Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 53 - Chapter 3: Mama

Chapter 53 - Chapter 3: Mama

"Bakit?." Ani Mama. Maaga akong nagising at hindi na muling dinalaw ng antok. Pagod ako. Gusto talaga ng pahinga. Pero hindi ko yata kayang makapagpahinga sa ngayon. Ewan ko ba. Ano ba ang ibig sabihin ng pahinga?. Yung katawan lang ba ang dapat na magpahinga?. Kasi kung ang katawan lang ang nasa usapan, mabilis lang. Itulog mo lang ng isang oras o dalawa. Okay na. Upo ka lang maghapon hanggang magdamag. Ayos na. Pero hinde eh. Hinde. Iba. Iba kapag usapang pahinga. It's either pagod ka mentally or emotionally. Neither of the two. Ito ang mahirap. Iba kasi kapag isip na ang kailangan ng pahinga?. Iyon na ang ibang usapan. It's a long tiring journey. Nakakapagod na nakakabaliw na nakakaubos ng lakas. Tipong kahit wala kang gawin ng isang buong bainte kwatro oras. Pagod ka pa rin. Iba!

"Bakit pinili mong pumarito?." Ulit pa rin ni Mama sa tanong nyang di ko sinagot kanina. Naglapag sya ng isang tasa ng umuusok na kape sa harapan ko. Nasa kubo ako. Pumunta sya rito matapos akong matanaw mula sa pintuan ng kusina. Yakap ko ang sariling jacket kahit na medyo mainit dito sa kubo. Alas kwatro palang kasi ng madaling araw at medyo malamig ang panahon. Kaya ko namang tiisin ang lamig at init subalit pakiramdam ko ngayon. Kailangan ko lang ding yakapin ang sarili ko. "Hindi ba magtatampo ang asawa mo sa ginagawa mo?." She's referring to the calls and texts na hindi ko sinasagot from my wife. She knows this dahil sa tuwing maingay ang cellphone ko. Sinasabi nya ito sakin. Been five days na rin simula nang umalis ako ng bahay hanggang sa pag-uwi ko rito. Mahabang byahe. Mahaba-habang byahe.

"Mali ang takbuhan ang problema anak ko.." umpisa na nya. Kinuha ko ang kape saka tinikman ito. Dumaan ang pait sa lalamunan ko. Nasobrahan nya yata ng kape! Alam nyang hindi ito ang gusto kong timpla ng kape. Kaya bakit ito ang ginawa nya?.

"Gaya ng kape na yan.." see?. So. It's not like she doesn't know the taste. It was really her intention to give it to me this way para malaman ang sasabihin nya ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako. Pakiramdam ko. Bumalik ako sa pagkabata. Sinesermunan ng Mama.

"Kahit gaano pa kapait ang buhay. Kailangan mo talagang lunukin ito. Harapin at kunin. Gaano mo man ito kagusto o hinde. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil ito na ang nakahain sa harapan mo."

"Hindi naman ho si Bamby ang nagloko Mama. Ako po." Matapos lunukin ang muling kape na tinikman. Nilingon ko sya.

Habang hinihipan nya ang kanyang kape. Tumatango ito. "Alam ko. Hindi naman sya ang tinutukoy ko rito. Ikaw." Direkta nyang saad. Di man lang nagpaliguy-ligoy. Diretso talaga. Nginitian nya ako bago binigyan ng isang ngiwi.

Muntik na akong masamid sa sariling laway.

"Alam ko, na simula noong nasa taas ka ng tore at tanaw ang malayong ibaba ng lupa. Nag-iba ka."

Nanlaki ng bahagya ang mata ko. Maging ang labi ko'y hindi napigilang umawang. Parang napompyang ang ulo ko dahilan para lumaki ito at matigilan ako. Napunto nya agad ang lahat!

Ang galing!.

Nanay ko nga pala sya!

Totoo ba?. Hindi ko maiwasang itanong ito sa sarili ko.

"Totoo, kaya huwag mo ng tanungin pa ang sarili mo.."

"Mama." Ito lamang ang kaya kong sabihin sa ngayon. Para akong binatukan ni Mama ng malakas kahit kailanman, hindi dumapo ang kamay nya sa batok ko.

