Pero dumating ang isang linggo. Ganun pa rin ang ginagawa ko. It's like I'm torturing my own self. Na kahit obvious na sa aking gawin ang lahat to fix things out for my family. Hinde. Hindi ko pa rin ginagawa.
"Jaden, anong petsa na?." Here's Ate Catherine now. Pinagsasabihan ako ng kung anu-ano. I can't blame her though. Just like Mama, sina Poro at Aron maging ng iba. Lawhat sila. Iisa lang ang gusto nilang gawin ko. Ang bumalik na sa Australia at magpaliwanag saking pamilya. "Hindi mo pa rin ba tinatawagan ang asawa mo?."
"Ate?.." pigil ko lang sa kanya sapagkat sa totoo lang. Hindi ko gusto ang nangyayaring ito.
"Yang pride mo na naman ba ang pinapairal mo?." Napalunok ako sa narinig. Kung pride man ito. I guess, it might be. Kasi kung hinde naman. Ano pa ba ang maaaring dahilan?. Fall out of love?. Lalong impossible naman. Because if that's the case. Hindi na ako nag-aalala sa kanila. Pero hinde eh. It's not about that. I still love them despite all.
Hindi ako umimik. Umiling na sya ngayon. Dismayado sa nakikita sa akin. Inayos nya ang suot na uniform ng nurse at maging ang kanyang anggulo sa camera. She's working as a nurse sa isa sa mga ospital sa Melbourne.
"Pride nga.." kumpirma nya bigla. Guessing what's really the matter in me. "Ayaw mong magpakita sa kanila dahil natapakan ang pride mo?. Nawalan ka ng trabaho?. Kumalat sa office nyo ang tsismis tungkol sa'yo at dun sa secretary mo?."
"Ate?." Pigil ko na naman sa mga sasabihin pa nya.
"Ano?. Ayaw mong aminin?. Bakit totoo ba ang sa inyo duon sa secretary?."
Kinagat ko ang ibabang labi. Aminin ko. Oo. Totoo ang tsismis. Pero minsan lang nangyari iyon. Hindi na naulit pa. Natukso ako eh. Tinukso ako. Lalaki lang ako. Anong magagawa ko kung andyan na at ayaw akong lubayan?.
"Gago ka pala eh!." Gaya ng pagmumura ko sa sarili ko kanina pa. Heto na rin si Ate. Walang preno ito kung ibato ang malulutong na mura nya. "Ano?. Masarap ba?. Ha?. Walanghiya! Hindi na nahiya!..." Isa lang yan sa mga salitang kaya kong lunukin sa mga oras na ito. Yung iba, pinakinggan ko nalang at hinayaan na dumaan. Wala e. Tama naman sya! Wala akong hiya! At hindi na nahiya sa pamilya ng asawa ko!
"Oh tapos, wala ka na ngang hiya. Pabaya ka pang ama?. Nasaan ang konsensya mo ha?."
Tahimik ako hindi dahil sa wala akong masabi sa mga binibitawan nyang salita. I choose to not explaining everything kasi nga, una palang hinusgahan na nya ako without knowing my side of story.
"Yan ba ang ipinama ni Mama at Papa sa'yo?. Ang hayaan ang pamilya mo't magdusa ng mag-isa ang asawa mo?. Jaden naman! Mag-isip ka naman ng tama! Ilang ulit ba namin kailangang sabihin sa'yo na ayusin mo ang buhay mo hanggat maaga pa. Huwag mong hintayin na lumala pa ito.." kulang nalang pumadyak pa sya sa sahig dahil sa tigas ng ulo ko.
Napagod nalang din sya't basta na nagpaalam at binaba ang tawag. Humiga ako sa kama. Pagod. Kahit wala akong ibang ginagawa rito kundi matulog at kumain. Pagod pa rin lagi ang nararamdaman ko.
Tama nga naman si Ate. Si Mama. Mas lalong may punto sya. Sina Aron, Poro, Dennis at Ryan naman. Tama din sila kung tutuusin. Tama lahat ng sinasabi nila. Sapagkat kahit saang anggulo. Mali ako noong una palang at tama ang asawa ko. Mali ako na kinagat ko ang bitag nung secretary ko at tama si Bamby sa sinabi nyang nasa akin ang desisyon. Wala sa bagay na nakahain sa harapan ko ang mali. Kundi, nasa akin dahil nga hinayaan kong malunod ako duon. Hindi ko alam na may video noon. Sinet up ako for this. For me to stopped down from my position. And it sucks me every time. Hindi ko matanggap sa sarili kong natalo na naman ako ng tukso kaya heto ako't nagdurusa sa kamalian ko.
This is not about who's right or wrong. This is all about who's doing the right thing nor the wrong.
Alam ng lahat kung sino ang tama at mali sa sitwasyon ko. It's just me yung matigas at ayaw pa rin patinag sa mga sandaling ito.
"Ang sabi ko nga. Pahinga ang hanap ko rito. Hindi ang takasan ang lahat ng problema ko." I talk to myself dahil ang sarili ko lang din ang tanging nakakaintindi lang yata sa akin. Wala ng iba. Sila. They know kung sinong mali sa amin. They knew that I am here so wrong. Iyon ang alam nila because I cannot let myself out just in a blink of an eye kasi nga kahit wala pa akong sinasabing paliwanag sa kanila. They already knew that I'm wrong. Like what I've said. I cannot blame them. It's their perspective. At kung hanggang duon lang din ang kaya nilang intindihin. Wala na akong magagawa pa.
Dumaan ang ikalawang linggo. Wala na akong natanggap na text o tawag mula sa kanya.
It saddened me to truth that, ganun nalang ba iyon?. Susuko na sya ng ganun kabilis?.
"Bakit ikaw Jaden, hindi ba ikaw ang unang sumuko sa inyong dalawa?. So why questioning her way of coping?." Malapit na ako sa salitang baliw dahil sarili ko lang din ang kausap ko rito.
Friday afternoon. Dumating halos lahat ng tropa sa bahay. Inimbitahan daw sila ni Mama.
"Gago ka!. Pati kami tinataguan mo?." Ito si Bryan na halos ibato sa akin ang hawak na alak. This time. They want us to take a break from everything. Kaya nagbaon na sila ng alak. Pulutan at syempre ng damit dahil malamang sa mga dala nilang bag. Dito matutulog ang mga ito.
Sinugod ako ni Zaldy at basta nalang inabot ang ulo ko upang guluhin ang buhok ko. "Ang boy Jaden natin, tirahin natin mamaya.. hahaha.." anunsyo pa nya habang tumatawa. Tumawa na rin halos lahat. Pero itong si Kian. Matalim kung tumingin sakin. Kulang nalang suntukin ako.
"Zup bro.." konyo pa nyang bati. Kaakbay pa nito si Karen na seryoso rin ang mukha. "It's been a while boy.." bati din ng kanyang asawa. Ang buong akala ko. Iyon lang ang bating gagawin ni Karen. Hindi pa pala. Itinaas nya ang hintuturo saka nagsabi ng, "Mamaya ka sakin Jaden! Mamaya ka talaga!." She warned like I'm dead hot meal mamaya!.
Nakupo!
Oo nga pala! Kaibigan sya ng asawa ko! Malamang, alam na rin nila ang problema ko!.
Gago ka kasi Jaden! Kailan ka din kaya magtitino?.