Chereads / My Two First Kiss / Chapter 33 - Chapter 32

Chapter 33 - Chapter 32

Napapa Wow na lang ako sa mga nadadaanan naming tanawin habang nakasakay sa tricycle papunta sa tutluyan namin. Pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako New Zealand ang dating dahil sa green landscapes at mga burol. Malamig din ang simoy ng hangin dito napakaginhawa nito sa pakiramdam.

"Parang may natutuwa," pansin sa akin ni Xi.

Hindi pa din ako sanay na nagtatagalog siya, parang ibang tao ang kausap ko.

"Sinong di matutuwa, ang ganda kaya dito?" pasaring ko.

"Mas maganda ka pa rin," sabi niya.

Nabigla ako sa sinabi niya, jaya saglit akong natahimik.

"Impakto ka! wag mo ko dinadaan sa mga pick-up lines mo," sigaw ko nang makabawi ako mula sa pagkabigla.

"Totoo naman ahh," sabi pa niya.

"Gusto mo itulak kita palabas ng tricycle?" banta ko sa kanya.

"Kapag tinulak mo ako walang magbabayad ng pamasahe mo," pagmamalaki niya.

Bwisit! ako na ang poorita.

Di uso ang mga buildings dito, nagpareserve na pala ang impakto ng kwarto sa isang lodging home, ibig sabihin planado na niya ang mangyayari una pa lang.

Advance mag-isip ang impakto.

Para iyong isang bahay na room for rent, good thing kahit na sa isang room lang kami ay dalawa naman ang kama dito. Inilapag ko ang bag ko sa kama at umupo doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.

Ititext ko si Donna mamaya namuti na ang mata nun kaka hintay sa amin.

...

Me

Bakla, kamusta ka na? di na kami makakasunod diyan. Nasa Batanes ako with Impakto. Shut-up ka lang diyan.

Donna Feeling Dyosa

Langya ka Gabriela! Imbyerna na ako sa palakang Ericka na 'to buti na lang andito si Papa Nick.

Me:

Akitin mo, malay mo mafall sayo.

Donna Feeling Dyosa:

'Wag mo kong paasahin masasaktan lang ako.

Me:

Hugot? May pinagdadaanan lang?

Donna Feeling Dyosa:

Wala, bakit pala pumayag kang sumama kay Xavier, ikaw ahh.

Me:

Kidnapping to oy! Alam mong shunga ako diba?

Donna feeling Dyosa:

Di mo ko makikita mag suot ng two piece.

....

Holy Sheep! Isusuot niya talaga yun?

...

Me:

Buti na lang wala ako diyan, baka masuka lang ako.

Donna Feeling Dyosa:

Wow ha! hiyang-hiya ako sayo.

Me:

Hoy bakla, may putotoy ka pa kaya 'wag ka mag feeling babae.

Donna Feeling Dyosa:

Ang harsh mo!

Me:

Hihihi, labyuu bakla.

Donna Feeling Dyosa:

Kadiri ka! I hate you.

Me:

Labyuu, pasalubong ahh.

Donna Feeling Dyosa:

Pa-LBC ako ng Bakawan sa'yo.

Me:

Kararating lang namin Batanes, pahinga muna ako, ikaw rin.

Donna Feeling Dyosa:

Nagpapahinga na ako kanina pa, istorbo ka lang.

...

Abnormal, kahit kelan.

Naisipan ko ring itext si Nick.

...

Me:

Uyy mag-enjoy kayo ni Donna sa Palawan. Hindi na ako makakarating pasalubong ahh.

....

Nilagay ko agad sa airplane mode ang cellphone ko. Baka bigla siya tumawag at malaman na nasa Batanes ako ay biglang lumipad 'yun papunta dito. Pareho pa naman sila ng motto ng BDO. Napatingin ako sa direksyon ni Xi, may katext din siya ngayon.

Si Ericka Impaktita ba katext niya?

"Sino ka text mo?" tanong ko habang nag-aayos ng gamit.

