Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 56 - Chapter 6: Advice

Chapter 56 - Chapter 6: Advice

Of course. Dahil halos uwian na ng mga taong galing trabaho. Nadagdagan pa ang maingay sa bahay.

"Shuta! Ang isang bakla, umuwi pala!." Gago! Lalong umingay ng dumating ang Winly. Kakababa lang nito ng bag nya ng bigla nitong ialok ang kanang kamay sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay. "What?." Tanong ko kasi nga. Nabigla ako. It's not his usual thing sa tuwing umuuwi kami rito at ginaganap ang reunion ng buong tropa. Anong nais nya?. His usual is that just a simple smile and a nod.

"Anong what?. Binabati lang kita.. ano ka ba?." He giggles sabay luha ng kamay ko para idala sa kanyang palad. We shake hands at sya pa rin ang gumawa. Napatulala ako sa totoo lang. Para nila akong sinasampal ng katotohanan dito. Tipong kahit wala silang banggitin tungkol sa problema ko. They knew. I don't how but I can feel it. I can sense it. The way they look at me. Doubtful. I know what that means. At kung magbulungan sila. Mahina. Hindi gaya noon na bulungan na ngang sabi, maingay pa. At isa pa. Para bang hindi nila ako kaharap ngayon. Disregarding my presence. It's weird really. O baka naiisip ko lang ito dahil magulo ngayon ang isip ko. Hay.. Either way. Bahala na sila. Bahala na!

"So, guys. Settle down.. mag-uumpisa na tayo.." anunsyo pa nito na para bang nasa isa kaming Christmas party. At sya ang host.

Nagsitahimik naman ang lahat. Nagkanya-kanya ng upo dito sa roof deck ng bahay. This deck is one of my dream. Nagawa ko lang sya nitong nakaraamg taon. And honestly. Ito ang pinakamagandang parte ng bahay ngayon. Mataas ang pader na pinagawa ko. Mayroong sariling comfort room at kitchen. And a small room na kasya kaming lahat. Actually. Hindi na sana lalagyan ng bubong ito. Kaso lang. Bamby suggested it that it is convenient daw ito kapag sakaling umulan. Hindi na kami tatakbo pababa. She's thinking outside the box talaga. Dahil gaya ng sabi ko. Maging si Niko. Ito raw ang paborito nilang tambayan kapag gustong maglasing o magmuni-muni. Hindi naman lahat ng space ay nilagyan ng bubong. Half of this floor is still open. May set of table din dito at isang jacuzzi na pwedeng pagliguan kapag nagsawa na sa alak. It is a refreshing place for me and for my family. The every corner of it has an sliding glass door. Pwede itong isara kapag malamig ang hangin o maulan. Pwede ring buksan kapag ganitong maalinsangan at mainit ang panahon. So, it's really for all the season.

"Hindi ko makausap ng matino ang Bamblebiee.." panimula talaga ni Winly. Nakaupo ito sa kanang bahagi ng sofa bed. Hawak nito ang isang baso ng alak. Nasa kanan nito si Karen, Kian, at Dennis. Si Zaldy naman ay nakatayo sa gitnang bahagi kung saan nakatanaw sila pareho ni Bryle sa labas. Si Bryan naman ay sa pang-isahang upuan subalit pinatayo sya ni Winly at duon ako pilit na pinaupo. Bale sa sahig na naupo si Bryan kasama si Aron, Ryan at Poro. "Pero nung huli naming pag-uusap. Umiiyak sya. Hinahanap ka nya."

"Ang aga naman nyan Win. Pwedeng mamaya na yan?." Angal ni Aron dito. Matalim syang tinapunan ng tingin ng bakla.

"Bakit pa natin patatagalin?. Kaya nga tayo nandito para tulungan sya diba?." Supladang sagot ng isa. Nanghahamon na ng away.

"Oo nga naman. Actually bro. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit nandito kaming lahat." Paliwanag din ni Kian.

"True. Kita mo ha. Nag-absent pa kami o di kaya ay maagang nag-out for this. Gusto ka naming makasama sa mga ganitong oras." Pag-aamin din ng bakla.

"I know. Salamat sa inyong lahat." Tinignan ko sila isa-isa. Last kong napansin si Niko. Kadarating lang nya't agad umupo sa tabi ni Ryan. Ayoko sanang nandito sya pero wala na akong magagawa pa. Andyan na eh. Kapag pinababa ko pa. Magtatampo na! Solid Bamby at Jaden pa din ito. "Salamat. Kahit wala akong sinasabi sa inyo. Alam nyo agad na kailangan ko ng masasandalan."

"Ano ka ba?. Syempre naman!." Si Winly ito na agad nilagok ang hawak na alak. Tumayo ito nagpasalin ulit kay Dennis ng bago. Sinita sya ni Karen na baka agad itong malasing.

"Tsaka. Alam mo na. Para malaman din namin kung anong totoo. Para di na rin kami mga manghuhula rito. Nagtatanong ng kung anu-ano." Dagdag pa nya.

