Ang Gabriela na 'to, tinanan na ata ni Xavier, kalerkey!
"Donna, sino katext mo diyan?" tanong sa'kin ni Nick.
"Jowa ko, bakit jelly ka?" pagsisinungaling ko.
Napailing na lang siya.
Magkasama kami ngayon sa iisang room at sa kabilang room naman si Ericka palaka.
Sayang lang talaga dalawang kama ang nandito sa loob, Edi sana tabi kami sa kama.
Chos! Harot ko talaga!
"Nagtext ba sayo si Gabby? Di na daw siya makakapunta?"
"Huwat? Bakit daw?" tanong ko.
Eksaherada lang, kunwari'y di ko alam.
"Di ko alam, I tried calling her, pero di ko siya makontak. Umuwi na kaya ako para may kasama siya.
No way!
Baka kung anong gawin niya pag nalaman niyang wala sa manila si Gabriela at magkasama sila ni Xi.
"Sayang naman ang palawan kung lalayasan mo lang at ayokong maiwan kasama si Ericka Palaka," I convinced him.
Humiga siya sa kama niya at tumitig sa kisame habang ako naman ay naka-upo sa kama ko.
"Donna, sabihin mo nga sa akin? Is there any chance that Gabby would like me?"
Bakit ako tinatanong niya? How would I answer him?
"Bakit ako tinatanong mo? Diba si Gabriela dapat tinatanong mo niyan?" balik ko ng tanong sa kanya.
"I'm scared of her answer, I' m not ready to have my heart broken," aniya.
May ganung Ganap?Ang drama ng Nick na 'to.
"I know she likes Xavier, di pa siguro niya narerealize but I can see it on the way she looks at him. I'm doing my best to confuse her heart, hoping she might like me instead. Pero bakit ganun? she never look my way. May mga pagkakataon na gusto ko na lang sumuko, but everytime I see her I become more determined to have her. I wanted her to look at me the way she looks at him. Boto ka naman sa amin diba?" tanong niya sa akin.
Ang haba nang sinabi niya tapos ako pa lang ang tatanungin niya.
Bakit feeling ko naha-Hotseat ako. I don't know what say.
"Oo naman, basta masaya si Gabriela boto ako," sabi ko.
Trulalu! basta happy si Gabriela dun akiz. Kiber kung si Nick o Xavier or kung sino man ang makatuluyan niya.
"Thank you, at least I have a friend supporting me," seryosong sabi niya.
"Bakit mo ba nagustuhan ang kaibigan ko?" tanong ko na lang sa kanya.
Umupo siya at sinandal ang likod sa headboard.
"The first time I saw her she was wearing this black dress with that red lipstick I got attracted by her looks."
"Thanks to my make-up skills," pagmamalaki ko sa sarili ko.
Ako talaga ang fairy-god mother niya.
"I also got intrigued because she's with Xavier, sira din siya nakikipag-usap kahit di niya kakilala. O siguro wala lang talaga siya kausap dahil di siya pinapansin ni Xavier," natatawang kwento niya.
"Talaga? Loko yun ahh, ang ganda-ganda kaya ni Gabriela nung gabing 'yun," reklamo ko.
"She is, akala ko nga tulad siya ng ibang babae sa club alam mo na 'yun wild. That's why I kissed her."
"Kaya ka nasasapak eh," I chuckled.
"Dahil kasama niya si Xavier alam kong they are working in the same company. I'm right, we met again, I find it amusing seeing her reaction to my puns. Ako nga lang ang masaya nung time na yun."
"She hated you for stealing her first kiss," I blurted.
"What?" gulat na tanong niya.
Ehh? Wiz niya Knowing? Secret ba yun?
"I am her first kiss? she haven't been in a relationship before?" tanong niya.
"Oo, kaya nga bwisit na bwisit siya sa'yo. Kahit pa updated siya sa social media manang pa rin ang babaeng yun," sabi ko.
"She even have this dream na ang first kiss niya will happen during her wedding ceremony," dagdag ko pa.
"No way, you mean I ruined her dream?" Di makapaniwalang tanong niya.
Nag-alangan ako kung sasabihin kong ganun na nga.
"I'm such an idiot," inis na sabi niya sabay sabunot sa sarili niya.
"You are," pag sang-ayon ko sa sinabi niya.
