"Hindi pa lahat pero malapit na." Saad ni Allen sa kanya. "Hindi ko pa naaalala ang lahat pero alam ko na ang buong katotohanan,Ms. Carmina." Kaswal na sagot niya.
Napalunok si Carmina sa sinabi nito at sa pagtawag sa kanya bilang Ms. Carmina. Mukhang alam na nga talaga niya ngunit paano niya nalaman? Nag-iwas ng tingin si Carmina at pilit na hinahanap ang sariling dila upang makapagsalita ngunit walang salita ang makalabas sa kanyang bibig.
Hinarap na siya ng binata at hinawakan ang dalawang kamay nito. " Ms. Carmina or Mama Carmina, whatever I call you, I'm greatful because you saved me from death two years ago and I owe you for that. Utang na loob ko sa inyo ang pangalawang buhay ko." Nginitian siya ng binata. Pinipigilan niyang umiyak ngunit sa kaloob-looban niya ay kinukurot na ang kanyang dibdib.
Binitawan na siya ni Allen at hinila siya nito sa kanyang kama at magkatabi silang naupo. May kung anong pinagpipindot si Allen sa kanyang iPod hanggang sa maipakita doon ang mga articles tungkol sa pagdadalamhati ng pamilyang Faustino sa pag-aakalang kasama ang panganay nilang anak sa mga nasawi sa plane crush.
May article rin na hindi pa nahahanap ang kanyang bangkay kung kaya't hindi pa mapanatag ang pamilyang Faustino.
Tila napako na sa kinauupuan si Carmina dahil batid niyang may alam na nga si Allen sa katotohanan kahit pa hindi niya naaalala ang lahat.
"This is me,right?" Tanong sa kanya habang naka-zoom sa kanyang litrato. Hindi siya nakaimik. "And my real name is Rio Lucas Faustino, the first child of Victoria and Alejandro Faustino. My siblings are Diane Marie,Lee Ann, and...." napatigil si Allen o mas mabuting Rio na lamang ang itawag sa kanya, napatigil siya sa mukha ng babaeng nakabangga niya noon sa parke. "...Rishan."
Pinagmasdan ni Carmina ang pagngiti ni Rio sa litrato ni Rishan. "I miss this little angel. Hindi ako halos makatulog nang maalala kong sinabi sa inyo na baka girlfriend ko sa alaala ko ang babaeng 'to. She's more that that,'cause she's my favorite among of all." Nakangiti pa rin si Rio sa litrato.
Napangiti na rin si Carmina habang nakatingin sa litrato ng kanyang anak,si Rishan. Masaya rin siyang malaman na punung-puno pala siya ng pagmamahal sa kanyang kuya Rio. Nakikita niya sa binata kung gaano nito pinahahalagahan ang kanyang anak.
Tumulo na ang luha ni Carmina nang hindi na niya ito magawang pigilan. Agad siyang niyakap ni Rio at tinanong kung ayos lang ba ito ngunit niyakap na lang niya pabalik ang binata nang sa ganoon ay mabawasan kahit kaunti ang kanyang dinadala.
Kasabay ng pagbuhos ng emosyong iyon ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan.
*****
Malakas ang ulan kaya naman napagpasyahan nina Dion at Rishan na isara ang lahat ng bintana. Mabuti na lamang hindi naanggihan ang loob ng kanilang condo at tanging malamig na simoy lamang ng hangin ang humaplos sa kanilang mga balat.
Bumalik na ulit sila sa kusina at pinagpatuloy ang kanilang tanghalian. Nagluto si Dion ng paksiw na bangus at iyon ang pinaka-paboritong ulam ni Dion bagay na ngayon lang nalaman ni Rishan. Paano ba naman niya malalaman e hindi naman sila interesado sa buhay ng isa't isa.
Ngayon pa rin ba?
"Hahahahaha. Hindi ko akalain na ang isang Dion Villarino ay magaling palang mag-luto!" Pang-aasar ni Rishan sa asawa.
"Oh? I'm a businessman but it does not mean I don't know how to cook. Nanalo kaya ang paksiw na luto ko noong high school ako " Pagbibida naman ni Dion sa kanya.
