Chereads / Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB) / Chapter 48 - Chapter 48: He's okay

Chapter 48 - Chapter 48: He's okay

Evening that day. Naging balisa ako. I haven't heard anything yet from Jaden. Kinakabahan ako sapagkat wala ako sa tabi nya. Hindi ko alam kung anong kinahinatnan ng meeting o ano. I tried calling his number. Been texted him many times. Pero ni isa sa mga yun, walang naging tugon nya. Pinatulog ko na at lahat ang mga bata. Wala pa sya.

Umupo ako sa may sahig. Hawak ang phone. Umaasa sa pagdating ng mensahe nya.

"Jaden, ano ba?. Magreply ka naman!." galit ko ng text sa kanya. I'm so desperate to talk to him. To know what's really going on. I won't judge naman if ano ang naging resulta ng lahat. Despite all. He's my beloved husband and my children's Dad. Hindi ko yata magagawang bigyan ng ibang pangalan ang karugtong ng pangalan nya.

Hindi nga ba?.

Hindi nga. Yes. I admit. Sometimes, ganun ako. Giving him judgement without knowing anything about the thing. Just like the thing about him and his secretary. Hindi pa namin ito natatapos. At paano namin tatapusin if he doesn't want to talk about it. Ang tangi nya lang sinabi sakin. "Wala ka bang tiwala sakin para tanungin mo ako ng ganyan?." I was like. Nasampal ako ng todo noon. Na parang ako pa ang mali. Mali bang magtanong?. Mali bang maging concern lang sa kanya?. Mali bang ayusin namin ang mga bagay na hindi ko maintindihan?. Bakit hindi nya kayang sagutin ang mga simpleng tanong ko?. Bagkus. Iba pa ang sinasagot nya. Bakit?. Anong ikinakatakot nya?. Ang tuluyan na akong mawalan ng tiwala sa kanya o mawala kami lahat sa kanya?. Either of the two. Hindi mangyayari yun. Unless. He'll talk to me and explain everything para naman hindi ako magmukhang tanga sa mata ng lahat.

Hindi sya umuwi.

Wala ring reply. O kahit man lang chat sa kung nasaan sya.

Dismayado ako. Sobra!

Si Knoa. Malungkot dahil tama ang hinuha nyang di na naman uuwi ang Daddy nya.

Ang sakit isipin sapagkat he's too young to feel this emotion of betrayed. Hindi man sadya. Alam kong masakit ang pinagdadaanan nya ngayon.

That's why I texted Kuya Lance. "Tuloy pala sila Mommy sa byahe kasama ng mga bata?. Get Daniel's things ready." yan. Siguro alam ni Daddy ang nangyari kaya nila naplanong ilibot ang mga bata around the world.

"Yep lil sis.. getting ready.." maagap na reply naman ni Kuya. I bite my finger nail. Hesitating if I should ask him about Jaden or just let it be this way. Pero kasi. Kung di ako magtatanong. May malalaman ba ako?. Wala. Nganga lang. Mag-iisip ako ng mag-iisip hanggang sa mapagod. "How are you?. Long time no text huh?." mag-iisang buwan na rin kasi simula nung bumalik kami rito galing Pinas. And that, naging bihira na ang kumustahan dahil sa parehong abala ang lahat. Si Kuya Mark sa ospital na pinapasuksan. Ganun din ang asawa nya. Si Kuya naman. Naging mailap na rin simula nung nagkabalikan na sila ni Joyce at may Daniel pa. Ako naman. May kambal. Actually we have group chat. At duon nalang pinapadala ang utos at request ng bawat isa. Nawala ang 'okay ka lang ba' o 'ayos lang ba ang araw mo' sa mga tanong nila. I got that. We are too old for that. Pero masyado na nga ba kaming matanda para sa ganun?. Kaya siguro ngayon nya nasabi ang long time no text kasi it's a private message na.

"Oo nga eh. Can I call you?.. I miss you na Kuya.." rinig ko sa pandinig ko ang boses ko habang sinasambit ito.

"Sorry lil sis... can I call nalang later?.. hawak kasi ni Dan-dan ang phone. Hinihiram ko lang pag rinig kong may chat.."

Nalungkot ako.

"Ang kuripot naman kasi.. bat di nya nalang bilhan ng bagong phone para hindi excuse ang mga ganito.. psh!.. palusot nito minsan.." kausap ko ang sarili ng makatanggap ng text galing kay Joyce.

"Jaden is here.." nagulat ako. As in. Natigilan. Napatayo rin ako ng wala sa sarili.

"Wait!. What!?.. is that true?!." mabilis pa sa ihip ng hangin ng ipu-ipo ang naging pagtipa ko.

"Shhhh.. yeah.. he's here.. kanina lang dumating.. anong nangyari?. May problema ba?." she replied.

Ano?. Kung kanina lang dumating. Ibig sabihin. Kahapon pa sya bumyahe patungo roon?. Bakit?. Bakit duon sya dumiretso at hindi dito?. Bakit hindi nya ako kinakausap at sa ibang tao sya lumalapit?. Anong ayaw nya sakin na hinahanap nya sa iba?.

Isip Bamby?. Anong wala sa'yo na meron sila?.

Ano nga ba?.

"He's running away from me." I feel like, my heart who did typed this message. Hindi ko na kasi inisip kung anong itatype ko. Basta hinayaan ko nalang ang mga daliri kong magtipa.

"Really?. Why?."

"Long story dear Joyce.." gusto kong sabihin sa kanya ang lahat kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"It's okay.. siguro pag nagkita nalang tayo.. kwento mo sakin.."

"Of course.. my concern is him.. how's he?. Is he okay?. or what?." hindi ko na muna pinansin ang chat ni Kuya. Ang asawa nito ang priority ko dahil alam ko sa sarili kong, may sasabihin sya kapag sa kanya pa ako nagtanong. I know him. Pagagalitan nya ako yan kahit kilala nya kung sino samin ang mali. Hindi ko nga alam e. Kung bakit naging takot na akong marinig ang katotohanan ngayon kaysa noon.

"He's kind of... okay.." I heard of her hesitant voice.

"I wish.. he is.. hindi ko na kasi alam ang gagawin.. nasasaktan ako dahil di nya sinasagot tawag at text ko.. parang wala akong halaga sa kanya.."

Sa naging tugon ko. Di na sya nagreply. Baka busy na rin. O baka, pati sya, naawa na sa akin.

Dumating sila Mommy para sunduin ang Knoa. After leaving. Papunta na rin sila kila Kuya para sunduin ang Daniel. I wanna go with them. Gusto kong idahilan na sumama para paalalahanan pa si Knoa. But Mom already assured me that he'll be okay with them. Kaya wala na akong nagawa kundi ang kagatin nalang ang ibabang labi. Pinipigilan ang pagtulo ng luha saking mga mata.

"Don't worry my dear.. Knoa will be fine.." hinalikan nya ako sa buhok ko't niyakap. "Everything will be alright.." wala man syang banggitin about what's really going on today. Sa sinabi palang nya. Kinumpirma na rin nyang mayroon nga. "Jaden we'll be okay.." huling sabi nya bago sila sumakay ng sasakyan nila. Dito na rin nahulog ang kanina pang nagbabadyang luha. I think. They saw me wiping away my tears through their side mirrors. I hope so that he's okay.

Ako kaya?. Okay lang din ba?.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag