"Jaden, anak!?." gulat na gulat na ani Mama ng makita ako sa mismong labas ng bahay. Kanina pa ako nakarating rito. Wala ni isa sa kanila o sa tropa ang pinagsabihan ko nito. It was like, so sudden. Ang mag-asawang Lance at Joyce ang syang nakakaalam sa pagpunta ko rito. Hindi kabilang dito ang asawa ko. At matindi ko talagang hiniling sa mag-asawa na huwag ito sasabihin sa kanya dahil ako na mismo din ang magpapakita sa kanya.
I knew her. Panigurado akong iiyak sya't magagalit. Magtatampo rin at magtatamong ng marami tungkol sa unusual behavior kong ito. Maging ako man. Hindi sigurado kung tama ba o mali ang ginagawa kong ito. Para bang, bahala na si Batman!.
Takang tinapunan ako ni Mama. "Anong ginagawa mo dyan?." sinipat nito ang mga bag na dala ko. "Anong ginagawa mo rito?." saka pinanlakihan nya ng mata ang mga katabi ko. "Anong mga yan ha?." nag-aalala na nyang saad. "Anong nangyayari bata ka?.." histerikal na nitong sambit. Tahimik akong tumayo para paupuin sya sa pwesto ko kanina. Sa una. Nanlaban sya. Gusto agad ang sagot ko. Subalit binigyan ko sya ng nagmamakaawang mukha. Mabuti umipekto naman. Naupo sya.
Mabigat ang binitawan nyang buntong hininga. Umupo rin ako sa harapan nya. Tinignan ko sya habang hinahawakan ang kamay nya.
"Wag mo akong pakabahin ng pagiging tahimik mo Jaden.. anong ginagawa mo rito ha?."
Kinagat ko ang ibabang labi sa kaba. Alam kong kahit wala pa man akong sinasabi. Ramdam na nyang may problema akong dala.
"Hindi ka basta susulpot rito kung walang nangyari. Ano? Hindi ka ba magsasalita?. Kailangan ko pa bang tawagin ang asawa mo?."
"Mama.." pigil ko na sa kanya. Dito lamang sya kumalma. "Please.. kailangan ko ng pahinga. Pagod ako at ayoko ng ingay.." mahinahon kong sabi. Tumitig sya sakin. Ipinakita ko talaga sa kanyang seryoso ako.
Tumahimik naman sya. "At please po.. wag na wag nyong ipapaalam sa asawa ko na nandito ako.."
"Ikaw na bata ka!.." matinding palo ang tumama sa kaliwang braso ko. Marahas din syang tumayo at galit na tumingin na sakin. "Anong kalokohan na naman ang nagawa mo ha?. Hindi ka pa rin ba nagtatanda?."
Maya-maya. Lumabas si Niko at nag-unat ng katawan. Pagkasara ng pintuang nilabasan nya. "Kuya!?." anya. Nagtataka rin sa presensya ko rito. "Hindi ko alam na uuwi ka pala.. sinong kasama mo?." naghanap pa talaga ng kasama ko. Hay.. mana yata ito sa akin. Minsan, Tanga!.
"Tsaka.. bat may dala kang mga yan?. Bakasyon mo ba?. Paano sila–.." hindi nito natuloy ang sasabihin ng sapawan sya ni Mama.
"Niko.. tulungan mo nalang ako rito.. mamaya na yang mga tanong mo.."
"Pero Mama?."
"Dali na.. pinapak na ng lamok ang Kuya mo dyan.. Dali na.. magluluto pa ako ng hapunan.." taka pa rin akong tinitigan ni Niko hanggang sa gumalaw na rin ito at tinulungan si Mama sa mga gamit ko.
I didn't even move an inch. Nakatitig lang ako sa kawalan na para bang duon ko makikita ang kasagutan sa magulo kong isip.
Tumunog ang door chime. Hudyat na may lumabas sa isa sa kanila. "Pasok ka na muna Kuya.." si Niko pala. Wala akong oras para malaman kung sinong lumabas. Nalaman ko nalang nung magsalita ito.
"Mauna ka na. Susunod rin ako." sumandal ako't pagod na pumikit. "Magpapahangin lang ako saglit.."
"May kubo sa likod.. duon ka nalang.." suhestyon pa nya.
Gusto ko sana syang sigawan at pagalitan subalit anong kasalanan nya?. Wala. Concern lang sya't hindi alam kung anong dahilan bat ako nandito.
Imbes suwayin sya. Pinili ko nalang na itikom ang labi para di pa makasakit ng iba. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. At bumuntong-hininga. "Birthday ngayon ni Kuya Poro.. pupunta ako sa kanila mamaya."
"Wag mong sasabihin na umuwi ako Niko.. hindi ako pumarito para magsaya.." mahinahon kong sabi. Gusto kong malaman nya na hindi ako nagbibiro.
"May problema ba Kuya?. Hindi kasi namin alam kung paano ka namin matutulungan kung hindi namin alam.." nag-aalala nya ring himig.
"Mas mabuti nang wala kang alam Niko.. ang tanging hiling ko lang sa'yo ay ang pakikisama. Iyon lang.."
Alam kong masyado nang matabil ang dila ko rito. Subalit, minsan dito natututo ang isang tao. Sa pagiging agresibo.
"Sige kung ganun Kuya.. mauuna na akong pumasok.. aariba pa ako mamaya.. basta.. kapag kailangan mo na ng tainga na kailangan makinig sa'yo.. andito lang ako.."
Hinayaan nya akong nakaupo rito. Hanggang sa ako na rin mismo ang pumasok. Eksaktong naghahanda na ng hapunan si Mama. Si Papa. Pauwi pa lamang sila ni Ate. Magtataka ang mga yun.
"Nak, kumain ka na muna." papanhik na sana ako ng marinig sya. Lumingon ako't muling bumaba. "Kahit anupaman. Kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo.. wag mong kakalimutan na may pamilya ka pa ring naghihintay sa pagbabalik mo.." paalala pa nya. "Hindi ko ito ipapaalam sa mga Eugenio.. basta at gaya ng sabi mo at gusto mo. Magpahinga ka. Mag-isip isip rin. Hanapin mong muli kung sino ka at kung saan ka nagsimula. Duon mo makikitang muli ang dating ikaw hijo.."
"Salamat po.." gaya ng saad nya. Kumain ako. Matapos nun. Umakyat ako sa ikatlong palapag. Opo. Pinarenovate ko itong bahay at pinalagyan ko na rin ng third floor. Para may sarili rin kaming silid kapag pumaparito kami. At para na rin sa ibang mga bisita. Lalo na sa mga Eugenio.
Binuksan ko ang silid namin ni Bamby at ni Knoa. It feels nostalgia. Parang ayoko ng pumasok rito at tumuloy na ng uwi pabalik ng Australia. Namimiss ko na sila.
Sana lang kahit wala akong paramdam sa kanila. Maintindihan pa rin nila ako. Sana rin. Kahit wala akong sinasabi sa kanila. Marinig pa rin ako. At sana lang din. Kahit hindi ako umuwi sa kanila. Mag-aantay pa rin sila.
Am I too demanding?. O baka naman. Guni-guni ko lang ang mga to dahil hindi ko maamin sa sarili kong nagkamali ako. Mali ako sa desisyong andito ako. At mali ako sa desisyong pinili kong lumayo.
Paano ba magpahinga? Paano ba hanapin ang katahimikan para sa klarong kasagutan? Paano?