Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Business Marriage (Completed) UNDER EDITING AND REVISION

πŸ‡΅πŸ‡­missbyzantine
26
Completed
--
NOT RATINGS
110k
Views
Synopsis
Rishan Lee Faustino was home-schooled until she graduated. Her family wanted her to stay only in the mansion, she's not allowed to go anywhere. When her elder brother died, she lost the only person who treats her well in the family until she decided to run away to escape the worse treatment for her. She went to her besfriend, Anika Sanchez who turns out to be the cousin of the youngest Chief Executive Officer in the Philippines, Dion Vin Villarino. On the other hand, Dion was forced to find a woman to be his wife as his grandparents' last will before they leave in this world. Rishan must find a concrete way in order to have a reason for not going back in the mansion and the only way left is to accept Dion's offer. Will she accept the contract, or she'll refuse it and make her own way of living since she believes that she must marry a man that he loves. If she'll going to accept it, will it be worth it? Over time, Rishan will figure out who really is she. COMPLETED EDITED AND REVISED
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Rishan at nagmamadaling sinisilid ang mga damit sa kanyang bagpack. Buo na ang desisyon niya,lalayasan niya ang tahanang kahit minsan ay hindi niya naramdaman ang kalinga. Halos mawalan na siya ng balanse dahil nanginginig ang buo niyang katawan hindi dahil sa takot na mahuli siyang tumatakas 'kun 'di dahil sa sakit at sama ng kalooban.

Tahimik siyang humihikbi habang pinagmamasdan ang larawan ng kaniyang pinakamamahal na kapatid na nakasabit sa pader ng kaniyang kwarto. Kinuha niya iyon at isinama rin sa loob ng kaniyang bag. Si Rio,ang kanyang nakatatandang kapatid na namatay sa plane crush dalawang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin natatagpuan ang bangkay nito.

Ang kaniyang Kuya Rio ang nag-iisang karamay niya sa tahanang ito ngunit nang mawala siya ay halos mawalan na rin ng pag-asa sa buhay si Rishan.

"Kuya,patawad kung lalayas na ako rito. Hindi ko na kasi kaya..." mahinang sambit ni Rishan at pilit na pinakalma ang sarili. Nang mahimasmasan ay nagpasya na siyang lumabas ng kaniyang silid at doon ay iiwan na niya ang tahanang labis na nagpahirap sa kaniyang kalooban.

"Mom,Dad,Ate Diane,and Lee Ann, mahal ko kayo pero mahal ko rin ang sarili ko. I'm sorry..." mahina niyang sambit at saka buong lakas na lumabas ng kanilang bahay.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta,hindi niya alam kung makaka-survive ba siya sa laban dito sa labas ng kanilang tahanan na ni minsan ay hindi niya naranasang maghirap dahil sa taas ng estado ng kanilang pamilya.

Minabuti niyang i-cash ang laman ng kaniyang credit card kahapon para kapag i-cut iyon ng kaniyang ama ay may magagamit pa rin siya.

Huminga siya ng malalim saka lakas-loob na binagtas ang madilim na daan palabas ng kanilang subdivision.

Ito na ang simula ng totoong laban ng kaniyang buhay.