Nick needs me now, he was there when I needed him. I think it's time para maka-bawi ako sa kanya.
Itong si Xi naman buong araw akong di pinansin tapos ihahatid ako pauwi sa bahay. Di ko na alam mga trip niya sa buhay. Pagkahatid sa akin ni Xi sa bahay ay hinintay ko lang siyang makaalis saka ako ulit lumabas ng bahay. Bigla na naman bumagsak ang ulan.
Langyang ulan naman to ehh! Lagi na lang wrong timing.
"Oh Gab?! anong ginagawa mo sa labas? Pumasok na tayo sa loob. Ang lakas ng ulan." Biglang dumating si kuya mula sa kung saan.
Ano ba? Di ba talaga meant to be na puntahan ko si Nick?
"Ahhh... Ehhh...Wala nagpapalamig," palusot ko.
***
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo." Pansin ng kuya ko sa akin habang nanonood kami sa sala kasama si Goofy.
"Wala, nagfi-facebook lang ako," palusot ko.
"Asus, nag-aabang ka lang ng text ni Nick ehh," pang-aasar ni kuya habang naka-ngisi ng nakakaloko.
"Ewan ko sayo kuya." Inirapan ko na lang siya.
Bakit kaya di nagrereply ang kabute na yun. Mamaya naghihintay pa din siya dun, abnormal madalas yun ehh. Bigla na lang tumayo sa pagkakahiga si Goofy, naglakad papunta sa pintuan tsaka tumahol.
Ehh? anong tinatahulan ni Goofy?
Sinundan ko siya, ayaw niya tumigil tumahol.
"Anong meron diyan Gab?" tanong ng kuya ko.
"Ewan ko dito kay Goofy, tahol ng tahol," sagot ko sa kanya.
"Buksan mo kaya ang pinto, baka may aso sa labas type niya at gusto niyang ligawan," pilyong sabi ng kuya ko.
Yung totoo kuya? Bakla si Goofy tapos siya manliligaw?
Ginawa ko naman ang sinabi ng kuya ko. Nanlaki ang mata ko, sa nakita ko. May nakabulagta sa harapan ng pintuan namin, basang-basa sa ulan at walang malay. Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at marahang tinapik ang mukha niya, baka sakaling magising siya.
"Kuya! Kuya!" sigaw ko.
"Ano bang meron sigaw ka nang sigaw," iritang sabi ng kuya ko nang makalapit siya sa amin.
"Si Nick ba yan? Anong nangyari bakit wala siyang malay?"
"Kuya, buhatin natin siya papasok sa loob," sabi ko sa kuya ko.
Walang anu-ano'y inalalayan ni kuya si Nick papunta sa spare na kwarto kung saan siya natulog nung nakaraan. Aligaga akong kumuha ng tuyong tuwalya at batsa na may maligamgam na tubig at bimpo dinala ko iyon sa kwarto kung nasaan si Nick.
Sira ulo talaga!
Tinanggal ni kuya ang t-shirt at pantalon na suot ni Nick.
"Ikaw na magpunas sa kanya, ang awkward pag ako gumawa niyan," sabi ni kuya.
Ngayon pa siya nag-inarte.
"Kuya naman ehh, 'wag ka na maarte!" reklamo ko.
"Kukuha ako ng pwede niyang isuot," pagka-sabi nun ay naiwan ako sa kwarto kasama ang walang malay na si Nick.
Di ko alam kung anong mararamdaman ko, nabibwisit ako kay Nick nagpaulan siya ehh nilalagnat na nga siya, naaawa dahil sa inaapoy siya ng lagnat.
Tumambad sa mata ko ang hubad niyang dibdib at suot niyang boxers. This is not the first time I've seen him like this, pero ngayon ko lang ito makikita ng malapitan.
Ipinilig ko ang ulo ko, para mawakli ang naiisip at sinimulan kong punasan ng tuwalya ang basang buhok niya. Sinunod ko naman punasan ng bimpo ang mukha niya.
Di ko napigilan ang mapatitig sa natutulog niyang mukha. He is still breathing heavily at medyo salubong ang kilay niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng malapitan.
