Chereads / My Two First Kiss / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

"Gabbydear! Goodmorning!" bati niya sa akin.

Di ko siya pinansin at direderetso lang akong pumasok sa office namin ni Xi.

Sinundan pala ako ng loko.

"Gabbydear, Goodmorning!" bati muli ni Nick.

Inirapan ko siya saka ako umupo sa desk ko.

"Manahimik ka Nick! ang ingay mo! at pwede ba 'wag mo akong tinatawag na Gabbydear lalo na at naririnig ng co-workers natin."

"But I like calling you that way," parang batang sabi niya.

Paano na lang kung kumalat sa department namin na nililigawan niya ako. Ayoko ng atensiyon, ayokong pinag-uusapan ako behind my back. Higit sa lahat gusto ko pang mabuhay, ayoko makuyog ng mga babaeng may crush sa kanya.

"Call me by that name again, while others can hear you, I swear I won't talk to you again," banta ko sa kanya.

"Grabe siya oh,di na," walang nagawang pag sang-ayon niya.

"Lumabas ka na at magtrabaho," sabi ko sa kanya.

"Sige na nga, pero sabay tayong mag-lunch ha."

"Bahala ka sa buhay mo."

***

I switch my P. C. on and started working.

Bigla na lang pumasok sa pinto si Xi. Kaya ngumiti agad ako sa kanya.

"Goodmorning sir!" Bati ko sa kanya.

"Goodmorning," bati niya sa akin pabalik with his facial expression and serious voice.

Anong problema niya?

Dumiretso lang siya sa office niya.

May split personality talaga siya. Tumayo ako at sinundan ko siya papasok sa office niya.

"What?" tanong niya sa akin pagka-upo niya sa swivel chair niya.

"Sir gusto mo kape?" tanong ko, mukha siyang puyat na ewan.

"Okay, make one for me," pag sang-ayon niya.

"Yes sir." Mabilis akong lumayas sa harapan niya para itimpla siya ng kape.

Pagbalik ko ay nakita ko siyang nakasandal ang ulo sa swivel chair at naka-pikit.

"Sir, andito na kape niyo," sabi ko.

Minulat niya ang mata niya at inayos ang upo.

"Sir anong problema?" usisa ko.

"Let's talk later," sagot niya sa akin.

Tanda iyon na wala pa siya sa mood makipag-usap. Inilapag ko na lang ang tasa ng kape sa ibabaw ng table niya, tsaka lumabas at bumalik sa desk ko.

Dahil sadyang pakielemera ako, tinext ko si Xi.

...

Me

Xi, anong meron?

Friend kong Impakto

None of your business.

...

Aba-aba siraulo 'to ahh sugurin ko kaya siya at nagsusungit na naman.

Me

Your business is my business I'm your secretary right? Kung di pa ako fired.

Friend kong Impakto

I just need to think about some issues.

Me

Ano nga kasi yun?

Friend kong Impakto

Stop texting while at work.

Me

Ewan ko sayo, di na kita friend!

Friend kong Impakto

I'm such a pain in the ass.

Me:

Matagal ka na kayang ganun.

Friend kong Impakto

Yah, I know.

...

Ewan di na ako nag-reply sa text niya.

Ayaw niya sabihin edi 'wag. Bahala siya sa buhay niya!

Dahil sa inis ko pinalitan ko ang pangalan niya sa contacts ko.

...

Ex-Friend kong Impakto

You still there?

Ex-Friend kong Impakto

Are you mad?

Ex-Friend kong Impakto

Silang!!!!!!!!!!!

Me:

Hu u???????

Ex-Friend kong Impakto

Xavier Villafranco your boss???

Me

Sorry, you have an outstanding balance from SOS load. Please pay your loan first before availing again. Thanks.Ref: 123456789.

...

Biglang na lamang nag-ring ang telepono ko. Agad ko naman yung sinagot.

"Goodmorning! This is Gabriela--" di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita agad ang kausap ko.

"I'll tell you afterwork."

Di pa ako nakakasagot ay binabaan na niya agad ako ng telepono.