"Bakit mo tinatanong?" balik niya ng tanong sa akin.

"'Wag mong sagutin kung ayaw mo."

"Si Eri," sagot niya sa tanong ko.

So tama nga ako.

"Okay," sagot ko.

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong niya.

"Anong meron sa itsura ko?" takang tanong ko.

"Bakit mukha kang nagseselos?"

Sinimangutan ko na lamang siya.

"Hindi ako nagseselos, bakit ako magseselos?" balik ko ng tanong sa kanya.

Mukha ba talaga akong nagseselos?

"Kasi nakakunot noo ka habang tinatanong mo kung sino tinitext ko," tuon niya.

"Di ba pwedeng curious lang," pagdadahilan ko.

"Hindi, mas gusto kong isipin na nagseselos ka," sabi niya.

"Abnormal ka," 'yun na lang nasabi ko.

Mukha atang dudugo ilong ko sa pagtatagalog ni Xi, kasabay ng pagtatagalog niya ang pagiging vocal niya sa nararamdaman.

"Nagseselos ka nga kay Eri," pagkumpirma niya sarili.

"Hindi nga," naiiritang kontra ko sa kanya.

Bakit ba niya pinagpipilitan?

"'Wag kang mag-alala, wala kang dapat ikaselos, ikaw ang mahal ko," sabi ni Xi.

Di ko alam kung maniniwala ako sa pinag-sasasabi niya dahil natatawa na talaga ako sa pagtatagalog niya.

"Magtigil ka nga Xi, friends tayo Okay? I prefer us to be like that."

"Ayoko manatiling kaibigan mo lang," seryosong sabi niya.

Manahimik ka na Xi, baka maniwala na ako!

"Haay, gutom lang yan Xi," pambabara ko sa kanya.

"Bakit ba lahat dinadaan mo sa biro?"

"Di naman ako nagbibiro, bakit di ka ba nagugutom? Ako kasi kanina pa gutom," sabi ko sa kanya.

Please don't see through me.

"Halika na sa baba, mamaya ka na mag-ayos ng gamit," napipilitang sabi niya saka tumayo  at lumabas ng kwarto.

Di man lang ako hinintay, ako 'yung gutom diba?

***

Sagana sila sa seafood dito, sabagay ikaw ba naman paligiran ng karagatan. Punong-puno ang mesa nang mga sugbo, at inihaw na isda. Nilantakan ko agad ang pagkain sa mesa. Galit-galit muna kami ni Xi.

Ang sarap! bakit iba lasa nito sa lasa ng isda sa Manila?

Mapaparami ang kain ko, buti wala sa bukabularyo ko ang salitang 'diet'. Habang sarap na sarap ako sa paglantak, si Xi naman ay seryosong-seryoso.

May pinagdadaanan ata ang impakto. Bahala ka diyan, basta ako happy lang.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa aming kwarto. Hindi pa din siya umiimik, kaya nagdesisyon akong magpunta sa banyo para maghilamos at mag tooth brush na lang.

Paglabas ko ay nakatutok lang siya sa cellphone niya, may pangiti-ngiti pa.

Ano na naman kaya ginagawa niya?

Lihim akong sumisilip sa kung ano ang ginagawa niya. Nagitla ako nang bigla siyang lumingon sa akin.

"Anong ginagawa mo?" biglang tanong niya.

May mata ba 'to sa likod?

"Wala," pagmamaang-maangan ko.

"Sinisilip mo ba ginagawa ko?" tanong niya.

" indi ahh, assuming mo," pagsisinungaling ko.

Naglakad ako papunta sa kama ko at sumampa rito.

"Maghanda ka na bukas, maaga tayong aalis mamamasyal tayo."

"Okay, ikaw rin matulog ka na kung anu-ano pa ginagawa mo," simangot ko sa kanya.

"Akala ko ba di ka sumusilip?" kwestiyon niya sa akin.

