Nakatayo si Carmina sa dulo ng pasilyo ng condo at pinagmamasdan ang lalaking kalalabas galing sa pinto at ngayon ay naghihintay sa tapat ng elevator. Nang makapasok na si Dion sa elevator ay siya namang paglakad ni Carmina patungo sa condo unit ng mag-asawa.
Nag doorbell si Carmina at ilang saglit pa ay bumukas ang pinto. "May nakalimutan ka ba--yes,ma'am?" Natigilan si Rishan nang mapag-buksan siya nito.
Nginitian niya ito. "I-Ikaw si Rishan 'di ba?"
May pagtataka sa mukha ni Rishan dahil kilala siya nito ngunit nawala ang pagkabahala niya nang mapagtanto na ang babaeng kaharap niya ay ang nanay nung Allen na nakabangga niya noon sa parke.
"A-Ako nga po. Ano pong kailangan ninyo? Mas mabuti po kung tumuloy po muna kayo. Ipaghahanda ko po kayo ng inumin." Tatalikod na sana siya nang hawakan siya ni Carmina sa braso. Napabitaw rin sandali.
Pinakatitigan nito ang itsura ng anak at totoo ngang hawig ito kay Alejandro. "M-May dapat kang malaman,Rishan. Sumama ka sa akin. Don't worry,wala akong balak na masama sayo." Pinakita niya ang kanyang Identity Card upang maniwala na wala siyang masamang balak.
Nakita ni Rishan ang ID na katulad ng mga malalaking businessman sa mundo gaya ng kay Dion, sa mommy niya, kay daddy niya, sa kanyang ate Diane at sa asawa ni Diane.
Ngunit nagdadalawang isip siya at sa huli ay napapayag din kaya nag-ayos siya kaunti at kinuha ang phone at wallet. Hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Dion dahil mukhang nagmamadali ang kasama niya.
Sumakay sila sa kotse nito at siya ay nakasakay sa passenger's seat samantalang si Carmina naman ang nagmamaneho.
"How are you?" Pangunguna ni Carmina sa usapan. Hindi alam ni Rishan kung anong mararamdaman dahil mukhang kilalang kilala siya ng babaeng kasama niya.
"Uhm... okay lang naman po. Paano niyo nga po pala ako nakilala--ay! Oo nga po pala,nagkita na tayo dati sa parke." Saad niya habang nakatingin sa kanilang dinadaanan.
"It's nice to see you happy especially in your married life."
Natigilan siya at napatingin sa kasama ngunit ang atensyon nito ay nasa kalsada.
"Y-Yeah?" Hindi alam kung anong sasabihin dahil hindi naman niya talaga alam kung ano ba talaga ang status nila ni Dion maliban sa pagiging mag-asawa sa papel. "Masaya naman po kami...we're enjoying every moment in our lives and hoping one day, I'll carry our first baby." Hindi namalayan ni Rishan na nakangiti na pala siya at palihim rin na napangiti si Carmina.
Napansin ni Rishan na ang daang tinatahak na nila ay patungo sa kumpanya ng mga Faustino. Magtatanong pa sana siya ngunit mabilis na pinaharurot ni Carmina ang sasakyan dahilan para kabahan na siya.
Ngunit nakarating naman sila ng ligtas at ngayon ay patungo na sila sa opisina ng kanyang ama, si Alejandro Faustino.
"W-What are we doing here?" Nagugulan na si Rishan sa mga nangyayari dahil anong koneksyon nila sa pagpunta sa opisina ng kanyang ama at ano ang kailangan niyang malaman.
Hindi na sila hinarang pa ng sekretarya ngunit nagbigay galang ito sa kanila bago mabuksan ni Carmina ang pintuan ng opisina.
*****
"Mr. Faustino--"
"Call me your dad,Dion. Asawa ka na ng anak ko kaya marapat na daddy na ang itawag mo sa'kin." Nginitian siya nito kaya ngumiti siya pabalik.
"Okay,dad. Hindi naman po sa nanghihimasok ako sa pamilya niyo pero hindi po ba dapat lang na malaman ni Rishan ang totoo?" Saad niya sa kaharap.
Nagsalubong ang kilay ni Alejandro dahil sa biglaang pagsambit nito sa kung ano mang katotohanan ang sinasabi niya.
"What truth do you mean,anak?" Kahit may hinuha na, pinili pa rin nitong itanong sa kanya.
"About Rishan's biological mother,dad. Kahit asawa ko si Rishan, hindi ko basta bastang sabihin sa kanya ang bagay na 'yon dahil kayo lang ang may karapatan and you know what I am talking about,dad." Saad ni Dion at pagkatapos ay sinalinan ng alak ang kanyang wine glass.