"Totoo ba?." Biglang tanong na ngayon ni Karen. Napalunok ako ng di oras. "Na nagloko ka kaya ka nila tinanggal sa posisyon mo?."

Pinaloob ko ang labi. Kabado ako sa totoo lang. Tipong di pa ako handa na aminin sa kahit na sino ang lahat pero kung iisipin kong uurong ngayon, kailan naman ang oras na aamin ako?. Kapag nagsawa na ang mga taong ito na pakinggan ako?. O kapag nagsawa na rin ako mismo sa sarili ko sa kasinungalingam na pilit tinatakasan?. Better this way. It's now or never!

"Inaamin ko. Oo." May agad bumara sa lalamunan ko matapos itong aminin sa kanilang lahat. Ayoko silang tignan sapagkat nahihiya ako. "I didn't mean to do that. It's not my intention either to make that. It's just a mistake. A big...one...mistake. My mistake to take the bait that they lend me. Nagpadala ako sa tukso kaya ako humantong sa ganito."

No one dares to talk. Tahimik silang lahat. Pinoproseso siguro ang mga sinabi ko o baka, tinatanong ang kanilang mga sarili kung nagsasabi ba ako ng totoo. I know, it's hard to weigh what's right when something is wrong. Mahirap hanapin ang tama sa pagkakamaling nagawa ng isang tao. It takes courage and time to find out what's matters the most. Pero kung paiiralin lang siguro lagi natin ang puso at hindi ang isip natin. Nothing is hard. Walang kumplikado at walang laging nadedehado.

"Hindi ko rin gustong taguan o layuan ang pamilya ko, lalo na ang asawa ko. It's just that... I want my alone time. Gusto kong mapag-isa muna at hanapin ang sarili kung saan nagsimula. I want to take a step back at this moment. Para pagbalik ko sa kanila. Buo ulit ako. Ayokong bumalik na may kulang sa pagkatao ko."

"We understand you with utmost respect Jaden. We are not siding anyone also here. We are just a concern friends to both of you. Alam namin na kailangan mo din ng oras para sa sarili mo. Para buuin muli ang nawasak na pride mo. But, one thing na di namin maintindihan. Bakit kinakaya mong isugal ang pamilya mo sa pansarili mong interes?. Kung gustong mong buuin muli ang sarili mo just like what you've said. Bakit hindi mo sila isama?. Parte na sila ng ikaw. Parte na sila ng pagkatao mo?. Bakit?." Mahabang saad ni Winly. Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's damn serious. Hindi naman sya mukhang lasing. Talagang nagsasabi lang siguro sya ng totoo.

"Nahihiya ako Win.." this is the truest of them all. Sa wakas. Naamin ko rin sa sarili ko at sa ibang tao na nahihiya ako. "At natatakot rin. Nahihiya akong bumalik kay Bamby pagkatapos ng lahat ng kasalanan ko."

"Bamby will understand you.." singit ni Karen. Pinigilan sya saglit ni Kian.

"Yeah. She'll definitely understand me. Knowing her critical thinking skills. Alam ko na konting paliwanag ko lang ay maiintindihan na nya ako. Pero natatakot ako Win. Natatakot ako na baka pagkatapos nya akong intindihin, mag-iba na ang lahat sa amin. Baka hindi na sya yung dati pagdating sa akin.. at baka...iwan na nya ako.." umiling ako habang nakayuko.

"Tsk!. Sa tingin mo ba, sa ginagawa mong ito ngayon hindi mo sya binibigyan ng ideya na iwan ka nya?. Ikaw din mismo ang gumagawa ng problema Jaden. Are you even aware of that?." Si Karen naman ito. Sila lang ni Winly ang talagang umaapaw ang tanong ngayon.

Napatanga ako. "Its not the problem ang iniiwasan mo eh. It's you. Always you. Lagi mong sinasabi na nahihiya ka because you're no longer the CEO of your company. Ang sabi mo pa. Nahihiya ka because of the scandal. And lastly. Natatakot ka because they might change. Sa tingin mo, hindi sila magbabago dahil sa'yo?. People change Jaden. Change is the only constant. Kung gusto mong ayusin ang lahat simula umpisa. Unahin mo ang sarili mo. It's always you yourself that needs to be fixed." Pangangaral pa ni Winly. Tumango nalang ako dahil tama naman yata sya.

"We are here not to force you to the things na ayaw mo pang gawin sa ngayon. We are here to give our utmost advice. Gusto naming mapaayos ka at malaman mo na hindi ka nag-iisa sa labang ito." Ani Aron na kumuha ng baso at iniabot sakin. "Cheers to clear progress and growth.." anya sabay taas ng kanyang baso.

Nagsitaasan sila ng baso sabay sabi ng cheers. Nag-inuman kaming lahat. At dito nag-uumpisa ang sinasabi nilang 'hot sit'.