Chapter 4 - Chapter 3

"Mabuting nakadalaw ka rito,apo. Nasaan na ang iyong mapapangasawa? Sabik na kami ng lolo mong magkaroon ng apo.",natutuwang sabi ni lola Amalia kay Dion.

"La, alam niyo naman pong wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. I have a bigger responsibility in the company and not in this.",paliwanag niya sa dalawang matanda ngunit hindi nagpatinag ang dalawa sa kagustuhang magpakasal na si Dion upang may mag-aalaga sa kanya at may magmamana ng kumpanya.

"Malayo na ang narating mo,Dion. It's your time to give yourself a happy pill. Panahon na para mag-asawa ka,para may karamay ka sa buhay. Apo,remember, 'No man is an island.',you know that,right?",tanong ng kanyang lolo.

Napabuntong hininga na lang si Dion. Alam na niya na pipilitin lang siya ng kanyang lolo at lola kaya noong nag-message ang tita niya tungkol sa kahilingan ng dalawa ay ginawan na niya agad ng paraan at iyon nga,iyon ang pabor na hiningi niya kay Anika.

"Okay,w-well I have a g-girlfriend...". Hindi halos mabigkas ni Dion ang sasabihin. Ito kasi ang unang beses na sabihin niyang may girlfriend na siya at hindi niya rin naman sigurado kung pumayag na ang kaibigan ni Anika.

Sumilay ang gulat at kalauna'y napangiti ang mag-asawa. "Talaga? Halika nga rito,apo." Niyakap siya ng dalawang matanda dahil sa kagalakan.

Napabuntong hininga na lang si Dion at inisip kung anong posibleng susunod na mangyayari dahil sa sinabi niya. Sigurado siyang wala ng atrasan 'to at sisiguraduhin niyang mapapapayag niya si Rishan alang-alang sa hiling ng kanyang lolo at lola. Kumalas na sila sa pagkakayakap. Ngumiti na lang si Dion, ngiting para sa mga taong malapit sa kanyang puso na kahit kailan ay hindi nasilayan ng ibang tao.

"Ikaw ha,apo. Kunwari ka pa kanina na hindi mo gusto pero may girlfriend ka na pala.", pang aasar ng kanyang lolo,natawa na lang din si lola Amalia.

Matanda na ang dalawa,edad 78 na kaya nangangamba si Dion na baka bukas ay wala na sila sa tabi niya. Nais niyang maging masaya ang mga huling araw ng dalawa at gagawin niya ang lahat ng iyon para sa mag-asawang buong pusong nagpalaki sa kanya na kahit minsan ay hindi niya naramdaman sa kanyang tunay na mga magulang dahil abala sila sa pagpapalago noon ng kumpanyang minana na niya ngayon.

Ang kanyang mga magulang ay nasa Canada at doon napagpasyahang tumira ang mga ito ngayong namamayagpag na ang kanilang kumpanya sa pamamalakad ni Dion. Ipinamahala sa kanya ng kanyang mga magulang sa murang edad sapagkat hindi na siya nasundan pa, nag-iisa siyang tagapagmana.

Nag-vibrate ng matagal ang phone ni Dion mula sa kanyang bulsa,hudyat na may tumatawag.

" Excuse me. Sasagutin ko lang po 'to.", paalam niya sa dalawa bago siya nagtungo sa labas.

"Yes, Anika?" ,bungad niya nang masagot ang tawag. 

("I have a good news to you~~!"), malakas na sigaw ni Anika mula sa kabilang linya. Nailayo bigla ni Dion ang kanyang phone dahil sa lakas ng sigaw ng kanyang pinsan na halos sirain ang kanyang tainga, napangiwi pa ito sa sakit.

"Low down your voice,will you? Nandito ako kila lola. What's the good news?". Nilapit na ulit ni Dion ang phone sa kanyang taenga.

(" Eto na nga,couz, pumayag na si Rishan sa gusto mo~~~"). Nailyo na naman ni Dion ang phone niya dahil sa hindi mapigilang lakas ng boses ng pinsan. Nakaramdam siya ng ginhawa matapos marinig ang pasya ni Rishan.

"Okay, pupunta ako dyan. Magpapaalam lang ako kina lola.". Sabay end niya ng call. Bumalik siya sa kinaroroonan ng kanyang lolo at lola na masayang nagkukwentuhan.

"Lo,la, I have to go. Don't worry, bibisita ako ulit dito w-with my g-gifriend...", sabay iwas ng tingin sa dalawa. Hindi niya kasi lubos isipin na may maipapakilala na siyang girlfriend sa susunod.

