Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame habang nagmumuni-muni.
Ngayon dapat kami mag pupunta sa club kaso di natuloy, ganun ata talaga kapag pinagpaplanuhan ang lakad.
Walang pakielamanan ang nangyari sa office, wala akong pinansin na kahit sino maliban lang Kay Nick dahil sobrang kulit niya. Parang walang nangyari kahapon.
Si Xi ,di man lang ako kinamusta ng impakto na yun. Di man lang nagpaliwanag kung bakit inindian ako.
At yung Ericka na yun, Ewan!
Ang ganda pa rin niya kahit two faced impaktita siya. Bagay silang dalawa, Impakto at Impaktita.
Bakit ko ba sila iniisip. Ang weird ko lately ha.
Bigla na lamang tumahol si Goofy, napansin kong may tumatawag pala sa akin.
Speaking of the impakto, tumatawag siya.
Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ang tawag niya. Pero mas pinili kong huwag itong sagutin.
Bahala ka sa buhay mo!
Naisipan kong mag-facebook na lang muna, pampaantok.
Kaka-scroll ko sa newsfeed nakita kong may tagged post kay Xi.
'Mericka Llamas feeling loved with Xavier V.'
Feeling loved? Tsk!
Pakeelam ko ba sa lovelife nila. Mag 9gag na nga lang ako sasaya pa ako.
Malungkot ba ako? bakit kelangan ko sumaya? Matulog ka na nga lang Gabriela!
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko, pero di ako dinadalaw ng antok.
"Goofy gusto mo mamasyal?" tanong ko sa alaga ko. Winagayway naman niya ang butot niya.
Alas diyes pa lang naman, wala pang hating gabi di pa abot sa curfew.
Naglakad kami ni Goofy sa labas, medyo matagal na din nang huli kaming mamasyal ng gabi. Hinihila niya ako, ewan ko ba sa asong 'to hyper di naman kumakain ng chocolate. Pareho kaming tigok pag kumain kami ng chocolate.
Pabalik na kami sa bahay nang mapansin kong may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin.
Kilala ko ang kotseng yun, kay Xi iyon. Lumabas mula sa loob ng kotse si Xi at tumingala patingin sa bintana ng kwarto ko.
Anong ginagawa niya dito?
Ayoko siyang kausapin, bahala siya sa buhay niya.
Nagtago kami ni Goofy sa may halamanan. Sinisilip ko kung nakaalis na si Xi, pero andun lang siya nakatayo.
Hanggang anong oras ba siya tatayo dun?
Napabahing ako.
Langya! Lumayas ka na! Sinisipon na ako.
Napatingin ako kay Goofy at napangisi.
"Goofy, alam mo na ang gagawin." Binitawan ko ang tali ni Goofy at agad-agad siyang tumakbong tumatahol papunta kay Xi.
Kitang-kita ko kung paano mabilis na pumasok si Xi sa loob ng kotse niya. Tinatahulan pa rin siya ni Goofy.
Takip ang bibig na tumatawa ako habang nagtatago. Hanggang sa tuluyan niyang pinaandar ang Kotse paalis.
Hihintayin ko na lang ang karma ko.
Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at naglakad papunta kay Goofy.
"Good boy," hinimas ko ang ulo ni Goofy.
Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng bahay at bumalik sa kwarto ko.
Patulog na sana ako nang may narinig akong bumabato sa bintana ng kwarto ko.
Sinilip ko kung sino 'yun.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong si Xi iyon.
Akala ko ba nakaalis na 'to?
Binuksan ko ang bintana ko at sinigawan ko siya.
"Hoy! Impakto ka! Huwag mo nga batuhin ang bintana ng kwarto ko. Ipapabarangay kita!" banta ko sa kanya.
"What did you just call me?" hiyaw niya mula sa labas.
"IM-PAK-TO!" sigaw ko.
"Silang! I have to tell you something!" sigaw pa din niya.
"Mukha mo! Ayaw kita kausap! Matutulog na ako!" sigaw ko sa kanya.
"But you're already talking to me."
Bwisit pilosopo siya kahit kailan.
Sinara ko na muli ang bintana ng kwarto ko. Di siya tumigil kakasigaw at kababato sa bintana ko.
Tumayo ako ulit at binuksan ang bintano ko.
"Hoy! Magpatulog kayo! Gabi na nag la-lovers quarrel pa kayo! 'Wag kayo mandamay ng kapit-bahay!" sigaw ng isa sa mga kapitbahay namin.
"IMPAKTO Ka! Lumayas ka na!Sasabuyan kita ng asin para mangisay ka!" akala ata niya nagbibiro ako.
"I won't leave unless you talk to me!"
sigaw niya.
"Bahala ka maghintay diyan." Sinara kong muli ang bintana ng kwarto ko.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko.
Di ko naririnig ang hiyaw ni Xi, nagsawa na siguro.
Pipikit na sana ako para matulog ng makarinig ulit ng ingay mula sa bintana.
Langya naman ehh!
Padabog akong bumangon mula sa pagkakahiga at lumapit sa bintana.
Laking gulat ko nang makita ko ang mukha ni Xi.
