"H-How is lola Amalia?" Tanong ni Anika kay Dion matapos kausapin ito ng doctor malapit sa pinto ng Emergency Room.
Bumuntong hininga si Dion bago nagsalita. " So far, maayos naman na raw ang lagay ni lola. She need a good rest at iwasang mabinat siya kasi matanda na si lola." Narinig ni Rishan ang usapan ng magpinsan dahil hindi rin naman siya ganoon kalayo. "After the nurse check lola's vital statistics, pwede na siyang ilipat sa private room." Dagdag muli ni Dion.
Napatingin si Dion kay Rishan na noo'y nakatingin lamang sa tiles ng hospital ngunit nakikinig siya. Napansin niya ang pares ng sapatos na tumigil sa kanyang harapan kaya agad niyang tiningnan kung sino ito.
"We need to talk." Seryosong sabi ng binata. Hindi naman agad nakapagsalita si Rishan sa sinabi nito. Natauhan na lang siya nang hilain ng binata ang kanyang palapulsuhan at nagtungo sa gilid ng hospital sa tapat ng glass window.
Binawi ni Rishan ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Dion. "A-Anong pag-uusapan natin?" Tanong ng dalaga. Kahit hindi niya tanungin ay may hinuha na siya sa kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ng binata na kanyang kaharap.
Hindi tumingin sa kanya si Dion. Nanatili lamang siyang nakatanaw sa sariling repleksyon sa bintana. Kalahating metro ang layo nila sa isa't isa. Magsasalita na sana si Dion nang mapansin niyang may pares ng mata ang nakatingin sa kanila kaya agad niyang hinubad ang coat niya at pinatong sa ulo ni Rishan upang matakpan ang kanyang mukha.
"S-Sandali! Anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ng dalaga ngunit hinila lamang siya ni Dion patungo sa Fire Exit ng ospital.
"Dalian mo! Baka maabutan tayo ng mga taga-media." Pagmamadali sa kanya ni Dion. Umikot sila sa kabilang basement at saka nagtungo kung saan naka-park ang kotse ni Dion. Nagkanya-kanya silang pasok sa kotse. Since tinted ang sasakyan at mukhang hindi naman sila nasundan ay napagpasyahan nilang pakiramdaman pa rin ang paligid.
Nang wala na talagang masusumpungan na nakasunod sa kanila, nagsalita na si Rishan. " W-What are we going to talk about?" Nahihiyang tanong ng dalaga. Nakayuko siya at nakatingin sa kanyang mga daliri.
Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dion. "Our wedding day is next week. Right after magpagaling ni lola." Dire-direstong sinabi ng binata na ikinalaki ng mata ni Rishan.
"WHAT?!" halos lumuwa na ang kanyang mata sa gulat. " Gagawa na rin tayo ng bata?!" Bulalas niyang muli ngunit agad siyang napatakip ng bibig nang mapagtanto ang kanyang sinabi.
Hindi nakaimik ang binata. Maging siya ay hindi inaasahan ang sinabi ni Rishan. Ngunit isinawalang bahala na lamang niya at tumingin ng diretso kay Rishan na nakayuko na ngayon. "Oo. Iyon naman ang nasa kontrata na pinirmahan mo,hindi ba?" Pagpapaalala niya.
"P-Pero... hindi ba masyadong maaga pa para -" hindi na natuloy ni Rishan ang sasabihin nang biglang sumabat si Dion.
"Could you please shut your mouth and just do what you need to do?!"
Hindi na naka-imik pa si Rishan. Sa pagsigaw sa kanya ni Dion, bigla niyang naramdaman sa sarili ang panliliit. Para niyang binenta ang sarili niya sa iba. Naiiyak siya ngunit kailangan niyang pigilan.
Nag ring ang phone ni Dion at agad naman niya itong sinagot. Pagkakataon na ni Rishan na pumikit ng mariin upang pawiin ang mga namuong luha sa kanyang mga mata.
