Isang linggo na ang nakararaan nang maikasal si Rishan kay Dion. Ilang araw na ring hindi nagkikita o nagparamdam si Carmina sa pamilya Faustino simula noong huling araw ng pagkikita nila ni Alejandro sa kanyang opisina.
"Friend, what should you do now? Paano kapag nalaman nila na nasa puder mo pala ang panganay nilang si Rio?" May pag-aalinlangan sa boses ni Leslie. Nag aalala rin siya sa kanyang kaibigan.
"Hindi ko alam... wala akong maisip." Tila wala sa sariling sagot ni Carmina habang nakatingin kay Allen na abalang pinapakain si Scout,ang Siberian Husky na alaga ni Carmina. "Basta ang alam ko lang,naguguluhan ako sa mga nangyayari."
Nanatili ang dalawa sa terrace habang si Allen naman ay nasa hardin at abala pa rin sa ginagawa.
"Bakit hindi mo man lang napansin na hawig ni Allen--ay Rio pala ang kanyang ama?" Tanong ng kaibigan ngunit hindi siya sumagot. "Ang akin lang,friend, ayaw kong sa huli masaktan ka. Ayaw kong sa huli ikaw pa rin ang talunan sa kanila."
Alam ni Leslie ang lahat ng pinagdaanan ng kaibigan. Isa si Leslie na tumulong sa kanya noong panahong walang wala siya sa buhay.
Napatingin siya sa kaibigan at ngumiti ng hindi umaabot sa tainga. "Noon palang alam ko ng talunan ako pagdating sa kanila. Sino ba namam ako? Isa lang naman akong kabit at walang kwentang ina..." Hinagod ni Leslie ang kanyang likod upang kumalma ito at gumaan ang pakiramdam. Naaawa siya sa kaibigan."Akala ko malakas na ako sa oras na harapin ko sila,ngunit heto at binabagabag ng mga sinabi ni Alejandro sa akin." Dagdag pa niya.
"Ano bang payo sa'yo ni Madam Veron? Hindi ba't huwag ka dapat magpaapekto sa mga mangyayari sa oras na bumalik ka muli dito. Mina,anak mo ang nakasalalay dito. Habang may panahon ka pa, gawin mo na kung ano ang dapat." Pagpapaalala sa kanya ng kaibigan.
Hindi pa rin maintindihan ni Carmina ang sarili. Hindi niya alam kung anong dapat na gawin at kung saan magsisimula dahil sa tuwing sinusubukan niyang mag-isip ng hakbang ay sumasakit lang ang ulo niya.
"Mom, tapos na pong kumain si Scout. Ilang taon na pala siya sayo,mom? 'Di ko pa po kasi maalala.Hahaha." Nag-aalangan pa si Allen sa sinabi.
"Maiwan ko muna kayo dyan ha. Mag-bonding muna kayong dalawang mag-ina." Pagpapaalam ni Leslie bago iwan ang dalawa. Natawa sandali si Carmina ngunit ang tawang iyon ay may pag-aalangan.
"By the way, anong gusto mong ulam for dinner?" Magiliw na tanong niya habang sinasabayan ang anak sa pagpasok sa kanilang bahay.
"Anything,mom. But I prefer Chicken Adobo with lots of pineapple chunks, just like Rishan's favorite." Out of nowhere, nasabi iyon ni Allen. Nagulat siya sa mga lumabas sa bibig niya lalo na noong banggitin niya ang pangalang Rishan. Hindi na nagulat pa si Carmina dahil hinahanda niya na ang sarili sa mga posibleng mangyari. "Mom,may I ask a question?" Tanong niya.
Sandaling napatigil sa paglalakad si Carmina at hinarap ang binata. "S-Sure,son." Nag-aalangan niyang sagot.
Hinawakan ni Allen ang kanyang sentido. "Who is Rishan? Lagi ko siyang nababanggit. I have this feeling na malapit na malapit kami sa isa't isa. That she has the greatest part of my life. Before I was in coma, is she my girlfriend?"
Tila nabilaukan sa sariling laway si Carmina. Hindi niya inaasang ngayon mismo magtatanong si Allen kung kailan nagugulihan siya sa mga pangyayari.
Paano ko ba 'to sasagutin? Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula. Ani niya sa kanyang isipan.
"I-I can tell you anything kapag alam nating kaya na ng katawan mo. For now, don't force yourself to remember anything in your memory." Saas ni Carmina. Umaasa siyang diringgin siya ng anak.