"Anong ginagawa mo?" sigaw ko sa kanya.
Ang loko may balak ata maging si Spiderman 'to. Akyatin ba naman ang kwarto ko.
Bigla na lamang tumahol si Goofy. Dahil doon ay nagulat si Xi at na-out of balance habang nakatungtong sa kung saan man.
Mabuti na lang at maagap ako at nahawakan ko ang braso niya at agad ko siyang hinila. Kung hindi magheheadline siya.
'Lalaki nag ala spiderman tinahulan ng aso, patay.'
Di ko agad binitawan ang braso niya, mamaya magulat na naman siya kay Goofy. Sinaway ko si Goofy sa pagtahol niya at agad naman itong sumunod sa akin. Muli kong binaling ang tingin ko kay Xi. Nang sigurado na akong di na siya mahuhulog ay binitawan ko na siya.
"Ano bang trip mo sa buhay? Impakto ka?" inis na tanong ko sayo.
"What happened to your hand?" Kunot noong tanong niya nang mapansin niya ang kamay kong tadtad ng band-aid.
"None of your business," sabi ko sabay tago ng kamay ko sa likod ko.
"Ano ba ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.
"I want to tell you something." he sound sincere.
"Urgent ba yan? at kailangan mo pang mag-ala spiderman?" pagtataray ko sa kanya.
"It's important," seryosong sabi niya.
"Sana itinawag mo na lang," hindi interesadong sabi ko.
"You're not answering my call," paliwanag niya.
"Di sana tinext mo na lang," pagdadahilan ko.
"Can you just please hear me out?"
"Dalian mo na inaantok na ako," reklamo ko.
"I'm sorry for what Eri did the last time."
Imbis na matuwa ako ay nabwisit ako. Bakit siya ang kelangan mag apologize sa kasalanan ng Impaktita na yun.
"Wala ka na bang sasabihin? matutulog na ako." Brushing him off.
"Sorry for not telling you about what's bothering me last time, when I told you I will." Hingi niya ng tawad.
"Tapos?"
"I don't know how to tell you this," nag iwas siya ng tingin sa akin.
"Tagal," inip na sabi ko.
"Can you lean a little closer, It's a secret." Tila nahihiyang sabi niya.
Ang arte naman ng Impakto na 'to.
Nilapit ko ang tenga ko sa kanya para maibulong niya ang sasabihin niya.
"I like you, and please let me love you."
Nabingi ata ako sa narinig ko. Di ako nakapag-react sa sinabi niya, natulala ako.
Totoo ba ang sinasabi ng Impaktong to?
Ba-dump! Ba-dump! Ba-dump!
Tanging ang malakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
I'm not liking this feeling.
Gabriela do not falter!
Di totoo ang sinasabi ng Impaktong 'to Tumira lang siya ng Chlorox. This can't be true.
Nang maka-recover ako, ay nilingon ko siya at hungkag na tumawa.
"Lakas ng trip mo Xi, nag-akyat bahay ka pa talaga, para pagtripan ako."
"Don't take it as a joke, you don't know how hard it is for me to say this." Nahihiyang sabi niya.
His reaction is different. I didn't see him like this before.
Nagba-blush ba ang Impakto na to?
Hindi siguro imagination ko lang to.
"Umuwi ka na, gabi na magdadrive ka pa," taboy ko sa kanya.
"You really don't think I'm serious." tila inis na sabi niya.
"Someone like you likes a nobody like me? Imposible." Singhal ko.
"You're giving me no choice." Tumalon siya papasok sa bintana ng kwarto ko. Di alintana ang presensya ni Goofy.
"Anong ginagawa mo? Bawal ka dito!tresspassing ka!"
Hoy! Goofy sakmalin mo ang impakto na to!!!
Pero busy ang aso kong naglalaro ng bola. Napatingin ako kay Xi.
"You stole something from me, I guess it's time to pay me your debt," sabi niya.
"Anong sinasabi mo? Di ako magnanakaw at lalong di ako umutang sayo," paliwanag ko.
Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay humakbang paatras kakaatras ko ay na- out of balance ako. Salamat at sa kama ko ako lumanding.
Laking gulat ko ng tumambad ang mukha ni Xi sa harapan ko hawak niya ang parehong balikat ko.
We are in an awkward position.
"Hoy Xi, wala talaga akong ninanakaw sa'yo, di sana mayaman na ako ngayon." Kabadong sabi ko.
Masyado siyang malapit, pakiramdam ko ay napakabilis ng tibok ng puso.
"I'm not talking about money here Gab. I'm referring to something else," he said seductively.
Hala! Tuluyan nang naging impakto ang Damuho.
"Hoy Xi, friends tayo pero kakasuhan talaga kita ng harrassment kapag may ginawa sa akin," banta ko sa kanya.
"I'm just taking back a kiss you have stolen." He smiled sheepishly.
A kiss?! Yun bang ninakaw ko nung nalasing ako?
Lalong nagregudon ang puso ko sa naisip. Hahalikan niya ba ako.
Bigla na lamang niya nilapit ang mukha niya sa akin. Napakit na lamang ako sa ginawa niya.