"So? How could we handle this mess now,Alejandro?! Yang magaling mong anak gumawa na naman ng panibagong gulo sa pamilya natin! How could she--how could she--Argh!" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Victoria sa asawa.
"Anak natin si Rishan! Kahit kanino pa siya galing, she is still our daughter!" Paglalaban ni Alejandro.
Nasa harap sila ng hapagkainan. Kasalo sa almusal sina Diane at asawa nitong si Benson,at si Lee Ann na bunso sa pamilya.
"Palibhasa, anak siya ng disgrasyada mong kinababaliwan!" Patama ni Victoria. Nagpantig ang tenga ni Alejandro.
"Come on, Victoria! Move on!"- Alejandro.
"Mom, Dad! Enough! Nasa harap tayo ng hapag. Nandito si Lee Ann. How could you do this infront of her! And please,nakakahiya sa asawa ko. You should respect each other once in a while! Lagi na lang kayong nagsisigawan, nagsisisihan!" Ani Diane na nakapagpatahimik sa mag-asawa. Nahihiya namang napayuko si Benson dahil sa nangyayari sa pamilya.
"Yaya, ihatid mo na sa taas si Lee Ann. Nakakawalang ganang kumain sa bahay na 'to." Dagdag pa niya. Tumayo na siya at hinila ang asawa palabas ng kusina. Nagtungo sila sa kanilang pansamantalang kwarto upang ayusin na ang kanilang gamit at bumalik na sa bahay nila.
Samantala, nanatili pa rin sa hapag ang mag-asawa. Kinakabahan ang mga kasambahay sa kung ano man ang posibleng mangyari sa pagitan nila. Ngunit kapag ganitong seryosong bagay, ang mga kasambahay na ang kusang lumalayo o umaalis upang hindi na madamay pa o malagot at mawalan ng ttabaho sa oras na pag-initan sil ng ulo ng amo.
"Since nagpatali na 'yang anak-anakan mo, siguro naman pwede na niyang malaman ang totoo. Nakakapagod na ring magpanggap,Andro..." napahawak siya sa sentido dahil sa matinding sama ng loob at siguro'y dala na rin ng pagkapagod. "Sa tuwing tatanungin ako kung bakit hindi ko kamukha si Rishan samantalang sina Diane at Lee Ann may hawig sa akin--" hindi natapos ni Victoria ang sinasabi nang sumabat si Alejandro.
"Pero hawig sa akin si Rio--" -Alejandro.
"At hawig din sayo si Rishan! Don't you get my point?! Hindi mo ba napapansin na habang nagma-mature si Rishan, lalong nagiging malinaw ang lahat na ang sanggol na iniwan sayo ni Carmina ay ang anak niyong dalawa! And I don't care now kung ilang beses kayong nagkikita dati o kung ilang beses kayong naglalandian because you are not mine in the first place!" Tumutulo na ang luha niya dahil ilang taon niya ring kinimkim ang galit at sakit.
Tila napatulala na lamang si Alejandro dahil unti-unting nagiging malinaw sa kanya ang sinabi ng asawa.
"Andro, alam ko naman e... alam ko naman na simula't sapul si Carmina na ang mahal mo! Kaya ka lang naman napunta sa akin ay dahil pinagkasundo tayo ng mga magulang natin dahil kung hindi, matagal ng wala ang business niyo na ngayon ay pinag-isa na dahil mag-asawa na tayo." Patuloy pa rin siya pag-luha. "I gave you everything... I loved you more than myself, I taught myself how to be the best wife for you. I even learned how to manage my time for business, for my personal stuffs,and for you but still, I can't make you love me the you love her because you love her so much more than yourself..." Nanatiling nagpipigil ng hikbi si Victoria.
Ngayon lang nakita ni Alejandro na umiyak ng ganito si Victoria. Sa buong buhay kasi nilang magkasama, kilala niya ang asawa sa pagiging masungit,mapagmataas, mahirap pagaanin ang loob, may pusong bato, at higit sa lahat akala niya ay hindi nasasaktan ang asawa. Ngunit napagtanto ni Alejandro, na isang tunay na matapang si Victoria dahil sa kabila ng pananakit nito sa damdamin niya ay nagagawa pa rin niyang maging okay sa harap ng lahat.
"Victoria..." tanging pangalan lamang ng asawa ang lumabas sa kanyang bibig. "Victoria...I'm sorry." Napayuko na lamang siya.
