Chapter 13 - Chapter 12

"You're not supposed to be here,Darling..." wika ni Carmina nang makita kung sino ang nangahas na pumasok sa kanyang opisina.

Makikita sa mukha ng dumating na si Alejandro ang galit at pagkalito sa mga nangyayari. Naguguluhan siya sa totoong katauhan ni Rishan at kung bakit humantong ang lahat sa lihiman.

Agad lumapit si Alejandro kay Carmina. Anh mesa ang namagitan sa dalawa. Inilapag ni Carmina ang kanyang wine glass.

"Yung sanggol na iniwan mo sa akin dati, sino siya?!" Matatalim na tingin ang pinakawalan ni Alejandro. Tila nagulat naman si Carmina dahil hindi pa dapat ngayon ang tamang panahon upang malaman ang buong katotohanan.

"Alejandro, calm down." Tinaas ni Carmina ang kanyang dalawang kamay. "Maupo ka muna. We can talk this in--"

"Anak ko ba siya?! Anak ba natin siya?!" Pagpuputol ni Alejandro sa sinasabi ni Carmina.

Hindi mawari ni Carmina kung sino ba sa baabeng anak ni Alejandro ang tinutukoy niya ngunit alam niyang isa nga sa mga nasa puder ng dating kasintahan ang kanyang iniwan dati.

"I don't know what you are talking about--" hindi na naman natapos ang kanyang sinasabi nang magsalita ulit si Alejandro

"Really?! Remember the time you showed yourself in our house? Don't you remember what you said? You'll get back what is yours!" Napahampas na rin siya sa mesa sa sobrang inis. Nagulat si Carmina sa ginawa niya.

Hindi agad nakapagsalita si Carmina ngunit nahanap niya rin ang sariling dila ngunit hindi sigurado sa sasabihin. "H-Honestly, I-I don't know kung sino sa kanila ang anak ko..." napayuko siya. Minsan na niyang nakita sa facebook ang buong pamilya ng Faustino kung kaya't nasisiguro niyang isa doon ang kanyang isinilang.

Bumuntong hininga si Alejandro. Tila nahimasmasan na ito dahil kahapon pa niya iniisip kung bakit nagawang maglihim si Carmina tungkol sa pagkatao ng batang iniwan sa kanya noon, halos dalawang dekada na ang nakararaan.

"It's Rishan,Carmina." Madiin na sambit ni Alejandro. Napatingin sa kanya ang babae,bakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat.

Naalala ni Carmina ang babaeng nakausap ng kanyang anak noong isang araw,Rishan ang pakilala nito. Naalala rin niya ang unang araw na nagising si Allen mula sa coma,Rishan din ang kanyang binanggit.

Napatitig sandali si Carmina sa lalaking kaharap niya, walang duda. Inalala ni Carmina ang picture ng pamilya Faustino na nakita niya sa facebook. Pilit niyang inalala ang binatang posturang nakatayo katabi ng kanyang ama.

Hindi ako nagkakamali... ang panganay ni Alejandro kay Victoria at si Allen ay iisa. Hindi maaari... saad niya sa isipan. Ngunit bakit hindi man lang naisipan ni Alejandro na hanapin ang anak o di kaya naman ay isa-publiko?...

"Look,Carmina. I don't want to waste my time. Ngayong nandito ka na ulit, hindi ko hahayaang mapunta sa'yo ang anak ko!" Sigaw ni Alejandro sa kanya. Napatayo sa inis si Carmina at uminit ang kanyang ulo.

"She's my daughter! May karapatan ako sa anak natin, may karapatan ako kay Princess!"

"Princess?" Sarkastikong tanong ni Alejandro. "For Pete's sake, Carmina! Simula nang iwan mo sa puder ko si Rishan, nawalan ka na rin ng karapatan sa kanya bilang ina!"

