Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 57 - Chapter 7: Walang alam

Chapter 57 - Chapter 7: Walang alam

"So, paano ka nga nahulog sa bitag nung secretary mo?. Maganda ba sya? Sexy?." Lasing nang tanong ni Dennis. Kanina pa kami umiinom. Lasing na si Niko. Actually. Nakapikit na nga. Nakanganga pa. Si Zaldy naman. Nandun na sa may jacuzzi. Nagbabad na dahil sa may tama na rin. Tumayo si Kian at nagtungo din duon. Sumunod din si Karen dito at tumabi sa loob ng jacuzzi. Malaki naman iyon. Kasya ang walong tao. Si Dennis, Poro, Ryan, Bryan, Bryle at Winly. Heto pa sila't parang hindi man lang natinag sa mga alak na naubos na.

Tinungga ko rin ang alak na laman ng aking baso. Agad kong naramdaman ang pait at init nung dumaan ito sa lalamunan ko.

"Malamang maganda pare. E kung Australiana ba naman eh." Ani Bryle na kasalukuyang ngumunguya ng pulutang mani.

"Anong lasa pre?."

Mabilis binato ni Dennis ng tansang ang mukha ni Ryan habang umiiwas na ito. "Below the belt na, gago!." Sita sa kanya ni Dennis. Sila ni Poro, Zaldy at Mark ang para na naming mga Kuya dito sa tropa. Kaya kung sumuway na ang mga ito sa mga sinasabi namin at ginagawa. They are really serious about the matter.

Umilag lang ng umilag si Ryan. Patuloy din kasi ang pagbato ni Dennis dito. "Part of the topic din naman yung tanong ko. I'm just asking lang po.." paliwanag nito.

"Kahit na. Atleast naman bro. Know your choice of words. Hindi yung basta tanong ka nalang ng tanong.." Dennis has a point. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko rito. Bababa na ako't matutulog nalang. Lalo na at parang unti-unti na ring nilalamon ng alak ang katawan ko.

"Okay then. Relax okay.. chill.." itinaas ni Ryan ang mga kamay. Suko na. But he said na hindi lang iyon ang gusto nyang itanong. "Mahirap ba talagang pigilan ang tukso kapag nasa harapan mo na ito?."

"Ryan?." Banta na ni Dennis. Pero pinigilan ko sya.

"Let him be bro. Ayos lang." Pigil ko sa namumuong galit sa kanya. Kinuha ko ang bote ng empe at nilagyan ulit ang kani-kanilang mga baso. "Alam nyo. Mahirap talagang pigilan ang tukso." Panimula ko. They all sat again sa dati nilang mga pwesto kanina. Bumalik na rin si Zaldy galing jacuzzi. Nagpunas ito ng katawan saka isinuot ang dalang damit na pantulog. Tapos umupo sa tabi ni Winly na tutok ang mata sa akin. Na para bang, anumang oras. Kaya nya akong sugurin o bigwasin dahil sa mga kwento ko.

"Kaya ba mas pinili mo nalang na tikman ito?."

Gago!

"Hindi sa ganun Win.."

"Kung hindi ganun. Bakit ka humantong sa sitwasyon mo ngayon?."

Napalunok ako. My head is throbbing now. Kulang nalang pumutok ito at magkalat nalang basta sa sahig. Mas dumoble pa nang umakyat na sa ulo ko ang init ng dugo ko.

"Natukso lang ako Win.."

He snorted like I'm a big fat liar here. Kumulo lalo ang dugo ko.

"Natukso ka o hindi mo lang napigilan ang sarili mo sa–..."

"Pwede ba!." Di ko na napigilan pa ang pagtaasan sya ng boses. He's beyond words. Tumaas ang mga kilay nya't pinanlakihan ako ng mata.

"Galit ka ngayon?. O sige!. Kung galit ka. Mas galit ako sa'yo!." Nanlilisik na rin ang mga mata nya. Galit ako kasi pinangungunahan nya ako. Hinuhusgahan pati pagkatao ko. Bakit?. Mali bang magkamali ang isang tao?. Oo na! Mali na kung mali ako! Bakit?. Anong magagawa nya ngayon?. Sa tingin ba nya makakatulong sya?. Hinde!

Umahon na rin sina Kian at Karen sa may jacuzzi. Napansin na rin siguro ang tensyong meron sa loob. Si Aron na kakalabas lang ng cr ay agad nilapitan si Winly. Binulungan nya ito pero hindi pa rin ito nagpatinag.

