"Thank you,Mr. Villarino for the partnership proposal. The company and I are glad to be part of your successful company. I'm looking forward for the best outcome of this partnership.",sambit ni Mr. Faustino kay Mr. Villarino na siyang CEO ng Villarino Company kung saan brand ito ng footwear,fashion wear at perfume.
"No problem,Mr. Faustino.",sagot niya. 'Yon lang,may attitude siya pero pinagsasawalang bahala na lang ng mga investor dahil napaka-successful ng kanyang kumpanya.
Nang matapos ang business proposal meeting ay nagtungo na si Mr. Villarino sa kanyang office at nakasunod ang sekretarya niyang si Meredith.
Bago pumasok si Mr. Villarino sa kanyang office ay inutusan niya ang kanyang sekretarya,"You have to buy me a coffee. Any coffee will do.",nang hindi tumitingin dito.
"Sure po,sir.",malanding sagot ng kanyang sekretarya at hinawi ang hibla ng kanyang buhok ngunit hindi na iyon napansin pa ni Mr. Villarino dahil nakasara na ang pinto.
Napasimangot si Meredith at nagpatuloy sa paglalakad nang mapansin niya ang papasalubong na babae. Nakasuot ito ng denim skirt at maluwag na shirt. Naka korean bag at naka eye glass ng wala namang grado. Part of her fashion.
Tumindig ng maayos si Meredith at magiliw na binati ang babaeng iyon nang magkalapit sila.
"Good morning,ma'am Anika! Anong maipaglilingkod ko--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng sumabat ang babaeng 'yon.
"Excuse me? How many times do I have to remind you that you should call me 'Ms. Anika? ' ", mataray na patutsada sa kanya.
"S-Sorry,Ms. Anika." Tanging sambit niya kay Anika.
Napairap na lang si Anika at nag-cross arms bago ibalik ang nakakainis na tingin sa kanya. "By the way, where is Dion?".
"N-Nasa office niya po,Ms. Anika." , tipid na sagot niya.
"Okay. Do your job better. Don't forget where you step your shoes..." patutsadang muli ni Anika dahil hindi lingid sa kaalaman nito na may landing tinataglay ang sekretaryang kaharap niya para sa kanyang boss.
Hindi na muling nakapagsalita si Meredith dahil nilampasan na siya ni Anika at diretsong pumasok sa office ni Dion.
"Hello to my most handsome cousin in the whole wide world~",malakas na pagbati ni Anika sa pinsan na nakaupo sa sofa at nakatutok sa laptop.
"What brings you here?",tanong ni Dion nang hindi siya nililingon.
Lumapit si Anika sa kanya at naupo sa tabi niya ngunit patuloy pa rin ang pinsan niya sa kayang ginagawa sa laptop. Hindi naman niya iyon maiintindihan dahil tungkol sa trabaho ang inaasikaso ng pinsan.
"Well,cousin I wanna ask a favor.",nakangiting panimula niya. Sandali pa niyang sinilip ang ginagawa ng pinsan ngunit hindi niya talaga maintindihan dahil nasa sheet ito.
"As usual." ,sabi naman agad ni Dion.
Sa lahat ng taong kamag-anak ni Dion ay si Anika lang ang pinakamalapit ang loob sa kanya. Kilala si Dion na tahimik at napaka intimidating kausap siguro ay gawa na rin ng pagiging professional niya at successful business entrepreneur sa murang edad. Oo, siya nga si Dion Vin Villarino na CEO ng Villarino Company,ang kumpanyang minana niya sa magulang. Siya ay 27 taong gulang pa lang. Hindi siya malapit kahit kanino,kahit pa sa sariling pamilya maliban sa kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya. Tanging si Anika lang at ang lolo at lola nito ang nakikipag-usap sa kanya ng hindi nate-tense.
"If you don't mind, would you hire my bestfriend to your company? She is a good-no, she is the best applicant you would ever meet." , sabi niya na parang isang produkto si Rishan na ine-endorse sa kanyang pinsan.
"Then she have to take the process of hiring. Pwede naman siyang assistant or saleslady sa isang branch ng company." ,tugon ng kanyang pinsan nang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin kaya napairap na lang siya sa naging tugon nito.
"Dion,she doesn't deserve to be in that low position. She deserve the best and besides nakatapos naman siya ng four-year course so it means qualified siya sa higher position ng company mo--"
"F*CK!" Bulalas ni Dion nang ibagsak niya ng laptop at napahilamos sa mukha. Napatayo naman sa gulat si Anika.
"What was that?!" Inis na tanong ni Anika dahil halos magka-minor heart attack siya sa ginawang pagsigaw ng pinsan.
Sandaling napatahimik ang dalawa. Huminga ng malalim si Dion at seryosong tumingin kay Anika na siyang nakapagpasindak sa huli. Ngayon niya lang nakitang frustrated ang pinsan. Hindi niya mawari kung dahil ba sa business kasi kung sa business lang ay kayang kayang i-handle ni Dion ang lahat.
"W-what?...O-Okay,hindi na kita kukulitin about sa favor ko--"
"Where is she?" ,pagpuputol ni Dion sa sinasabi ni Anika.
"H-Ha?" ,naguguluhan siya sa kinikilos ng pinsan.
"Listen to me,Anika. I got your friend-"
"Hephep! She is my bestfriend."
"Okay, okay. Your...bestfriend.Whatever. I got her but in one condition..." , seryosong sabi ni Dion sa kanya.
