Chereads / My Two First Kiss / Chapter 37 - Chapter 36

Chapter 37 - Chapter 36

Parang pinagpahinga lang talaga ako ng panahon nung isang araw. Maaliwalas na ulit ang panahon, bigla din atang dumami ang turista dito sa Batanes. Madami kaming nakakasabayan sa bawat site na pinupuntahan namin.

"Kuya Jun, sigurado ka bang pwedeng mag swimming dun? diba maalon?" tanong ko.

"Opo ma'am."

"Ano ka ba Silang, he won't take us there if it's dangerous," sabi din ni Xi.

Papunta kami ngayon sa Morong Beach. Sabi ni Kuya Jun hindi daw maalon dun kaya safe mag swimming. Okay na din 'yun nang magamit ko naman ang binili namin ni Donna.Pagdating namin doon ay nakita namin na may iba pang mga turista pero di naman crowded you can still have privacy kung gusto mo.

Ibinaba namin ang gamit namin mula sa tricycle ni Kuya Jun at naghanap ng pi-pwestuhan.

"Saan pupunta si Kuya Jun?" tanong ko nang mapansin kong umalis ito.

"He will be back before the sun sets," sabi ni Xi.

"Ehhh?"

Ibig sabihin kaming dalawa lang ang maiiwan dito? So kung magsi-swimming ang isa magbabantay ng gamit ang isa? I doubt naman na may magnanakaw dito.

"We should spend our last day together, just the two of us," sabi ni Xi.

"Ewan ko sa'yo," Ismid ko.

Sinundan ko lang siya habang naglalakad sa buhangin.

"I think, this is a good spot." Ibinaba niya ang mga bitbit niyang gamit sa buhangin.

He chose a spot kung saan wala masyadong tao.

Ganun din ang ginawa ko. Inilatag ko ang Beach Blanket at dun ko nilapag ang mga bag namin. Siya naman ay nagsimulang itayo ang tent namin. We thought about it, siyempre dun kami magbibihis pagkatapos magswimming or kung antukin dun  matutulog.

Nang tapos na siyang magset-up ay ipinasok na namin ang bag namin sa loob with our valuable things, mabuti na ang sigurado. Ang mga pagkain at tubig naman ay nasa labas ng tent. Umupo ako sa beach blanket na inilatag ko kanina at tinanaw ang Dagat.

"You're not gonna swim yet?" Biglang tanong ni Xi na nakatayo na pala sa tabi ko.

Napatingala ako sa kanya. He's wearing an unbottoned polo showing his abs and a blue swimming shorts. I've seen him topless for three times, pero bakit di ko pa rin maiwasan na di mamula tuwing nakikita ko ang abs niya.

Holy sheep naman!

"Maligo ka na kung gusto mo mamaya pa ako," sabi ko sa kanya.

"Okay, pero sumunod ka ha," sabi niya tsaka siya naglakad papunta sa dagat.

"Impakto! Nag sunblock ka naman noh?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako.

"Why? Want to apply some on my body?" Nakakalokong tanong niya.

Bwisit!

"Bahala ka masunog diyan!" sigaw ko sa kanya.

"I already applied some, don't worry Silang," kindat niya at muling tumalikod para maglakad patungo sa tubig.

Pinagmasdan ko lang siya, hinubad niya ang polo niya at saka siya lumusong sa tubig.

Bakit ba ako kinakabahan?

Mula nang mapunta kami dito sa Batanes, kakaiba na ang nararamdaman ko sa tuwing panonoorin ko si Xi. Kahit ang lakas niya mang-asar masaya ako  tuwing nakangisi siya sa akin.

Am I enjoying our time alone?

Inlove na ba ako sa Impaktong ito?

No! Cannot be. Ayoko nga diba, ayaw ko!

Pinili kong pumasok sa loob ng tent. Itinaas ko ang ang black two piece swimsuit. Binili ko to kasama ng rashguard na binili ko.

Nakakahiya! Mag ashguard ka Gab!

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng tent. Kahit maaraw ay may ulap naman at malamig din ang ihip ng hangin kaya di ko ramdam ang init.

Sa di kalayuan ay tanaw ko si Xi na nagsi-swimming pero may kasama na siyang isang grupo. Mga turista din siguro. Naglakad ako patungo sa beach dala-dala ko ang mga laruan kong gagamitin sa paggawa ng sand castle. Busy akong naglalarong mag-isa sa beach.

"Hi miss mind if I join you?" tanong ng isang lalaki.