"Oo na Win! Mali na ako. Maling mali na ako. O ngayon. Umamin na ako. Sige. Tawagan mo na ang asawa ko. Isumbong mo lahat ng sinabi ko."

"Jaden, bro.." pigil din sakin ni Kian.

"Sige na. I won't stop you. Ibibigay ko pa sa'yo cellphone ko." Kinapa ko ang magkabilang bulsa ko. Pero wala akong makapa. "Putang*nang buhay to!." Malutong kong mura sa inis! Tumayo ako't basta nalang hinagis ang hawak na wine glass sa pader. Mabilis nag-ingay ito at naging pira-piraso.

Nagulat ang lahat. Nataranta sila bigla.

Tinulungan ni Karen si Winly na tumayo at pilit na pinapakalma. Si Poro naman. Lumapit sa akin. "Boy, calm down." Mahinahon nitong bilin. Ngunit kahit ano na yatang gawin nilang pagpipigil sakin ngayon. Wala na! Napigtas na ang pisi ng pasensya ko.

"Putang*na! Ano sa tingin nyo, na madali lang ang lahat sa akin?. Na ginusto ko iyon?. Oo na! Maganda yung secretary ko. Sexy, tangina!. Pero Win..." Nanlabo ang paningin ko't walang dudang naglandas ang mga luha dito. "Mahal ko ang kaibigan nyo.. si Bamby... ang Bamblebiee, sya ang buhay ko. Sya lang ang laman nito.." ilang ulit kong pinukpok ang bandang puso ko. I cried a minute. Yumuko ako dahil pakiramdam ko, wala akong mahanap na hangin sa paligid ko. "Mali bang intindihin na nagkamali ako?. Tama bang ilang ulit nyong ipakita sakin na wala akong kwentang asawa?."

"Wala ka naman talagang kwenta!." Humirit pa talaga sya!

Dito ako muling umahon at umayos ng tayo. "Anong nangyayari dito?.." dinig ko ang boses ni Mama. Pero binalewala ko na iyon. Kay Winly ang atensyon ko.

"Wala kang alam Win." Mahinahon kong saad kahit punong-puno ng galit, inis, yamot at tampo ang puso ko. Bakit nya kailangang gawin ito?. Alam kong nasasaktan din sya dahil kaibigan nya si Bamby. Pero bakit hindi ko maintindihan ang dahilan nya?. Malabo para sakin.

"Oo. Wala akong alam Jaden. Sino naman ako para makialam sa inyo. Pero hindi mo ba alam? Nasasaktan ang asawa mo?."

"Winly, tama na yan!." Binantaan na ni Karen ito dahil mukhang marami pa syang gustong sabihin.

"Jaden?." Si Mama na ang pumagitna sa amin. "Anong nangyayari dito?."

Naging tahimik ang lahat. Di ako nagpatinag. Lumagpas kay Mama ang tingin ko. "Ako ba?. Sa tingin mo, hindi nasasaktan rito Win?." Dismayado ako. Sobrang nadismaya ako sa kanya sa totoo lang.

"Mama.." dinig ko na rin ang boses ni Niko. Sinasabi nya siguro na pahintuin na ako ni Mama pero hindi nya lang masabi.

Tinignan lang sya ni Mama. Tapos ibinalik ang mata sa akin. "Sige lang. Kung anong gusto mong sabihin. Sabihin mo." All I thought. Pipigilan nya ako. Iyon pala, hinde. "Makikinig kami." Naglakad sya't umupo sa sofa na kinauupuan ng lahat kanina. "Win hija. Dito ka sa tabi ko." Tinawag nya pa ito. Sumunod din ang isa.

"Umpisahan mo mula una hanggang sa napadpad ka rito anak. Gusto ko din kasing marinig mismo sa'yo.."

"Pagod na ho ako.." nagwalk out ako kahit ilang ulit tinawag ni Mama ang pangalan ko.

Ang ayoko sa lahat. Yung pinipilit akong gawin ang ayaw ko. Yung hinuhusgahan ang pagkatao ko. Yung kahit magpaliwanag ka pa ng todo. Ikaw at ikaw lang din ang mali.

Mali bang magmakali?. Kung mali nga, bakit mali lagi ang daan upang tayo ay matuto?. Bakit ang mali ang syang nagtuturo sa atin ng tama at hindi ang tama?. Bakit ang kumplikado yata ng mundo?.