Kakainis!
Akala ko si Donna lang ang nangbubugaw sa akin, it turns out pati si kuya.
Di man lang pinigilan si Nick.
...
"Gusto kong ligawan si Gabby, sana pumayag kayo," sabi ni Nick tsaka yumuko.
Ano daw?!
"Hoy Nick! Sira ulo ka! baka maniwala ang kuya ko!" sigaw ko sa kanya.
"Gawin mo ang gusto mo, at goodluck. Matiis mo sana ugali ng kapatid ko," sabi ng kuya ko.
Anong problema sa ugali ko?
"Talaga? salamat po. Una na po ako, babye Gabbydear!" paalam niya saka kumaripas ng takbo.
"Kuya, wag ka maniwala dun. Naka tira ng albatross yun," sabi ko sa kanya.
"Asus, Gabbydear Pfft!" pigil na tawa ng kuya ko.
"Kuya naman ehh!" pagmamaktol ko.
"Lika na, isara mo na yang pinto Gabbydear," pang-aasar pa ng kuya ko.
"Geh, kuya mang-asar ka pa!"
Pumasok na kami sa loob at isinara ko ang pinto.
"Ano ka ba Gabriel, twenty-six ka na matanda ka na pipigilan ko pa may manligaw sayo?. Mamaya tumanda kang mag-isa." sabi ng kuya ko sabay upo sa sala.
"So kahit abnormal makatuluyan ko, basta di ako tumanda mag-isa okay lang sayo, ganun?"
"Kahit sino sa kanila ni Xavier, makatuluyan mo okay lang sa akin."
"Hala! Bakit pati si Xi nadamay? Di naman ako nililigawan nun."
"Malay mo."
"Ewan ko sayo kuya, h'wag ka na kumain ng Krimstix Imagination mo wala ng limit."
...
"You're here?" takang tanong ni Xavier pagpasok niya sa pinto ng office namin.
Maaga na akong pumasok simula nang magpaalam si Nick na manliligaw siya, baka kasi bigla niya akong sunduin ni sa bahay. Aasarin lang ako ni kuya kapag nagkataon.
"Maaga nagising ehh," pagdadahilan ko.
"I can say that you didn't get enough sleep, dark eyebags," pansin niya.
Bakit siya? mukha pa din fresh kahit maaga lagi pumapasok.
Napasimangot na lang ako.
"Let's grab some breakfast," pag-aaya niya.
"Libre ba yan?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"I guess."
Tumayo ako agad mula sa kinauupuan ko.
"Halika na," sabi ko sabay lakad patungo sa pinto.
"Why have you been going to work so early?" tanong ni Xi habang kumakain kami.
"May tinatakasan lang," pag-amin ko.
"Si Nick ba?" tanong niya.
"Wow! Xi nadadalas pagtatagalog natin ahh," pansin ko.
"Tss."
"Sungit mo kahit kailan," reklamo ko.
"Spit it out." Nagpatuloy lang siya sa pagkain ng clubhouse sandwich.
"Ha? alin? yung kinain ko? Grabe ka naman Xi," pamimilosopo ko.
"What did Nick do this time?" tanong niya.
Napalunok ako, sasabihin ko ba? Baka magwala si Donna kapag unang nalaman ni Xavier. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.
...
Ganda ka?
Besh! FYI nagpaalam si Nick na liligawan niya daw ako.
...
Pagtingin ko kay Xi ay kunot ang noong nakatingin ito sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Natatandaan mo nung hinatid niyo ni Nick sa bahay, tapos nauna kang umuwi? Ayun kasi itong si Nick sinapian ng masamang espiritu," simula ko ng kwento.
"Then what?" tanong agad niya.
"Nagpaalam kay kuya na liligawan daw ako," pagpapatuloy ko.
Hinintay ko ang magiging reaksyon niya, pero poker face lang siya.
"You didn't get enough sleep thinking about that?"tanong niya.
"Ehh kasi naman si kuya, di man lang kumontra. May pa-goodluck-goodluck pang nalalaman."
"Tss!" he smirked.
Pagkatapos ay humigop ng kape saka tumayo.
"Let's get going," aniya.
So yun na yun? Wala ng follow-up question?.
Mabilis ang bawat hakbang niya halos di ko siya maabutan.
Pagpasok sa office namin ay may naka-lagay ng bouquet ng flowers sa ibabaw ng mesa ko.
Siyempre nagulat ako sa paflowers ni Mayor.
Hahaha! Masaya pala mabigyan ng bulaklak. For the first time in forever.
Kinuha ko 'yun at inamoy.
Ehhh? akala ko sobrang bango, bakit amoy dahon? So nagoyo na naman ako ng mga pelikulang napapanood ko.
Napangiti ako dahil napaniwala na naman ako ng mga palabas.
Effort pa din naman, kahit na naiinis ako sa ginawa niya dahil pinag-titripan ako ni kuya ko.
Itinabi ko iyon at inilagay sa ibabaw ng drawer ko.
"I didn't know you like flowers,"sabi ni Xi.
"Sinong di matutuwa kapag nakatanggap ng bulaklak, bukod sa may allergy sa polen. Natuwa lang ako, first time ehh," sabi ko sa kanya.
"You never received any flower, even on valentines day?" di makapaniwalang tanong niya.
"Chicharong bulaklak, ang binibigay sa akin," biro ko.
"At least you get to eat that," bulong niya.
"Ano?" tanong ko, kunwari di ko narinig ang sinabi niya.
"Nothing."
***
"Besh! I'm so proud of you! Magkaka-jowa ka na din sa wakas!" excited na sabi ni Donna.
