Chapter 19 - Chapter 18

Matapos mabuo ang plano ni Carmina nang gabing iyon ay nagtungo siya sa kumpanya ng mga Faustino kinabukasan.

Suot niya ang  kulay mint green na sleeves at nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko at ang pang ibaba maman niya ay slacks ngunit kahit may edad na, balingkinitan pa rin ang katawan nito.

Taas noo siyang naglalakad sa loob ng building hanggang makarating sa opisina ni Alejandro. Nagdadalawang isip ang sekretarya ng taong kanyang pakay kung iistorbohin ba ang boss o hindi.

"Sabihin mo may importante kaming pag-uusapan. If he fired you,then I'll going to hire you in my company." Saad ni Carmina upang mapapayag ang sekretarya na kumatok at pumasok sa pinto.

Tinanggal niya ang kanyang suot na shades habang hinihintay ang paglabas ng sekretarya ni Alejandro. Nakatitig lamang siya sa pangalang nakapaskil sa pintuan.

Alejandro Faustino

Ilang sandali pa'y bumukas na ang pintuan. "Pumasok daw po kayo,ma'am." Yumuko sa kanya ang sekretarya habang nagkakalad papasok sa opisina. Ang sekretarya na rin ang nagsara nito at iniwan sila.

Natigilan si Alejandro sa kanyang binabasang papeles nang makita siya nito.

"What brings you here,Carmina?" Kaswal na tayong sa kanya.  Pinaupo siya nito sa may couch kaya sumunod naman siya.Tumayo si Alejandro at nagtungo sa divider kung nasaan ang kanyang wine glasses. Naglabas siya ng dalawa at inilapag sa may coffee table. Kumuha rin siya ng wine at sinalinan ang baso nilang dalawa. Naupo siya sa tapat niya.

"Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa, Alejandro. Nandito ako para kunin sa'yo ang anak ko. Nasaan siya?" Diretsong tanong ni Carmina sa kaharap. Kinuha niya ang wine glass at uminom kaunti.

Napabuntong hininga si Alejandro. "Carmina, she's living happily now. In fact, she is already on the next chapter of her life." Uminom na rin ito ng alak.

Nagsalubong ang kilay niya. "Her whole life is a lie,Alejandro so how could she live happily? I know,she can feel that despite of her contentment in her life may parte pa rin sa kanya na kulang. And that is the truth,Alejandro." Madiin niyang sabi.

Kung magmamatigas pa rin si Alejandro sa kagustuhan niyang bawiin sa puder nila ang kanyang anak at ilayo na sa kanila, mapipilitan siyang gawing alas si Allen o Rio.

"I'm sorry,Carmina but me and my wife don't control her life. Hindi namin hawak ang buhay niya,if you want her to comeback to you then it would be better kung pag-usapan ito kaharap siya. Pero sa sitwasyon niya ngayon, tingin ko mas pipiliin niya ang buhay niya kaysa sumama sayo." Sagot ng kanyang kaharap.

Nagsalubong muli ang kilay ni Carmina. "At bakit hindi niya ako pipiliin? I'm her mother,ako ang nagluwal sa kanya--"

"Oo, nagluwal ka lang pero hindi ka nagpaka-nanay!"

"So?! Paulit-ulit na naman ba tayo,Alejandro? I did that for her, I did that for our child!" Inis na sigaw ni Carmina ngunit agad pinakalma ang sarili. "It's not too late for my child to build mother-daughter relationship together. We'll go back to States--"

"Rishan is already married,Carmina! She can't leave her happily married life here!"

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Carmina dahil sa nalaman.

"B-But the last time I checked, she's still single--"

"And when did that last time you checked her status? Carmina, it was almost a month when she was married to Mr. Villarino." Saad ni Alejandro na mas lalong nagpagulo sa isip ni Carmina.

"Mr. Villarino? You mean, Dion Villarino? That young businessman?" Sunod-sunod na tanong niya.

Si Alejandro naman ngayon ang napasalubong ang kilay. "You know him?" And she responded "Yes, my investor."

