Naging ganun ang set up namin sa tuwing papasok at uuwi galing opisina. The rumor became more noisy about the so called wife of the CEO.
"I'm curious about her look..if she's beautiful or ugh! Nah.." dinig kong sabi-sabi ng mga kasamahan namin dito sa department.
"Might be.." kibit balikat ko ng ako ang tignan ng isa sa kasama ko. "But I guess. You're more beautiful than her.."
"You talk like you know something about her huh?." sita sakin ng isa.
"I'm just guessing.. and I don't want to judge someone without looking or knowing who she really are." madamdaming saad ko. Di man nya magustuhan ang nasabi ko o kabaliktaran nun. Para sakin. Tama ang ginawa ko. Na dapat hindi tayo agad-agad humusga. Lalo na sa mga taong hindi natin minsan nakita o nakilala. Opinyon ko lang naman. It depends na siguro sa sitwasyon ng iba.
Hinayaan ko ang rumor na umikot sa opisina dahil mas mahalaga sakin ang trabaho ko. Ang mahal kong propesyon kaysa sa mga opinyon nila. "Mahal, what if maghanap ako ng ibang work place?." uwian minsan nang lumabas ito sa labi ko. Wala lang. Unintentional. Feeling ko kasi. Nagiging toxic na ang paligid. Paulit-ulit nalang sila. Para bang di sila nagsasawa.
"What?!. Why!??..." anya na nakapagpabagal sa kanyang magmaneho. Usually. Sya lang din ang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Pag nasa office lang sya. Meron syang driver. He said na it's his privacy daw and our family. Paano kaya yun?. "Sinisiraan ka ba nila duon?. Gusto mo puntahan ko?."
Mabilis ko syang pinigilan. "Nope. Hinde mahal.. walang ganun na siraan sa amin.. it's just that.. hindi maubos ubos ang rumor about your so called wife.. at nakokonsensya na ako for hiding my true identity.."
"Sa tingin mo. Anong magandang gawin to ease the rumor?."
"Reveal myself.." sagot ko sa tanong nya.
"And what would you think be the next after revealing yourself?." I don't get his point now.
"I guess.. gulo na.. sakit sa ulo.. ganun.."
"Hmm.. atleast you know that."
"What's your point then?." kasi naman. Sinagot ko lang naman ang mga tanong nya. Ang hindi lang ako makuntento ay ang dahilan bat nya pa gustong malaman ang mga iyon.
"For me.. sa ngayon.. endure the rumor Mahal ko.. kasi rumors palang naman iyon. Hanggat wala pa silang nalalaman o ebidensya tungkol sa asawa ko. Mananatili kang ligtas sa rumor na yun.."
"What if someone saw us palabas ng building?. Dun ako natatakot Jaden.."
"Tsk.. yan ka na naman sa overthinking mo eh.. Bamby, stop thinking too much para di ka na mag-alala pa. Alam mo bang hindi ako mapakali sa board meeting namin kanina dahil nagtext si Mommy mo. Hindi ka pa raw kumakain ng tanghalian. tsk.. Mahal.. please.. wag mo naman pabayaan sarili mo.. may mga anak pa tayo.. paano na sila kung wala ka?."
Napatingin ako sa kanya. At ang hulma ng sideview nyang mukha ay masyadong perpekto para sakin. Di ako nakapagpigil. Hinawakan ko iyon at pinadaan ang daliri sa kanyang panga. "Busy lang kasi ako. Kumakain kami after.." paliwanag ko.
"Next time.. iaanunsyo kong kapag lunch break na ay kailangan nasa cafeteria na lahat ng empleyado.. walang rason sakin para di ka makakain.. makakuha ka pa ng sakit sa ginagawa mo eh.." tinanguan ko nalang sya kahit na di magandang ideya ang ganun. Paano nalang kung gawan na naman nilang isyu ang maliit na bagay gaya ng ganun?. Dalawang linggo palang ako pero naiistress na ako. At sinabi ko ring. Di na ako late kakain para di na sya mag-isip pa. Baka biglang dumaan sa department namin eh. Di ko na alam gagawin pag ganun. Ang hirap pa naman nyang tanggalin ang mata nya sakin. Kahit na nasa gitna pa ako ng dagat ng mga tao. After a short drive. Dumaan kami sa may drive thru dahil etong Knoa namin. Laging bukambibig ang pasalubong nya pagkauwi naming mag-asawa.
"Mommy!. Daddy!.." sa garahe palang. Tumambad na ang malakas nitong tawag samin. Napahagikgik ako sapagkat sabay pa ang talon at turo nya sa sinasakyan namin. My heart aches knowing na he's longing for us the whole day pero di namin magawa ng kadalasan dahil sa trabaho.
"My big boy Knoa.. Come to Mommy.." bumaba ako ng sasakyan at naupo na. Inihanda ang dalawang kamay para sa paparating nyang yakap.
"Mommy, I miss you.." bulong nya sa kabila ng higpit ng yakap nito.
"I miss you too, Knoa. Naging good boy ka ba ngayon?."
Kumalas ito ng yakap sakin atsaka sumaludo na parang sundalo. "Yeah Mom.. I helped Mamita making milks for my siblings.."
Natawa si Jaden sa likod. "Is that true boy?."
Humarap naman ito sa Daddy nya. "Yes Dad.. kahit you ask Mamita.. I also play with them para di na sila magcry po.."
"Hahaha.." halos sabay kami ng asawa kong natawa dahil sa tuwa. It feels so good knowing that he's this adorable kahit na hindi kami tutok ngayon sa kanya. Sana lang. Hindi sya magbago hanggang sa paglaki nya.
"Gosh!. Finally.." si Kuya Lance ang nadatnan naming buhat si Khloe habang bumababa ng hagdan. Kasunod nito si Mommy na si Kayden ang buhat naman nya. And I guess. Tama nga si Jaden. Tama na rin siguro ang mag-isip ng sobra dahil nakakabaliw na. Kaya Bamby!. Stop that now!. Hanggat di pa lumalala yang ugali mong yan. Tigilan na!. Rumors is just a rumor.