"Asan ka na ba?" iritang tanong ni Donna sa akin.
"Papunta na, kasi naman itong si kuya kung makapagbilin parang isang taon akong mawawala, nananadya ata ehh.. " sabi ko sa kanya.
"Papunta na ako sa airport h'wag ka na mag-alala sakin bakla," dugtong ko pa.
"Bahala ka, aangkinin ko sina Xavier at Nick habang wala ka pa, " biro niya.
"Angkinin mo lang di naman sa akin yang dalawang 'yan," sabi ko.
"Taray! pinamigay talaga?"
"Ewan ko sa'yo, sige na," paalam ko sa kanya sabay putol ng tawag.
...
Donna
"What's taking her so long?" maarteng sabi ng palakang si Ericka.
"Mauna ka na lumipad kung gusto mo!" irap ko sa kanya.
"Ano ba yang secretary mo Xavier?" dugtong pa niya.
Ang daming side comment ng palakang 'to.
"Bakit? anong problema mo sa kaibigan ko?" pasaring ko sa kanya.
"She's taking too long and who are you by the way?" taas niya ng kilay sa akin.
Aba! Ang palakang to, burahin ko kaya yang drawing ng kilay mo ehh.
"Gab wants to take him and he is Donna our friend," sabi ni Xi.
Yung totoo? Him talaga?
"You heard Xavier." Pagtataas ko din ng kilay sa kanya.
Tama! I'm their friend.
"Asan na daw ba si Gab?" tanong ni Nick.
"Malapit na daw?" sagot ko naman.
"We should check-in now." sabi na naman ni Palaka.
"You three, go ahead I'll wait for her," sabi ni Xi.
"Why don't we all check-in and wait for her at the boarding gate," suggestion ni Palaka.
Balak pa atang iwan si Gabriela.
"She's bad at directions," sabi ni Xavier.
"Tara na Nick mauna na tayo, andiyan naman na si Xavier," yaya ko kay Nick.
Napakamot na lang siya ng ulo.
"Sige na nga." napipilitang sabi niya.
Nagsimula na kaming pumila para makapag-check-in sa airport. Naririnig ko pa rin ang usapin ni Xavier at ni palaka.
"You should go too,Eri," sabi ni Xavier.
"I don't want to," pag-iinarte ni Ericka palaka.
"You should start getting along with Donna," sabi ni Xavier.
"But..."
Ayoko din sa'yo noh? Palakang toh!
"No, buts," mariing sabi ni Xavier.
"Sige na nga!" pagmamaktol ni Ericka.
Naiimagine ko ang pag-pout ng lips niya, at pagpapa-cute kay Xavier.
Hilain ko yang nguso mo ehh. Sorry palaka may Gabriela na siya.
***
Gabriela
Hingal akong nagtatakbo sa loob ng airport hinahanap sila Donna.
Anong oras na? baka naiwan na ako ng eroplano.
"Silang!"
Dinig ko ang tawag sa akin ni Xi, agad kong hinanap kong nasaan siya. Nang makita ko siya ay tumakbo ako palapit sa kanya.
"Asan na sila?" Hingal na tanong ko kay Xi.
"They already checked-in," sabi niya.
"Halika na,pasok na din tayo," yaya ko sa kanya.
"Okay," sabi ni Xi, nagsimula siyang maglakad kaya sinundan ko siya.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
Tinutukoy ko ay ang parihabang papel na binigay sa akin nung magcheck-in kami.
"This is our boarding pass," sabi niya.
Ahh... boarding pass pala yun.
Pagkabigay kasi sa akin ay hinablot niya agad yun.
Di ko pa din nakikita sila Donna.
"Asan na sila Donna?" nagtatakang tanong ko.
"They already left we are taking the next flight." paliwanag niya.
"Ha!" Gulat na tanong ko sa kanya.
Hala, so nagpaiwan siya para hintayin ako? Kaming dalawa lang?
Nakalimutan ko iniiwasan ko pala siya. Kaya di na ako nagtanong pa ulit. Nagpatugtog na lang ako sa cellphone ko at sinalpak sa tenga ko ang earphones at inilagay sa max volume.
May dahilan na ako para di siya kausapin.
Nang tumayo si Xi ay sinundan ko siya hila ang hand carry bag niya. Dala ko din ang gamit ko pero inagaw niya yun mula sa kamay ko.
Di na lang ako nakipagtalo.
Inabutan niya ako ng bubble gum. Hindi ko alam para saan pero kinain ko iyon.
Pagsakay namin sa Eroplano ay malamang magkatabi kami sa upuan. Pinili kong umupo sa tabi ng bintana.
Naisipan ko na lang umidlip muna tutal dalawang oras lang naman ang lipad namin. Pero nagbago ang isip ko nang makita ko ang tanawin mula sa itaas.
Ang saya pala lumipad!
Kitang kita ko ang mga ulap at ang mga tanawin mula sa itaas.
Di ko napigilan ang sarili kong kumuha ng picture ng mga ulap.
Iba talaga ang first time.
Souvenir, bakit ba?.
Nawala ang saya ko nang naramdaman kong umalog ang ereplano. Buti na lang di ako napasigaw sa takot.
Magka-crash na ba kami? Gusto ko pang mabuhay. Lord please 'wag muna.
Kapit na kapit ako sa kinauupuan ko, pigil ang hinga sa tuwing umaalog ang eroplano.
Ayoko ng ganito!
"Magka-crash ba 'tong eroplano? Mamatay na ba tayo? Di ako marunong lumipad." wala sa sariling tanong ko.
"You silly, no it won't, we are just experiencing turbulence."