Matapos ang usapan, umalis na agad si Carmina dala ang mga hindi inaasahang malaman. Hindi niya nagawa ang plano niyang kunin si Rishan mula sa kanila kapalit ni Rio dahil napagtanto niyang mahirap nang kunin ang anak na may-asawa na. Balak pa sana niya itong dalhin sa States kung saan siya nagkubli hanggang sa bumalik dito sa Pilipinas. At mas mahihirapan siya dahil si Dion Villarino na kilalang successful businessman ang makakaharap niya.

She has no choice but to think another plan. Hindi man niya maidadala ang anak niya ngunit sisiguraduhin niyang matatanggap siya nito sa kabila ng pag-iwan niya sa kanya.

"Fuck this life,Carmina..." usal niya sa sarili bago paandarin ang kanyang kotse at umuwi na para kamustahin si Allen.

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng kanyang alagang si Scout. Sinalubong rin siya ng kanyang kasambahay.

"Ma'am, handa na po ang tanghalian." Saad ng kasambahay na nasa edad 37,mas bata sa kanya ngunit dahil mas mataas siya ay ginagalang pa rin siya.

"Si Allen,kumain na ba?" Tanong niya habang patungo sa hagdan upang magbihis sandali.

"Kanina pa po hindi bumababa si sir Allen,ma'am. Nag-aalala na rin po ako kasi hindi po siya nag-almusal kaninang umaga. Kumatok na rin po ako kanina ngunit ang sabi lang po niya ay busog pa raw po siya." Napayuko ang kasambahay.

"Ganon ba? Sige, ako na ang kakausap sa kanya." Tanging sagot ni Carmina bago siya tuluyang pumanhik sa itaas.

Kumatok muna siya ng tatlong beses at pinakiramdaman ang silid. "Allen, lunch is ready. Hindi ka raw nag-breakfast sabi ni Lolita. Are you okay? May masakit ba sayo?" Ngunit walang sumagot kaya pinihit niya ang seradura ngunit naka-lock ito. "Son, are you asleep? Please,open your door." Mahinahon pa rin niyang kinakausap ang binata.

Biglang bumukas ang pinto at sinalubong siya ng isang  ngiting hindi abot sa tenga. Nag-aalala na si Carmina dahil ilang araw na ring ganito si Allen ngunit habang patagal ng patagal ay lalong lumalala. Sa tuwing tatanungin niya ang bagay na 'yon kay Dr. Echavez, ang tanging payo lamang sa kanya ay bigyan ng oras si Allen mapag-isa at sabihan ring magpahinga ito kaya sinusunod niya naman.

"Nag-aalala na ako sayo,Allen..." sinalat niya ang noo ng binata ngunit hindi naman siya mainit.

"Ma, I'm good. Siguro desperado lang akong maalala ang lahat sa akin at kung ano ang totoo sa akin." Seryosong sabi ng binata na naghatid ng pagkabigla kay Carmina.

Naaalala na ba niya?

"A-Anong totoo sa'yo? O-Of course, you are my son and that is the t-truth!" Tila napakawalan ni Carmina ang kabang bumabalot sa kanyang sarili.

Nagsalubong ang kilay ni Allen at ilang sandali pa'y isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ng binata na mas lalong nagpakaba at nagpanginig sa tuhod ni Carmina.

"Sounds defensive,huh?" Tumalikod si Allen sa kanya at nagtungo sa bintana ng kanyang kwarto. Doon, isinandal niya ang sarili at nakatingin sa ulap na unti-unting nagdidilim dahil mukhang uulan pa. Sinundan niya ang binata at tinabihan niya ito.

"A-Allen?" Pag-dadalawang isip ni Carmina kung kikibuin ba niya ang binata o hindi dahil batid niyang parang may nalalaman na si Allen sa totoo niyang pagkatao. Hindi siya kinibo nito dahilan para mapakapit na siya sa hamba ng bintana. "D-Do you remember e-everything?"

Bumuntong hininga si Allen at nilingon siya, sa sandaling iyon ay parang alam na niya ang sagot sa mga katanungang bumabagabag ngayon sa kanyang isipan.

"Hindi pa lahat pero malapit na."