He have those pair of thick brows, he even have long eyelashes. Mas mahaba pa nga ata ang mga 'yun sa akin. Makinis ang mukha niya, uso ba ang pimple sa kanya? Matangos ang ilong niya, pag nasobrahan pa ng tangos tatalunin na niya si Pinocchio.
Nang matapos kong punasan ang mukha niya ay sinunod ko naman ang braso at kamay niya. He has muscles in all the right places, hindi sobrang laki tama lang ang mga iyon. Napadako naman ang mata ko sa susunod kong pupunasan, ang dibdib at tiyan niya. Di ako mahilig sa abs pero bakit ako napapatitig doon at napalunok.
Langya! Gabriela! Kelan ka pa naging manyak?!
Walang emosyon kong pinunasan ang dibdib niya at tiyan kahit pa nanginginig ang kamay ko sa kaba.
Bwisit! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Ayoko na sa earth!
Pinunasan ko din ang mga binti niya. Bago pa lumabas sa ribcage ko ang puso ko dumating si kuya dala-dala ang ipapahiram nadamit kay Nick.
"Mukhang nag-eenjoy ka sa ginagawa mo ahh," pang-aasar ng kuya ko.
"Inggit ka kuya? ikaw na lang gumawa," sagot ko sa kanya sabay abot ko ng bimpo.
"Hindi, kaya ikaw na din ang magbihis sa kanya." Nakakalokong alok ng kuya ko.
Yung totoo? Kuya ko pa ba talaga tong nasa harap ko?
"Ewan ko sayo kuya! Bihisan mo na siya," inis na sabi ko.
"Ayoko nga." Tanggi niya.
"Ikaw na magsuot ng pajama niya, ako na magpapalit ng damit niya," suhestiyon ko.
"Kuya di mo ba bibihisan ng underwear yan?" awkward na tanong ko.
"Magluluto pa ako, ikaw na bahala diyan," sabay layas niya sa kwarto.
Langya naman! Yung totoo? Anong tingin sa akin ng kuya ko? feeling ata niya wala akong pakiramdam.
Punasan nga lang ang katawan ni Nick hirap na ako, bihisan pa kanya siya. Inis akong humarap kay Nick.
"Hoy! bumangon ka na diyan!" sigaw ko.
Pero ganun pa din siya nakapikit pa din at tulog. Napabuntong hininga na lamang ako.
Kinuha ko ang dalang t-shirt ni kuya at lumapit akong muli kay Nick at sinimulan kong isuot ito sa ulo niya, nilusot ko ang kamay niya sa manggas ng t-shirt. Di ko maibaba ang t-shirt dahil naiipit ito sa likod niya.
Sinimulan kong buhatin ang likod niya, hiningal ako sa ginawa ko.
Langya ang bigat niya!
Successful naman ang pagsusuot ko ng t-shirt sa kanya. Nadako naman ang mata ko sa boxers niya.
Kelangan ko pa bang tanggalin yun? Ayoko! My innocent eyes!
"Hoy! Nick bumangon ka na magpalit ng pajama," sabi ko habang tinatapik ang mukha niya.
Pero wala ulit nangyari.
Tatanggalin ko ba? 'Wag na lang? Kaya lang mababasa din pajama na isusuot ko sa kanya kapag di ko yun tinanggal.
Huminga ako ng malalim.
Gabriela! Walang Malisya,Okay? Kaya mo yan.
Hawak ko ang garter ng boxers niya habang pikit ang isang mata, at napalunok ako.
Di naman siguro ako makakasuhan ng harrassment, I'm just trying to help.
Nang huhubarin ko na ang boxers niya ay bigla siyang gumalaw at nagsalita.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
Holy Sheep!
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko para akong bata nahuli ng magulang na nangungupit sa pitaka nila. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa shorts. Nag-iwas ako ng tingin at napayuko.
Nakakahiya!!
"Are you trying to take my boxers off?"Nakakalokong tanong niya.
"I didn't know you're a perv Gabbydear." Nakakalokong sabi niya.
Napalingon ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi ganun yun! Di kita minamanyak!" sigaw ko sa kanya, napakagat labi na lamang ako.
