Nag-uusap sina Rishan at Anika sa sala nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Dion sa seryoso nitong mukha. Prenteng naglakad si Dion papasok at naupo sa kabilang dulo ng sofa kung saan magkatabi ang magkaibigan sa kabilang dulo nito.
May hawak si Dion na briefcase,bagay na hindi maitatanggi sa isang business entrepreneur. Inilapag din niya ang kanyang bag na naglalaman ng laptop at inilabas ito saka binuksan upang i-check ang mga updates tungkol sa kanyang business.
'. Sino ang lalaking 'to?',tanong ni Rishan sa kanyang isipan. Bagaman pamilyar sa kanya ang lalaki ay hindi niya pa rin mahinuha kung sino ba ito.
"Couz,you're here!". Tumayo si Anika at lumapit kay Dion ngunit ang huli ay hindi man lang tinatapunan ng tingin ang pinsan. Sa sinabing iyon ni Anika ay gulat na napagtanto ni Rishan kung sino ang taong ito.
"Anika, don't waste my time.",maawtoridad na tugon ni Dion sa pinsan na nakapagpalungkot sa mukha nito.
"Seriously? I'm not wasting your time 'cause you went here and instead of talking to your marriage,you chooses to face that damn laptop.",pangangatwiran ni Anika. Napatingin si Dion sa pinsan nang banggitin niya ang salitang 'marriage'.
Tahimik namang nakikinig si Rishan sa palitan ng salita ng mag-pinsan ngunit kinakabahan na siya dahil nakita na niya kung sino ang lalaking maitatali sa kanya at walang iba kung hindi ang nasa harap niya ngayon na si Dion Vin Villarino.
Huminga ng malalim si Dion saka binalik sa kanyang bag ang laptop. Bumalik naman sa tabi ni Rishan si Anika.
" I'm a busy person so we must move on to the marriage contract that you would sign.". Inilalabas ni Dion ang kopya ng marriage contract na siyang ipapapirma niya kay Rishan. "But before you sign this contract,..." , inilapag ni Dion ang papel sa coffee table at pasimpleng sinilip ni Rishan ang nakasulat doon ngunit hindi niya mabasa dahil masyadong malayo sa kanya. "...Anika,could you leave us alone? No,you would leave us. Go.",nang hindi man lang tumitingin sa pinsan.
"Fine!",sagot ni Anika ngunit bago pa makaalis ng living room si Anika ay muli siyang nagsalita. " Huwag kang magkakamali sa bestfriend ko,couz.", aniya at nag-gesture pa siya ng eye to eye.
Napangiti naman ng kaunti si Rishan sa care na ginagawa sa kanya ni Anika. Parang wala namang narinig si Dion dahil nakatingin lang siya sa nakayuko at nakangiting si Rishan .
Nang makaalis na si Anika ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Dion. Pinaliwanag niya ang dapat niyang ipaliwanag.
" Here is the document. ".Tinuro niya ang nakalapag na dokumento sa mesa. Kinuha naman iyon ni Rishan at binasa. Naglalaman iyon ng mga pangungusap tungkol sa kontrata. Kahit na hindi naman siya gaanong nakakahawak ng kontrata ay pinilit niya pa ring intindihin,at intindihin man niya o hindi ay wala siyang magagawa dahil kailangan niyang pirmahan.
Sa ikalawang pahina naman ay doon nakasaad ang mga patakaran sa oras na mag-asawa na sila. Sila ay magsasama sa iisang bubong sa oras na maikasal sila ngunit magkaiba sila ng silid. Hindi sila maaring kumuha ng kasambahay. Si Rishan ay mananatili lamang sa loob ng kanilang bahay at huwag gaanong lumabas upang maiwasan ang mga press na sasalubong sa kanya.
Kapag nasa pampublikong lugar ang dalawa ay kailangan nilang ipakita na mahal na mahal nila ang isa't isa upang hindi makagawa ng anumang isyu sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ang kasunduang ito ay hindi dapat na malaman ng dalawang pamilya upang hindi na pag-ugatan pa ng away.
Matapos basahin at intindihin ni Rishan ang mga papeles na nakasulat sa Ingles ay napahinga siya ng malalim at inilapag sa mesa. Tumingin siya kay Dion na ngayon ay nakatutok na naman sa laptop. Kahit hindi pag-isipan ni Rishan ay pipirma pa rin siya, bahala na ang tanging nasambit niya.
"Are you done?", tanong ni Dion habang nakatingin pa rin sa laptop.
"Oo. Pero... pero lumayas ako sa amin." Pag amin ni Rishan. Napayuko na lang siya dahil naalala na naman niya lahat ng kalungkutan mula sa kanyang pamilya.
Tinigil ni Dion ang ginagawa sa laptop at tumingin kay Rishan na nakayuko pa rin ngayon. Napahinga ng malalim si Dion. "Mr. Faustino is one of my investors. I know there would be no problem kung malaman man nila na ikakasal na tayo.", sabi niya.
"But that's not my problem. I left them without saying any reasons--". Hindi natapos ni Rishan ang sinasabi.
"Then tell them that you ran away with me.".
Nanlaki ang mga mata ni Rishan sa sinabi ni Dion. "A-ANO?! Seryoso ka ba sa sinasabi mo?".
" Do I look like I'm joking?",saad ni Dion. Nagdekwatro siya at sinilid na sa bag ang laptop.
