Chapter 15 - Chapter 14

G-Gagawin na ba talaga namin 'to? Hindi kasi ako handa. Kailangan kong makaisip ng paraan!

"D-Dion..." panimula ko. Naiilang ako sa malapit niyang presensya dahil hindi ako makapag-isip ng magandang idadahilan. Ibinaba niya ang kanyang mukha malapit sa aking tainga kaya nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga.

Lasing ba 'to? Bakit amoy alak siya?

"Sabik na akong magka-anak." Mahina nitong sabi na mas lalong ikinalaki ng aking mga mata. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba.

"K-Kasi... m-may dalaw ako ngayon. Next week na lang." Napapikit ako nang mapagtanto na ako pa ang nag set ng date kung kailan namin gagawin.

Biglang inilayo ni Dion ang kanyang sarili sakin at bigla niya akong iniwan.

"Ay Dios kong mahabagin. Muntikan na 'yon."  Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil hindi ko kinaya ang kabang 'yon. Nakakainis talaga 'yang lalaking yan! Hindi ko alam kung inaasar ba ako o ewan.

Nang maka-get over na ako sa pangyayari, pumunta ako sa kwarto ko at naligo. Isa sa mga nagpaparefresh sa utak ko ay ang maligo nang sa ganon ay mabawasan ang toxic sa aking isipan. Kung nakakawala lang ng ala-ala ang pagligo,gagawin ko na para makalimutan ko na lang lahat ng nangyari sa'kin kaso hindi... hindi ko matatakasan ang lahat dahil siguro ito ang tadhana ko.

"Poor pretty woman..." sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak dahil mismong sarili ko ay dinadown ko.

Matapos kong maligo ay agad na akong nagpalit. Nagpatuyo na rin ako ng buhok gamit ang hair blower na bigay sakin ni Anika noong lumipat ako dito sa condo na 'to.

Tiningnan ko ang calendar ko sa phone kung kailan ako magkakaroon at naalala ko na katatapos ko nga lang pala last week. Patay na!

Agad akong nakaramdam ng gutom. "Hindi pa pala ako nag-hahapunan. Ano kayang pwedeng kainin sa kusina? Kapag wala akong makita don naku tatakas talaga ako!" Sabi ko sa sarili ko. Nakakainis kasi, ayaw akong palabasin ng damuhong 'yon.

Inilapag ko muna sa maliit na dining table ang aking phone para naman makahagilap ako ng matinong makakain.

Pagbukas ko ng ref ay naghanap ako ng makakain. Karamihan dito ay mga beer at softdrinks in can. Meron ding pineapple at kalamansi juice. Dahil wala naman akong makakain ay minabuti ko na lang kumuha ng oatmeal sa divider at yon na lang ang magiging hapunan ko.

Habang inaabot ko ang oatmeal dahil may kataasan ito, nakaramdam ako ng mainit na hininga sa aking batok dahilan para magsitaasan ang mga balahibo ko. May biglang yumakap sa akin mula sa likuran at ngayon ay hinahalikan na ako sa leeg at batok. Hindi ko maiwasang mailang lalo pa't may nararamdaman akong bukol sa aking likuran.

Nang dahil sa sobrang kaba, naitulak ko siya ng malakas dahilan para tumama ang likod niya sa isa sa mga upuan dito sa dining area.

"Ouch! What did you do..." hinawakan niya ang likod niya kung saan may tama at iniinda pa rin. Bigla naman akong nag-alala  at nakonsensya sa ginawa ko kaya agad ko siyang inakay bago pa siya tuluyang matumba.

"Lasing ka ba,Dion?" Napapikit ako ng mariin dahil obvious naman ang tanong ko. Ano ba namang katangahan ang meron ka,self.

Inakay ko siya patungo sa kwarto niya. Mukhang may problema siya. Pero saan naman? E likas na walang pakialam ang nilalang na 'to sa mga nangyayari e. Mukhang never siyang na stress sa work niya. Hayssstt nakakapagod naman mag isip idagdag pa ang bigat ng lalaking 'to.

Agad ko siyang binagsak sa kama niyang malambot. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niyang 'to. Nilibot ko ang kanyang kwarto at maaliwalas ang paligid. Kulay gray ang pader at malawak ang kanyang higaan na kulay gray din. May shelf siya sa  isang corner at nandoon din ang work table niya.