"Langya, jowa agad? Bakit sasagutin ko ba ng oo?" tanong ko sa kanya.
"Hoy! Gabriela De Guzman gusto mo iuntog ko ulo mo sa mesa?" sigaw niya sa akin.
"Anong kasalanan ko sa'yo? Bakit mo ko iuuntog?" tanong ko sa kanya.
"Gaga ka talaga, di mo ba nagigets na baka siya na ang para sayo? Palay na nga lumalapit sa manok, tutukain na lang, tinatanggihan mo pa? Ganda ka?" pagtataray niya sa akin.
"Ehh paano kung hindi? Di masasaktan lang ako."
"Ano ka ba, pag nagmahal ka, dapat handa ka ding masaktan. Di ka pwedeng magmahal kung takot kang masaktan," sabi ni Donna.
"May pinaghuhugatan ka besh?" pabirong tanong ko.
"Ewan ko sa'yo Gabriela!" inis na bulyaw niya sa akin.
"Ehh bakit ba kasi, nagmamadali kayo magka-boyfriend ako."
"Anong nagmamadali? Ghad! twenty-six ka na, lahat siguro ng ka-batch mo may fiancee na o di kaya may pamilya na. Napag-iiwanan ka na," sermon niya.
Napangiwi ako sa sinabi niya.
Ganun na ba ako katanda? Feeling ko kasi 21 years old pa lang ako.
"Ano tama ako diba?"
"Ehh sa hindi ko pa nararamdaman yang love na yan ehh."
"Paano mo mararamdaman ehh iniiwasan mo nga."
"Di ko iniiwasan, di lang dumadating," dahilan ko.
"Anong di dumadating? Anong tawag mo kay Nick?"
"Nick, yun ang pangalan niya di ba?" pilosopong sagot ko.
"Ay! Gabriela! Di ko na alam gagawin ko sayo!"Gigil na sabi ni Donna.
Kulang na lang sabunutan niya ako.
Natatandaan ko ang sinabi ko, kapag nakaligtas ako maglalandi na ako para magka jowa ako at may magtatanggol na sa akin.
Pero si Nick magiging boyfriend ko? Hindi ko maimagine and besides I don't really know what he feels towards me.
Ang sabi niya liligawan niya ako, anong nangyari? Absent na naman ang kabute. Wait?! Why do I sound disappointed? Am I expecting something from him?
Maghunusdili ka Gabriela, nasobrahan ka lang sa kape.
Wala ding tawag o text na madalas niya gawin kapag nambibwisit sa akin.
Langya! Ano bang nagyayari sa akin? Bakit parang namimiss ko siya.
Kelangan ko na ata magpa-check-up.
Kung anu-ano na lang naiisip ko dahil sa tambay ako ngayon at walang inaatupag kundi pag cocollate ng mga papel. Papirma kay Xi at wala ng iba.
Habang nakatunganga ay may biglang tumawag sa cellphone ko. Kahit di naka save sa contacts ko ang number ay sinagot ko iyon.
...
"Hello? Sino to?" tanong ko sa kausap.
"Hello Ma'am" bati sa akin ng lalaki sa kabilang linya.
"Ano po kailangan niyo?" tanong ko.
"Ehh ma'am kasi may lalaki po dito naki-usap tawagan daw girlfriend niya,para puntahan siya."
Girlfriend? Sino? ako?
"Uhmm... kuya nakuha niyo ba pangalan niya? Mamaya budol-budol kayo. Kidnappin niyo ko pag pumunta ako diyan."
"Grabe naman kayo ma'am, gusto niyo kausapin niyo po siya."
"Sige po."
"Sir, kausapin daw kayo," sabi niya sa kausap.
"Hello..." sabi ko.
"Hi Gabbydear, I miss you."
Si Nick lang ang tumatawag sa akin ng ganun.
Naiimagine ko ang nakangising mukha ni Nick. Bakas sa boses niya ang pagka-hapo.
"Nick?"
"Nabosesan mo ako agad? kakatuwa naman," natutuwang sabi niya.
"Hoy! abnormal ka, nasaan ka? bakit absent ka na naman? Bakit ganyan boses mo? naghihingalo ka na ba?"
"Di ako nag-hihingalo, matagal na akong patay, patay na patay sayo," banat niya.
Para siyang kinikilig sa sarili niyang ka-kornihan.
"Sira-ulo! Asan ka nga?"
"Asan ako? nasa puso mo, hihihi."
Sira ulo talaga.
"Ibalik mo na nga lang kay kuya ang phone.
"Ayaw mo na ako kausap?" tanong niya.
"Ayaw mo sumasagot ng maayos ehh, ibigay mo na kay kuya."
"Oo,na."
"Kuya, ikaw daw kausapin niya," dinig kong sabi niya.
"Hello maam?" sabi ni kuya.
"Kuya? Kamusta po yang lalaking kasama niyo?" tanong ko.
" Tingin ko ma'am may sakit po siya, kanina pa namumutla ehh,"
"Bakit di po kayo tumawag ng ambulansya?"
"Ayaw niya po ma'am ehh,"
"Kuya, saan kayo? pupunta ako diyan."
...
"Let's go?" biglang sabi ni Xi.
Hala! saan? may pupuntahan ba kami? May meeting ba?
"You look so shocked," takang tanong niya.
"May meeting ba tayong pupuntahan?" tanong ko pabalik.
"No, we don't have one. I'm giving you a ride home right?"
Uggghh! Bakit ba lagi ko 'yung nakakalimutan?
"Stop daydreaming."
What to do now? Paano si Nick?