Chapter 24 - Chapter 23

"Mabuti naman at nakadalaw ka pa sa'kin, girl." Sabi ni Anika sa kanya.

"Shempre naman, makakalimutan pa ba kita e ikaw lang naman ang nag-iisa kong best friend." Paglalambing ni Rishan.

"Tss. Hindi bagay sayo,Rish pero infairness ha naappreciate ko kahit mukhang baduy ang dating mo. Hahahahaha." Pang-aasar sa kanya ng kaibigan.

"Anyways, nandito rin ako para ipaalam sayo na magbihis ka na dahil sasama ka samin ni Dion sa bahay nila lola Amalia." Saad ni Rishan at inagaw ang phone na hawak ni Anika.

"Give back my phone,Rishan!" Inis na sigaw ni Anika at pilit na inaagaw sa kanya ng cellphone pero hindi niya ito maagaw dahil mas malakas ito.

"Hahahaha. I'll give your phone back kapag nakapagbihis ka na. Now, move!" Pang-aasar niya sa kaibigan. Hindi niya maiwasang matawa dahil pulang pula na ang buong mukha ni Anika kaya nang may pagkakataon siyang tingnan ang phone nito ay mas lalo siyang natawa.

"HAHAHAHA.Kaya pala galit na galit,may ka-chat pala ang bruha kong kaibigan. Hahahahaha. Ikaw ha, hindi mo sinasabi sa'kin." Pangangantyaw niya kaya mas lalong namula si Anika sa kahihiyan.

Binalik na niya ang cellphone sa kaibigan."Nakakainis ka,alam mo yon?" Saad ng kaibigan.

"Sige nga,paano 'yong inis?" Pang aasar pa niya kaya mas lalo pang nanggigil si Anika sa kanya.

"Hay, akin na nga yang phone ko oara makapagbihis na ako." Masungit na saad ni Anika sabay hablot ng kanyang phone.

Ilang saglit pa ay nagtawanan silang dalawa na parang sila lang ang nagkakaintindihan sa mundo. Tunay ngang masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigang maasahan sa lahat ng bagay, pati sa kalokohan ay partner-in-crime din.

*******

RISHAN's PoV

"Mabuti naman at napadalaw kayo,mga apo." Tuwang sabi ni lola Amalia. Nakipagbeso ako sa matandang mag-asawa at nginitian sila ng pagkatamis-tamis. Well, hindi naman masamang magbahagi ng good vibes kaya nasa mood akong ngumiti kahit pa maghapon.

"Do you miss your gorgeous granddaughter,lola?" Pilyang tanong ni Anika sabay beso rin sa kanila. Natawa na lang ang mag-asawa.

"Oo naman,apo. Namiss ko ang pinaka-pilya sa lahat ng apo ko."

Natawa rin si Dion pero palihim kaya agad ko siyang hinampas. "Ikaw ha, tumatawa ka na ngayon." Pang-aasar ko sa kanya kaya agad siyang nagseryoso ng mukha nang lumingon silang lahat.

"Ako? Nahihibang ka." Tipid niyang sabi sabay pasok sa loob. Napailing na lang ako at natawa naman sila. Inalalayan ko si lola Amalia papasok sa loob ng bahay at ganon din si Anika kay lolo Ferlin.

"What do you want to eat for lunch,guys?" Tanong ni Anika so I suggested paksiw na bangus. I don't know, I'm craving for something is sour? Well, I'm not eating sour food but my taste buds looking for it.

Nakisang-ayon na rin silang lahat. Si Dion ay abala na naman sa isang sofa kaharap ang laptop niya. Sigurado akong sa business niya 'yan. Until now I still don't know or I have no idea what a businessman doing for aside sa kailangang mamaintain ang good management sa company. Hahahaha. Bakit kasi hindi ako nakinig ng mabuti sa subject naming Entrepreneurship.

He looks elegant, magkasalubong ang kilay pero swabe ang dating. Hahahaha. Dingdong Dantes,is that you? Hahahahaha. Kidding aside.

"So, kumusta naman ang buhay-magasawa niyo,apo" tanong sa akin ni lola na nasa kabilang sofa at kaharap ko sila.

Kumusta nga ba?

