"So,kailan ang kasal? Kailan ako magiging ninang? " bungad na tanong ni Anika kay Rishan nang makaalis si Dion sa bahay nila. Sinamaan ni Rishan ng tingin ang kaibigan.
"Ninang agad-agad? Ni hindi nga sinabi kung kailan kami magpapakasal basta ang sabi, mabigyan daw namin ng apo ang lolo at lola niya sa lalong madaling panahon. Magpinsan nga talaga kayo." Sagot ni Rishan sa kaibigan at naisipang magtungo sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Sinundan naman siya ni Anika.
"Rish, para saan pa tutungo ang lahat ng 'to e hindi ba sa magkakaroon ka ng baby?" Napatigil si Rishan sa paginom ng tubig at humarap kay Anika.
"Anika, hindi ba pwedeng kasal muna?" Banat ni Rishan sa kaibigan
"So gusto mo nga magpakasal sa kanya?" Pang- aasar sa kanya ni Anika pabalik ngunit sinamaan niya lang ito ng tingin.
"Alam mo wala namang naitutulong yang sinasabi mo. Saka hello, sino ba ako para gustuhing magpakasal dyan sa pinsan mong daig pang pinaka-busy na tao sa buong mundo." Depensa ni Rishan. " Wala lang talaga akong choice,no." Dagdag pa niya.
Natawa na lang si Anika sa naging tugon ni Rishan. Bumalik sila sa sala at pumili sila ng pwede nilang panoorin mula sa McBook ni Anika.
"Showing yung Frozen 2 ngayon,Rish. Kung labas na lang kaya tayo?" Suggest ni Anika ngunit tinanggihan lang ni Rishan. Inagaw niya ang McBook kay Anika at siya na ang namili ng pwede nilang i-movie marathon.
"Eto na lang, Four Sisters and A Wedding." Sabi ni Rishan. Sumang-ayon na lang si Anika dahil wala rin naman siyang magagawa kung ayaw lumabas ni Rishan. Naisip niya rin na makabubuti na sigurong dito muna sa loob ng bahay ni Anika si Rishan.
**********
"Hindi nila pwedeng itago sa akin ang anak ko." Kalmadong sambit ni Carmina sa kanyang kaibigan na si Leslie.
"Pero friend, hindi mo naman kasi mababawi agad ang anak mo ng ganon lang. Faustino couple claimed your daughter as their child at ang mas mahirap pa roon ay isa na ring Faustino ang anak mo." Paliwanag sa kanya ni Leslie. Sandali siyang natahimik dahil sa sinabi ng kaibigan.
Nagsalin siya ng wine sa kanyang wine glass at sandaling pinaikot ang lamang alak. "Babawiin ko pa rin sa kanila kung ano ang talagang akin." May pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita at saka ininom lahat ng wine na sinalin niya sa kanyang baso.
Magsasalita pa sana si Leslie nang biglang tumunog ang phone ni Carmina.
"Yes,hello?" Tanong ni Carmina sa kabilang linya.
"(Hello,Ms. Cervantes. Gising na po ang anak niyo.)"
Napatayo si Carmina dahil sa sinabi ng kanyang kausap sa kabilang linya. Napatingin naman ng nagtataka sa kanya si Leslie dahil sa biglaan niyang pagtayo.
"O-Okay, Doc papunta na po ako dyan. Thank you." Sabi ni Carmina kay Doc. Echavez.
"Leslie, let's go to the hospital! He's awake!" Masayang anunsyo ni Carmina sa kaibigan. Nagmadali sila sa paglabas ng kanyang condo at nagtungo sa hospital kung saan nakaratay ang may malay nang si Allen,ang kanyang anak na lalaki.
Naabutan nina Carmina si Doc. Echavez na nasa loob ng kwarto ni Allen kasama na rin ang dalawang nurse na umaalalay at nagre-review sa kalagayan ng pasyente.
"Doc,kumusta ang anak ko?" Halos maiyak na tanong ni Carmina. Ngumiti ang doktor sa kanya.
"Its a blessing that your son recovered from coma for more than two years. He really fought for his life,Ms. Cervantes. Normal naman ang vital statistics, but he has the possibility to not recognize or remember his memory... " ani doktor Echavez.
Sandaling napatitig si Carmina sa natutulog na si Allen. Binalik niya ang paningin niya sa doktor. " M-May pag-asa pa bang bumalik ang ala-ala niya,doc?"
Huminga ng malalim si Doc. Echavez. "I know this would not easy for you to accept but there is a possibility na hindi na po marecover ng anak ninyo ang memory lost niya ngunit may tama naman pong procedure for him to undergo step by step process just incase he can probably recover his memory back."
Napahinga ng malalim si Carmina at tumingin muli kay Allen ng may pag-aalangan at pag-aalala.
"Sige po, maiwan ko muna kayo, Ms. Cervantes." Saad ng doktor at saka lumabas. Sinundan naman siya ng dalawang nurse.
Nang malakalabas sila, agad umupo si Carmina sa tabi ng natutulog na si Allen. Hinawakan niya ang kamay nito saka hinalikan. Lumapit si Leslie sa kanya at niyakap ng mahigpit. "Friend, ngayong gising na siya, baka mas mabuting sa kanya mo muna ituon ang pansin mo kaysa sa mga Faustino na 'yon."
"I still want to get back my daughter from them..." mahinang bigkas ni Carmina. Magsasalita pa sana si Leslie nang maramdaman ni Carmina ang paggalaw ng kamay ni Allen na kanyang hawak. Dahan-dahang minulat ni Allen ang kanyang mga mata at isang pangalan ang binanggit nito na nagpagulo sa isipan nina Carmina at Leslie.
"Rishan..."