"Anong gusto mong gawin ko?! Kapag nanatili sa akin ang anak natin, tingin mo ba mabibigyan ko siya ng magandang buhay? Mapapakain ko ba siya ng tatlong beses sa isang araw? Nakasisiguro ba akong kaya ko siyang pag-aralin? Wala na akong choice that time dahil hindi naman ako kasing rangya ng babaeng napangasawa mo!" Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Carmina ngunit hindi niya ito pinansin dahil nakatuon lang ang tingin niya sa kausap. "Noong mga panahon na hibang pa tayo sa pagmamahalan ng isa't isa kahit pa kasal ka na kay Victoria at may dalawang anak na, pinilit kong magpakatatag at huwag na lang isipin na isa akong kabit! Dahil simula noong kinasal kayo ni Victoria, nawalan na ako ng karapatan sayo!"

Napapikit ng mariin si Alejandro. Nanumbalik sa kaya ang alaala ng pag-ibig nilang dalawa na sila lang ang nakakaalam. Hindi lany naman si Carmina ang nasaktan sa nangyari,nasasaktan din si Alejandro dahil hindi niya ibig pakasalan ang babaeng hindi niya mahal ngunit wala siyang nagawa. Siguro nga ay naging duwag siya... dahil hanggang ngayon ay tunay niya paring minamahal si Carmina.

"Ngunit bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak tayo? Noong panahon na bigla kang nawala, inakala kong pagod ka na sa sitwasyon na mayroon tayo ngunit bigla kang nagbalik at biglang nag-iwan ng sanggol sa akin. Bakit hindi mo sinabi na anak natin ang sanggol na iniwan mo sa akin dati,Carmina?" Mahinahon na ngayon ang boses ni Alejandro ngunit nasasaktan pa rin.

Sandaling tumitig si Carmina sa kanyang mga mata. Sa likod ng kanyang mapupungay na mga mata nagkukubli ang halu-halong emosyon na hindi magawang ilabas ng mga salita lamang.

"Kapag ba sinabi ko,mababago ba ang katotohanan na si Victoria pa rin ang pamilya mo? Mababago ba ng anak natin ang katotohanan na ang kanyang ama ay may pamilya na at isa lamang kabit ang ina niya?" Sandali silang natahimik. Pinapakiramdaman ang atmosphere sa loob ng opisina ni Carmina. "Hindi ko na pinaalam pa sayo dahil alam kong magiging isa kang mabuting ama sa kanya, o naging isa ka nga bang mabuting ama?"

Sa pagkakataong iyon ay tila namanhid ang buong katawan ni Alejandro. Hindi siya naging mabuting ama kay Rishan dahil hinahayaan niya lang kung ano man ang gawin o sabihin sa kanya ni Victoria dahil iyon ang naging kasunduan nila bago tanggapin ni Victoria na maging nanaynanayan sa papel.

"Ngayong nasagot ko na ang lahat ng mga katanungan mo, ako naman ang may tanong sa'yo... totoo bang patay na ang panganay mo?" Dagdag ni Carmina. Bakas na ngayon sa boses niya na nakalalamang na siya ngayon sa sitwasyon.

"Si Rio..." tanging sinabi nito.

"Ah,Rio pala ang pangalan ng panganay niyo ni Victoria." Saad ni Carmina na para bang walang nangyari kanina. Prente na siyang umupo sa kanyang swivel chair at kunwaring nagbubuklat ng mga folder na nakapatong sa kanyang mesa.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ng anak ko?" Batid ni Carmina na nagdidilim na ang paningin ni Alejandro dahil napag-uusapan na ang kanyang mga anak. Mas lalong nagulo ang kanyang isipan sa mga nangyayari.

Tiniklop na ni Carmina ang folder at binaling ang tingin sa kanya. " Nagtatanong lang ako,Alejandro. Hindi naman kasi natagpuan ang bangkay niya,diba? Naisip ko lang 'yon pero baka pwede ring mali ako."

Magsasalita pa sana si Alejandro nang biglang may kumatok at agad na pumasok. Iniluwa ng pintuan si Leslie, kaibigan ni Carmina. Nagulat siya sa nasaksihan.

"Oh My Lord...."

Agad na tumayo si Alejandro at naglakad patungo sa pintuan. Bago pa siya tuluyang lumabas ay may iniwan siyang kataga na hindi matulugan ni Carmina.

"Hanggang ngayon mahal pa rin kita ngunit hindi ko hahayaang mapunta pa sayo ang anak natin."