Chapter 7 - Chapter 6: The Plan

Tahimik na nagmamasid si Dion sa veranda ng kanyang kwarto sa sarili nitong condo unit na nasa pinaka-itaas na bahagi ng gusali. Malamig ang simoy ng hanging sumasalubong sa kanyang seryosong mukha. Buwan na ng Septyembre kaya lumalamig na rin ang simoy ng hangin ngunit madalas ay mainit pa rin dahil sa kawalan ng sapat na mga puno upang panggalingan ng sariwang hangin dahil napuno na ng naglalakihang mga gusali ang syudad.

Magsasalin na sana siya ng alak sa kanyang baso nang tumunog ang kanyang telepono at agad na sinagot.

"Yes,manang Osang?" Bungad na tanong niya.

"(Ser. Ang lula niyu pu nasogod sa uspital dahel enataki po siya poso! Nanditu pu kame ser sa Madriaga Hospital.)"-Manang Osang, ang tagapag-alaga ng matandang mag-asawa.

Napamura si Dion sa nalaman. "Okay! I'll go there as soon as possible." At saka niya inend ang tawag. Nagmamadali niyang sinuot ang kanyang coat at hinagilap ang susi ng kanyang kotse. Mabilis rin ang tibok ng kanyang puso dahil sa pag-aalalang baka mangyari ang kinatatakutan niya.

Nang makarating siya sa basement ng condominium building ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan. 10:47 na pala ng gabi ngunit kailangan niya pa ring magmadali. Kalahating oras din ang itatagal niya sa byahe bago makarating sa kinaroroonan ng kanyang lolo at lola.

*****

Gising na gising pa rin si Rishan dahil binabagabag siya ng kanyang isip dahil sa naging desisyon niyang pumayag magpakasal kay Dion alang-alang na huwag lang siyang ibalik sa bahay ng mga Faustino.

Magkatabi silang dalawa ni Anika sa iisang kama at dahil mahimbing na ang tulog ng kanyang kaibigan, iniiwasan niyang makalikha ng ingay. Para hindi magising si Anika sa likot niya sa higaan,nagpasya siyang sa sofa muna maupo habang hindi pa siya inaantok.

"What had you done,Rish? Argh! You really accept and signed the agreement? Really,Rish?" Pagmo-monologue niya ngunit sapat lang para hindi magising si Anika.

Kung tutuusin naman kasi, pwedeng hindi na lang siya pumayag sa gusto ni Dion at kung isusumbong man siya at makabalik sa mansyon ay tatakas na lang ulit sana siya. Ngunit mas mabuti rin sigurong maitali na siya upang hindi na makontrol ng kanyang mga magulang ang kanyang buhay at doon ay malaya na niyang magagawa ang gusto niya lalo na ang kagustuhang maging isang guro--

Napatigil siya sa kanyang iniisip nang mapagtantong hindi niya rin pala magagawang maging isang guro dahil nasa agreement na kanyang pinirmahan, sa bahay lamang si Rishan upang makaiwas sa mga press na nais siyang interviewhin.

Sasabunutan na sana niya ang kanyang sarili ngunit napansin niya ang pag-vibrate ng phone ni Anika na nakapatong sa coffee table sa kanyang harapan. Napakunoot ang noo niya nang mapagtanto kung sino ang tumatawag.

Napairap na lang siya sa hangin at hinayaang mag missed call ang caller. "Tss. Speaking of that annoying man." Sabi niya sa kanyang sarili.

Sa pang-apat na pagtawag ni Dion ay minabuti niyang tumayo upang gisingin ang kaibigan ngunit nag-aalangan siya dahil pagod ito. Bumalik siya sa sofa at saka dinampot ang phone at sinagot ito.

"Tulog na si--" hindi na natapos pa ni Rishan ang sasabihin dahil dire-diretsong nagsasalita si Dion.

"(Nika,inatake sa puso si lola! She's in the hospital and I'm on my way to your house and pick you up! I'll be there in five minutes!)" -Dion.

Pagkapatay ng tawag ay agad na ginising ni Rishan si Anika na mahimbing pa rin ang tulog. Nung una ay ayaw magpagising ni Anika.

"Anika! Dion called and he said that your lola is in the hospital! Ano ba, gumising ka na! " agad naalimpungatan si Anika sa sinabi ni Rishan.

"What?! Lola Amalia?" Tanong ni Anika ngunit hindi naman kilala ni Rishan ang lola nito.

"Yeah?" Nag aalangan nitong sagot. " Basta mag-ayos ka na! Dadaanan ka raw ni Dion dito within five minutes. Malapit na siya." Dagdag pa ni Rishan.