"Dahil sa pagmamataas mo sa sarili mo. Nakalimutan mo na ang dapat na mahalaga sa'yo.." di ko maiwasang tumitig sa mukha nya. Ngayon ko lang napagtanto. Matanda na pala talaga ang Mama ko! "Nalimutan mong ang oras ay nauubos. Ang trabaho ay natatapos. Ang project ay nandyan lang yan. Pero ang mga anak mo?. Si Knoa, napabayaan mo. Ang kambal mo?. Malalaki na sila. Baka hindi mo pa alam?. At ang huli, ang asawa mo?. Kilala mo sya Jaden. Ikaw lang at ikaw ang kanyang gusto. Hindi yang pera mo. Hindi rin nyang mamahaling rolex at sasakyan mo. Hindi din yang posisyon mo at pangalan mo. Ikaw ang kailangan nya sa pamilya nyo anak ko. Ikaw.." tinapik nya ang bandang dibdib ko. Saka sa labas na sya tumingin. "At alam mo bang nasaktan ako noong makita kita rito?." Tumingin muli sya sakin. "Tinanong ko pa ang sarili ko kung bakit ka nandito?." Huminto sya't sumimsim muli ng kanyang kape. "Dahil babae din ako. Hindi lang iyon. Nanay din ako. Anak kita. Oo. Gusto kong makita kang umuwi rito. Gustong gusto kong makasama ka lalo. Pero mali e. Hindi mo ba naisip na mas may mga taong sabik kang makita at makasama kaysa ako?."

"Mama, hindi po ganun.." pigil ko sa sinasabi nya.

Umiling lang sya. "Hindi nga ganun pero gusto kong marinig mo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi sa ayaw kita rito Jaden. Si Bamby, sya ang asawa mo. Kung noong hirap ay kasama mo sya hanggang sa pag-abot ng iyong pangarap. Bakit hindi mo sya pinili sa ganitong panahon na kailangan nyo ang isa't-isa?. Hindi man sabihin ng asawa mo na kailangan ka nya. Alam ko anak kasi ramdan ko. Si Bamby, hindi yan nagsasabi ng nararamdaman nya kapag nasasaktan. Sinasarili nya ito hanggat kaya nya pa. Alam mo yan."

Yumuko ako sa katotohanang natanto. Saka dahan-dahang tumango. Opo nga po! Ganun nga po sya. She's cold when she's hurt.

"Alam ko po yan Ma.. ayaw ko lang pong problemahin nya ang problema ko."

"Ano pang saysay na ikinasal kayo kung sinasarili nyo rin mismo ang problema ninyo?. Ang mag-asawa, nagtutulungan dapat yan. Nagdadamayan sa lahat ng pagsubok ng buhay. Matamis man yan. Mainit. Malamig. Mapait o walang lasa ang dumating na problema. Dapat kayong dalawa ang laging magkasama. Hindi yung tatakbo kang parang bata at tatalikuran nalang basta ang hiya." She topped my shoulder. "Hindi ka na bata Jaden. Huwag mong hayaan na maulit muli ang pagkakamaling nagawa mo noon. Huwag mong hayaan na mawala ang walang katumbas na halaga sa buhay ng tao. Ang pamilya mo. Iyon ang tunay na ginto sa mundong ito. Hindi ang tuktok ng tore mo."

Yumuko ako. Hindi sa wala akong masabi sa oras na ito. Sa puntong ito. Nawalan ako bigla ng lakas ng loob na tumingin sa mata nya't ipakita na okay lang ako. Na hindi ako nasasaktan. Na malakas ako. She knew. Kahit magpanggap akong hindi nasasaktan dito. Alam nya. Kahit hindi ako magsabi na maaayos din ito. Alam na nya.

"At hindi ko rin hahayaan na tumira ka dito. Huwag ka sanang magalit sa akin. Sinasabi ko lahat ng ito hindi sa kapakanan ko. Kundi sa kaayusan at kapakanan ng pamilya mo. Nanay ako. Alam ko ang makakabuti sa'yo bilang anak ko. Bumalik ka. Balikan mo ang asawa at mga anak mo. Umuwi ka na sa inyo at doon hanapin muli ang sarili mo. Si Bamby ang bumuo ng pagkatao mo. Jaden Bautista ang ipinangalan ko sa'yo pero naging Mr. Jaden Bautista iyon ng maging kayo. Alam kong mahal na mahal mo sya. Higit pa yata. Mahal mo sila syempre. Walang duda. Kaya hanggat maaga. Umuwi ka na at ayusin ang inyong problema. Magpaliwanag ka at magpakatotoo sa kanya. Sa sarili mo at sa pamilya mo. Kung gusto mong buuin muli ang sarili mo. Si Bamby ang sagot dyan. Kaya naman. Huwag sanang sumakit ang loob mo sa ginagawa kong pagtulak sa'yo palayo. Hindi ganun. Gusto ko lang ituro sa'yo na, minsan may mga bagay na dapat unahin muna at iyon ay ang sila. Ayos lang kami. Huwag mo na kaming alalahanin.."

"Mama.." hindi ko mapigilan pa ang yakapin sya ng mahigpit. Duon sa balikat nya ako umiyak ng tahimik.

Tama nga sya. Tama sya sa lahat ng bagay. At tama sya sa lahat ng anggulo ng buhay. Tunay nga, na ang mga magulang ay dapat nating pakaingatan dahil wala silang katulad.