Siraulo talaga ang Impakto na yun. Pero ano nga ba talaga ang problema niya?

***

"Huy! Gabriela, kanina ka pa nag-iimagine kumain ka na nga," sabi ni Donna.

Bothered ako sa kung ano mang ganap kay Xi. I wanted to help him in a way.

"Andito na nga ako sa tabi mo, iiniisip mo pa rin ako," biglang sabat ni Nick.

Napakunot tuloy ako ng noo sa sinabi niya.

Feeling talaga ng kabute na to patay na patay ako sa kanya.

"Mukha mo! kailan mo ba ako tatantanan ha? Binasted na nga kita di ba?" pagpapaalala ko sa kanya.

"That's invalid."

"At paano naging invalid yun? Stalker na ang dating mo Nick." Irap ko sa kanya.

"I know deep down, attracted ka sa akin." Sabay kindat niya sa akin.

Napangiwi ako sa ginawa niya. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya, dinukot ko na ang mata niya.

Bumuntong hininga na lang ako at di na nakipagtalo pa tsaka ko sinubukang ubusin ang pagkain ko.

***

Ang tagal naman ng uwian, naiinip na ako dahil kanina pa ako nahihiwagaan sa kung ano man ang sasabihin ni Xavier.

Naisipan kong mag-cr muna, at doon mag-muni muni. Pumasok ako sa cubicle at naupo sa bowl.

Nananahimik ako sa loob at nag-iimagine nang marinig ko ang kwentuhan ng mga babaeng nagchichismisan.

"Alam mo na balita nakabalik na yung Secretary ni Sir Claus?"

Sir Claus yung CEO? tatay ni Xi?

"Ay si Ms. Ericka ba tinutukoy mo?"

"Siya nga, yung maputi na matangkad at parang model ang mukha."

"Siya nga, ang ganda niya noh? kakainggit ang ganda pa niya manamit at pang model ang dating. Close sila ni sir Xavier sana siya na lang yung secretary ni Sir."

Ericka? Sino yun? Maganda ba talaga?

"Oo nga ehh, ganun dapat ang secretary di tulad ng secretary ni Sir Xavier na alam mo na di mukhang secretary," sabay hagikhik nila.

Ako ba tinutukoy nila? nilalait ba nila ako?

"Mukha siyang alalay kesa sa secretary," nagtawanan sila ulit.

Mukhang ako nga tinutukoy nila.

"Alam mo ba madalas daw siya sumasabay ng lunch kay Sir Nick."

"Oh? Talaga?! Wow ha! stalker mode?"

Ako pa talaga stalker?! Langya naman oh! Putik naman?! Lakas naka Mocha Uson ng dalawang to sa Fake news nila.

Gusto ko silang sugurin ang dalawang naguusap na 'yun at ihampas sa sink ang mga mukha nila.

"Kaya nga, di ba siya nahihiya sa pinag gagagawa niya, sa mukha niyang 'yun nanlalandi pa siya."

Ako? Malandi? What? When? Where?Why? How?

Nagpatuloy pa sila sa panglalait nila sa'kin. Di tuloy ako makalabas sa Cubicle kung san ako nagkukulong.

Tanggap ko na di ako maganda, like duh? alam ko na' yun ever since kaya di ako tatablan ng panglalait nila. Ehh sila tipong magkapimple lang parang guguho na ang mundo, aarte. Di ko lang talaga tanggap na pinagbintangan nila akong nilalandi ko si Nick? Hello! Siya 'yung malandi hindi ako.

Ano bang dapat kong gawin para makalabas dito?

Bigla na lang akong tumawa ng parang sa mangkukulam.

"May naririnig ka bang tumatawa?"

"May tao ba diyan?"

Ginaya ko ang boses ng multo sa the grudge yung parang sinasakal.

Kasabay nun ang pagpatay sindi ng ilaw.

Padabog kong tinulak pabukas ang pinto ng cubicle na kinaroroonan ko.

"Ahhhh!" nagtitiling tumakbo palabas ang dalawa .

Ngiting tagumpay naman ako.

