Chereads / My Two First Kiss / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Xavier

I'm driving while I was still trying to reach her phone. Finally she answered my call.

"Where are you?" tanong ko pa rin sa kanya.

"I'll wait for you," sabi niya saka pinutol ang tawag.

Please wait for me.

I drove as fast as I could.

She maybe tough, and could actually punch you in the face. But she is still a girl.

Please keep her safe.

I came to the area of her last location. Scary images keeps on popping in my head. I ran as fast as I can to search for her, not wasting anytime.

I saw her crying and Nick is standing in front of her.

My heart started to pound heavily.

Naikuyom ko ang kamao ko, then I saw an unconscious man lying not far from them.

I guess Nick, beat up that man.

I heared her cry, maglalakad na sana ako papunta sa kanila. Then I saw Gab ran towards Nick, and hugged him.

I was taken aback, my feet involuntarily stopped from walking. I just stood there watching them while Nick softly patted her head.

I saw them laughing after their head hit each other.

I felt something in my chest, it was something new for me.

I was supposed to be the one to save her.

I got used to it, saving her every time she's in trouble but because of the damn traffic I failed to do so.

That should be me instead of Nick making her feel safe.

I smiled bitterly.

I guess I was too late... She is okay now, she doesn't need me anymore.

I turned my back at them, I can't bear the pain of seeing them. Suddenly a thought came to my mind.

The message she sent me saying she's lost and someone's following her means she expected me to come. I admit I'm not the first one to come rescue her but I can't let her think that I didn't try to look for her. I can't let her feel that I didn't care.

I made my decision.

Muli ko silang hinarap and saw them walking towards me. I also took a step towards them.

***

Gabriela

Hila ni Nick ang kamay ko habang naglalakad. Napansin kong ang lamig ng kamay niya.

Diba mainit dapat? Di kaya hindi si Nick to? baka zombie na ang kasama ko?

Bigla siyang napahinto, dahilan para tumama ang mukha ko sa likod niya.

Ano bang problema nito?

Napansin kong may tao sa harap namin.

Don't tell me may resbak agad yung lalaki kanina?

"Xavier, anong ginagawa mo dito?" biglang tanong ni Nick.

Sumilip ako mula sa likod ni Nick. It was really Xavier.

Kumaway siya nang makita ako.

"Xi?" takang tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"You texted me right? sabi mo nawawala ka, that's why I'm looking for you," sagot niya.

Holy sheep! Nagtagalog si Xi, galit na naman ba siya?

"You even said that you'll wait for me."

So siya yung tumawag kanina?

Napatingin ako sa mukha niya, napansin kong nakatingin siya sa kamay ko.

Oo nga pala hawak ni Nick ang pulso ko. Sinubukan kong hilain ito mula sa pagkakahawak ni Nick pero ayaw niya itong bitawan.

Ano na naman ang trip nito?

Napatingin ako sa kanya, mariin naman siyang nakatitig kay Xavier.

Wag nila sabihing sila naman magsusuntukan?

"How did you get here?" tanong sakin ni Xi.

"Uhmm, kasi shunga ako. Alam mo na naka-taxi na nga naligaw pa din. Mukhang mali yung lugar na sinabi ko sa taxi driver," natawa ako kunwari.

"Where are you going exactly? tapos na ang office hours. You should've gone straight home."

Galit nga siya...

"Okay na si Gabby, I already found her, 'wag mo na siyang pagsabihan," seryosong sabi ni Nick.

"Thank you for finding her."

"No need to thank me."

"I think she should go home now," sabi ni Xavier, sabay hawak sa kabilang kamay ko at hila sa akin palapit sa kanya.

Yung utak ko nakalog na ata?

"No, she's not going home yet," kontra ni Nick na di rin bumibitaw sa kabilang kamay ko at hinila ako ulit palapit sa kanya.

"And why?" tanong ni Xi,matalim na nakatingin kay Nick.

"May pupuntahan pa kami it's my welcome party," sabi ni Nick.

"She needs to rest. I'm taking her home," sabi ni Xavier at hinila akong muli.