Napaisip naman si Rishan sa sinabi ni Dion. Tama nga naman siya, kapag dinahilan niyang nakipagtanan siya kay Dion, iisipin ng pamilya niya na masyado silang mahigpit sa kanya at hindi open sa isa't isa kaya nagawa niya ang bagay na 'yon kaya lang naalala niya and buhay ng katulad ni Dion.
"Everyone knows you. Isa kang successful businessman na maganda ang image at hindi nila aakalaing makakagawa ka ng ganoong bagay lalo na kay daddy. ",saad niya.
Napaisip sandali si Dion ngunit naka-isip din ng paraan. " I can also know how to convince people, 'wag lang ikaw ang makakagawa ng palpak.".
Napataas ang kilay ni Rishan. " At ako pa ngayon ang gagawa ng palpak? Ikaw na nga 'tong nangangailangan sa akin.".
"Kailangan mo rin ako. Kilala na kita at kaya kitang isumbong sa pamilya mo na nandito ka lang sa bahay ng magaling kong pinsan.",diretsong sabi ni Dion.
Hindi naman agad nakapagsalita si Rishan dahil may punto siya. Sa katunayan nga, siya ang mas nangangailangan kay Dion dahil pwede namang maghanap ng ibang mapapangasawa ang kaharap niya.
"Hanggang kailan ba 'yang conttact na 'yan?",tanong ni Rishan.
"Akala ko ba binasa mo? Hanggang sa mamatay tayo.",tipid na sagot ni Dion. Napakunoot ang noo ni Rishan dahil hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito sa binitawang salita.
"W-What do you mean by that?".
"Hanggang mabigyan natin ng apo sina lolo at lola. Nasa akin ang kustodiya ng magiging anak natin kaya kung mahal mo rin ang magiging anak natin,mas mabuting maging mag-asawa pa rin tayo at wala nang makakaalam ng lahat tungkol sa kontrata.",sagot ni Dion. Napaisip si Rishan kung wala bang ni patak na ibig-sabihin ng pagmamahal sa lalaking ito.
"For your information, ayon sa batas kapag edad isa hanggang pitong gulang ang bata ay nasa pangangalaga siya ng nanay niya.",pangangatwiran ni Rishan.
"And for your information, I can file any case to you or I can use my connections.",saad naman ni Dion.
"Unfair!",tanging nasabi niya.
Napahalukipkip na lang si Rishan sa kanyang kinauupuan at hindi na nagsalita pa. Pero sa loob niya, iniisip niya na wala na talaga siyang kawala sa pinasok niya.
"Would you sign it or would I send you back to your parents right now?",pangba-blockmail ni Dion sa kaharap.
Huminga na naman ng malalim si Rishan saka kinuha ang papeles at pinirmahan ang dapat na pirmahan. Mas mabuting hawak siya ng ibang tao kaysa pamilya niya.
**********
"A-anong...p-paano ka nakapasok dito?!",sigaw ni Alejandro dahil sa gulat sa taong kaharap nila ngayon.
"Paumanhin po,sir. Nagpumilit po siyang pumasok kaya wala na po kaming nagawa. May mga kasama rin po siya sa labas kaya hindi na po kami lumaban.",paliwanag ng isa nilang kasambahay.
"I'm here to get what is mine.",matapang na sagot ng babae. Pinasaringan niya ng tingin si Victoria.
Isang maganda at mapusturang babae ang nakatayo ngayon sa kanilang harapan. Nakasuot ito ng mamahaling formal red dress at ang kanyang alahas ay tunay na mahal ang presyo.
"How dare you to come here! I can file a case to you! Trespassing ang ginagawa niyo!",galit na sigaw ni Victoria at akmang sasampalin na niya ang babae ngunit pinigilan siya ni Alejandro.
"Victoria,stop! There is no sense kung magsisigawan at magkakasakitan lang tayo dito.",saad ni Alejandro.
"What?! Hindi mo ba alam na mali ang ginagawa ng babaeng to?! Tapos kakampihan mo pa? For Pete's sake,Alejandro! Naduduwag ka na naman ba dahil kaharap mo na naman ang babaeng 'yan?!",galit na bulalas ni Victoria.
"Kung mag-aaway lang kayo sa harap ko, better to show me where is.my.daughter.",madiing bigkas ng babae.
Napatigil ang mag-asawa sa pagtatalo nang marinig ang sinabi ng babae. Hindi nila aakalaing sa loob ng mahigit dalawang dekada ay muling babalik ang babaeng nagpagulo ng kanilang buhay upang manggulo muli.
"What are you saying?! Matagal ka ng walang anak, Carmina. You abandoned her,remember? Halos magmakaawa ka pa nga noon sa asawa ko para lang akuhin namin ang pagiging disgrasyada mo! At hindi lang 'yon,pina-apilido mo pa talaga sa asawa ko--".
Isang malutong na sampal ang inabot ni Victoria mula sa magandang babae. Nagulat naman ang lahat sa pangyayari pati na rin si Alejandro na nakatayo lamang sa gilid.
"You don't know everything! At kapag nalaman mo,baka mabaliw ka.".Dinuro ng babae si Victoria. " Hindi pa ako tapos sa inyo.". Sinamaan niya ng tingin ang mag-asawa. Lumapit siya ng bahagya kay Victoria na ngayon ay namumula na sa galit at gulat sa mga pangyayari. " Babalik ako at babawiin ko kung ano ang pag-aari ko.",huling sinabi ni Carmina bago tuluyang umalis sa bahay ng mga Faustino.
Naiwan namang tulala ang mag-asawa at hindi alam kung anong dapat na gawin lalong lalo na si Alejandro.