(" Ser, gostu pu kayu makaosap ni ser.") Sabi ni manang Osang na tagapag-alaga ng matandang mag-asawa.
"Yes,manang. Where is lolo?" Tanong ni Dion sa tagapag-alaga. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Ferlin sa kabilang linya.
("Apo... kumusta ang lola Amalia mo?") Nag-aalala niyang tanong.
Bumuntong hininga si Dion at napatingin kay Rishan bago sumagot. " Lola is fine. The doctor said, she just need a rest."
Narinig rin niya ang pagbuntong hininga ng kanyang lolo mula sa kabilang linya.
"Uhm... lo?" Pagbasag ni Dion sa sandaling katahimikan.
("Yes,apo?")-Ferlin.
Hindi mawari ni Dion kung dapat ba niyang tanungin ang lolo ngunit sa huli ay napagpasyahan niya. "Lolo, is there something bothers with lola? Or she is too much tired onto something?"
Sandaling natahimik muli ang linya at isang malalim na buntong hininga ang kanyang narinig. "Well,lo you don't need to answer because I know she has nothing to--" hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Dion nang magsalita si manang Osang sa kabilang linya.
("Ah ser inaantuk na daw pu si Ser Firlen.")-manang Osang.
Si Dion naman ngayon ang napabuntong hininga dahil naging turan ng kanyang lolo. Ngunit mas pinili na lamang niyang paniwalain ang sarili na baka pagod ang matanda dahil sa pag-aalala sa kanyang asawa.
Nang maputol ang linya ay agad na napatingin si Dion kay Rishan. Mahimbing na itong natutulog sa kanyang kinauupuan at nakasandal ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan.
Dion cannot deny the fact that Rishan is good looking--actually an agelic one but in the back of his mind, she should not attached to someone especially to this innocent girl with her untold past.
*****
"Rishan,wake up." Panggigising ni Anika sa kaibigan ngunit umungol lang ito at humingi ng ilang minuto bago gumising.
Napatayo si Anika at saka niyugyog ang kaibigan. "Hmmm... 5 more minutes,Nika..." saka nagtalukbong ng kumot.
"Hindi ka pa ba gigising?!"
Napadilat ng di oras si Rishan nang marinig kung sino ang nasa loob ng kwarto nila ngayon.
Naiinip na nakatayo si Dion sa gilid ng kamang hinihigaan ni Rishan. Nasa gilid naman si Anika. Alam nilang gising na si Anika kaya mas lalong nainip ang binata.
Tumalikod na si Dion palabas ng kwarto."Bumangon ka na dyan. We will meet your parents within an hour." Ma-awtoridad na utos ni Dion at lumingon siya kay Anika. "Gisingin at pagbihisin mo na yang babaeng 'yan."
Hinintay ni Anika ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na ng kwarto si Dion. Agad siyang napaupo at napatinginbkay Anika ng may pag-aalangan. "Anika, what should I do?! Hindi pwedeng makita ako nila daddy! Ayaw ko pang bumalik don,and I will never want to!"
Umupo si Anika sa tabi niya at saka binatukan. "Kumalma ka nga muna,Rish! Isipin mo na lang, blessing in disguise 'to. Ayaw mong bumalik sa family mo 'di ba?" Tumango naman si Anika. "Then start to have a good relationship with my cousin. Kung magiging mag-asawa na kayo,hindi ka na mahahawakan sa leeg ng mga magulang mo because you have the reason to stay with your soon-to-be husband." Pagpapaliwanag ni Anika.
Napangiwi naman si Rishan dahil hindi niya mawari ang pinagsasabi ng kaibigan lalo na ng banggitin ang 'soon-to-be husband' pero sa kabilang banda, tama nga si Anika.
"Gaya nga ng lagi kong sinasabi sayo,Anika. Wala akong choice." Pagtapos ni Rishan sa pag-uusap nilang dalawa at napagpasyahang maligo na dahil ilang minuto na lang ay makikita na niya muli ang pamilya.