Nag-aaway ba sila dahil sa akin?

"I'll take her home after," sabi ni Nick at hinila ako pabalik sa tabi niya.

"Nagtatalo ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi," sabay nilang sagot.

Patuloy lang sila sa pag babangaya at paghila sakin. Di ko na naintindihan ang sinasabi nila.

"Holy Sheep naman eh!" sigaw ko.

Pareho silang nahinto sa pagsasalita at napatingin sakin. Sabay kong binawi ang kamay kong hawak nila.

Pinukpok ko ang ulo ko gamit ang kamay ko.

"Sumasakit ulo ko sa inyo! Gutom na ako! Sasama ba kayo o magtatalo diyan?" Asik ko sa kanilang dalawa, at nagsimula akong maglakad.

Saan nga ba yung daan?

"Di ko alam kung saan ang daan, mauna kayo," lingon ko sa kanila.

Sabay silang napakamot ng ulo at sinabayan akong maglakad.

Balak ata nila ako gawing referee, nagtatalo na naman sila nang makarating kami sa gilid ng highway kung saan naka parada ang kotse ni Xi at ang motor ni Nick.

"It's safer for her to ride my car," sabi ni Xi.

"Mas mabilis kung magmomotor kami," kontra ni Nick.

"Magbato-bato pik kayo para matapos na, para kayong mga bata!" sigaw ko sa kanila.

"Isa lang para mabilis,"sabi ko.

Seryosong-seryoso silang Nagbato-bato pik.

Mukha silang mga ewan.

"Yes! Gabby dear nanalo ako." Tuwang-tuwang nagtatalon si Nick.

"Halika na, kita kits dun Xi ha." paalam ko kay Xi.

Nakatingin sa kamay niyang nakaporma pa din ng gunting.

Hahaha! Ang cute...

Aangkas na sana ako ng motor ni Nick ng biglang bumuhos ang ulan.

Dali-dali kong tinakpan ang ulo ko ng bag.

Kay malas ko naman.

Naramdaman ko na lang na wala ng tumutulong ulan sa akin. Napatingala ako at napatingin kay Xi na may hawak nang payong.

Ganito ba yung feeling ng mga bida sa mga k-drama?

"Boyscout ka na ahh," biro ko.

"I learned my lesson," nakangiting sagot niya.

Bakit parang masyado siyang malapit.

Bakit parang pang commercial ang ngiti niya ngayon?

Ba-dump..ba-dump...

"Papayong din!" biglang sulpot ni Nick sa pagitan namin.

"Tss!" dinig ko mula kay Xi.

"Mukhang sa kotse tayo ni Xi sasakay," sabi ni Nick.

"Tara na gutom na talaga ako," reklamo ko.

Nang pinindot ni Xi ang switch ng kotse niya ay agad akong pumasok sa pinto ng back seat at nilock 'yun.

Mahirap na baka pati kung saan ako uupo pag-awayan nila.

Advance talaga ako mag-isip!

Sinenyasan ko sila na sumakay na.

Kala mo kung sino may ari ng kotse.

Nakakunot pareho ang noo ni Xi at Nick.

Parang mga bata.

Binuksan ko ang phone ko at nakareceive ng message mula kay kuya.

...

Kuya Migz Pogi

bakit ka tumatawag?

Kuya Migz Pogi

Nasaan ka na?

Kuya Migz Pogi

Gabriela De Guzman!

Me

Hehehe, Hi kuya, SLR

Namiss lang kita...

Kasama ko si Sir Xavier at Isa pang office mate. Magdidinner ako kasama nila. Gutom na me.

Kuya Migz Pogi

Dito na kayo kumain sa bahay.

Me

Pero kuya,,,

Kuya Migz Pogi

Umuwi ka na!

...

Napabuntong hininga na lang ako.

"Xi, ideretso mo na sa bahay," sabi ko.

"Okay, Migz is looking for you?" tanong ni Xi.

"Oo, dun daw kayo kumain dalawa," pagbibigay alam ko sa kanila.

"Uyy, dinner sa bahay ni Gabby dear! tunay na pagkain di na cup noodles!" Parang biglang nabuhay ang dugo ni Nick.

