Kinagabihan ay nakalabas na rin ng ospital sina Fernando at Rishan.
"Bakit sa bahay tayo pupunta? Kaya ko naman na sa condo mo,Dion." Mahinanon niyang sabi nang mapansing malapit na sila sa bahay nila.
"You still have something to know,Rishan." Saad nito na mas lalong kinalito niya.
"About what? I already knew everything lately."
Pinarada ni Dion ang kotse sa gilid at pinagbuksan siya ng pintuan.
Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng mga tingin. Naroon sa sala nakaupo at mukhang sila na lamang ang hinihintay. Nakaupo sa sofa ang mag-asawang Faustino, sa kabilang sofa naman si Diane at naka-kandong sa kanya si Lee Ann. Sa isa pang sofa naroon sina Carmina at Allen (Rio).
"Rishan...." halos sabay na bigkas nilang lahat nang makita sila lalo na siya.
Hindi alam ni Rishan kung ano na namang mangyayari dahil batid niyang hindi na naman niya inaasahan ang mga susunod pang oras.
Umupo ang bagong dating sa tabi ng mag-asawang Faustino. Balak na sana muling umalis ni Dion ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na pinakawalan ni Rishan ang kamay ng asawa.
"W-What is happening again?" Nag-aalangan niyang taong dahil sa tensyong nararamdaman niya ngayon.
"Rishan..." panimula ni Allen.
Ano bang ganap ni Allen dito aside sa anak siya ng totoo kong ina?
Hindi nagsalita si Rishan at nanatili lang na nakatingin kay Allen sa mga susunod pa nitong sasabihin ngunit nagsalita na rin si Fernando. "Ang kuya Rio mo,anak." Sabay turo kay Allen na nasa katabing sofa.
Napakunoot ang noo niya sa sinabi ni Fernando.
Ano na namn ba 'to? Ginugulo na naman nila ang utak ko!
"W-What? Dad, this no joke. I'm serious, if you just called me to prank me then I'll just go home--"
"Rishan,my princess... it's me your kuya Rio." May lungkot at pangungulila sa tono ng boses ni Rio at iyon ay naramdaman ni Rishan.
Hindi agad naproseso sa isip niya at nang maliwanagan na siya, bumuhos na muli ang mga luha niya. Dion patted her back but this isn't enough to ease another pain in her chest.
"B-Bakit? H-How happened? K-Kaya pala noong nagkita tayo sa park I had that feeling na familiar ka sa'kin but you didn't tell me, you didn't tell that it was you,kuya!" Pinahid niya nag mga luha niya.
Tahimik lang na nakikinig sina Diane at Victoria sa usapan,pati na rin si Lee Ann na masyado na ring naguguluhan sa mga pangyayari.
"I don't remember you that time,Rishan... I'm sorry... but believe me,the moment I saw you the connection was there." Paliwanag ng kanyang kuya sa kanya.
Humihikbi na si Rishan kasi bakit inuunti-unti pa siya. Bakit hindi na lang sinabi kanina ang lahat-lahat para isang bagsakan na lang.
Napatingin siya kay Carmina na nakayuko na ngayon. Hindi niya mawari ngunit parang nagbago ang ihip ng hangin at ngayon ay sinisisi niya sa mga nangyayaring ito sa buhay niya at sa pamilya niya.
"Alam mo 'di ba?" Hindi umaangat ng tingin si Carmina ngunit alam niyang siya ang kausap nito. "Alam mong ako 'yong kapatid niya nang malaman mo ang pangalan ko kasi sa mga tingin mo sa'kin that time parang hindi mo ginusto na nag-krus ang landas namin ni kuya Rio. You took an advantage,why? Plano mo ba 'to simula palang?"
"Rishan..." pagsingit ni Fernando para tumigil na siya ngunit hindi niya pinansin ang ama.
"Bumalik ka ba talaga dito para sa akin o may iba ka pang pakay? Nandito ka ba para sa'kin o nandito ka para sa iba pang bagay? Maghihiganti ka ba kasi--"
"RISHAN,SHUT UP!" Hindi na nakapagpigil si Fernando at napagtaasan ng boses si Rishan. Humigpit at hawak niya kay Dion.
Pinakalma naman ni Victoria ang asawa samantalang nakayuko pa rin si Carmina at hinahaplos ni Rio ang kanyang likod. Tinawag ni Diane ang kasambahay at sinabing samahan muna si Lee Ann sa kanyang kwarto.
"You don't know what I've been through,anak. You don't know everything-"
"Then tell me everything! Ano pa ba kasing hindi ko alam?! Bakit parang ako lang 'yong walang alam?!" Hindi na nakapagpigil si Rishan at tumaas na ang kanyang boses. "You kept your mouth shut,why? For my 21 years of existence ganon katagal niyo tinago sa akin ang totoo! At ngayon, tinago mo naman sa'min si kuya Rio ng dalawang taon."