"Uhm..." napalingon ako sa pwesto ni Dion pero nagulat ako kasi nakatingin na rin siya sakin. Bigla tuloy akong kinabahan kasi para akong magre-recite sa klase tapos siya ang terror kong teacher. Napalunok ako bago inalis ang tingin sa kanya. "Actually,w-were planning to have a b-baby as soon as possible po,lola."

Wtf?! Tama ba yong lumabas sa bibig ko?! But that's the truth! That was written in the contract.

Napasapo sa bibig si lola Amalia,dala ng pagkasabik na magka-baby na talaga kami ni Dion.

Hindi na ako makatingin sa gawi ni Dion pero bakikita ko sa pheripheral view ko na nakatingin pa rin siya sa'kin.

M-may nasabi ba akong nakaka-offend sa kanya?

"Nagagalak ako sa inyong mag-asawa." Sabi ni lolo at hinawakan pa niya ang kamay ni lola Amalia.

Kung alam niyo lang po 'yang pinasok ng apo ninyo, baka hindi po kayo ganyan kasaya ngayon.

Magsasalita pa sana si lola nang biglang sumulpot sa sala si Anika. "I can't perfect the sourness,lola. Can you taste it for me?" May dala siyang mangkok at naglalaman ng sabaw. Para siguro lasahan ni lola ang paksiw.

Natawa si lola Amalia. " Mas makakalimutin ka pa kaysa sa akin,apo. Alam mo namang wala na kaming panlasa lalo na sa edad namin ng lolo mo."

Napasimangot si Anika bagay na mas lalong nagpapa-cute sa itsura niya. Sinabi ni lolo Ferlin na ako na lang daw ang tumikin since ako ang nagsuggest ng ulam.

So I tasted the free taste pero naduwal ako.

"Are you okay,Rishan?" Agad akong dinaluhan ni Anika.

"Dios ko po!" Sabi naman ni lola Amalia at napahawak pa siya sa dibdib niya.

Naramdaman ko ang kamay na humahaplos sa likuran ko. "Are you okay,Rishan?"

So? Inulit mo lang,Dion 'yong sinabi ni Anika. Mokong ka!

Tumango ako at nag-gesture na ayos lang ako. Bahagya nang lumayo si Anika sa akin samantalang nanatili pa rin sa likuran ko si Dion, nakatayo siya ngayon sa likod ng sofa na inuupuan ko. "Don't you like it,Rishan? " nag-aalangang saad ni Anika kaya agad akong naalarma.

"Masarap,Anika. Actually,kuhang - kuha mo 'yong lasa it's just that bigla na lang akong naduwal kaya--"

"OMENJII~~~~" Pagtitili ni Anika at hawak pa niya ang bibig niya. "D-Don't tell me buntis ka,Rish?! Oh God, I can't help it! Oh Gosh!" Pagtitili pa niya para na siyang kiti-kiti na tingin pa ng tingin sa aming lahat.

"Totoo ba 'yan, apo?" May pananabik sa boses ni lola Amalia at mababakas rin sa mukha nila.

Hindi ko alam ang ire-react ko. Kung sakali mang buntis ako, oo advantage 'yon para kay Dion kasi unti-unti ng nasusunod ang nasa kontrata naminh dalawa pero hindi ko alam kung tama ba 'tong nataramdaman kong sakit sa katotohanang hanggang ina lang ng anak niya ang role ko sa buhay niya at wala ng iba.

"Rishan,are you okay? Namumutla ka...may iniisip ka ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Anika na nakapagpabalik sa wisyo ko.

"O-Oo naman.... kakain na ba tayo?" Tanong ko para ibahin ang usapan.

"Mabuti pa nga dahil mukhang gutom na ang baby mo sa tyan. Hahahahaha." Pang-aasar sa akin ni Anika saka niya inangkla ang braso niya sa'kin patungong kusina.

Sumunod na rin sina lola Amalia,lolo Ferlin si Dion na nakaalalay sa mag-asawa.

**********

I'm walking back and forth inside my room while waiting for the result of pregnancy test. I have this gut that I'm not pregnant at ang mga unusual na pagbabago ng pakiramdam ko sa katawan ko ay coincidencial lang. Maybe because my mind was too occupied lately kaya ako ganito pero gusto ko paring makasiguro dahil hindi pa rin ako dinadatnan and I can't deny what was happened between Dion and I that night.

I know to myself that we both satisfied ourselves and maybe that was the cue to him na ipunla sa akin ang dapat niyang ipunla.