"Pansin ko lang busy ka," saad ko.

"Ano naman sa'yo? sinisilip mo kung may ka-text ako noh?" nakakalokong tanong niya.

"Wala akong pake kung sino katext mo." tinalikuran ko siya at nagtalukbong ng kumot.

"Oo nga naman, sino nga naman ako para bigyan mo ng pansin," parang nagtatampong sabi niya.

Bahala ka sa buhay mo! Matutulog na ako.

***

"Gab bumangon ka na," tawag ni Xi sa akin.

"Five minutes," sabi ko habang naktalukbong pa rin.

Laking gulat ko nang hilaan niya ang kumot ko, dahilan para magising ako.

"Ano bang trip mo sa buhay?" inis na tanong ko.

Pansin kong nakagayak na siya at handa nang umalis.

"Tulog ka pa ba?" tanong niya.

"Malamang hindi na," sarcastic na sagot ko.

"Dalian mo na, darating na ang tour guide natin mamayang alas siyete," pagkasabi nu'n ay lumabas na siya ng kwarto.

Oo nga pala mamasyal nga pala kami ngayon.

Tinignan ko ang wrist watch ko.

Langya! 6:30 na!

Dali-dali akong naligo wala nang hilod-hilod, nagtoothbrush at nagbihis.

Naghanda na rin ako ng backpack. Isang tumbler, candy, crackers, junkfoods, at face towel. Nagdala rin akong pamalit para laging handa. Power bank, cellphone jacket at isang pouch ng personal hygiene kung may nakalimutan man ako, bahala na.

Bumaba ako dala-dala ang backpack ko.

"Ang dami mo namang dala? Maglalayas ka ba?" bungad na tanong sa akin ni Xi.

"Parang ikaw hindi ahh," tukoy sa dala niya. Malaki rin ang dala niyang bag.

"Halika na, kanina pa tayo hinihintay ni kuya Jun," aniya.

Tahimik lang kaming nakasakay sa tricycle, walang imikan. Anong trip niya sa buhay? Wala ata talaga siyang balak kausapin ako.

"Kuya Jun saan tayo unang pupunta?" tanong ko na lang sa tour guide.

"Sa Tukon Chapel maam," tugon niya.

"Tamang-tama 'yan may ipapa-excorcist ako. Sinasapian kasi ng kasungitan," pagpaparinig ko kay Xi. Ngunit di pa rin ako pinansin ng Impakto.

Pagdating namin doon ay nagbigay ng ilang historical info si Kuya Jun bago kami pumasok sa loob. Napakaganda sa loob nito. Gawa sa pinagpatong-patong na malalaking bato ang mga pader nito. Napakaganda ng location nito nasa tuktok ito ng isang burol at sa likuran nito ay makikita ang napakagandang karagatan. Sa bungad lang kami nagpunta  dahil may kinakasal sa loob, gayun pa man ay kita ko  pa rin ang kagandahan ng chapel na iyon. Ang mga bintana nito sa loob ay gawa sa stained glass, puno rin ng paintings ang kisame nito. 

What a beautiful Church to celebrate your wedding.

Kumuha lang ako ng random pictures sa loob, trying not to disturb anyone. Pagkatapos nun ay lumabas na kami saka ko kumuha ng picture ng kabuuan nito. 

"Buti di ka nasunog?" tanong ko kay Xi trying to mock him, but he just look at me blankly.

Holy Sheep! Pahiya ako dun ahh.

Di ko na lang ulit siya pinansin, buti  na lang at andun si Kuya Jun nagpaka-FC na lang ako para lang di mapanis ang laway ko.

"Kuya saan tayo sunod pupunta?" tanong ko.

"Marlboro Country po,"sabi niya.

Marlboro? Sigarilyo? Taniman ng Tabacco?

"Ahhh..." yan na lang ang nasabi ko dahil wala akong ideya kung ano ang meron sa marlboro country na 'yun.

Napanganga na lang ako nang marating namin ang Marlboro Country  na sinasabi ni Kuya Jun.