"Natatakot akong mamatay," nagaalala pa ring sabi ko.
"You won't, I'll keep you safe."
Pagkasabi nun ay kinuha niya ang isang kamay ko at hinawakan nang mahigpit.
Napatingin ako sa kanya, somehow holding his hand made me calm and feel safe.
Di ko namalayan naka-idlip na pala ako.
***
"Gab wake up, we are here," dinig kong sabi ni Xi.
Napamulat ako ng mata at napatingin sa paligid.
Halos iilian na lang pala kami sa loob ng eroplano.
Saka ko napansin na nakasandal pala ako sa balikat niya.
Holy Sheep!
Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya saka ako tumayo mula sa pagkakaupo.
"Halika na," sabi ko sa kanya saby lakad palabas ng eroplano.
***
Napapatingin ako sa paligid pakiramdam ko ay parang may mali.
Patay na ba ako? Baka nag-crash yung eroplano habang na-idlip ako.
Pagkatapos namin kunin ang mga bagahe namin ay sinusundan ko lang si Xi.
May mali talaga ehh...
Basco Airport??
Basco....
Batanes...
Shih tzu!!!
Kelan pa naging Palawan ang Batanes!!!
Napahinto ako sa paglalakad.
"Hoy Xi! Anong ginagawa natin sa Batanes? Akala ko ba Pa-la-wan?" sigaw ko sa kanya sabay turo sa kanya.
"I changed my mind and change our flights to Batanes. Good thing two seats were cancelled and don't point you finger at me," nakangiting sabi niya.
Seryoso siya?
Ibinaba ko na lang ang kamay ko.
Baka naman nandito din sila Donna.
"Asan sila Donna?" tanong ko.
Nagbabakasakali ako na baka andito din sila.
"They're probably enjoying Palawan at this time."
"Wag mo ako biruin ng ganyan Xi, sasapakin kita!" banta ko sa kanya.
"Di ako nagbibiro," seryosong sabi niya.
Holy Sheep!!! Seryoso nga! Nagtagalog ehh.
"Kakasuhan kita ng kidnapping!" Banta ko sa kanya.
"Hindi mo magagawa yun, dahil pinayagan ako ni Migz," kampanteng sabi niya.
Mukhang nasa alternate world na talaga ako. Nakadalawang sentence na tagalog na si Xi.
"Alam ni kuya?!"gulat na tanong ko nang marealize ko ang sinabi niya.
" Yup," kumpirma niya.
"Hindi pwede!" pagmamaktol ko.
"We are here so we should just enjoy Batanes."
"Uuwi na ako," sabi ko.
"Pay for your ticket back to Manila."
"Magkano ba?"tanong ko.
"Around ten thousand."
Ten thousand! Langya! Ang mahal!
"Seryoso?" Paninigurado ko.
"Ten thousand for One way ticket," sabi pa niya.
Saang kamay ng diyos naman ako kukuha ng 10k? Wala pang sahod.
One-way ibig sabihin almost 20k na ang ginasta niya ticket pa lang naming papunta dito?
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Ililibre mo naman ako ng ticket pauwi pag nag-stay ako dito kasama mo di ba?" Alangang tanong ko.
"That's that deal, stay with me and I'll pay for all the expenses." Nakangising sabi niya.
Alam niyang di ako makakatanggi sa offer niya.
Impakto ka Xi! Parang blackmail 'to ahh.
Pero wala naman na akong magagawa. Sige mag-eenjoy na lang ako tutal libre niya daw lahat.
"Bakit di mo sinama sila Donna?" Di ko napigilan ang sarili Kong tanungin siya.
"Have you forgotten? I told your brother that I'm quite possessive right?"
"Possessive Possessive, Napossessed ka lang kamo."
Bwisit! Bakit pa niya kelangan ngumiti ng pang commercial.
"Hoy! Impakto ka! Pasalamat ka pulubi ako. Kung Hindi di kita sasamahan dito."
"Thank you," Nakangiting sabi niya.
Bwisit ka!
Paano ko siya iiwasan kung siya lang ang kilala ko sa lugar na to?
Nagpunta kami sa Tourist Registration at nagbayad ng Eco Tourism Fee. May konting briefing about Basco, Batanes.
Pagkatapos ay nagsimulang lumabas ng airport.
Sinundan ko lang siya at May kinausap siya.
Close sila ni Manong?
"Magandang araw Maam," bati niya sa akin.
"Magandang araw din po," bati ko pabalik.
Ahh baka tour guide?
Binuhat niya ang mga bag namin at ikinarga sa tricycle niya tsaka kami Sumakay sumakay doon.
"Sumasakay ka pala ng tricycle?" Nanununyang sabi ko kay Xi.
"Anong tingin mo sa akin?" tanong niya.
"Bakit ka galit?" tanong ko sa kanya.
"Pag nagtagalog galit ba agad?" takang tanong niya.
"Kung ikaw, malamang oo," pasaring ko sa kanya.
"Galit ka ba?" tanong niya sa akin.
"Kung sabihin kong oo, anong gagawin mo."
"Say sorry and make up for it," mabilis niyang tugon.
"Do what you must."
"I'm sorry for bringing you here without your consent," sabi niya.
"Patatawarin kita kung habang nandito magtatagalog ka," sabi ko.
Tignan natin kung di dumugo ilong mo.
"Sige gagawin ko," determinadong sabi niya.
"Kapag nag-english ka, may parusa ka."
"Anong parusa? " tanong niya.
"Surprise!"
Sa totoo lang triptrip lang na galit ako sa kanya pero sineryoso niya, kaya take advantage na lang ako.