"Of course,apo. We will wait, we are excited to meet your soon-to-be wife.", saad ni lolo Ferlin. Niyakap niya ang dalawa at hinagkan sa mga pisngi nila bago siya tuluyang umalis.

**********

"How will you fix that mess,Alejandro?!", inis na tanong sa kanya ng kanyang asawa na si Victoria sabay bagsak sa dyaryong hawak ng huli. Nandito sila ngayon sa kanilang silid at nagtatalo dahil sa paglayas ni Rishan at kumakalat na nga ang balitang iyon. 

"Victoria,the blame is not only on me!", sigaw niya pabalik sa asawa. Malamang anumang oras ay dudumugin na sila ng media dahil sa eskandalong ito sa pamilya nila.

"Yes,the blame is on you! Ano na lang ang sasabihin ng mga amigo't amiga natin?! Mga investors natin!? What would the public going to say about this?! For sure, rumors are spreading now! Alejandro, this is your fault from the beginning!",paninisi sa kanya ng asawa. Napaupo si Victoria sa sofa at mariing pinikit ang kanyang mga mata dahil sa sobrang inis dito.

"Kung hindi mo kasi sana tinatrato na parang ibang tao si Rishan,kung hinahayaan mo sana akong ituring siyang anak, sana nandito pa siya! Sana hindi siya naglayas ng dahil sa kagagawan mo,Victoria!" ,ani Alejandro. Napaupo na lang siya sa inis.

Napatayo na naman si Victoria. Nagpantig ang kanyang taenga dahil sa kanya sinisisi ang lahat ngayon. Kung pwede lang siyang magwala ngayon, kanina pa niya ginawa pero hindi siya ang ganoong tipo ng babae.

"For Pete's sake,Alejandro! Kung hindi mo sana inako ang pagka-disgrasyada ng una mong pag-ibig, kung nag-isip ka lang sana na kahit isang patak ng dugo mo walang nananalaytay sa Rishan na 'yon, tingin mo ba may pinoproblema pa tayong ganito?! Wala,'di ba?!", bwelta ni Victoria. Sandaling natahimik si Alejandro,pinakatitigan ang kanyang pangalang nakaukit sa kahoy. Naalala niya ang babaeng una at huling tinitibok ng puso niya.

"Remember, pinakasalan lang kita dahil sa kagustuhan ng ating mga magulang kaya huwag mo 'kong kukwestyunin sa pag-kupkop ko kay Rishan." Mahinanon na ang boses ni Alejandro. Nagbukas siya ng wine at nagsalin sa kanyang baso. Nilagok niya iyon ng diretso.

"Yeah, tama ka. Pinakasalan mo lang naman ako because of business pero inisip mo ba na dahil sa ginawa mo pwedeng magbunga ng mas malaking problema sa pamilya natin at sa negosyo natin?" Kumalma na rin si Victoria at hindi tinapunan ng lingon ang asawa. "Hindi mo 'ko masisisi kung ganon ang pakikitungo ko kay Rishan dahil nagtiis ako ng halos dalawang dekada para lang akuhin bilang anak si Rishan. Pati sa sarili kong mga magulang,tinago ko ang totoo at nakukunsensya na ako ngayon.", dagdag pa ni Victoria.

Tinatago ng mag-asawa sa lahat  ang katotohanan sa tunay na pagkatao ni Rishan maliban kina Rio at Diane na nakakaalam ng lahat. Nagtungo si Victoria sa Australia dala ang bagong silang na bata at doon siya namalagi ng siyam na buwan hanggang sa mabigla ang lahat nang ianunsyo niyang kaya siya nagpunta sa Australia ay upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagdadalang-tao hanggang sa manganak siya. Naniwala naman ang buong publiko pati na rin ang pamilya ng dalawang panig.

Isang taon ang lumipas, inamin ng mag-asawa ang totoo kina Rio at Diane. Tinanggap ni Rio ang katotohanan samantalang sumama ang loob ni Diane.

Upang makaiwas sa suspetsa at pagtataka kina Victoria at sa batang si Rishan, nagpagpasyahan din ng mag-asawa na huwag palabasin ng bahay si Rishan at doon na nga  naging mundo ni Rishan ang buong mansyon. Ang mansyong iyon ay kanyang naging tahanan,paaralan,at mundo.

Magsasalita pa sana si Victoria nang may biglang kumatok sa pinto. Tinanong niya ang asawa kung may inaasahan siang bisita ngunit nilampasan siya nito para buksan ang pinto at nagulat nang makilala kung sino ang nasa harap niya.