko mamaya," sabi ko na lang.
"Niyayaya mo ba akong makipag-date sayo?" medyo napalakas ang tanong ni Nick.
Ehh? anong date sinasabi ng kabuteng to.
Napansin kong medyo napatingin si Xavier.
"'Wag kang maingay, hindi yun date. Pero ililibre kita pag sinamahan mo ako," sabi ko sa kanya.
"Paano naman ako?" singit ni Donna.
"May balak ka bang maging thirdwheel forever Donna?" tanong ni Nick.
"Grabe ka Papa Nick, bahala na kayo magdate!" kunwaring naasar na sabi niya.
"It's not a date," pagtatama ko.
"It is," sabay nilang sabi sa akin.
Langya! may sasabihin lang naman ako kay Nick.
Hayaan na nga lang, wala ako sa mood makipag-talo. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko at may nareceive na message.
...
Ex-friend kong Impakto
So you have a date with Nick.
Me
Bakit mo tinatanong?
Ex-friend kong Impakto:
Enjoy.
...
Langya! Nag-text lang ata para mang-asar.
Napatingin ako ng masama sa direksyon ng table nila.
Ang gulo kausap ng mga lalake kahit kailan talaga!
"Bakit ba nag-taxi pa tayo di na lang motor ko tignan mo stuck tayo sa traffic?" tanong ni Nick.
Naglalakad kami ngayon sa sidewalk dahil sa sobrang traffic.
Okay naman maglakad dahil madami namang ilaw.
"Para ano? mayakap ulit kita? Ayoko nga."
"Aba, Gabbydear di mo ba alam maraming nagkakandarapang makayakap sa akin," pagmamalaki niya.
"I'm not one of those girls." I brushed him off.
"You won't really give a chance, lagi na lang barado," biglang sabi niya.
"Ganun talaga."
"Bakit mo ako niyayang samahan ka. I have a bad feeling about this," natatawang sabi.
May hint na ba siya sa sasabihin ko?
"Ano bang tingin mong sasabihin ko?" tanong ko sa kanya.
"That you finally realize your feelings for Xavier at totoo na ang pambabasted na gagawin mo sa akin na ngayon," sabi niya na parang wala lang and for himself to laugh.
Nahinto ako sa paglalakad, napalingon siya sa akin nang mapansin niyang di na ako nakasunod sa kanya.
"Don't be sorry for me. I already know it, tanggap ko na," natatawang sabi niya.
Tinignan ko siya sa mata.
Talaga ba? Bakit feeling ko ang sama ko sa kanya?
Naglakad siya sa papunta sa akin.
"H'wag mo akong dramahan, diba ililibre mo pa ako?" Nakangiting sabi niya.
His smile doesn't reflect in his eyes. Pakiramdam ko pinipilit niya lang ang sarili niyang maging masaya para di ako mag-alala.
"Oo nga pala, I told you before that I don't want to be friend. But since binasted mo na talaga ako at mapilit ka, friends na tayo," sabi niya tsaka naglakad ulit.
" Ako pa talaga ang mapilit ahh," sabi ko tsaka sumunod sa kanya.
***
Si Nick talaga ang pumili ng lugar kung san ko siya ililibre. Pinili niyang kumain sa isang japanese restaurant.
Langya! di ako marunong gumamit ng chopsticks.
Dahil di naman ako mahilig kumain sa ganito siya na din pinapili ko ng kakainin namin.
"Nick, yung mura lang piliin mo ha. Mahirap lang ako," paalala ko sa kanya.
"Ihanda mo na ang sarili mong mag-hugas ng pinggan," nakakalokong sabi niya.
Seryoso ba siya?
"Subukan mo lang Nick!" pag-hahamon ko sa kanya.
All we did was talk and eat and laugh. I really think we are better off as friends.
< End of Chapter 38>