Sa swimming pool kung saan tanaw ang malayong dulo ng dagat na malapit nang halikan ang papalubog na araw. Pareho kaming nakalusong ni Jaden. We choose to spend this last day of our trip para di namin parehong pagsisihan ang mga ganitong panahon. It feels like this coming days will become hectic for us dahil sa susunod na ring araw ay papasok na ako sa opisina. It's Jaden's decision. Ang gusto pa nga nya. Work from home nalang ako kaso I also want to feel the field of my profession kaya ayun. Pumayag rin.
"Tumawag ulit Kuya mo. He's asking for the twins belongings." He's pertaining to Kuya Lance. Sya kasi ngayon ang kasalukuyang nag-aalaga sa mga kambal dahil sina Mommy ang nasa ospital. Kapalitan nito. And you know what? He keeps on asking us where is the belongings of his niblings. Makulit! Sobra! Ugh!.
Ipinahinga ko ang aking baba sa kanyang malapad na balikat saka sya sinagot. "Di mo nalang sana sinagot." biro ko.
Sumimsim ito sa alak na nasa kupita nya't nilapag sa harap pagkatapos. "You know him baby.." sabagay nga naman. Minsan kasi. Di nya ring sinagot ang tawag nito. At nung nagkataon na nagkita sila sa bahay. Sobrang lamig ng pakikitungo na nito kay Jaden. As if, hindi ito kilala or worst hindi nakita. Ganun sya kalupit. Humagalpak pa nga ako ng tawa noon kaso natigilan din nang sitahin ako ng asawa ko. Hindi raw nakakatuwa ang ganun. Ang mas maganda ko raw gawin ay ang kausapin ang kapatid ko't ipaliwanag kung bakit hindi nito nasagot ang tawag nya. Sobrang oa kaya nya! Para dun lang?. E kasi nga. Hindi kayo pareho ng takbo ng isip Bamby. Why compare huh?. Ang kaso nga kasi. Hindi akma sa isang tulad nya ang ganung ugali. Para syang babae. O malala pa sa babae. That's the exact term for him. Mabuti nalang at itong asawa ko ay malawak ang pang-unawa at kahit naiinis na rin kay Kuya. Di pa rin nito magawang magalit sa kanya.
"What if we extend our vacation here?." suhestyon ko bigla. Wala lang. Gusto ko lang asarin lalo ang napupuno ko nang kapatid.
Napaubo ito sa pagtawa. Kasalukuyan kasi syang umiinom ng alak ng sabihin ko to. Tinapik ko ang kanyang likod ng tatlong beses. Mabuti nahimasmasan naman sya. "Wag ka naman kasing nagpapatawa. hahahahahaha.." tumawa pa ito na parang hindi makapaniwala sa nasabi ko. "Ano nalang mangyayari satin kung ganun nga ang gawin natin? haha.." di pa rin nito mapigilan ang matawa. Napapailing pa.
"Ewan. Try kaya natin nang malaman natin kung anong magiging reaksyon nya. Hahaha.."
"Nababaliw ka na naman mahal ko.." ginawa nyang isang lagok ang huling alak na nasa kupita nya tapos hinila nya ako sa baywang upang mapalapit sa kanya. He hug me sa ilalim ng tubig. At ang kanyang ulo ay nasa aking balikat. "But I like your suggestion huh.."
"So, deal?." maagap kong tanong. Pinaulan nya muna ng halik ang leeg at balikat ko bago sya umungol bilang sagot.
Gaya nga ng napagtripan lang naming plano. Nag-extend pa kami ng dalawang araw sa East Coast.
Kaya heto. Heto na ang hagupit ng bagyong Lance. Crazy!!..
"Kuya." I called him dahil namiss ko din sila. Lalo na. Si Knoa. Kaso, hindi man lang ito naghello o nag-hi. Isang nakakailang na katahimikan ang namagitan muna samin bago ko binasag ang lamig na ginawa nya. "Are you there?." tanong ko pa kahit obvious naman na nasa kabilang linya pa sya dahil panay lang ang buntong hininga nito.
"Hindi ka nakakatuwa.." may halong inis talaga ang himig nya. Tapos isang kaluskos na masakit sa tainga ang ginawa nyang tunog. I wonder. Para itong supot nang malaking junk food na ikinuyumos nya talaga malapit sa speaker ng phone nya. Nakakainis sya!. Oo na. Naiinis sya pero sagad naman na ang pagiging bitter nya! Naiinis tuloy ako!. "Naisipan nyo pang magtagal dyan ha?. Wala ba kayong mga anak?. Susme Bamby!. Wag na kayong umuwi ha?. Ha?."
Abnormal!
Haha..
Natutop ko talaga ang labi sa pagpipigil ng tawa subalit kingwa! Di ko na mapigilan pa. "Bwahahahhahaahahahahhaha!."
