"Hindi mo pa rin ba sasagutin?."
"Bakit?. Anong resulta?."
"Nag-aalala na ako sa'yo. Ang mga anak mo. Si Knoa, laging nakaabang sa may bintana. Kailan ka uuwi?."
"Jaden, ano ba!?. May balak ka pa bang bumalik sa amin o wala na?."
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?. Hindi ko na alam ang irarason ko pa kay Knoa. He is big now. Anong gagawin ko?."
"I'm tired. Huwag mo rin sanang hintayin na mapagod pa kami kahihintay sa pagbalik mo."
That's just a few messages from Bamby. I admit it. Takot ako. Hindi ko alam bakit pero natatakot ako. Hindi sa natatakot ako sa kanya. It's like that. I'm afraid because I let myself lose from people around me. They take over me. Masyado akong nagpadala sa takot at basta bumigay nalang. Na alam ko din namang mali iyon sa una palang. I own the company. Dugo at pawis ang naging puhunan ko para itayo iyon. Pero bakit nandito ako ngayon?. Nandito sa kinatatayuan kong kulang nalang maging pagong dahil nakatago sa ilalim ng saya ng aking mga magulang. Hindi ko kinakahiya ang nandito. Nahihiya ako in a way that, imbes na tumakbo ako sa bisig ng asawa at ng mga anak ko. Nandito ako. Sa mga taong naging ugat upang mahubog ang pangarap at pagkatao ko.
I bit my lower lip while continuing reading the last long message na pinadala nya.
"You know what. Hindi lang ako pagod. Pagod na pagod na sa ginagawa mo. Alam ko na ang nangyari kahit hindi mo pa sabihin sakin. Kahit hindi mo na sabihin. Nahulaan ko na. At kahit hindi mo pa ako sagutin dito sa mga pangungulit ko. Nalaman ko na. Bakit Jaden?. Ano ako sa'yo?. Bakit hindi ka sa akin tumakbo at sa iba ka pa umiyak?. Andito lang ako hindi ba?. Alam mo yan. Kilala mo ako higit sa lahat. At mas kilala kita. Kaya bakit ginagawa mo ito?. Tinataguan ako?. Binabalewala na parang tapos na tayo?. Tapos na ba talaga tayo?. Ito ba ang gusto mo?. Ang iwan ako at ang mga anak mo?."
"Damn Jaden!.." hindi ko maiwasan ang magmura sa sarili habang paulit-ulit na binabasa ang huling pangungusap kanina.
"Iyon ba ang gusto mo?. Sabihin mo lang, ibibigay ko. Madali akong kausap. Huwag mo lang akong taguan. Pero tandaan mo. Kapag sumuko ka sa pagkakataong ito. Tapos na ang laban. Wala ka ng babalikan at wala ka na ring aasahan sa akin. Yes. I will give the right to your children. Tatay ka nila. Kung ari-arian naman. Kahit ibigay mo na lahat sa mga anak natin. Huwag mo na akong bigyan. Ayos lang. I can handle myself. Maging pormal lang tayo at maayos ang lahat ng ito. So, if you keep on pretending that you're not receiving this messages from me. It's up to you now. I'm tired now. And, so. Good luck."
Napapikit ako't sandaling ninamnam ang mga salitang binitawan nya. Ang sakit isipin na humantong ang lahat ng ito nang dahil lang sa kapabayaan ko. Hindi ko man lang napag-isipan kung saan ba pupunta ang desisyong gagawin ko.
"Gago ka kasi." Malutong na mura na ang gusto kong isunod lagi sa pangalan ko. Hindi na ang CEO kuno na masarap lang sa pandinig ng mga tao.
"Gago! Umuwi ka pala!." Heto ngayon si Aron. Sinubukan akong suntukin dahil nalaman lang naman nila kay Niko na nandito ako sa bahay. Ika-anim na araw ko na rito. Kahapon ay birthday ni Poro. Hindi ako dumalo sapagkat hindi naman iyon ang dahilan kaya ako umuwi rito. Hindi ang magsaya. Umuwi ako para makapag-isip ng tama. At ngayon ko lang natanto. Gago kasi ang boy Jaden nato!. Mali pala ang inaakala kong tama. Mali ang desisyon kong umuwi kay Mama at iwan ang aking asawa!
Sa kubo pa nila ako natagpuan. Yes. Dito ko gustong maglagi. Wala ng iba. I look around. Naupo ang loko sa harapan ko. Habang si Dennis, Poro at Ryan sunod-sunod ng pumasok. Kasunod pa talaga ang kapatid ko.
"Sorry na Kuya. Nadala ng kalasingan." Paliwanag nya pa na nadulas lang daw sya. Hindi nya sadyang sinabi at hindi rin gustong sabihin. Basta nalang daw nyang nasabi.
Hay....
Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na sila!
Isang malakas lang na buntong hininga ang pinakawalan ko dahilan naman para mabura ng unti-unti ang galak at ngiti sa kanilang mga mukha.
"Mukha ngang hindi bakasyon ang sadya.." dinig kong bulong ni Dennis kay Poro. Tumango naman dito ang isa.
Si Ryan naman. Naunang umupo sa gilid ko bago tinapik ang balikat ko ng dalawang beses.
"Hindi kami pumunta rito para magsaya.." he started. Tinignan ko naman sya. Halata nga sa mukha nyang seryoso nga sya. Then the two of them also sat beside me. Si Aron lang ang nasa harapan ko. Si Niko naman. Nagpaalam na kukuha ng maiinom. Then, Poro reminded him na juice lang na malamig ang kailangan nila. Hindi na muna ang alak. Mabuti naman at alam nila ang ginagawa nila.