Nasa uyugan daw kami ngayon, isa itong burol kaya umakyat pa kami para marating ang tuktok nito. The view was breathtaking, green grasslands, the crystal blue sea  everything was wonderful nagtatakbo sa damuhan spreading my arms feeling the wind against me.

I could see the sea, the hedgerows, I can even see a light house from afar. May nakikita din akong mga baka sa paligid.

Holy Sheep! Para talaga akong nasa New Zealand!

"The hills are alive, with the sound of music!" kanta ko habang nagsasayaw ng paikot.

Feeling ko ako si Julie Andrews ng The sound of music.

Natawa na lang ako sa pinaggagawa ko, buti na lang at walang pakielam ang mga kasama ko sa trip ko. Maganda talaga mamasyal kapag maaliwalas ang panahon.

"Kuya Jun, pa-picture ako please," paki-usap ko kay kuya Jun.

"Sige po ma'am."

Inabot ko ang Cellphone ko kay kuya Jun at nag-peace sign. Hindi naman ako mahilig magpapicture kaya masaya na ako dun.

"Sir tumabi po kayo kay ma'am," tawag ni kuya Jun kay Xavier na may sariling muna at malayo ang tingin. Agad namain itong lumapit sa amin.

Ayy andito pa pala siya.

"Kuya, ito na lang po gamitin niyo," inabot niya dito ang DSLR camera na kanina pa nakasukbit sa leeg niya.

Ano ba? Di ko siya maintindihan, hindi namamansin tapos papa-picture? Yung totoo?

Agad siyang lumapit sa akin matapos turuan si kuya Jun kung paano gamitin ang camera. Pinilit ko na lang ngumiti kahit naiinis ako sa kanya.

"Kuya jumpshot naman, yung solo," request ko.

Sinadya ko talaga yun dahil naiirita pa rin ako kay Xi.

"1,2,3!"sigaw ni Kuya Jun.

Nakakalimang talon na ako pero di pa rin maganda ang kuha.

"Kuya, last na ayoko na pagod na akong tumalon," reklamo ko.

Pagkabigkas ni Kuya ng tatlo ay tamulon akong muli. All smiles ako kahit pagod na. Napangiwi ako ng tumama ang paa ko sa lupa and I felt a sudden jolt of pain.

Langya! Ang sakit ng paa ko.

"Maam ayos lang po ba kayo?" tanong ni Kuya Jun.

"Opo," I showed him a smile para maniwala siya.

I don't want to worry anyone kaya kahit na sumasakit ang paa ko ay pinilit kong tumayo.

"Tara na, saan next destination natin kuya?" pilit kong pinasigla ang boses ko mabuti na lang talaga at malakas ang pain tolerance ko.

We reached our next destination at kung minamalas ka nga naman, sa Tayid Lighthouse iyon.

A forking lighthouse.

Of course! I would love to see the view up there. Bahala na kung anong mangyari.

I took all my will power para akyatin ang pagkataas taas na Lighthouse na iyon. Ramdam ko ang malamig na pawis na namuo sa noo ko at agad ko yung pinunasan. Pakaramadam ko aya nawala ang sakit ng paa ko nang makita ko ang tanawin mula sa taas. Ang pinakamahirap sa lahat pagkatapos akyatin ang lighthouse ay ang pagbaba mula rito.

Nasaan ang elevator kapag kailangan ko siya?

Kapit na kapit ako sa railings habang pababa, hindi ko alam kung gaano katagal ang inabot ko bago makababa. Sa tingin ko ay medyo ngatagal ako dahil sinalubong ako ni Xi na salubong ang mga kilay.

"What took you so long?" biglang tanong ni Xi.

God is good all the time.

"Kuya nadinig mo nag-english siya diba?" tukoy ko kay Xi.

"Opo," kumpirma ni Kuya Jun.

Lumapad ang ngiti ko.

Buti na lang talaga may usapan kami.