Napatingin ako kung sino 'yun. Di ako nagsalita at pinagpatuloy ko lang ginagawa ko. Na conscious tuloy ako dapat nag rashguard na lang talaga ako.

"Mind if I join you?" tanong niya sabay upo din niya.

Sasagot ba ako o hindi?

"Are you with someone? would you like to join our group?"

"No, I'm with someone." Sinubukan kong hanapin si Xi pero di ko siya matanaw.

Impakto ka! Nalunod ka na ba?

Hindi ko kilala ang alien na ito mabuti pang iwasan ko na lang.

Tumayo ako at naglakad, di ko alam pero pakiramdam ko sinusundan niya ako. Dahil naranasan ko nang masundan ng di ko kilala at muntik pang mapahamak ay napatakbo ako.

"Hey!" tawag sa akin nung lalaki.

Nagulat na lamang ako nang lumuwag ang pagkakatali ng suot kong bikini top. Napatakip ako sa dibdib ko at nahinto sa pagtakbo at hinarap ang lalaking may kagagawan nun.

"I'm sorry... I didn't mean to..." Iwas ang tingin niya sa akin.

"Bwisit ka! Stop following me!" sigaw ko sa kanya.

Iniwasan ko siya at nagpunta sa sulok para ayusin ang pagkakatali ng bikini top ko. Tumayo ulit ako nang maayos ko ito. Nagulat ako nang makita kong andun pa.din sa likod ko ang lalaki.

"Are you a forking stalker!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Mukha ba akong stalker Ms. Gabriela?" tanong niya.

Kilala niya ako?

"Where you going?" tanong niya nang maglakad ulit ako.

"Ms. Gabriela ako 'to si Nurse Carlo," sabi niya.

Agad ko siyang nilingon. Inalis niya ang suot niyang shades.

"Nurse Carlo?" ulit ko nang makilala ko siya. 

"Kamusta na?" nakangiting sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Nagbabakasyon with my friends," aniya.

"Langya ka! Akala ko kung sino na. Pero bwisit ka! muntik mo na akong mahubaran," inis na sabi ko.

"Sorry na, kung makatakbo ka naman kasi," sabi niya.

"Kasalanan ko pa?" di makapaniwalang tanong ko.

"Hindi, saan ka ba pupunta?" tanong niya.

"Wala, tinatakasan lang talaga kita" pag-amin ko.

"Natakot ka talaga sa akin, wala ka bang kasama?" patawa-tawang tanong niya.

"Meron, di ko lang alam kung saan napadpad," sabi ko.

"Sino? Boyfriend mo?" tanong niya ulit.

"Hindi, yung boss ko," sagot ko sa kanya.

"Ahh yung crush mo."

Napangiwi ako sa sinabi niya, nasabi ko nga pala yun nang ma-ospital ako. Naglakad na lang kami pabalik sa pinanggalingan namin.

"Manghuhula ka ba?"

"Ha?" takang tanong niya.

"Eh, kasi naman parang nagkatotoo yung sinabi mo na crush niya ako," sabi ko sa kanya.

"See, sabi ko sa'yo ehh, so ano kelan magiging kayo?" usosyo niya.

"Bakit? ganun ba 'yun kapag crush mo, tapos crush ka rin dapat kayo na?"

"Hindi ba ganun?" balik niya ng tanong sa akin.

"Ewan ko sayo Carlo."

Pagbalik namin sa pinanggalingan namin ay andun na din si Xi. Malapit sa tent naka-upo at may kausap na dalawang babae. Bumalik ako sa binubuo kong sand castle.

"Seryoso ka talaga sa pagbuo niyan?" tanong sa akin ni Carlo.

"Bumalik ka na sa grupo mo, baka hinhanap ka na nila," sabi ko sa kanya.

"Babalik din ako dun."

Di ko maiwasan ang mapatingin kay Xi at sa mga kasama niya. Napansin yata ni Carlo iyon.

"Ms. Gabriela, may naisip ako," biglang sabi ni Carlos.

"Ha?" takang tanong ko.

"Tumawa ka," utos niya.

"Bakit ako tatawa? wala namang nakakatawa," kunot noong sabi ko.

"Tumawa ka na lang kasi," pangungulit niya.

"Anong trip mo? Pero sige na nga," pag-sang ayon ko na lang.

Tumawa ako na parang tanga. Pero di kalaunan tumawa na talaga ako dahil sa kalokohan namin ni Carlo.