"Lakasan mo pa. Hindi masakit sa tainga.." sarkastiko nitong sambit kaya naman mas lalo ko pang nilakasan ito. Sinabi nya eh. Why not diba? "Ahahahahahaha!.."
"Crazy!!.." malakas nya itong sinabi bago ibinagsak ang tawag.
"Baliw daw ako?. Ahahahahahaha...sya kaya.." napapailing nalang ako sa ugali nyang ito. Ang pinagtataka ko. Kanino kaya sya nagmana?. Hindi naman ganito si Kuya Mark. Mas lalong hindi si Papa. Si Mama naman? Hindi rin eh. Ako?. Nah?. Magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Kaya nga away bati kami eh. So, saan galing ang ugali nya?. Baliw talaga! Ang sarap nyang asarin!
Kasalukuyan na kaming nag-eempake ng tumunog ang cellphone ko. May text. At sa screen. I saw his name. Mad Lance. Yan ang id name nya sa phone ko. Paano?. Laging galit, kaya hayan. LoL!.
"Seryoso ako kanina. Wag na muna kayong umuwi. Umuusok ilong ko."
"Wahahahaahahah!." napatingin sakin si Jaden. Abala ito sa pagliligpit ng mga kalat namin. Napahinto tuloy sya't tinaasan ako ng kilay. "What's going on?." tanong nya pa habang ang kamay ay patuloy sa ginagawa.
Iniharap ko sa kanya ang phone ko saka pinabasa ang mensahe ni Kuya. Matapos ay, humagalpak din sya, kagaya ko. "Seriously? Ahahaha.."
"Hmm... literal yata. Hahahahahaha.."
Imbes sundin ang gusto nya. Umuwi nga kami para hindi na literal na umusok ang kanyang ilong. Pagkarating sa bahay. Agad nya akong binato ng unan. "Why?." kunwari kong tanong.
"Bat pa kayo umuwi ha?."
"Eh kasi nga. Umuusok na ilong mo po." Haha.. Lihim akong tumawa sa likod ng aking isip.
"Psh!. Tapos wala man lang pasalubong.." dinig kong bulong nya. Pinaikutan ko sya ng mata. "Tapos umikot pa mata nya sakin. Pambihira." Psh! Para talaga syang bata!
"Wahahahaahahah!.." humagalpak na naman ako. Hawak ko pa ang tyan sa sakit nito. Nang pinawi ko ang luha saking mata. Sinabi kong, "Just check your bank account bruh.. hahaha.." dun lamang din sya natahimik. After nano seconds of his mouth half hanging. Mabilis itong pumindot sa phone at tinignan nga ang sinabi ko.
"Whaoh!.." hiyaw nya. Tumayo pa't hinawakan ang likod ng ulo. Hindi makapaniwala sa nakita. "Para san to lil sis?. Suhol?." abnoy talaga!
"For your good service po.. Haha.."
"Kanino galing?. Jaden?."
"Walang alam ang asawa ko dyan. It's from my deep pocket bruh.. Haha."
"Damn! Iba talaga kapag mayaman eh. Thanks sis.." hinalikan nito ako sa pisngi bago umalis ng sumisipol. Masaya na sya. Malamang. Hindi na rin magrereklamo pa sa kung paano nya inalagaan ang mga anak ko. It's true. Walang alam si Jaden about the money. Pera ko din naman iyon. Tsaka maliit na bagay iyon kumpara sa pagod at puyat nitong magbantay sa mga bata. It's nice to know that. Kahit na ganun sya makitungo minsan sakin. Ginagawa nya pa rin ng maayos ang duty nya bilang pangalawang magulang sa mga pamangkin. Kaya naisip kong bigyan din sya ng ganun. May pasalubong ako para sa kanya pero naisip kong kulang pa ata iyon o mas madaling sabihin na nahiya din ako sa kanya. Jaden once suggested na bigyan nga si Kuya ng pera. Para saan?. Wala lang daw. Para makapagtravel o kahit na ano. But I decline. Saka nalang kapag kailangan. Sabi ko naman. Na ngayon ko lang natanto na, mali pala. Dapat pala hindi ko kinokontra ang ginagawa nyang maganda para sa aking pamilya. Desisyon nya iyon at kailangan ko dapat din na respetuhin.
But, Bamby?. Why so stubborn huh?.
Sige na nga. Sa susunod. Di na ako kokontra pa kay Jaden. Kung anumang gusto nyang ibigay kila Kuya. Wala na sakin yun. Unless. Sa bulsa ko mismo galing yung ibibigay nya. I'm not madamot ha. Sadyang, naisip ko lang na may pera din naman sila. Mapera as a matter of fact. Kaso iba pa rin pala talaga kapag bigay. Haha.