Kasalukuyan sila ngayong nandito sa loob ng opisina ni Alejandro.
"How did you know that,Dion?" Uminom si Alejandro ng alak sa kanyang baso.
"Hindi na po importante kung kanino at paano ko nalaman. Oo nga,masaya na si Rishan sa akin as her husband pero hindi po ako makakapayag na itago niyo sa asawa ko ang katotohanan na si Ms. Carmina Cervantez ang totoo niyang ina."
Magsasalita pa sana si Alejandro nang mapalingon sa nagsalita.
"A-Anong katotohanan? Anong totoong ina?!"
Hindi na napigilan ni Rishan ang kanyang mga luha matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Dion.
Sabay napatayo ang lalaki at sabay rin nilang binanggit ang kanyang pangalan.
"Dad! Dion,ano 'to?!" Bulalas niya sa dalawa. Tumingin siya ng matalim sa kanyang ama na ngayon ay hindi alam kung anong gagawin.
Dinaluhan siya ni Carmina ngunit pati siya ay tinulak nito na ikinabigla nilang lahat. Sarado na ang pintuan at soundproof ang opisina kaya walang makakarinig sa labas.
RISHAN's PoV
"Huwag mo akong hawakan! Huwag niyo akong lalapitan!" Galit kong sigaw sa kanilang lahat. Wala akong pakialam kung anong itsura ko habang umiiyak sa harap nila basta ang alam ko lang sobra akong nasasaktan. "Dad, anong totoo?! Hindi ko maintindihan! Wala akong naiintindihan!" Napaupo na ako at napahagulgol dahil natatakot akong malaman na totoo nga ang lahat ng narinig ko.
Pinakalma nila ako ngunit hindi ko sila hinayaang makalapit sa akin. Hanggang sa umupo si Dion sa harap ko at niyakap ako.
"Rishan, I'm sorry.... please,calm down,honey." Sabi ni Dion at halata sa boses niya na nasasaktan din siya.
Bakit kapag si Dion nawawala ako sa katinuan?
Tumigil ako sa pag-iyak ngunit hindi nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Inakay niya ako at pinaupo sa sofa katabi niya. Nasa kabilang sofa naman si dad at ang babaeng nagsama sa akin. Hindi ko na maalala ang pangalan niya dahil hindi ko naman nabasa ng maayos kanina sa ID niya.
"Anak, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung inilihim ko sayo ang lahat ngunit maniwala ka, naipit lang din ako sa sitwasyon. Hindi ko gustong itago sayo ang katotohanan. I'm your dad and she,Carmina is your mother." Tinuro niya ang babaeng katabi niya. Yung babaeng sumundo sa akin sa condo kanina.
"Ikaw?"malamig kong tanong sa kanya. Wala na akong iba pang nararamdaman ngayon.
Napayuko siya. "I'm sorry... ginawa ko 'yon para mabigyan ka ng magandang buhay. What I have now are the success of my sacrifices and I'm back to get you out of here but it's too late 'cause you are already married..."
I don't know what to say. I really don't know now! Dion held my hand and I couldn't get back my hand. A familiar feeling that he won't let me down, that he's still there beside me for whatever I'll hear,for the truth.
"Dad, how did you do this to mom?" Out of nowhere, naitanong ko sa ama ko iyon. Huli na para bawiin ko pa at isa pa, gusto kong malaman lahat ng katotohanan. "Ano pa bang katotohanan ang hindi ko alam?" Dagdag ko pa.
Yes, I'm guilty for my questions pero may karapatan naman akong magtanong 'di ba?
Huminga ng malalim si dad before he speak. "Carmina and I were lovers before Victoria came in our story. Pinagkasundo kami ng mga magulang namin ni Victoria because we needed to save our company and we succeed. I never felt love to Victoria because my heart is still belongs to Carmina...." he took a glance at her then proceed to his words. "... and we're still had a secret affair that time until Rio is my first child with your mom followed by your ate Diane. Suddenly, hindi nagparamdam si Carmina after the night we slept together and after nine months she came back at iniwan ka sakin. I don't have the idea that you were my child because she didn't told me anything right after ka niya iwan sakin." He paused.
Unti-unti ko ng napagtatagpi-tagpi ang lahat ng sinasabi sa akin ni dad at ni Ms. Carmina o ng totoo ko ng ina. I'm matured now, I should take this situation in a good outcome.
Maintindihin naman akong tao 'di ba? Nagtimpi nga ako ng ilang taon sa ganong trato sa akin ng kinalakhan kong pamilya. Why would I need to complain? I never had the idea to feel ungrateful towards there but yeah, I'm still a human na nasasaktan pa rin naman 'di ba?