"W-What condition?" ,nag-aalangan namang tanong ni Anika.
**********
"She's getting into my nerves,mom,dad.",inis na sambit ni Diane sa kanyang mga magulang at abala sila sa pagkain ng hapunan. Napagpasyahan ni Diane na sumaglit sa bahay ng kanyang mga magulang upang pag-usapan ang paglalayas at paghahanap kay Rishan.
"Ano ba namang aasahan niyo sa babaeng 'yon? Ni isang patak ng dugo natin hindi dumadaloy sa kanya." ,malamig na tugon ng kanilang ina at pasimpleng tumingin sa asawa na ngayon ay tumikhim dahil sa narinig.
Napatingin din si Diane sa ama at bumalik ang atensyon sa ina,"Mommy, it's not important now kung sino ba si Rishan sa atin,what we should face is the surname and the family background she's holding. Umalis man siya rito, we can't deny the fact that she's still a Faustino.".
Napabuntong hininga silang lahat maliban kay Lee Ann na naguguluhan sa usapan. "What about Rishan?". Sabay sabay silang napatingin sa kanya.
"Don't mind her,sweetie." Nakangiting sambit ni Diane sa bunsong kapatid.
"Madali lang solusyunan 'yan, Diane. That's why we have lots of money, besides, anything can make the process with the use of it. " ,suggestion ni Mrs. Faustino.
"No!",sigaw ng kanilang ama at hinampas ang dalawang palad sa dining table dahilan upang magulat sila at magsitalbugan ang mga nasa hapag. Gulat silang napatingin sa kanya. "That.will.not.gonna.happen." ,madiing bigkas ni Mr. Faustino bago siya umalis sa dining area.
Naiwan namang tulala sina Diane at Lee Ann samantalang napairap si Mrs. Faustino at hindi na tinapos ang pagkain.
**********
"Ano?!". Halos umakyat lahat ng dugo ni Rishan sa kanyang ulo dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Well,sis 'yon na lang kasi ang magagawa ko sa pinsan ko. Never siyang humingi ng favor sa'kin sa kabila ng patong patong na favor ko sa kanya. Pagbigyan na natin siya at isa pa,kung hindi ka papayag sa gusto niya ay sasabihin niya sa mga magulang mo kung nasaan ka. Malalagot pa kami kay ate Diane kasi tinago ka namin sa kanila. Think about it, Rishan this is a blessing in disguise. Gusto mong hindi ka na controlin ng mga magulang mo, 'di ba? Ito na 'yon.",nakasimangot na saad ni Anika habang kinukumbinsi siya.
"Paano nalaman ng pinsan mo 'yong istorya ko?", frustrated na tanong niya sa kaibigan.
Bumuntong hininga si Anika,"Kasi nag-background check siya tungkol sayo to make sure na may mataas kang estado sa buhay.".
"But that was before...I'm not belong to their family anymore." Pangagatwiran ni Rishan.
"Yet you are still a Faustino and you can't change the fact that everyone sees you as the daughter of Mr. And Mrs. Faustino." ,saad muli ni Anika.
Sandaling natahimik si Rishan at kinakagat ang kuko ng kanyang hintuturo. Ganyan siya kapag naguguluhan sa dapat gawin. Palakad-lakad rin siya sa harap ni Anika at nahihilo na ito dahil sa ginagawan. 'Yeah, everyone knows me as one of my parents' children pero hanggang picture na lang ako at minsan lang binibigyan ng exposure lalo na kapag may mga events. I really wanted to explore outside but they always keep me inside the house. They always telling different alibis to the public.', saad niya sa sarili.
"Bakit kasi naisipan ng pinsan mo na magpakasal ng wala sa timing? Wala ba siyang girlfriend? Hindi ba siya aware na ang kasal ay isang sagradong bagay para sa dalawang pusong nagmamahalan?" , sunod-sunod niyang tanong pero hindi umaasa ng sagot mula kay Anika.
"Girl,hindi uso ang ganyan lalo na sa business world. At si Dion, gagawin niya lang naman ang bagay na 'to para kina lolo at lola. He was raised with the love and care of lolo Ferlin and lola Amalia at ito ang huling kahilingan nila kay Dion bago sila mawala sa mundong ito." ,sagot ni Anika.
"Kahilingang mag-asawa siya?",tanong ni Rishan at tumigil na ito sa kalalakad. Umupo siya sa tabi ni Anika at uminom ng malamig na tubig.
"Hindi. Ang magkaroon ng apo."
Nasamid at napaubo si Rishan nang marinig ang sagot ng kaibigan.
"Y-You mean...you mean magiging ina ako?! May mangyayari sa amin?!",gulat na sabi ni Rishan.
Natawa na lang si Anika sa reaksyon ng kaibigan. "Yes,at magiging ninang na rin ako!",pang-aasar ni Anika sa kanya.
Hindi naman alam ni Rishan ang gagawin dahil ayaw niya ring mahanap pa siya ng kanyang pamilya na hindi naman malabong mangyari ngunit nangangamba siya na baka sa oras na makita siya ay pababalikin siya sa mansyon at ipipilit ang trabahong hindi naman niya gusto, ang maging isang entrepreneur katulad ng kanyang pamilya at ate Diane alang-alang sa image ng pamilyang Faustino. Sigurado rin siya na sa oras na mahanap siya ay hinding-hindi na siya makakalabas pa, at iyon ang malaking katanungan sa kanyang sarili.