Lola Amalia,Lolo Ferlin,and Anika are hoping that I am pregnant. Sa pagkakataon palang na wala ni isa sa amin ni Dion ang tumutol o tumanggi na may nangyari sa amin, may pag-asa na silang baka nga buntis ako. I don't know if Dion is hoping too.

Ang pregnancy test ay nasa gilid ng lababo at hindi ko magawang tingnan habang unti-unting nababasa ng ihi ko 'yong kulay puti sa gitna. But one thing is sure, kung ano man ang resulta ng test na ito ay ang paniniwalaan ko.

I was about to look and pick up the test nang kumatok si Dion dito sa cr kaya nagmadali akong nag-ayos ng sarili.

"Your kuya Rio and ate Diane are here. They are looking for you,honey. Sumunod ka na sa sala pagkatapos mo dyan,okay?"  Malambing niyang sabi. The way he pronounce "honey" makes my heart skip a beat at lumalabas ang mga nagliliparang paru-paru sa tiyan ko not until ipamukha sa akin ng isip ko na kontrata lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako bago lumabas ng banyo. I went in the living room and I saw my brother and sister.

"Ate,kuya! Napadalaw kayo?" Magiliw kong bingas sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Ofcourse we do! Sinabi kaya sa amin ni Anika na buntis ka raw! OMG,Rishan magkasunod lang pala tayo." Sabi ni ate at hinaplos niya ang tyan niyang medyo umbok na.

"And we're here to confirm it. Pero ngayon palang excited na akong magkapamangkin mula sa inyong dalawa." Masayang sabi ni kuya habang palipat-lipat  ng tingin sa aming dalawa ni ate Diane.

Eh? Hindi ko pa naman nalalaman--Oh Gosh, I forgot the test kit insinde my room. Hmmm... mabuti na lang dahil walang ibang papasok 'don and Dion is on the balcony and gasping for some fresh air. He excuse himself when kuya tend to say na umupo sa tabi ko.

"Well...I'm not still sure but I'll do the Pregnancy Test maybe tomorrow or this week." Nag-aalangan kong sabi. Ang totoo niyan ay ayaw ko lang munang ipaalam sa kanila kaagad ang resulta ng test para makapag-isip muna ako if ever na negative.

"By the way, pinakakamusta ka sa amin nina mommy at daddy. Sorry kung hindi sila madalas makadalaw sayo dito pati kami ng kapatid mo...you know busy sa business...." pag iiba ng usapan ni ate.

"Hahahaha. Wala namang bago 'don, ate. Faustino family has it's busy family." Saad ko na ikinatawa nilang dalawa. "How is Lee Ann?" Dagdag ko pa.

"She's fine. She's looking for you tho still not wanted to bond with you. Sorry,it's our fault--" I cut her words.

"Don't be sorry,ate. What past is past. Lumipas na 'yon kaya huwag na nating balikan. Ang mahalaga ay may kapayapaan na sa isip at puso nating lahat." Saad ko kaya ngumiti sila. "I'm proud of her sa mga awards na nakukuha niya sa school." Dagdag ko.

"Nami-miss ka na namin sa bahay,my princess." Saad ni kuya na ikinakunoot ng noo ni ate Diane.

"Alam mo,kung hindi lang kita kuya at kung hindi ko lang mahal si Rishan kanina pa kita sinapak. May favorite ka sa aming mga kapatid mo. Hmmmpp." Pagtatampo ni ate na ikinatawa lang namin ni kuya at agad kaming tumigil nang lumapit sa amin si Dion.

"This belongs to you,honey right?" At pinakita niya sa amin ang pregnancy test kit.

Nagulat akp dah hindi ko inaasahang makikita niya 'yon. Nag-aalangan akong tumingin kina kuya Rio dabil sinabi ko pa naman na gagawin ko palang ang bagay na 'yon pero heto at nakita na nila.

Agad kong inagaw kay Dion ang test kit at hinawakan ng mahigpit. "D-Did you see it?" Kinakabahan kong tanong and he nodded with a smile.

What is with that smile?

Dahan-dahan kong binuksan ang palad ko at tiningnan   ang resulta. Pagtingin ko, bumuhos ang luha ko at hindi ko na mapigilan pa.

"W-What's the result? Let me see?" Saad ni ate at kinuha sa akin ang test kit and she read it aloud.

"It's negative."