Chapter 2 - Chapter 1

"Sorry,miss pero hindi na po kami hiring." Sabi ng isang crew sa kanya. Tumaas ang kilay ni Rishan sa kanyang narinig.

"Hindi na hiring? Bakit nakapaskil pa rin 'yong 'URGENT HIRING' do'n sa glass window?" tanong niya sa crew. Napayuko naman saglit ang huli at humingi ng paumanhin.Tumango na lang si Rishan dahil hindi rin naman siya makakapasok dito kung makikipagtalo pa siya. Sayang lang ang oras niya.

Lumabas na lang siya sa fastfood chain na 'yon at naghanap ng ibang mapapasukan. Sandali siyang napatigil nang makita ang mga batang masayang naglalaro sa malilim na bahagi ng Children's Park. Dinala siya ng kanyang mga paa sa parke at naupo sandali sa isang bench. Alas onse na ng tanghali pero marami nang naglalaro sa parke. Marami ring nagtitinda ng iba't ibang street foods at mga balloons na hugis cartoons tulad ng Hello Kitty, Pokemon, Dora, Pikachu, Ben Ten at marami pang iba.

"I never been in this place before.I never felt this feeling of being free." bulong niya sa hangin. Bumalik ang kanyang ala-ala sa pagpikit ng kanyang mga mata at dinamdam ang malamig na hangin.

Isang pitong taong gulang na Rishan ang bumababa sa hagdan. Lumapit siya sa kanyang ina. "Mommy, may I go outside the house? I want to play with other children just like Ate Diane."

Napataas ang kilay ng kanyang ina. "No! You stay here. Go back to your room!" Galit na utos nito sa kanya. Hihilain na sana siya ng kanyang ina pataas ng hagdan nang biglang dumating ang kanyang Kuya Rio.

"Rio?" Gulat na bulalas ng kanyang ina. "W-When did you arrived? You didn't call me at least--" hindi na natapos ang kanyang sinasabi nang magsalita si Rio at lumapit kay Rishan.

"What are you doing to Rishan? You're being harsh to her." Seryosong wika ni Rio sa ina. Napayakap naman si Rishan sa binti ng kanyang Kuya Rio.

"Dinidisiplina ko lang-" hindi na naman natapos ng kanilang ina ang sinasabi.

"Kahit nasasaktan na siya at halos hilayin niyo na parang isang bulto ng bigas?" Wika ni Rio sa mas lalong seryosong tono.

"Rio?!" ang tanging nasabi ng kanilang ina dahil tama si Rio ngunit ayaw tanggapin ng kanilang ina na mas kumakampi pa ito sa kapatid.

"What do you want to do,baby girl?" Tanong ni Rio sa kanya. Umupo siya upang magkatapat silang dalawa.

"I wanna play,kuya." sagot ni Rishan sa kanyang maliit ngunit matamis na boses. Napangiti naman si Rio at ginulo ang kanyang buhok.

"Where do you want to play?" Tanong muli ni Rio.

"Outside,kuya with other children. I want to have friends outside just like Ate Diane." Sagot ni Rishan. Unti-unting nawala ang ngiti ni Rio at napalitan ng buntong hininga.

"But you are not--"hindi na natapos ni Rio ang sasabihin.

"See? Ang kulit talaga ng kapatid mo. Sinabi nang hindi siya pwedeng lumabas ng bahay. Dapat talaga sa kanya dinidisiplina." Sabat ng kanilang ina sa usapan.

Napatingin si Rio sa ina. "Mom,enough. The way you discipline Rishan isn't good. You're not helping,you're just making it worse for her."

Hindi nakapagsalita ang kanilang ina at umalis na lang ito at umakyat patungo sa kanyang kwarto.

Bumalik ang tingin ni Rio sa kapatid. "Sorry,baby girl but...I-I can't go outside to play with you. Pagod si kuya galing Canada pero may pasalubong ako sa'yo. Are you excited?" Masiglang tanong sa kanya ni Rio.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Rishan at ilang beses pang tumango dahil sa excitement. Sabay silang umakyat sa taas at binuhat ng kanilang kasambahay ay bagahe ni Rio patungo sa kanyang kwarto kung saan naroon ang lahat ng pasalubong para sa kanyang mga kapatid.