"Salamat pre." Napabangon ako galing sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung ano bang gagawin. "Bro, thank you." I should atleast thanksed them for being here. "Salamat sa pagpunta. Pasensya na rin."
"Hinde. Kami ang hihingi dapat ng dispensa. Hindi namin nasabi sa'yo na pupunta kami rito." Nag-aalalang ani Dennis. Umiling naman ako.
"Hinde. Ayos lang pre. Umayos nga ng bahagya ang pakiramdam ko simula nung umupo kayo rito." Tumaas ang mga kilay nila. Questioning me for my words if it's really true or just an alibi.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang mga tawag at text ng Bamblebiee?." Maging sila ay solid Bamby at Boy Jaden. Kaya naman ganun nalang ang pag-address nila samin minsan. Eksakto namang dating ni Niko na may dala ng juice na may ice. Nilapag nito sa gitnang mesa na ratan. Tapos umalis muli. Kukuha raw ng chitchirya.
Wala akong lakas loob na magsalita kaya umiling na lamang ako.
"Bakit?. Paniguradong, iiyak yun?." Naniniguro na ang himig ni Aron dito.
"Sinabi ba ni Lance sa'yo?." I ask this because him and my brother in law is one of best of friends. Hindi mapaghiwalay ang dalawang yan. Magpasahanggang ngayon.
Ngumiti sya noong una tapos umiling ng kalahati bago tumango ng dalawang beses. "You know, the great Kuya Lance 'pogi' the Eugenio. Pagdating kay Bamby, sya ang unang makakaalam." And yes! Proven and tested na yan. Kaya, no doubt about that.
"At advisor na rin." Hirit naman ni Ryan. Nagkatinginan kami. "Sorry pre. Alam mo naman na solid ang tropa pagdating sa inyong dalawa ni Bamby. Sadyang hindi lang namin maiwasang mag-isip sa kung anong dahilan kung bakit ka nandito at hindi gustong kausapin ang asawa mo.."
Ang daldal!.
Hay... Wala pa ring pagbabago!.
"It's a long story pre." Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice duon.
"E di, make it short.." ngiwi naman ni Dennis ang natanaw ko rito. Sya kasi ang unang tumayo para kumuha na rin ng baso para magsalin ng kanyang juice. "Minsan kasi. Dahilan lang ang nagiging mahaba pre. The rest is short na talaga if you really wanted to make things work out.."
"Gago! May alam kang ganun?." Tukso ni Poro dito.
"Gago ka rin!. Anong tingin mo sakin, tao lang?. Maalam din to bro.." pinagmayabang din daw ang kanyang talino. Registered Civil Engineering daw kasi kaya yan! Psh!.. Mayabang pa rin talaga!.
"Ahahaha.." tumawa kaming lahat dito. Gago talaga!.
Nabawasan ng kahit kaunti ang anumang bigat ng dibdib ko. Yung pag-aalala ko kanina. Napalitan ng saglit na tuwa at saya.
"Pero seryoso bro. Hanggang kailan ka naman ganyan sa asawa mo?." Natinag ako sa tanong na ito ni Aron. Napalitan ng pagiging seryosong mukha ang galak sa mukha nya kanina. "Kasi alam bro.. baka kapag naisipan mong bumalik na eh, wala ka ng mababalikan.."
"Ano ba kasing problema?." Umupo na si Poro. Kakatapos nyang kumuha ng juice. Halos sabay na tumayo sina Aron at Ryan para magsalin din ng inumin. "Nag-away kayo?." Dagdag pa ni Ryan.
Ayoko sa mga taong mausisa. Allergic ako sa totoo lang. Pero sa puntong ito. Para akong nabudburan ng sili sa pwet. Hindi mapakali hanggat hindi nagsasabi ng problema sa kanila.
"Tinanggal ako sa posisyon bilang CEO.."
Natigilan ang dalawa habang umiinom. Ang dalawa naman. Sina Poro at Dennis. Napamaang nalang sa akin.
"At nahihiya akong umuwi sa kanila because this time, I failed.." yumuko ako dala ng kahihiyan. "I failed myself. I failed them. I failed my own family. All I thought. The best way to cope from this downfall is to runaway...pero..mali...pala ako. Maling-mali."
"Kung alam mo palang mali ka. Why not talking to your love one's. Pinapahirapan mo pala sarili mo e." Pangangaral ni Ryan.
"Ano namang nakakahiya sa nangyari bro?. Hindi mo ba naisip na maaaring isa iyon na daan para makabawi ka sa kanila?. Para makasama mo na sila ng maraming oras?." Si Poro na nangangaral rin.
"Hindi ko naisip iyon.." pagpapakatotoo ko sa sarili ko.
"Then, talk to her now. Bago pa mahuli ang lahat." Naging masigla bigla ang boses ni Aron. Nilapag ang hawak na baso saka hinawakan ng sabay ang magkabilang balikat ko. Tiningala ko sya. "You can still take over your position if you really want to. Alam namin na hindi ka basta bababa ng walang tinatagong paraan para umangat muli. Pero may mas mahalaga kaysa duon bro. Your family. Treasure them as much as you did to your name, position and power. Kapag sila ang nawala, hindi mo na mababwi ang lahat."
At sa mga oras na ito. Hindi mali ang minsang pagkadulas ng tao. Kadalasan pa nga. Ito ang daan upang maitama ang bagay na sa tingin ng iba ay kumplikado.
Thanks to Niko. Minsan din talaga. Ang akala nating mali ay tama sa tamang oras at mga tao. Also. Salamat sa mga kaibigan ko. Na laging nandyan kahit di ko sila kailangan. Truly. Hindi pa rin sila nagbabago.