"Bakit nga ba ako tumatawa?" Halos di na makapagsalitang tanong ko dahil di ko na mapigilan ang tumawa at sumasakit na din ang tiyan ko dahil sa kalokohan namin.

"Tama na ayoko na," sabi niya habang mangiyak ngiyak kakatawa.

Huminga ako ng malalim pigil ang tawa ko.

"Sira ulo ka Carlo, muntik na akong mamatay kakatawa," inis na sabi ko sa kanya.

"Effective naman," sabi niya.

"Ang alin?" tanong ko.

"Parang may nagseselos dun," sabi niya

"Napalingon ako sa kinaroroonan ni Xi."

Naka-kunot ang noo niyang naka-tingin sa direksyon namin. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tumayo siya at naglakad papalapit sa amin ni Carlos.

"Silang, come with me." Hila niya sa kamay ko patayo.

"Ha? bakit? Saan?" sunod sunod kong tanong.

"Di ka pa nagsi-swimming di ba?"tanong ni Xi.

"Oo," kumpirma ko.

Bigla na lamang niya akong binuhat patungo sa tubig.

" Hoy! Impakto ka!" Pagpupumiglas ko habang buhat niya.

Nang makarating kami sa tubig ay ibinaba na niya ako. Hila niya ang kamay ko kaya wala akong magawa kundi sumunod sa kanya.

"Bitawan mo na ako." sabi ko sa kanya.

"Ang babaw pa ng tubig."

"Anong mababaw? Hanggang dibdib ko na kaya ang tubig," pakikipag-talo ko.

"You don't know how to swim don't you?" tila masaya pang sabi niya.

"Bwisit ka Xi!" sigaw ko sa kanya.

Hinila niya pa ako hanggang sa nakatingkayad na ang paa ko sa ilalim

"Kapag ako nalunod Xi, mumultuhin kita!" banta ko sa kanya ngunit di siya natinag.

"If you get drowned, I'll perform CPR on you."

Bwisit! Puro kalandian na namn sinasabi niya.

Hinila niya pa rin ako patungo sa mas malalim. Kanina hawak ko lang ang kamay niya ngayon ay nakapulupot na ako sa braso niya.

"Bwisit ka Xi! bwisit ka!" inis na Sigaw ko sa kanya.

"Stop cursing me, I won't let you drown okay."

Tinulungan niya akong sumampa sa likod niya.

"Ano bang trip mo?" tanong ko.

"I just hate seeing you with other guys."

"Sira ulo ka! si Carlo 'yun, 'yung nurse nung na-ospital ako,"paalala ko sa kanya.

"Kahit pa, you barely know him," dinig ko ang inis sa boses niya.

"Nagseselos ka?" pang-iinis ko sa kanya.

"Yes, I don't even know why. Nawala ka bigla tapos pagbalik mo kasama mo na siya. And you're wearing that bikini top. You're exposing too much skin."

Di man lang tumanggi na nagseselos nga. Gusto kong matuwa sa sinabi niya.

"Pakeelam mo ba?"

"I don't want any other guys seeing you like that."

"So ako bawal, tapos ikaw pwede makipaglandian? Ganun?"bwelta ko.

"I'm not flirting with anyone," pagtatama niya sa sinabi ko.

"Oo kaya."

"You really sound like a jealous girlfriend," pasaring niya.

"Ewan ko sayo! h'wag mo kong baliktarin."

"Then tell me you're not jealous."

"Hindi nga."

"Really? Kahit bitawan kita?" banta niya.

"Xi! 'wag ka ganyan!" sigaw ko sa kanya.

May binabalak ang Impaktong 'to. Inalis niya ang pagkakapit ko sa likod niya.

" Xi!" Halos pa-iyak na sigaw ko. Habang siya ay tumatawa lang.

Ngayon ay kaharap ko na siya mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya. Alam ko namang nagbibiro lang siya pero natatakot pa rin ako. Marunong akong lumangoy kaso natatakot ako kapag di ko na abot ang buhangin sa ilalim ng paa ko at di ako ganun kagaling.

"Ano Silang? Aamin ka na nagseselos ka o bibitawan kita."

Mahal ko pa ang buhay ko!

"Oo na! nagseselos na ako. Ano masaya ka na?" sabi ko.

"Not satisfied, bakit ka nagseselos?" nakangising tanong niya.

Impaktong to! So mamamatay ako kung di niya magustuhan ang isasagot ko sa tanong niya?

