Marahas kong inihampas ng todo ang pintuan ng silid ko. Saka sinipa ito upang ihambalos din ang pagsara rito.
"Jaden?." Sinita muli ako ni Mama. Ang buong akala ko. Hindi na muna sya bababa. Tatanungin ang mga taong nandun kung anong nangyari. Aalamin kung anong puno't dulo ng lahat. Pero heto sya. Nag-aalalang tumingin sakin. Binuksan ko ang kurtina na nakaharang sa malaking bintana na gawa rin sa salamin. "Huminahon ka." Pagpapakalma nya pa sakin subalit ramdam ko na huli na iyon.
"Paano ako kakalma Ma?. Lahat nalang kayo sinisisi ako.." parang nadurog ang puso ko ng marinig ang sariling boses na basag. I hold a grip of the window steal. Sumalubong ang hangin sa mukha ko. Naghalo ang lamig at init dito. Ang usok din ng dumaang sasakyan at amoy ng mga kapitbahay na kasalukuyang nagluluto ay naghalo-halo. Parang ang bugso ng damdamin ko. Kumplikado!
"Nagkakamali ka ng iniisip ana–.."
Pumikit ako ng mariin. Pilit pinapakalalma ang nagrarambulang emosyon ko. Kahit ano na yatang salita ang sambitin nya ngayon. Wala na. Naubos na ang mahabang pasensya na baon ko pa simula nang umalis ako ng Australia.
Ano bang sabi ko?. Hindi ba ang pahinga ang hanap ko dito?. Ilang ulit ko na ring binanggit ang tungkol sa gusto kong gawin dito. Gusto kong mag-isip. Mapag-isa para makapag-isip pa lalo ng tama. Bakit ba, hindi nila iyon makuha? Bagkus pa! Binibigyan na nila ng husga ang pag-uwi ko rito.
Oo na! Kung sa kanila. Mali na itong desisyon at pag-uwi ko. Mali bang piliin ko muna rin kahit saglit na tama ang ginagawa ko?.
Mali na bang unahin muna ang sarili ng kahit sandali lang?.
Bakit lagi nalang may sinasabi ang mga tao?. Bakit hindi maubos-ubos ang mga panghuhusga nila?. Imbes na tulungan ako't samahan sa tahimik na paraan?. Ano?. Anong ginagawa nila!?. Letcheng buhay to!!
"Umuwi ako rito Ma para makapag-isip.. hindi ang ipakita sa madla na mali ako." Umupo na ako sa sahig dahil sa pagod. I am so tired of everything. Pagod kakaisip sa lahat ng pamilya ko. Sa iniisip ng ibang tao tungkol sa akin. May lugar pa ba ang sarili ko?. Kasi kung idadagdag ko pa. Mababaliw na ako!
Malapit na ako sa pintuan ng kabaliwan.
Lahat nalang mali. Lagi nalang silang tama! Nasaan ang hustisya?.
Kapag ba mali ang nagawa mo o naging desisyon mo, hindi na ba iyon mababago?. Hindi ba pagkakamali ang daan para tayo ay malihis sa tamang daan?. Hindi ko sinasabing ayos lang magkamali. Hindi ko rin iniuutos na gumawa ng mali. Ang pinupunto ko rito. Kapag ba may nagkamaling tao. Dapat ba husgahan agad ito?. Mali na bang alamin muna ang puno't dulo. Ang dahilan at damdamin ng taong involved dito bago magbigay ng husga o opinyon tungkol sa nangyayari?. Bakit tayong mga tao, mabilis magbigay ng opinyon?. Ayaw munang alamin o aralin ang bagay bagay?. Is it because it's easy to judge at mahirap hanapin ang tama sa mali?. Or isn't it people loves to see someone fall down from their rise?. Ganun ba iyon?.
"Pagod na pagod na ako Mama.. ayoko na!.." I cried like a baby here. Nakayuko ako. Hindi iniinda ang malamig na samento. "Matapos lahat ng sakripisyo ko.. ganito lang din pala ang kahahantungan ko?. Anong mali?. Nasaan ako nagkamali?."
"Anak..." I heard her voice almost cracked. Para bang, gusto nyang lumapit pero hindi nya alam kung paano. Because she knew. Anytime this moment. Maaaring hindi lang ito ang mararamdaman ko.
"Lahat naman ginawa ko. Lahat binigay ko. Buong ako. Inalay ko. Saang banda ako nagkulang Mama?." I let my self out for the sake of my dream. I risk it all. I have no doubt about that. Kung ganun. Saan ako nagkulang?.
"Iyon ang mali mo anak.." she paused. Hindi ko alam kung bakit. A minute later. "You give it all. Binigay mo lahat. Inalay mo lahat. Wala kang tinira para sa sarili mo. Kahit man lang sana kapiraso ng pagkatao mo ang tinago mo para sa'yo. Pero wala.. you took it all for granted."
Para akong tinamaan ng malakas na boltahe ng kuryente ng kidlat. Para akong sinampal sa magkabilang pisngi ng sabay! At para rin akong sinakal ng kay higpit. Kulang nalang. Hindi ako makahinga!