Pinahid ni Victoria ang kanyang luha bago magsalita. Ngumiti siya ng pilit. "No. You don't have to say sorry because this wasn't your fault. I feel sorry to myself because I pushed myself to you. Nagpakamartyr ako sayo. The blame is on me,Alejandro. The only thing I will never forget and never get tired of is loving you."
Tumayo na si Victoria. Kahit tanggap na niya ang lahat, masakit pa rin sa kanya sa tuwing maaalala niya kung paano mabalewala ang lahat ng ginawa niya para mahalin siya pabalik ng asawa. Dahil simula't sapul, si Carmina pa rin ang laman ng puso niya.
Nanatili pa rin si Alejandro sa kanyang kinauupuan. Napaisip siya at bakit tila pinaglaruan siya ng sariling tunay na sinisinta.
"Carmina... why you didn't told me? All this time, 'yong batang hinayaan ko lamang sa anumang ginagawa ni Victoria sa kanya, yung marami na akong ginawang pagkukulang sa kanya... siya pala ang anak natin. Carmina, how could you do this?" Tila mababaliw na siya sa kung ano ang dapat na maramdaman. Pagkamuhi ba? Kalungkutan? Pagkalito? Hindi na niya alam ang dapat gawin.
*****
"Thank you,Mr. Villarino. I was impressed by you because you elaborated the business agreement comprehensively." Ani Ms. Cervantes.
"It's my pleasure to know that you understand it." Matipid na sabi ni Dion.
Sandali namang napanganga si Ms. Cervantes, si Carmina Cervantes. "Hmmm. Well, I still thank you. From now on, we both have the shares of each other's company. I'll gotta go." Pagpapaalam ni Carmina.
Tumango si Dion. "Thank you,Ms. Cervantes." Tanging sinabi niya bago hinintay na makalabas ang bagong market partner at magtungo sa kanyang sariling opisina. Tapos na ang lahat ng kanyang appointments ngayong araw kaya may oras na siya upang magpahinga.
Hindi pa man siya nakakaupo sa kanyang sweivel chair ay ginulat siya ng kanyang bisita.
"Hello,Mr. Workaholic!"
"F*ck! What are you doing here?! Who the hell allowed you to entered in my office?!" Inis na inis na sambit niya sa kanyang kaharap.
"Hoy, Dion huwag mo akong ma-English dyan dahil marunong din ako. And FYI, asawa mo na ako kaya may pribilehiyo akong makapasok sa office mo." Pagpapaalala sa kanya ni Rishan upang inisin ang asawa.
Napahawak sa sentido si Dion. " But what you are doing is against the contract! Magsstay ka lang sa bahay, hindi ba't iyon ang nakasulat doon. Akala ko ba natatandaan mo lahat?"
Natigilan sandali si Rishan. "S-Sorry... nabo-bored kasi ako sa bahay." Tanging sagot ni Rishan.
Napahinga ng malalim si Dion. "It's fine pero sa susunod sa bahay ka na lang o kaya kina Anika. Kapag nakasalubong ka ng press dyan sa labas, wala ako sa tabi mo para ilayo ka sa kanila." Hindi maintindihan ni Dion kung bakit saang lupalop ng kanyang matinong pag-iisip nanggaling ang sinabi niya sa asawa.
Napatingin sa kanya si Rihan kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. "By the way, bibisitahin natin sina lola sa kanila mamayang 6pm. Kailangan kong magpahinga muna." Saad ni Dion.
"Paano ako? Saan naman ako magpapahinga dito?" Tamong ni Rishan sa kanya habang nililibot ng tingin ang buong office niya. Maaliwalas at walang gaanong gamita ang loob ngunit napaliligiran ng mga mamahaling muwebles katulad ng bookshelves na puro mga dokumento ang laman. May ibang sekyon ng shelf na lahat ay foreign novels. Natigil sa paglilibot si Rishan nang magsalita siya.
"Sinong may sabi na dito tayo magpapahinga?" Ani Dion.
"W-What do you mean?" Nag-aalangang tanong nito sa kanya.
Napangisi si Dion sa iniisip. "Doon tayo sa bahay." Madiin niyang sabi sabay hila kay Rishan na biglang naguluhan ang ulirat dahil sa sinabi ni Dion.
O.O
Nanlaki ang mga mata ni Rishan nang maalala ang nakasulat sa kontrata.
'I-Ito na ba 'yon?... Oh Goshhh pleaseee nooooooo. I'm not yet readyyyyyy.