"Mabalik tayo sa usapan, ano yun nagustuhan mo lang siya kasi you find her amusing?"
"No, it's not like that. I don't even know why, I met lot of girls before but she is different. My feelings toward her is ineffable."
Wow! Ineffable? Ano yun?
"Madami na akong kalokohang ginawa just to get her attention. I didn't even imagine I'm going to those things. I acted cute and seductive," natawa siya sa sinabi niya.
"Seductive? Paano?" takang tanong ko.
"It's a secret," sabi niya sabay kindat.
Waaahh!!Gusto kong mangisay! Kalerky! Haba ng hair ni Gabriela. Why am I not born a woman?
At least diba I can sense his sincerity. Na kay Gabriela pa rin naman ang final say.
"Maiba ako Nick, bakit ganun kayo ni Xavier? You know each other pero parang di kayo nagpapansinan?" tanong ko. Lagi ko iyong napapansin tuwing nakakasama ko sila.
"We treated each other as brother back in the old days," simula niya.
"Anong nangyari?"
"Shit happens all the time. I blamed him for the death of my mother which is futile and ended up losing a friend, and a brother." I heard regret in his voice.
He lost his mother? How?Psycho killer ba si Xavier? Mukhang di naman. Gusto kong mag Q&A sa kanya kaso family is a sensitive topic for me.
"Di maging friends kayo ulit," suhestiyon ko.
"How? We even love the same girl," sabi niya.
Oo nga naman, mas lalong walang pag-asang maging magkaibigan ulit sila.
OMG! Love the same girl. Ibig sabihin gusto din talaga ni Xavier ang kaibigan ko?
I give him a questioning look.
"Don't tell me you didn't sense that?" tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. I need to confirm that with Xavier. Kailangan na talaga ni Gabriela ang magical powers ng fairy god mother niya. Two young and handsome bachelor is eyeing on her.
Kaso nga lang may Ericka palakang umaaligid kay Xavier.
" Wala ba silang relasyon nung Ericka na yun?" tanong ko kay Nick.
"Mas maganda sana kung ganun, unfortunately si Ericka lang ang may gusto kay Xavier," sagot niya.
"Ahhhh...." patango-tangong sabi ko.
Mabuti na ang malinaw.
"Speaking of Xavier bakit wala pa siya?" biglang tanong niya.
Ninerbyos ako sa sinabi niya, alangan namang sabihin kong magkasama sila ni Gabriela sa Batanes.
"Wiz ko noseline, bakit miss mo na?" pabirong tanong ko sa kanya.
"I kinda miss that dude," sabi niya.
Di naman siguro ka- Federasyon 'tong si Nick noh?
***
"Why is it so hot?" maarteng tanong ni Ericka.
"Malamang tirik ang araw! Duh! yan ang essense ng beach," iritang sabi ko sa kanya.
"Am I talking to you?" Mataray na sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
"Oo, tinatanong mo nga ako ngayon diba?" pilosopong sagot ko sa kanya.Mas tinaasan ko ang kilay ko sa kanya.
"Funny," sarcastic na sabi niya.
Bruhildang 'to, Lunurin kaya kita sa dagat?
Nalulunod ba ang palaka sa dagat?
"Ano ba kayong dalawa? Kanina pa kayo nagbabangayan. Pwede bang cease fire muna kayo?" inis na sabi ni Nick.
Inismiran ko na lang ang palakang 'yun.
Naiirita ako, lahat ata ng mga nakakasalubong naming lalaking turista ay napapalingon sa kanya. Like duh kung babae lang ako mas maganda at mas sexy ang katawan ko sa kanya.
She's wearing this two piece red swimsuit. Isang manipis na silk cardigan lang ang pinatong niya dito and I hate to admit it bagay sa kanya 'yun.
Konti na nga lang suot niya naiinitan pa siya, baka gusto niya maghubad na lang.
"Nick kuhaan mo naman ako ng picture," sabi ko kay Nick at nagpose ng pang Dyosa.
"You look disgusting," biglang comment ni Ericka.
"Disgusting mo mukha mo," irap ko sa kanya.
"Take a photo of me too," sabi niya kay Nick.
Gusto pa atang talbugan ang pagiging dyosa ko.
Pabugbog ko kaya to kay Berna? Kahit 5 minutes lang?
< End of Chapter 33>