"Holy sheets of paper!" Sigaw ni Anika at hindi magkandaugaga sa pag-aayos ng kanyang buhok at pagpalit ng kanyang damit pantulog. "Rish, you better dressed up too! You'll come with us!" Sabi ni Anika sa kanya.

"What?! No, dito na lang ako " pagtanggi niya ngunit pinilit siya ni Anika kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag at inayos ang pagkakapusod ng kanyang buhok.

Ilang saglit pa ay narinig nila ang pagbusina sa labas hudyat na nandito na si Dion upang sunduin sila. Agad hinabot ng dalawa ang kanya-kanya nilang cellphone bago lumabas ng kwarto ni Anika at sumakay sa sasakyan.

Agad tinulak ni Anika si Rishan sa passenger's seat kaya wala na itong nagawa dahil nagmamadali sila. Sa likod naman naupo si Anika at humagikhik pa sa ginawang pang aasar sa kaibigan. Magrereklamo ron sana si Dion ngunit nakasakay na si Rishan sa loob at hindi ito ang oras para makipagtalo dahil kailangan na nilang mapuntahan sa ospital si Amalia.

Pinaandar ni Dion muli ang sasakyan at bago sila umalis ay, " Gamitin mo yang seatbelt dahil ayaw kong masira ang windshield ng sasakyan ko."

Agad namang kinapa ni Rishan ang seatbelt sa kinauupuan niya at saka ito sinuot. Napahagikhik muli si Anika. Ilang saglit pa, pinaharurot na ni Dion ang kanyang sasakyan.

******

"Take care,son." Ani Carmina habang inaalalayan si Allen sa paglalakad. Ilang araw na rin ang nakalipas nang magising siya mula sa mahabang pagkakatulog.

"K-Kaya ko naman na po." Sagot ni Allen ngunit hinayaan na rin niyang alalayan siya ni Carmina.

Binuksan ni Carmina ang isang malaking silid. "Ito ang kwarto mo,anak." Magiliw na sabi ni Carmina sa anak ngunit tila hindi pamilyar ang binata at napansin iyon ni Carmina. "Tara, pumasok ka muna sa loob upang makapagpahinga ka." Dagdag pa ni Carmina.

Inaalalayan niya si Allen papunta sa malaking higaan at doon sila naupo. Ang kwarto ay maaliwalas. Walang gaanong gamit maliban sa higaan na nakapwesto sa gilid ng kwarto malapit sa bintana. Ang study table naman ay nasa kabilang dako ng silid. Marami ring aklat sa bookshelf at may mga kung anong collection ng transformer characters sa gilid. Ang silid ay tila ginagamit pa rin dahil sa walang alikabok o anumang dumi na mababakas.

Pinipilit alalahanin ni Allen ang kanyang kwarto ngunit napangiwi lamang siya sa sakit ng kanyang ulo. "Son, don't force yourself to remember everything. Ang sabi ni Doc, little by little maaalala mo rin ang lahat..." niyakap niya ang anak. '...kung maaalala mo pa.' Mahinang bigkas niya sa sarili.

Agad napahiwalay sa yakap si Allen. "What did you say,mum?"

Hindi alam ni Carmina ang sasabihin hanggang sa nakaisip na lang siya ng palusot. Agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Allen saka ngumiti, "Ang sabi ko, maganda kung maaalala mo ang lahat pero sa ngayon, wag mo munang pwersahin ang sarili mo. You know what, even your memories won't get back, I'm still your mother and you're still my son." Ngumiti naman si Allen dahil sa sinabi ng kanyang ina at nagpasalamat siya rito.

Nanatili pa rin silang nakaupo sa kama. Maraming tumatakbo ngayon sa isipan ni Carmina at isa na nga roon ang binigkas ni Allen nung magising siya. RISHAN. Hindi niya alam kung anong ugnayan ng Rishan na iyon sa kanyang anak at hindi rin niya mawari kung sino ang Rishan na binigkas nito noon.

"Uhm, anak..." panimula ni Carmina. Tumingin naman sa kanya si Allen. Nagdadalawang isip siya kung tatanungin niya ba si Allen o hindi. Baka pwersahin niya lang ang sarili niya.

"What is it,mum?" Tanong muli ni Allen nang mapansing tahimik pa rin siya. Natauhan naman siya agad.

"A-Ah! Maiiwan muna kita rito sa kwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos at mabawi ang lakas mo. Nasa baba lang ako if you need something." Bilin niya sa anak. Ngumiti naman si Allen at saka nagpasalamat.

Pagkasarado ni Carmina ng pinto ay agad siyang napabuntong hininga at mariing napapikit. 'I hope everything falls into line...'