Puno ng tawanan ang buong kusina kasabay ng masarap na kwentuhan at asaran sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Parang sila lang ang nasa mundong ibabaw at wala nang pakialam pa sa paligid basta masaya sila.
"Ako na ang mag-huhugas. " Prisinta ni Rishan. Tututol sana si Dion ngunit sinabi ng dalaga na siya naman ang nagluto ng kanilang tanghalian kaya siya ang dapat maghugas.
Naghintay si Dion sa may salas hanggang sa matapos na siya sa paghuhugas ng plato.
*****
RISHAN's PoV
Hindi ko maiwasang kiligin sa kalagayan namin ngayon ni Dion. Ayaw kong umasa na mutual ang feelings namin ngunit sa kung paano na niya ako pakisamahan ngayon hindi ko talaga maiwasang isipin ang bagay na 'yon.
Hay nako, Rish wag kang asumera! Baka no choice na lang yang si Dion sayo kaya pinakikisamahan ka kasi nga may kailangan siya sayo at iyon ay ang ipagdalang-tao mo ang apo sa tuhod ng kanyang lolo at lola.
Napabagsak ako ng balikat dahil sa naisip at hindi ko naman inaasahang makikita pala iyon ni Dion. "Oh, bakit bigla kang nalungkot dyan? Ayaw mo ba ng palabas?"
"H-Ha? Hindi ah! Nalungkot lang ako sa kalagayan nung babae kasi hindi siya mahal nung lalaki." Pangangatwiran ko na mas lalong nagpakunoot ng noo niya.
"Wala namang nakakalungkot ha at mas lalong walang one sided love sa pinapanood natin kasi nasa news channel tayo."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang mapagtantong news channel nga! Napakurap pa ako ng ilang beses bago makakapa ng idadahilan.
"K-Kasi ano...ah basta! May naalala lang ako sa binabasa kong novel. Oh sige,maiwan na kita dito ha." Akmang tatayo na ako pero hinigit niya ang braso ko kaya napasandal ako sa dibdib niya. He kissed my forehead kaya naman nag-init ang pisngi ko.
Bakit ba niya ginagawa 'to sa 'kin?
"Dito ka lang,hon. What do you want to watch? O baka may gusto kang gawin? Kasi ako may gusto akong gawin."
Nagsitayuan ang mga balahibo sa huling sinabi niya. Ewan ko ha? Pero hindi naman sa nag-aasume ako kaya lang parang gusto niya ng second round? Oh Gosh, please huwag muna. Di pa nga nakakarecover ang kayamanan ko.
"What's with that look,Rishan?"
Bakit? Mali ba ako ng iniisip?
Napaiwas ako ng tingin at bahagyang inilayo ang sarili sa kanya. "A-Ano ba yung gusto mong gawin?" Kinakabahan kong tanobg sa kanya ngunit hindi pa rin nililingon.
"Well, I miss playing boardgames. You know how to play chess?" He asked.
Napahinga ako ng malalim. Okay, iyon lang naman ang gusto niyang gawin. Akala ko pa naman ay yung nasa isip ko na. Pero bakit parang nadismaya ako? Kainis naman,Rishan umayos ka nga!
"Hindi ako marunong maglaro ng chess. But I know how to play scrabble,dama,and snake and ladder?" Napatanong pa ako sa sarili ko kung tama bang banggitin ko ang snake and ladder samantalang halos lahat naman ng tao alam laruin yon.
Napatingin ako kay Dion na parang pinag-iisipan kung anong lalaruin namin. "Magaling ka sa part na snake and ladder. Hindi lahat kayang laruin 'yon. What do you think? Malay mo manalo ka sakin." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ewan kasi kung makatingin sa akin may kahulugan.
"Ewan ko sayo! Hindi ako maglalaro kasi kailangan ko pang tapusin 'yong novel na binabasa ko sa kwarto ko." Inis kong sabi sa kanya.
Not sure bakit bigla akong na beast mode. Hindi naman ako ganito,e pero bska epekto sa akin ng ugali ng lalaking 'to. Dati pa naman mainit dugo ko dito e.
Weh? Baka naman kasi na-fafall ka na?
Self,umayos ka! Hindi ako mahuhulog sa damuhong iyon! Itaga pa niya sa matigas niyang katawan!