Hmmm. Ang organize naman pala ng mokong na to. Kaya pala organize din siya sa lahat ng bagay kasi nga isa siyang buisnessman.

Aalis na sana ako nang bigla niyang hilain ang kamay ko dahilan upang matumba ako sa kanya. Tumama ang baba ko sa noo niya ngunit hindi niya iyon ininda. Sa halip, niyakap niya ako ng mahipit.

"D-Dion... a-alis na ako." Sabi ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Nararamdaman ko ngayon ang mainit niyang hininga sa aking dibdib. Naka daster pa man din ako ng pantulog.

"You stay here..." halos mabulol na siya sa sinasabi niya ngunit naintindihan ko pa.

Hindi ako agad gumalaw at pinakiramdam kung tulog na ba siya saka na lang ako aalis. Wala pang isang minuto, naglakbay ang mga kamay niya patungo sa aking pwet.

Kinabahan ako ulit. Bigla niya akong binuhat at nagpalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nakapaibabaw sa akin at kitang kita ko ang mga mata niya kahit pa lampshade niya lang ang nakabukas dito sa kwarto.

Ang mga mata niya ay tila nangungusap ngunit hindi ko mahulaan kasi baka dala lang yon ng kalasingan.

He reached my lips and kiss me passionately. Sa mga halik na 'yon, hindi ko namalayang napapikit na rin ako ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit ako lumuluha?

*****

Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa aking mga hita. Iminulat ko ang aking mga mata perp nahirapan ako dahil mataas na ang sikat ng araw. Nang mapagtantong hindi ko ito kwarto,agad akong bumangon.

"AAAHHHHHH!!!!!" sigaw ko kaya napabalikwas din siya ng bagon. Papikit pikit pa siya.

"What's the matter?" Tila wala sa sarili niyang tanong.

Napasapo ako sa aking sariling noo. What the hell with this guy! Arrghhh

"Matter matter ka dyan! Pinagsamantalahan mo ako kagabi no! How dare you!Arrrghhh" kinuha ko ang unan malapit sa akin saka pinaghahampas siya ngunit sa pangatlong hampas ay nahawakan na niya ang aking mga kamay at agad na pinahiga.

Nakaibabaw siya sa akin ngayon. "Bitawan mo nga ako! Rapist ka! Arghh!" Pagpupumiglas ko pero nakatingin lang siya ng seryoso sakin kaya tumigil na ako.

"Wala tayong ginawa kagabi,okay? Wag kang over acting,ang panget mo." Inis niyang sabi sakin. Aba siya pa ang may ganang insultuhin ako samantalang siya naman ang nag-insist ng kiss-- "You're turning red. Hahahahaha." Tinawanan ako ng walang hiya bago siya umalis sa ibabaw ko.

Nagtungo na siya sa kanyang sariling banyo ngunit bago pa siya pumasok ay nilingon niya ako. "Can we sleep together again,if yoi don't mind? Kahit tulo-laway ka kapag natutulog tatabihan pa rin kita. Hahahaha" and with that, pumasok na siya sa cr dala ang twalya niya. Tumatawa pa talaga siya! Arrgghhhhh!

Bigla ulit bumukas ang kanyang cr at sumilip siya. "By the way, I'm craving to your babies." Then he winked at me before going back inside the cr. Too late to realize that my breasts are what he saying about. Hinawakan ko ang aking hinaharap at mabuti na lang dahil ayos lang sila.

Sinalat ko naman ang hininga ko kung mabahp at medyo amoy laway nga. Kinapa ko pa kung may tuyong laway. "Kainis kang lalaki ka! Hindi na ako matutulog kasama ka! In your dreaammsss!" Sigaw ko bago lumabas ng kwarto niya.

Salamat sa Dios at hindi pa nakukuha ang aking V Card pero nakuha na niya ang first kiss ko. Arrghhhh. Sinusumpa ko talaga siyang damuho siya!

Napahawak ako sandali sa aking mga labi at naalala ang nangyari kagabi. Matapos ang aming halikan ay bigla siyang tumigil kaya napamulat ako, yon pala tulog na siya.

Atleast hindi pa ako magkaka anak. My God.