"Just answer me,mom. Alam kong kilala mo siya dahil ikaw ang nandyan sa tabi ko simula pa noong bata ako hanggang ngayon. Do you know Rishan,mommy?" Mahinanon pa rin ang boses ni Allen.
Oo. Kilalang kilala ko siya dahil siya ang tunay kong anak,Rio. Siya ang half sister mo. Gusto niyang sabihin ang mga katagang 'yan sa harap ni Allen ngunit hindi pwede dahil lalo lang magugulo ang sitwasyon.
"I-I know her but she is not your girlfriend..." iyon lang ang lumabas sa mga bibig ni Carmina. Hindi niya alam kung bakit lulmmuluha na siya.
Hindi naman alam ni Allen ang gagawin kung kaya pinatahan niya ang ina at hindi na pinilit pang pag-usapan pa,sa ngayon.
*****
"Hoy,babaita hindi ka na nakakadalaw sa bahay." Sabi ni Anika at hinampas ang braso ni Rishan. "Nagkaasawa ka lang, kinalimutan mo na ako." Pagdadrama niya."Masyado mo namang ginagalingan ang pagiging asawa mo sa pinsan ko." Maya'y nang asar na.
"For your information,Anika. Hindi ko naman ginustong maikasal dyan sa pinsan mong saksakan ng yabang sa katawan! Akala mo kung sino,mukhang kutong lupa naman." Sagot niya ng may pagkainis. Nanggigigil siya sa tuwing maaalala ang pagmumukha ni Dion.
"At sinong nagsabi na pwede niyo akong pag-usapan?" Nakataas ang kilay ni Dion nang sabihin iyon.
Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Medyo nagulat si Anika dahil kilala niyang walang pakialam sa paligid ang pinsan. Si Rishan naman, tinaas rin ang kanyang kilay at nakipagmatigasan ng titig.
"At sino ring nagsabi na makinig sa usapan ng iba?Aber?" Sagot ni Rishan sa asawa. Nagsalubong lang ang kilay ni Dion at iniwan ang dalawa sa sala.
"W-Whoahhh. Real quick! Ayiiieeee, ang sweet naman pala ninyo. Kaya pala hindi ka na nakakadalaw sa amin,ha. Hahahahaha." Pang-aasar sa kanya ni Anika. Napailing na lang siya sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Kailan daw ba sila magkakababy?
Marami na ngang nagbagong routine simula noong maikasal ang dalawa. Laging nasa bahay si Rishan. Kasalukuyan silang nakatira sa condo ni Dion. Gabi-gabi umuuwi ang kanyang asawa galing sa trabaho ngunit hindi sila madalas magpansinan.
Sina lola Amalia at lolo Ferlin naman ay nasa kanilang tirahan. Maganda na ang pakiramdam ng matanda. Noong huling bisita sa kanila ng mag-asawa ay nagbiro pa nga ito na kung maaari ay gumawa na sila ng apo habang buhay pa ang matandang mag-asawa. Natawa na lang silang dalawa ngunit sa mga tawa na iyon ay iniisip palang nilang gawin iyon, hindi na nila masikmura.
"Kailan ka ba kasi dadalaw sa bahay? Hindi na tuloy nakapagpaalam sa inyong dalawa sina mommy at daddy pabalik sa work nila abroad." Tanong ni Anika habang hinahatid siya sa pintuan. Gabi na kasi kaya kailangan na niyang umuwi.
"Hindi ko alam dyan sa magaling mong pinsan. Ni pagbili ko lang ng gusto kong pagkain sa baba ayaw pa akong payagan na kesyo madami naman daw stock sa kusina. Naku, ewan ko ba." Napasabunot si Rishan sa sariling buhok.
"Sige,akong bahala kay couz. Sasabihin ko sayo kung kailan, okay? For now, do your best to be the best wife for him!" Maligayang sabi ng kaibigan.
"Arghh.Anika~~!" Gigil na sabi sa kaibigan. Hahampasin na sana niya si Anika ngunit bigla siyang tumakbo palabas ng condo unit nila. "Gawa na kayo ng baby,ha?" Pahabol pa niya bago siya pumasok sa elevator.
Naiwang nanggigil si Rishan at padabog na sinara ang pinto. Pagkalungon niya,sinalubong siya ng matigas na dibdib na tumama sa kanyang ilong.
"Let's do it. What do you think?" Saad ni Dion in a husky voice.
O.O
LEGIT NA BA 'TO?... OMG. KINAKABAHAN AKO. PLEASE,KAININ NA AKO NG LUPA NGAYON! HELP ME PLEASE! RAPE 'TO! RAPE!