" One,two,three...blow your candles,anak!" Magiliw na sabi ni Rishan sa kanyang limang taong gulang na anak.
"Yehey!" Saad ng karamihan sa selebrasyon.
"What did you wished,anak?" Tanong ni Rishan sa kanyang anak ngunit umiling lang ito.
"Sasabihin ko na lang po mamaya,mommy." Sabi ni Vin,anak nila ni Dion. Oo, lalaki ang kanilang unang anak at sobrang tuwa ni Dion noong malamang lalaki ang dinadalang-tao ng asawa at ganoon rin ang saya ng matandang mag-asawa.
"Ang kulit naman talaga ng apo ko." Panggigil ni Amalia sa apo. Kahit may katandaan na ay malakas pa rin ang pangangatawan.
Napuno ng saya ang salu-salo at ginawa ito sa labas ng mansion,sa hardin ng mga Faustino. Naroon ang mga mahahalagang tao sa buhay nila. Pati na rin ang mga magulang ni Dion na ngayon palang nakadaupang palad ni Rishan.
Habang kumakain sila ay tinanong muli ni Rishan kung ano ba ang hiniling ng anak. "You really wanna know my wish,mommy?"
"Hmmm... if you want us to know your wish." Sagot ni Rishan. "Diba,daddy--" tatanungin na sana ni Rishan si Dion na nasa gilid niya ngunit bigla itong nawala sa kinauupuan niya.
" Winish ko pong pakasalan ka ni daddy sa simbahan." Nakangiting sagot ni Vin na nakapagpaawang sa bibig niya. Sapat lang iyon na siya lang ang makakarinig dahil binulong iyon ni Vin sa taenga niya.
Biglang namatay ang ilaw ngunit siya lang ang nagpanik. Napatayo pa siya nang mawala sa tabi niya ang kanyang anak. Bigla muling nagliwanag at nagulat siya sa tumambad sa kanyang harapan.
"Rishan,siguro dapat ko na 'tong ginawa dati pa pero naduwag ako dahil hindi ko matanggap na nahuhulog na ako sayo pero ngayon buong lakas ko ng tinatatanggap. Rishan,mahal na kita..." sabi ni Dion habang nakaluhod sa kanyang harapan at may hawak na maliit na kahon.
Kinikilig ang lahat nang masaksihan ang pangyayaring ito. Naroon lahat ng kamag-anak at talagang pinaghandaan ito ni Dion kasama ang ibang kamag-anak. Pati na tin si Vin ay partner in crime din. Nasa gilid si Anika na tili ng tili.
Parang silang dalawa lang ni Dion ang tao sa paligid at para siyang lumulutang sa ere.
"...Rishan Faustino, I married you for business but this time this is not a Business Marriage. This time pakakasalan kita sa simbahan. Will you marry me...again,honey?"
Napaiyak si Rishan dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Hindi niya lubos akalain na mauuwi sa ganito ang contract nila. Ngayon hindi na lang sa papel nakasulat ang kasunduan kundi isinusulat na rin ng kanilang tunay na nararamdaman sa isa't isa at sa pagkakataonv ito,puso na nila ang pumipirma.
"Yes...it's a yes,Dion! Pakakasalan kita ulit." Sagot ni Rishan na mas nagpahiyaw sa paligid. Nagpalakpakan ang lahat. Tumayo si Dion at isinuot ang singsing sa daliri ni Rishan.
Ngayon ay naglalaho na ang kontratang pinirmahan nila dati dahil ngayon ay unti-unti nang nasusulat ang bagong kontrata at ito ay ang pag-iibigan nilang hindi na muling mababago pa.
-WAKAS-
Author's Note
Hello,readers! Thank you for reading. I'm sorry if tingin ninyo ay hindi ganon napakita yung flow ng story pero naappreciate ko kayo. Sorry for the loopholes,I'm willing to accept criticism. I'll give another time for this story and undergo editing and revision. Hehehe. I'm thankful to all of you😍 btw, this is my first story na natapos ko sa *******.
Finished: May 08, 2020
Published on Webnovel: June 13,2020