"Kasi crush kita!" sigaw ko sa kanya.

Wala na! Bwisit kang Impakto ka!

"Really? You have a crush on me?" ulit niya sa sinabi ko.

"Oo! Crush kita." inis na sabi ko.

Ulit-ulit? Boomerang?

Bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kanya. He was smiling from ear to ear.

"I crush you too."Napangiwi ako sa sinabi niya. Pa-korni ng pa korni ang Impaktong 'to.

Di ko na talaga alam kung saan niya napupulot ang mga pakana niya. Humawak na lang ulit ako sa balikat niya. Buti naisipan na niyang ibalik ako sa may pangpang nagmadali akong umahon sa tubig sinundan naman niya ako agad.

Si Carlo andun pa rin nawili na ata sa pag gawa ng sand castle kaya nilapitan ko siya.

"Traydor ka Carlo, di mo man lang siya pinigilan."

Tinawanan lang ako ng loko sa inis ko, sinipa ko ang binubuo niyang sand castle at naglakad ako pabalik sa tent namin. Dinig ko pag tawa na sa likuran ko.

Nakapagpalit na kami ng damit at nagliligpit ng gamit nang mapansin kong may tatlong babaeng malapit kay Xi.

'Yung totoo? Nagkaka-ubusan ba ng lalaki dito?

Kung maka-titig naman 'tong mga to kay Xi. Kita sa mukha ni Xi na hindi na siya komportable sa ginagawa sa kanya. Kanina pa siya kinukulit ng mga ito. Nabi-bwisit na din ako sa kanila.

"Sige na, pangalan mo lang naman ehh." malanding sabi ng isa.

Tapos 'pag binigay pangalan ha-huntingin niyo sa facebook. Icha-chat, galawan niyo bulok. Pilit na lang niyang nginingitian ang mga ito. Tinigil ko ang ginagawa ko ang ginagawa ko at nilapitan sila.

"Hoy! Mga Ineng! Lumayo layo nga kayo sa kanya!" sigaw ko sa kanila.

"Sino ka naman Manang?" mataray na tanong ng isa sa kanila.

Manang daw?

"Ehh ikaw sino ka? kababae niyong tao kayo pa nanlalandi."

"Pakeelam mo ba ha?"

"So nilalandi niyo nga siya?"

"Ladies, I'm sorry to interrupt. I can't give you my name nor my number. My girl will go Berserk and girls you're still young. I don't want to be called a pedophile," sabi ni Xi.

"Your girl? May girlfriend ka na?" di nakapaniwalang tanong ng isa.

Tumango naman si Xi.

"Ganun ba siya kaganda, for you to be loyal?" tanong ng isa.

"She is," walang alinlangang sabi ni Xk

"Where is she?"

Hinila ako ni Xi at inakbayan.

"She is my girl," tukoy niya sa akin. Sinakyan ko na lang ang trip ni Xi.

"Oo ako ang girlfriend niya, kaya lumayas na kayo mga bata!" taboy ko sa kanila.

Nakabusangot silang umalis, nang di ko na sila matanaw ay inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Xi.

"Namimihasa ka na Xi," sita ko sa kanya.

"You didn't protest when I told them you are my girl."

"Kung di ko sinakyan trip mo, baka di ka nila tigilan," sabi ko sa kanya at tsaka ko bumalik sa pagliligpit.

"Why can't we just be a couple? I told you about my feelings and you have a crush one me. The feeling is mutual," sabi niya.

"Crush is different from love," sabi ko naman.

"Then let's start dating! For you to realize that you have feelings for me."

"Ayoko!"

"Ayaw mo ahh!"

Tumakbo siya sa akin at binuhat ako ulit bridal style.

"Hoy! anong ginagawa mo!"

Di siya nagpatinag at binuhat ako palapit sa dagat.

"Impakto ka! H'wag mo ko ihahagis wala na akong damit!"

"Let's start dating," seryosong sabi niya.

"Ayaw!" tanggi ko.

"Tigas ng ulo mo," inis na sabi niya.

Akmang ihahagis na niya ako. Mahigpit kong pinulupot ang kamay ko sa leeg niya.

"You don't think I'm serious don't you?"

Akmang ihahagis niya akong muli.

"Oo na! Makikipag-date na ako sayo!" sigaw ko.

"Good then." Ibinaba niya ako na may ngiti sa labi niya.

Bwisit! Tama ba ang ginawa ko? Pwede bang bawiin ko yun?

< End of Chapter 36 >