"Di sabihin mo kung anong ginagawa mo."
Ayoko na!
"Ewan ko sayo! Magpalit ka na nga lang, isuot mo'tong pajama."
"Okay," Tumayo siya sa pagkakahiga at akmang maghuhubad ng pang-ibaba sa harap ko.
"Hoy! lalabas muna ako," panic na sabi ko, saka ako tumalikod.
"It's done."
"Ewan ko sayo! Man....!" sigaw ko. Naramdaman ko ang kamay na nakatakip sa bibig ko.
"Ang ingay mo Gabbydear, kanina ka pa sumisigaw," nanghihinang sabi niya.
Bigla niya na lamang pinatong ang noo niya sa balikat ko. Naramadaman ko na mainit pa rin iyon. Inalis ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko saka ko siya hinarap.
"'Wag ka munang tumayo kung di mo pa kaya," sabi ko sabay patong ng kamay ko sa balikat niya.
"Are you going to kiss me now?" tanong niya.
"Hindi! Feeling mo!" Tinulak ko siya para maupo siya sa kama.
"Are you trying to rape me now?" Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Anong pinagsasasabi mo? Di sana di kita binihisan kung may balak ako sayo?" Sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Matulog ka na ulit, may lagnat ka pa," sabi ko sa kanya sabay tulak ko ulit sa kanya para mahiga siya.
"You really are something, Gabbydear."
Imbis na mahiga ay umupo siyang muli at sinandal and likod sa headboard ng kama.
"Hoy Nick, matulog ka na lang ulit," utos ko sa kanya.
"Why? So you can take advantage of me?" pang-aasar niya.
"Hindi, para manahimik ka na at matigil na hallucinations mo," inis na sabi ko.
"Gabby I'm just trying to be cute here," sabi niya.
"Hindi ka cute, period," paglilinaw ko sa kanya.
"Ehh ano ako sa tingin mo?" tanong niya.
"Isa kang, malanding F*ckboy."
Holy Sheep! Ano bang pinagsasasabi ko?
"Me, a fuckboy?" di makapaniwalang tanong niya.
"Aren't you?" balik ko ng tanong sa kanya.
Paninindigan ko na nga lang ang sinabi ko.
"A fuckboy won't come look for you when you're lost and beat someone just to save you. He won't come in the rain with a fever just to see you."
Kinonsensya pa ako.
"Whatever Nick, Stop it," sabi ko sa kanya.
"You really don't think I'm capable of falling inlove." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"No, I think you can. Just not with me," pag-amin ko.
"But I already did fall for you," pagkontra niya.
"Nah, stop it Nick. Don't make someone fall If you're just going to break her heart."
What Am I saying?
"I won't break you're heart," pangungumbinsi niya sa akin.
"You won't, cause I won't fall for your puns," mariin kong sagot sa kanya.
"Paano mo na sasabi yan?" Kunot noong sabi ni Nick.
"I wouldn't be single for twenty-six years if I'm lovable," sagot ko sa kanya.
"Ang bitter mo Gabbydear," natatawang sabi niya.
"Manahimik ka Nick," inis na sabi ko.
Upakan ko kaya siya para makatulog-ulit?
"You've been single for twenty-six years because you haven't met me yet. You just don't know how wonderful you are."
Bwisit! Why do I feel like this. Nahawa na ata ako sa lagnat niya.
"Let me clear this to you. I'm not beautiful, I'm plain, I don't dress well, I'm not smart, I don't even have a talent to be proud of. I'm not friendly. I'm not a girlfriend material,"pagpapaintindi ko sa kanya.
It's true, I'm not someone who anyone can be proud of having.
Bigla na lamang hinawakan ang isang kamay ko. Wala na akong nagawa nang inilapit sa mukha niya at damhin.
"You are not those things, but I like you and I still want you." He said while looking in my eyes.
Why does he have to say that,with those look in his eyes?
Why does his words, make my heart flutter?
"Ewan ko sayo!" Iyon na lang ang sinabi ko hinila ko and kamay ko saka ako mabilis na lumabas ng kwarto.
< End of Chapter 26>