Chapter 11 - Chapter 10

RISHAN's PoV

Tito Rick and tita Mina, Anika's parents arrived here last night. Dumating sila dahil gusto daw nilang maging witness sa kasal ng pamangkin ni tito Rick which is si Dion the Sungit. Mahimbing na ang tulog ko kagabi noong dumating sila dahil kailangan kong mag beauty rest kahit pa maganda namam talaga ako. Well, don't say anything.

"Good morning,tito,tita. How's life abroad po?" Pangangamusta ko habang kumakain kami ng almusal kasalo sila.

"Okay naman, ija. Busy pa rin naman. Stress  madalas specially kapag bumababa ang sales and production of our business." Sagot ni tita Mina. "By the way, ija. Hindi ba't si Alejandro ang ama mo?"

Sandaling nawala ang ngiti sa labi ko ngunit pinilit ko paring ngumiti. "O-Opo..." hindi na ako magtataka kung kilala man nila ang mga magulang ko at sa pamilyang pinanggalingan ko.

"Akalain mong sa isang iglap, magpapakasal na amg pamangkin ko. Hahahaha. Why did you chose civil wedding over church wedding? Kasi kami ng tita mo, we married infront of the altar." They looked at each other and hearts from their eyes is showing off.

Natawa si Anika. " Mom, Dad, ang cheesy niyo na. Hahahaha. Hindi na kayo mga teenager,okay?" Anika said and rooled her eyes.

"But your mom can still carry a baby if ever..." kinindatan ni tito si tita kaya hinampas siya sa balikat.

"As if naman. E ang pagpapalaki palang dyan kay Anika tapos sa business natin, ang hirap pagsabayin." Sagot ni tita Mina kay tito.

Natutuwa akong pagmasdan silang nag-aasaran  at nagtatawanan. Napatingin ako kay Anika na nakikisali na rin sa bangayan ng parents niya, she's lucky to have parents like them. No pressure, they just let what Anika wants to take a path for her dreams. Support lang sila sa kanya.

Suddenly, my phone rang so I excused myself.

"Ang aga-aga, Dion. Excited ka?" Pang-aasar ko sa kanya. Para man lang makabawi ako sa pang-aasar ng lalaking 'to sa buhay ko, magmula ngayon siya naman ang aasarin ko.

"(No time for jokes, Rishan. Magpapadala ako dyan ng stylist and also the dress you are going to wear. Sila na ang bahala sayo. I gave the instructions to them so just follow.)" Masungit niyang sabi.

"As if naman may magagawa ako 'di ba? Kailan ba ako hindi sumunod sa mga gusto mo,soon-to-be-my-husband?" Pang-aasar ko ulit. Gusto kong matawa dahil napamura siya sa kabilang linya.

"(Argh! Basta maging kagalang-galang ka mamaya. 'Wag mong ipapakita sa iba yung galit mo sa mga magulang mo.)" And with that bigla niyang pinutol ang linya.

Ookkkayyyy....

*****

"Congratulations to our newly wed,Mr. and Mrs. Villarino." Pagbati sa amin ng nagbasbas sa kasal and also we signed the document nagpapatunay na kasal na kami.

Dion and I said our gratefulness to everyone. Most of the witnesses are our parents,relatives,and friends. Then some are the big business partnership of both families. I wish kuya Rio was there. Yung family ko, ayon todo acting na masaya sila pero kapag tumitingin sila sakin, they just raising their brows except daddy.

May reception pa rin naman. Doon, nagcheers kami as a newly wed. We also exchanged I love you to each other kahit pa hindi naman totoo lahat ng sinasabi at pinapakita namin sa isa't isa. Si Anika, todo support sa amin na kesyo bagay daw kami, na sana daw magka-baby na kami as soon as possible. Shempre, we just laughed but behind those laugh alam kong sinusumpa na namin ni Dion ang isa't isa.

Nakakapagod ang araw na 'to kaya pagkarating dito sa condo ni Dion which is magiging bahay daw namin, pero shempre separate rooms ayon na rin sa gusto namin at sa naka contract na pinirmahan ko.

Hindi ako makatulog dahil sa kanina pang paulit-ulit na pagbabalik tanaw ng isipan ko tungkol sa kiss namin kanina. He is my first kiss! The hell!

What do I feel right now?

Wala. Masaya kasi may karapatan na akong hindi bumalik sa bahay pero nalulungkot at the same time kasi kasal ako, kasal sa lalaking hindi ko naman mahal. But it's fine, maybe this is my destiny.

Someone is knocking on my door kaya kahit tinatamad ako pinagbuksan ko. Baka mag alburoto na naman anv asungot na 'to kapag nainip.

"Ano 'ba 'yon, hubby?" Pang aasar ko. Bigla siyang namula, namula hindi sa hiya kundi sa pagkapikon. Nanlisik bigla ang mata sakin e.

"Don't act like we're real lovers,Rishan. Tayo na lang dalawa dito so no need to pretend." Naiinis niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ko. "So bakit ka kakatok dito sa kwarto ko sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko,aber?" Tinaasan ko siya ng kilay at nakapamewang sa harap niya.

"I just wanted to remind you this and all those written here." He lend me the contract.

"So? Hindi ko naman nakakalimutan lahat ng nakasulat dito. I still remember." Matapang kong sagot.

"Rishan,please! Just shut your mouth,okay?" Naiinis niyang sabi bago ako talikuran at mag-walkout.

"Loko ba siya? Hahahaha. Pikon agad. " sabi ko sa sarili ko bago isara ang pinto. Napatitig ako sandali sa binigay niya bago ko ilagay sa drawer sa gilid ng kama ko.

*****

Sa kabilang banda, nakatitig lamang si Allen sa kawalan. Pinagmamasdan niya ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Biglang may ala-ala ang pumasok sa kanyang isipan.

'Kuya, come here. Look at the stars oh.'

'Do you know what constellation is that?'

'Not sure,kuya but I think it's Orion?'

'Wow, how did you know?'

'You taught me,remember? How did you forget?'

They both laughed at each other.

'Rishan'

Napahawak si Allen sa kanyang ulo nang maramdaman muli ang sakit kasabay ng mga ala-alang pumapasok sa kanyang isipan.

Sa pagtigil ng sakit ng kanyang sentido, isang pangalan ang bumagabag sa kanyang isipan, RISHAN.

Napaisip sandali si Allen, ang Rishan sa kanyang ala-ala ay ang Rishan na nabangga niya kahapon sa parke. At ang ngiti ng batang Rishan sa kanyang ala-ala ay tila pamilyar na ngiti mula sa Rishan na kanyang nakilala kahapon.

"Sino ka sa buhay ko, Rishan?..."