"Sa wakas,tumahimik din."

Galing tumiming ng pagkapundi ng ilaw. Makalabas na nga baka kanina pa ako hinihintay ni Xi.

***

Akala ko hihintayin niya ako pero wala na siya sa office.

Sabi niya mag-uusap kami after work? Anyare? Mga lalake talaga paasa.

"Haaay." Napabuntong hininga. Nag-abang  na lang ako ng taxi sa labas ng Office building. 

Bakit ba napakaraming nag-aabang ng taxi ngayon? Pero walang dumadaang taxi. Di tuloy ako makasakay agad.

Bigla na lamang may humintong Motor sa harapan ko. Isang lalaking naka leather Jacket ang nakasakay dito.

Cardo Dalisay ikaw ba yan?

Pamilyar tong motor na to ahh.

"Gabbydear! Kanina mo pa ba ako hinihintay?" tanong niya.

Siyempre, sino pa nga ba yun kundi ang kabuteng si Nick na bigla-bigla na lang sumusulpot. Kahit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang helmet.

"Hatid na kita pauwi," alok niya.

"Kung ayaw ko?"

"Di bahala ka diyan, ma-stranded at magutom."

Yung totoo? Nanliligaw ba talaga 'to sa akin?

Dahil gutom ako dahil di ako nakakain ng maayos kaninang lunch ay naisipan kong tanggapin na lang ang offer niya.

"Siguraduhin mo lang na buhay akong makakarating sa bahay namin," paalala ko sa kanya.

"Oo naman, I won't let anything bad happen to you."

Asus! Isa pa 'tong paasa.

"Kahit gustuhin kong umangkas, bawal walang helmet," paalala ko sa kanya.

"Advance ako mag-isip Gabbydear."

Bumaba siya sa motor niya at lumapit sa akin, Doon ko napansin ang sukbit niyang half face helmet.

Iniabot niya sa akin ang hawak niyang helmet. Kaya balak kong isuot yun agad nang pigilan niya ako.

"Atat lang Gabby dear?"

"Ha?"

Mali ba ginawa ko? Di ba sinusuot naman talaga ang helmet.

Bago pa ako makapag tanong ay nasa likod ko na siya at tila ba tinali ang buhok ko. Saka isinuot ang helmet sa ulo ko.

Humarap siya sa akin tsaka nilock ang buckle ng helmet.

May napapala din pala siya kakapanood ng RomCom movie.

Hinubad niya ang suot na jacket at inabot sa akin.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Ano ba ginagawa sa jacket?" sarcastic na tanong niya.

"Kuya Wil is that you? Namimigay ka na ng jacket," pang-aasar ko.

"Dami mong sinasabi, isuot mo na 'yan lamigin ka pa sa biyahe."

"Paano ka naman?" tanong ko sa kanya.

"Ako na bahala sa sarili ko."

Sumakay na siya sa motor, sumunod naman ako sa kanya. Nang makaangkas ako akala ko ay paandarin na niya ang motor.

"Ano na? 'wag mo sabihing wala ka ng Gas?"

"Kumapit ka sa akin," aniya.

Ano daw?

"Kapit ka sa akin."

Kumakanta ba siya?

"Di kita bibitawan?" alangang kanta ko sa lyrics ng theme ng 'Probinsyano'.

"Bakit ka kumakanta?" takang tanong niya.

"Bakit mali ba lyrics ko?"

"Sira ulo ka, kapag di ka kumapit malalaglag ka." Mukhang nagets na niya ang dahilan ng pagkanta ko.

Kumapit ako sa likod ng motor.

"Gabby, hold unto me."

"Nakakapit na ako."

"Sabi ko sa akin ka kumapit."

Inabot niya ang dalawang kamay ko saka iniyakap sa kanya.

"You got my jacket, and now I feel cold, you could atleast hug me para di ako lamigin."

"Hokage moves Mr. Snickel Suarez."

Bago ko pa maalis ang kamay ko sa pagakakayakap sa kanya ay agad niyang pinaandar ang motor niya.

Iisipin ko na lang charity work ang ginagawa ko.