Yung katotohanang nasambit nya! Iyon na siguro ang mga salitang pilit kong tinatakbuhan at tinatakasan. Iyon na yata ang sagot na hinahanap ko.
"Dahil mahal ko sila, kayo.."
"Oo, magmahal ka. Mahal mo sila. Minamahal mo kami. Pero lagi mong tandaan. Dapat laging may natitira na kahit maliit na pagmamahal din para sa sarili mo. Iyon ang tanging paraan para hindi ka maubos. Para hindi ka mapagod. Para hindi ka maghanap ng kulang at hindi basta bastang magsawa." She paused. Saka ko lamang naramdaman ang paglapit nya. Umupo sya't sumandal nalang basta sa likod ko. Nagulat ako noong una. Pero naalala ko pala. Ito ang gawain ni Mama kapag alam nyang nasasaktan ako. Ito ang nakaugaliaan nya noong bata pa ako. Ang umupo sa likod ko't sumandal dito. "Ang mahalin ang sarili ang pinakamahirap sa lahat ng klase ng pagmamahal anak. Dahil hindi mo ito makikita sa iba. Hindi mo rin ito matutunan sa palabas sa telebisyon. Walang formula o kahit anong master plan na laging bukambibig mo. Walang ibang makakatuklas ng pagmamahal sa sarili mo kundi ikaw mismo. You, your ego sometimes overpower you kaya minsan hindi mo mabigyan ang katiting na pagmamahal ang sarili mo. Kung pride kasi ang labanan. Maraming proseso yan. Pero kung pag-ibig yan. Iisa lang ang sagot dyan." Tumigil muli sya't kumuha ng hangin saka nagbuga. Ramdam ko ang pagbuntong-hininga nya. "Let out yourself. Be you. Be your true self. Husgahan ka man ng iba. Talikuran ka man ng mundo. Dapat huwag mong hayaan na pati ikaw, tumalikod sa sarili mo."
Tumingala ako saka pumikit. Damang dama ko ang purong pagmamahal nya. Bilang isang Ina. Walang bahid ito ng galit o kahit na panghuhusga. Wala akong maramdaman sa kanya na pagdududa. Kung tama ba ang anak nya o mali. She's like a baby. Inosente sa mga salitang lumalabas sa labi nya.
"Wala akong ibang hangad sa inyo kundi kasiyahan anak. Hayaan mo na ang karangyaan. Kung yan ang sisira sa katayuan mo bilang ikaw. Ibigay mo nalang sa iba. Kung ang pangarap mo lang naman ay ang makasama ang babaeng pinapangarap mo noon at makasama sya para bumuo ng masayang pamilya. Bakit hindi mo gawin iyon?. Simple pero masaya, hindi ba?."
Nang dumilat ako. Nakaharap na sya sakin. May ngiti sa labi. "Huwag mo na kasing pilit abutin ang tuktok anak kung hindi mo kaya. Wala namang mali sa pag-abot ng tuktok. Pero kasi. Baka sa kakatingala mo sa taas. Mawala nalang sa'yo lahat ng dahilan kung bakit gusto mong abutin ang dulo ng itaas. Mamuhay ka ng simple. Ayaw mo nun. Makakasama mo pa nga anak mo.."
"Pero hindi po sanay si Bamby sa ganun.." nagdalawang-isip pa ako dito. Paano ko nasabi ito?.
Matindi syang umiling. "Nagkakamali ka. Marangya man ang kinalakhan ng napangasawa mo. Sabihin ko man sa'yo o hinde. Alam mo ito. Isa sya sa pinakasimpleng tao na nakilala ko, nating lahat. Hindi ba?." Sinilip nya ang mga mata ko. Kasabay ng paglawak pa ng kanyang ngiti. "Hindi ba't iyon din ang nagustuhan mo sa kanya?." Hinawakan nya ang baba ko. Kaya dahan-dahan na rin akong napatango. "Bonus mo nalang yung maganda na nga, mabait pa. Diba?. Boy Jaden?."
"Tsk!. Boy Jaden" I almost rolled my eyes. Just like my wife's habit. Nawala yata kalasingan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya sapagkat hindi ko aakalain na sa kaunting oras. Lahat ng emosyon ay mararamdaman ko.
Tumawa na sya ngayon at ginulo ang buhok ko. She still added na, malaki na raw ako para magmaktol nalang dito. Kailangan ko raw panindigan ang mga desisyon ko't ipakita sa tao na ito ako. Na walang mali sa ginagawa ko at tama ang lahat ng naging desisyon ko.
And I just realized that. Tama nga sya. Naging matayog ang pangarap ko. Naging mataas din ang tingin ko sa sarili ko. Laging laman ng isip ko ang tuktok ng tore ko. Pero never did I think that, being simple is the only way to break through from all of this. Simula sa pamilya ko. Sa asawa ko. Sa mga anak ko. Naisugal ko ang oras ko na para dapat sa kanila. At sa sarili ko. Nakalimutan ko ang pagiging isang simpleng boy Jaden ng asawa ko.