"I don't know that he was Rio,noong gabing sinagip ko siya,hindi ko siya kilala at wala akong ideya na isa siyang Faustino. All I know that time was to help him so I did. Yeah, my mistake for keeping him while he's suffering in coma but believe me wala akong masamang intensyon kay Rio. The only thing in my mind is to be his mother because I'm longing to my daughter and it's you!" Paliwanag ni Carmina na ngayon ay umiiyak na rin.
"You're selfish..." tanging sambit ni Rishan na may lamig sa kanyang pananalita. "Alam mong mali pero ginawa mo... just like what you did with my dad." Hindi inasahan ng lahat ang binitawan niyang salita. Maging si Victoria ay nagulat din."Alam mong may asawa na pero pinilit niyo 'yong gusto niyo-"
"I don't have a choice that time--"
"You have a choice but you chose your own happiness. If you really love him then why you didn't sacrifice that freaking love--" hindi natapos ni Rishan ang sinasabi niya nang magsalita si Fernando.
"And if she did that choice,you're no longer here! Don't be so blinded by your hatred,Rishan! You're a blessing to us! Yeah, we're harsh to you,we treated you bad but behind that we really care for you!" Napahawak pa sa noo si Fernando matapos sabihin iyon.
Hindi nakapagsalita si Rishan. Tama naman ang ama niya dahil kung hindi nangyari ang nangyari dati ay paniguradong wala niya at iyon ang kapalaran na naghihintay sa kanya.
"Rishan, don't hate your mother. She helped me and I owe this second life to her and you owe your life to her,too. If you only know how thoughtful your mother is, you'll not going to regret anything once you accept her in your life." Pakiusap ni Rio sa kanya.
Hinawakan ni Victoria ang kanyang kamay habang ang isa ay hawak pa rin ni Dion. "Aaminin ko, naging masama akong ina sa'yo pero mahal kita. Mahal na mahal kita,anak."
Naalala ni Rishan noong isang araw ang naging tagpo nila ng kanyang ina-inahan at sinabi nitong mahal na mahal siya at humingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa niya sa kanya.
"R-Rishan..." pagtawag sa kanya ng kanyang ate Diane. "Naalala mo ba noong 18th birthday mo? Tayo-tayo lang ang nagsalu-salo at sapilitan pa kung hindi lang dahil kay kuya Rio. Look at the bracelet you are wearing...isn't it beautiful?" Tiningnan nga ni Rishan ang suot niyang kulay silver na pulseras. Simpleng silver lang ito pero may mga bulaklak na design. Sa gitna ay may hugis puso at kulay pula ito. " Bigay sayo yan ni kuya but the truth is, that was my debut present for you." Napasinghap si Rishan sa sinabi ng kanyang ate Diane.
Seriously?!
"Have you ever tried to look what's inside of that small heart?" Dagdag pa ni Diane. Napatitig lang siya sa hugis puso sa kanyang bracelet. Madalas niya itong sinusuot dahil sa pag-aakalang ang kuya Rio niya ang may regalo nito. "May maliit na pindutan sa gilid niyan at sa sobrang liit baka hindi mo na nga talaga inisip na may nakalagay sa loob niyan." Natatawang sabi ni Diane at siyang paghahanap naman ni Rishan.
Nang makita niya ang tinutukoy ni Diane, sobrang liit nga nito at pinindot niya. Bumukas ang hugis puso at binasa niya ito.
We're sisters forever.
Maliit pero nagawa niyang basahin. Hindi alam kung anong irereact ni Rishan dahil hindi niya lubos akalain na may pakialam rin pala sa kanya ang kanyang ate Diane.
"That's what my heart telling you,Rishan." Ngiti ni Diane nang tingnan niya ang kanyang kapatid. Napangiti na rin si Rishan dahil naappreciate niya ang kanyang ate Diane.
Napatingin siya sa lahat at nasa mga mata nila at sinseridad at pagmamahal sa kanya.
"K-Kung ano man ang dahilan ng hindi niyo pagpapakita sa akin ng pagmamahal dati, kakalimutan ko na 'yon and I'm sorry for not seeking the truth behind of your emotions. I didn't know that there is something to know more than how you treat me and that is what your heart tells to me." Ngumiti siya sa kanilang lahat.
Napako ang tingin niya kay Carmina.
"I'm sorry for being rude,m-mama." Sinubukam niyang hindi mautal nang tawagin niyang mama ang kanyang tunay na ina. "Thank you for...for coming back for me and thank you for saving kuya Rio... it's not too late,ma. I love you." Saad ni Rishan na mas nagpaluha sa kanilang lahat.
Napabuntong hininga na lang rin si Dion sa nasaksihan ngayong araw. Kahit pa hindi siya kasama sa usapan ngunit batid niyang parte na rin siya ng pamilya.
"So what are we waiting for?" Masiglang saad ni Victoria.
"Group hug!!!!" Sabay-sabay na bigkas nilang lahat.
Isang yakap sa muling pagbubuklod ng pagmamahal at pagpapatawad para sa pamilyang sinubok ang katatagan at pagtitiwala sa isa't isa.