"May problema ka sa cup noodles?" inis na tanong ko sa kanya.

"Wala, sarap kaya nung cup noodles na pinakain mo sa akin," palusot ni Nick.

"Goodevening!" masiglang bati ni Nick.

"Goodevening din, pasok kayo," aya ni kuya.

Tumango lang bahagya si Xavier kay kuya. Ganun din si kuya sa kanya.

Anong trip nila? Feeling Japanese at Koreano?

Palinga-linga si Xi sa paligid.

"Goofy is in Gab's room," dinig kong sabi ni kuya.

Biglang nakahinga ng maluwag si Xi.

Pfft! Naalala ko takot pala siya sa aso baka bigla na naman siyang mapatalon.

"Upo muna tayo," aya ni kuya.

'Yun naman ang ginawa namin.

Nasa sala kaming apat magkakatapat Katabi ko ang kuya ko. Si Nick at Xi naman ang magkatabi.

"You are?" tanong ni kuya kay Nick.

"Nick sir," magalang na pagpapakilala niya sa sarili.

"Nick, ikaw yung office mate ni Gab?" tanong niya kay Nick.

"Ako po yung kapalit niya, kasi ginawa siyang secretary ni Xavier. Kaya ayon turn-over of works kaya ko siya nakakasama," medyo tense ang boses na sabi ni Nick.

"Turn-over of works inaabot ng ganitong oras?" seryosong tanong ni Kuya.

"Kuya, hindi ganun 'yun," paglilinaw ko.

Tinitigan ako ng kuya ko, di na niya kai

langan magsalita para sabihin na tumahimik ako. Naintindihan ko na yun.

"May welcome party po kasi ngayon para sa akin. Tapos unfortunately, naligaw si Gabby," sabi ni Nick.

Langya naman! Daldal naman nito.

"Naligaw? Di mo kasama si Xavier?" Napatingin siya kay Xi.

"I'm on leave today," sagot ni Xi, na as usual cool lang na naka-upo.

"Oo kuya, alam mo naman shunga ako minsan, di ako sumabay para pagdating ko dun kakain na lang ako. Kaso ayun naligaw nga ako. Tapos ayun hinanap nila akong dalawa kaya magkakasama kami ngayon," kwento ko.

"Kaya ka tumatawag kanina? Buti hindi ka napano."

Psychic ba tong si Kuya? Sasabihin ko ba ang nangyari.

"Siyempre! malakas ang guardian angel ko sa likod," pagmamalaki ko sa kuya ko. Ginagaya ko lang talaga yung meme na napanood ko balita.

Napangiwi si kuya at si Xavier. Samantalang si Nick naman ay nagpipigil ng tawa.

"Puro ka kalokohan Gab," sabi ni kuya.

"Di kuya ganito talaga, dumating agad si Nick para puntahan ako. Sumunod din dumating si Xi kaya ganun, kaya I'm back in one piece."

"Thank you for helping my sister," pagpapasalamat niya sa dalawa.

"Oh siya, tara nang magpunta sa kusina at kumain," aya ni kuya sa amin.

Bigla na naman nag-shift ang personality ng kuya ko.

Yung totoo bakit may split personality ang tatlong to?

***

Nasa may pinto na kami at handa nang umuwi ang dalawa. Huminto na din ang ulan.

"We'll get going, thank you for the dinner," paalam ni Xi.

"Mauna ka na di ako sasabay, babalikan ko pa motor ko," sabi ni Nick.

"Okay." Naglakad papunta sa kotse niya si Xi at pumasok sa loob nito.

Si Nick naman ay nanatiling nakatayo sa harapan namin.

Ano naman kay sasabihin niya?

"Ano yun?" tanong ng kuya ko.

"Uy Nick tsaka na yan, lumayas na ka na din," pagtataboy ko sa kanya.

"Gab," saway ng kuya ko.

Sabi ko nga tatahimik na lang ako ulit.

"Sir, balak ko po ligawan ang kapatid nyo sana pumayag kayo," sabi ni Nick.

Ano daw?