Sa pagmulat ni Rishan ng kanyang mga mata ay nakatayo sa harap niya ang isang batang paslit. Marumi ang kanyang damit at mukhang nagugutom siya dahil nakatingin siya sa slurpee niya na nakapatong sa gilid.

"G-Gusto mo ba?" Alok ni Rishan sa bata kaya sumilay ang ngiti nito. " Sige,sa'yo na 'to." Inabot ni Rishan ang kanyang slurpee na binili niya bago pa siya magtungo sa fastfood chain na hindi na pala hiring. Mukhang hindi na nga rin ito malamig.

Aalis na sana ang bata nang magsalita si Rishan. " Sandali, eto tanggapin mo. Bumili ka ng pagkain mo ha. " sabay abot niya sa bata ng 50 pesos.

"Salamat po,ate. Ang bait niyo po talaga. May makakain na po si mama at mga kapatid ko. Salamat po talaga." Sabi ng bata at agad na tumakbo patungo sa isang foodcart at bumili ng tusok-tusok.

Nanatili sa isipan ni Rishan ang sinabi ng bata at ang sitwasyon nito.

', Marami palang naghihirap dito sa mundo. Ngayon ko lang nakita ang totoong mundo sa labas ng matataas na bakod kung saan tinuring kong mundo ng mahigit dalawang dekada.,' wika niya sa kanyang sarili.

Inalala muli ni Rishan ang kanyang dating buhay sa kwadradong lupaing iyon na nagsilbing sentro ng kanyang mundo.

Si Rishan Lee Macabantay Faustino ay anak ng dalawang sikat at successful na business entrepreneur sa loob at labas ng bansa na walang iba kun'di sina Victoria Macabantay-Faustino at Alejandro Faustino. May tatlo siyang kapatid, sina Rio Lucas na namatay sa plane crush sa edad na 25 at 27 taong gulang kung nabubuhay pa ngayon. Ang pangalawa naman ay ang kanyang ate Diane Marie Faustino-Riego na 24 taong gulang at isa na ring sikat na owner ng Dims Restaurant kaagapay ang kanyang asawa na si Benson Riego na galing din sa mayamang pamilya. Si Rishan ang pangatlo sa magkakapatid at siya ay 21 taong gulang na at ang kanilang bunso ay si Lee Ann. Si Lee Ann ay 12 years old pa lamang ngunit malayo ang loob nila sa isa't isa. Hindi rin siya tinatawag na ate ng kanyang bunsong kapatid bagay na nakapagpapasakit sa kanyang damdamin.

Natauhan si Rishan nang mag-vibrate ang phone niya at tumatawag si Anika na kanyang bestfriend at sa kanila rin siya nakikituloy ngayon.

"Sis, your Ate Diane went here a while ago and she was searching for you but we kept our mouth shut. She went inside our house and she said, once she found you, kakalbuhin ka niya." Chill na pagkakasabi ni Anika mula sa kabilang linya.

Napabuntong hininga si Rishan. " I don't know what to do but for now, I need to find a job to support my financial needs."

"Financial needs? You can ask money from me and you don't have to move to another house or rent an apartment. You are safe with us,Rish." ,sabi ni Anika pero umiling si Rishan kahit pa hindi siya nito nakikita.

"I know you are a good best friend but I can't depend my life with you. I have to stand with my own feet to prove to my parents that I can survive without them." Saad ni Rishan.

Sandaling natahimik ang dalawa sa magkabilang linya. Mabait si Anika,since then ay parehas silang home schooled ngunit ang pinagkaiba lang ay mabait ang pamilya ni Anika at suportado sila sa gusto nito sa buhay. Nagkakilala sila dahil parehas sila ng tutor. Naghahanap si Anika ng makakausap at nireto ng kanilang tutor si Rishan at doon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. From chats to video calls. Madali silang nagkapalagayan ng loob sa isa't isa.

"Okay, tutulungan kita but for now umuwi ka na rito. You need to take a rest. You are stress these past few days. Come on." ,seryosong wika ni Anika.

Sa huli ay napagdesisyunan ni Rishan na umuwi na lang muna sa bahay nila Anika at totoong kailangan niya ng pahinga dahil halos hindi na siya nakakatulog ng maayos dahil sa stress.